Agad akong umikot at hinanap ang taong ito. Hindi naman ako na bigo nang bigla na lang may tumago sa isang poste.
“What are you doing?” Taas kilay kong tanong sa babaeng sobrang pamilyar sa akin, “I know you are there so better show yourself.”
Hindi naman nagtagal at unti-unting lumabas ang babae. Pagkatapos ay nagda-dalawang isip itong lumapit sa akin o tumingin man lang sa gawi ko. Seryoso ba siya sa pinaggagawa niya?
“What do you want?” muli kong tanong.
Mabuti naman at ginawa nito ang pakiusap ko pero hindi yata kami matatapos kung hindi siya magsasalita.
“Ano? Bilisan mo at aalis na ako. May kailangan pa akong gawin. Hindi lamang ikaw ang dapat kong pagkaabalahan sa mga oras na ito,”malamig kong tugon at tatalikod na sana nang bigla na lang siya nagsalita. Mabuti naman kung ganoon dahil wala akong plano na bigyan pa siya ng kahit isang minuto.
“Alam ko na galit ka sa akin, at dahil iyon sa ginawa ko,”ani nito.
“Hindi lamang dahil sa ginawa mo kung hindi ay sa iyo talaga mismo,”sumbat ko rito, “Wala akong pakealam sa iyo at wala akong pakealam sa kung ano man ang ginagawa mo sa buhay mo. Sa akin lang ay tantanan mo na ako at isipin mo ang sarili mo.”
“Hindi. Gusto ko lang naman sana makipagkaibigan,”malungkot nitong paliwanag, “Hindi ko naman alam na ayaw mo pala sa mga katulad ko. Pasensiya ka na.”
Mabuti naman at ngayon ay alam na niya dahil, sa wakas ay maiiwasan ko na rin ang katulad niya.
“Kung alam mo na naman pala, huwag ka na lumapit pa,”sambit ko at tumalikod.
“Teka!” pagpigil nito sa akin, “Bago ka umalis at bago ako lumayo sa iyo. Maari mo bang gamitin ang headset na ibinigay ko? Kahit iyon lang. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob.”
Oh?
“Paano kapag hindi ko ito ginawa?” Tanong ko sa kaniya.
“Hindi ako titigil hangga’t hindi--.”
Hindi ko na ito hinayaan pa magsalita at kinuha ang ibinigay nito sa aking bulsa. Mabilis ko itong sinuto at tinignan siya, “Ayos na ba? Pwede mo na ba akong tantanan? Suot-suot ko na, may problema pa?” tanong ko rito at tuluyan na siyang tinalikuran.
Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa harap ng aking bahay. Agad akong pumasok sa loob at itinapon ang headset sa sofa. Mabuti na lang at dinala ko ito, kung hindi ay baka hindi na ako tantanan ng taong iyon.
Agad akong dumeritso sa aking higaan sabay pikit ng aking mga mata upang matulog na. Isang napakahabang araw para sa isang katulad ko.
Dahan-dahan akong nilamon ng kadiliman hanggang sa tuluyan na talagang wala akong makita.