Lumipas lamang ang segundo at narinig ko na ang malakas na ugong na nagmumula sa itaas. Sabi ko na nga ba at aatake ito agad eh. Habang hinihintay ko itong bumaba ay pinalitan ko muna ang aking sandata ng mas matalim na katana, ibinaliko ko na sa invetory ang dalawa kong katana at napatingin sa itaas.
Isang malakas na pagsabog ang aking narinig mula sa itaas at kasabay nito ang pagbagsak ng ilang mga debri.
Agad na lumapag sa aking harapan ang isang napakalaking gagamba na sa tingin ko ay kasing taas ng anim na palapag.
“I didn’t know that you existed in this game,”bulong ko habang nakatingin sa aking monitor. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi at nagpatuloy lamang sa paglalaro.
Mas lalong umungol ng sobrang lakas itong gagamba at siya naman ang pagbaba ng mga langgam mula sa itaas.
“Oh? Ang dami niyo pa pala pero nagtatago kayo sa likod ng halimaw na ito,”muli kong bulong, “Pwede naman kayong magpakita sa akin lahat, handa naman akong patayin kayo.”
Walang pagda-dalawang isip ay agad kong inatake ang mga alagad nito. Hindi ko pa ginagamit lahat ng skills ko, tanging basic skill set lamang pero heto at malapit na maubos ang mga langgam nakasama ng malaking gagamba.
“I thought you are strong. It seems like you are dependent,”nakangisi kong sambit.
Sa ibang laro, ang katulad niyang gagamba ay isa sa mga pinakamahirap na patayin na halimaw. Bukod sa kaya niyang kontrolin ang mga kagaya nitong langgam, kaya rin nitong kontrolin ang iba pa. Isa sa skills ng gagamba na ito ay ang manghipnotismo ng ibang halimaw.
Kahit orcs or any higher monsters, kayang-kaya nitong kontrolin ng walang kahirap-hirap. Mabuti na lang at malayo ito sa ibang halimaw. Kung hindi ay, wala ng pag-asa na masalba pa itong gate na ito.
Patuloy lamang ako sa pag-atake sa kaniyang alagad hanggang sa tuluyan na silang na ubos.
Isang malakas na sigaw ang aking narinig mula sa kaniya habang unti-unting pumupula ang kaniyang mga mata.
“Oh? You are angry, are you?” Tanong ko rito.
Akala mo talaga ay sasagutin ako ng halimaw na ito kahit hindi naman.
“Do you know why it is important to stay calm?” Tanong ko sa kaniya. Pagkatapos nitong sumigaw ay bigla na lang siyang tumakbo patungo sa akin at dumura ng sapot. Ayaw na ayaw ko talaga sa lahat ang umaatake na lang basta-basta kahit nagsasalita pa ako.
Isang imahe ng babae ang bigla na lamang sa aking isipan na naging dahilan ng pagkunot ng aking noo.
“At why did I think of her?” Tanong ko sa aking sarili, “Oh, right, she keeps on talking to me kahit may ginagawa ako kaya mas lalo akong na inis sa kaniya. That explains why.”
Agad akong umiwas sa kaniyang atake at tumalon, at habang nasa taas ako ay agad kong inactivate ang stealth na skill ko at umiba ng pwesto. Pinosisyon ko ang aking dala-dalang sandata at bubulusok na sana nang bigla itong tumalon at kumapit sa dingding.
“What?”
That guy has seen my stealth? Mas sumama ang timpla ng aking mukha habang nakatingin sa kaniya. Tinanggal ko na lamang ang stealth at tumakbo patungo sa kaniya.
Kung nakikita mo ang ganoong atake ko, pwes, gagawin ko ang lahat upang matalo kita at makita kung anong klaseng drop items na mayroon ka. Hindi ako ganito mahihirapan sa pagpatay sa iyo kung wala kang magandang item sa katawan mo.
And, mind you, kapag may na gustuhan ako ay talagang nakukuha ko ito. By hook or by crook.
Mabilis akong tumakbo patungo sa kaniya at agad na inactivate muli ang stealth ko at tinaggal ang aking amoy.
Doon ko nakita ang confusion sa mukha nito. Now I know, hindi mo talaga ako nakikita but instead, naaamoy mo lamang ako. Isang ngiti muli ang gumuhit sa aking labi at tumakbo patungo sa likod nito, ngunit laking gulat ko na lang at biglang bumukas ang kaniyang likod.
Isang malaking bulaklak ang nasa likod nito nay may mahahabang galamay na patungo sa akin.
This is a bad idea.
Agad akong umiwas at tumakbo sa gilid. How did this happen?
I mean, is this even possible? What kind of monster is this?
Flora is a one-of-a-kind monster. Kaya laking gulat ko at fused ang dalawang malalakas na halimaw sa iisang katawan. If this is the case, I don’t think I can defeat it agad.
What should I do?
Using stealth attack, this spider can’t sense me but flora can. What does flora can’t do?
Wait. Her tentacles.
Walang pagdadalawang isip ay pinalitan ko na ang aking sandata ng dalawang katana at mabilis na inatake ang dalawang halimaw.
Isang malakas na ungol ang binitawan nito pero wala akong pakealam. Patuloy lamang ako sa paglapit hanggang sa inatake ako ni Flora gamit ang kaniyang mga galamay. Hindi naman ako nagdadalawang isip na putulin ito at agad na tinusok ang kaniyang bibig.
Patuloy lamang ito sa paglaban sa akin hanggang sa tuluyan ng mawala ang kaniyang lakas at namatay. Isusunod ko na rin sana ang gagamba ngunit na gulat na lamang ako ng bigla na rin siya bumagsak at naging bato. Anong nangyayari? Huwag nilang sabihin na ang halimaw na ito ay konektado lamang sa Flora?
Ibig sabihin ba ay ang flora ang nagbibigay buhay sa gagamba?
Teka, alam ko na, hindi ang gagamba ang komokontrol sa mga halimaw, kung hindi ay ang flora. Isa ito sa mga infectious plants sa world of game. Kagaya sa gagamba, kaya nitong kontrolin ang mga halimaw sa paligid pero, ang pinagkaiba nga lang nila ay hindi agad malalaman ng kalaban kung ang flora ba ang kumokontrol sapagkat magaling ito magtago sa likod o sa katawan ng kanilang biktima.
Unti-unti akong lumapit sa bangkay at kasabay din nito ang paglabas ng isang equipment na ngayon ko lang nakita. Mukhang ngayon ko lang yata ito nakita ah?
Isang congratulations window ang lumabas sa aking screen.
“You have slain the 3rd boss.”