3rd boss? Ibig sabihin ba nito na mayroon pang ibang boss bukod sa halimaw na ito? Kung gayon, ano kaya ang iba pa nilang drop items? Gusto ko tuloy sila puntahan at patayin para makita agad. Sigurado ako na sobrang mahal ng mga items na iyon at panibagong pera na naman ito para sa akin.
Pagkatapos ko siguro makuha ang items na gustong kunin ng client ko ay isusunod ko na ang mga bosses sa gate na ito.
Tapos na rin ako sa pag-eensayo. Siguro naman ay handa na ako para sa event, pupunta muna ako sa bayan at alamin ang kabuuhan nito, hindi maaring basta-basta na lamang ako aatake na parang hindi importante sa akin ang lahat ng pinaghirapan ko. Alam kong magiging mahirap ang event na ito, hindi lamang dahil sa nakikita ko ang iba kong mga kakilala na sobrang abala sa pagbili ng mga equipments pero dahil nandito rin si Dragoon.
Sa pagkakaalam ko, sa oras na tinraydor ako nito. Bigla na lang siya tumigil sa paglalaro at bumabalik lamang ito para sa mga malalaking events. Ngayon, dahil nandito na siya, ibig sabihin ay isa ito sa mga malaking events ng Hunter Dynasty.
Isa pa ang equipment din na napapanalonan sa larong ito ay hindi basta-basta. Ngayon ko pa lang narinig ang equipment na sinasabi nila at nang basahin ko kung anong klaseng mga items ito ay hindi ko mapigilan ang mamangha. Siguro, kung hindi dahil sa aking client ay hindi ko malalaman na may ganitong event pala ang hunter dynasty.
Wala akong balak na baliin ang tiwala ng aking Client, kahit gusto ko rin mapasa-akin ang award na iyon, hindi naman pwede. Binayaran ako nito ng tama para lamang makuha ko ang award, kung kaya ay dapat lang na maglaro ako ng patas at ibigay sa kaniya ang nararapat na para sa kaniya.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang items sa aking inventory.
Kahit na hindi mapupunta sa akin ang award na iyon, maganda naman ang item na nakuha ko sa boss na ito. Isa pa, marami pang boss sa gate na ito. Pagkatapos ko sa misyon ay maaring dumeritso ako rito at patayin ang lahat ng boses. Sa oras na mapatay ko silang lahat, maari na akong tumigil sa paglalaro nito.
Hindi ko kasi alam, baka makita ko na naman si Dragoon at magbabalak na naman ako nitong kausapin. Ayaw na ayaw ko na siyang makasama pa o kahit makausap man lang.
Abala ako sa pagtitingin sa announcement board nang muling narinig ko ang notification sa gilid.
“Bakit daw hindi ka pumunta sa guild para mangumusta.”
Dragoon.
Heto ka na naman ba? Bakit ba ayaw mo akong layuan. Nananahimik lamang ako rito at naglalaro ng walang binibigyan ng problema tapos heto ka at magpapapansin? Ano ba? Kulang ka sa pansin ng magulang mo?
Huminga ako ng malalim at pinindot ang x sa ibabaw ng chat. Nagpatuloy lamang ako sa pagbabasa ng event na mangyayari mamaya.
Ang paparating na event ay hanggang 3 days lang. Kung sino ang unang makatapos sa misyon ay siya ang magiging panalo.
Misyon?
Ang bawat misyon ay magde-depende sa iyong scores na nakuha mo. Kapag mas mataas ang scores, mas mataas ang points at rate ng misyon mo. Ibig sabihin, mas magiging mahirap ito kumpara sa ibang misyon. Kapag mas mahirap, ibig sabihin ay mas mayroong malaking tsansa na mapupunta sa akin ang premyo na gustong-gusto ng aking client.
“Look, I know I betrayed you before and I am really sorry. I have to do it for the equipment that I have been wanted to get. Hindi ko makukuha iyon kung hindi ko gagawin sa iyo yun. Akala ko ay maiintindihan mo ako at hahayaan mo akong magpaliwanag pero mali ako. I know, naging selfish ako. Sana mapatawad mo pa ako.”
What is with this sh-t? Bakit kailangan ganito pa kahaba? Isa pa, bakit parang sad boy na sad boy yata ang datingan ng taong ito sa akin? Wala naman akong ginagawa ah? Tahimik na nga lang ako. Gusto ba niya na pansinin siya ng lahat?
“I am really sorry. Sana naman ay kahit isang beses mag-reply ka.”
Minsan, napapa-isip ako na isang babae itong kausap ko.
Kagaya ng ginawa ko kanina, agad kong sinarado ang conversation namin at nagpatuloy sa pagbabasa. Ilang minuto ang nakalipas at na tapos na rin ako. Wala naman masiyadong impormasyon sa laro pero ayos lang din. Alam ko na kung ano ang gagawin.
Sa katunayan niyan ay isa sa mga misyon nito ay na tapos ko na. Iyon ay ang pumatay ng isang boss sa gates. Mabuti na lang pala at nag-ensayo ako, kung hindi ay mahihirapan pa ako sa paghahanap ng boss na walang kumakalaban. Kawawa naman pala ang mga player mamaya.
Abala lamang ako sa pagsto-stroll sa bayan ng bigla akong makaramdam ng uhaw. Tatayo na sana ako para abutin ang bottled water nang bigla na naman mag-chat itong si Dragoon. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kung kaya ay napagpasiyahan ko na mag-reply na lamang sa kaniya. Wala akong mapapala rito pero hindi naman matatahimik ang buhay ko kung hahayaan ko lamang siya.
“I really don’t care about you or about the things that you have done. Just leave me alone, I am playing here quietly. If you want me to forgive you, then kindly leave me alone, again. I really hate to be bothered especially with someone like you. Are we clear?”
I know that I am being to harsh and cold but what can he or she do to my trust? It’s already broken and can’t be fixed.
Sinarado ko na lamang ang chat namin at kinuha na ang bottled water. Mabuti naman at tumahimik na rin ang isang ito at hindi na kailanman na isipan pa magsalita. Hindi na rin siya nag-reply sa chat ko na sobrang ikinasaya ko.
Tahimik lamang ako na nakatayo sa harap ng fountain sa gitna ng bayan habang nagbabasa ng chat nila sa world chat.