Dumating na rin ang umaga, at na gising din naman ako. Ito siguro ang mga panahon na bihira lang mangyari sa akin. Ang mga panahon na ito ay ang mga panahon na gumigising ako ng maaga, hindi gising pa ng maaga, kung hindi gumigising ng umaga.
Kasi naka sanayan ko na nag maglaro mula gabi hanggan abutin ako ng umaga sa pag lalaro, saka na ako matutulog pag nakikita ko na ang pag sikat ng araw, kung dadating na ang sikat ng araw siya ring oras ng pag higa ko at pag pahinga ko. At yang tulog ko ay abot na yan hanggang sa hapon o kaya minsan gabi na ako makaka gising.
Kaya medyo hindi lang ako sanay na magising ng maaga, pero tumayo pa rin ako at hindi na natulog muli. Sinubukan ko kasi nuon na matulog muli ngunit mas napagod tuloy ako nung gigising na ako dahil sa sobra kong tulog.
Inayos ko na ang aking higaan at dumiretso na agad ako sa baba. Pagka baba ko ay agad akong pumunta sa kusina at nag hanap ng kung anong pwede kong lutuin para sa aking agahan.
Para maiba naman para sa agahan ko ay kumuha ako ng isang de lata ng luncheon meat at binuksan ito, pagkatapos ay hinawa ko ito ng pa cubes. Kumuha naman ako ng dalawang itlog at binaak ito, nilagay ko ang laman ng dalawang itlog sa isang bowl. Pagkatapos ay hinalo ko ang itlog dahil gagawa ako ng omelette. Sinimulan ko na rin ang pag init ng mantika sa kawali. Ng matapos na ako mag halo ng itlog ay kumuha ako ng limang cloves ng bawang at isang buong sibuyas. Hiniwa ko ang mga ito ng mga maninipis at maliliit.
Nang mainit na ang mantika ay nilagay ko na ang bawang muna at inantay ito mag golden brown, pagkatapos ay nilagay ko na rin ang sibuyas sunod, ng makita ko pumuti na ang sibuyas ay nilagay ko na ang luncheon meat na hinawa ko ng pa cubes. Ng maluto luto na ito ay binuhos ko na ang itlog at hinalo ito habang hinanaan ko ang apoy para hindi ito masyadong ma init. Ng medyo tumitigas na ang itlog ay tinoklop ko na ito para maging omelette.
Pagkatapos ko mag luto ay nilipat ko na ito sa plato ko, hindi ko na ito nilagay sa ibang plato para hindi na marami ang mga huhugasin ko pagkatapos. Nilagay ko na na agad ang kawali sa lababo ng sa ganon ay hindi ko makalimutan na hugasan ito.
Pagkatapos ay nag hain na ako ng kanin sa plato ko at kumuha ng kutsara at tinidor, pumunta na agad ako sa lamesa at umupo at simula ng kumain.
Medyo na pa rami din ang nakain ko na kanin sa niluto ko. Pero wala namang problema sa akin yun kasi dapat naman talaga na marami ang pagkain ko sa umaga.
Dinala ko na ang pinggan ko sa lababo at doon nanghugas na ako ng pinggan. Pagkatapos ko mag hugas ay nilagay ko ang mga pinggan sa tray na para patuluin ang mga pinggan na nahugasan ko. Hindi ko rin nakalimutan na hugasan ang kawali, mabuti nalang at nababad ko ito sa tubig ng sa ganon ay hindi tumigas ang mga itlog, bawang, sibuyas at luncheon meat na naiwan sa kawali.
Pagkatapos ko manghugas at kumain ay pumunta ako sa sala kasi sobrang aga ko ngayon na gumising, hindi ko alam kung anong gagawin ko. At doon ko nakita ang headphones na pinilit na ibigay sa akin kahapon. Kinuha ko ito at isinuot ko ito sa ulo ko. Kahit naman nakaka inis yung nag pupumilit na tao sa akin kahapon na kunin ang headset, ay at least maganda ang pagkaka gawa ng headset na ito. Pero kaso lang mas maganda ang headset na nasa desktop PC ko.
Kaya tinanggal ko uiit ang headphones at tinapon ko lang sa sofa, hindi ko naman ito gagamitin dahil mas maganda ang headphones ko sa desktop PC ko, at mas madali itong gamitin kaysa nuong headphones na nasa baba.
Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko at binuksan ko ang pc ko. Habang nag aantay naman ako sa desktop PC ko matapos mag start up ay pumunta na ako sa aking banyo at kumuha ng toothbrush. Magsisipilyo kasi sana ako dahil kakagaling ko lang kumain, para din malinis ang bibig ko at hindi mabaho.
Ng matapos na ako mag sipilyo ay pinunasan ko muna ang aking mukha sa lahat ng tubig at toothbrush. Pagkatapos ay pumunta agad ako sa desktop PC ko at ka agad ko hinanap ang launcher ng laro na Dynasty Hunters.
Nang mahanap ko na ay ni launch ko ang app at nag log in na rin ako sa laro. Nang maka log in na ako ay kaagad ako nag check sa character ko sa inventory ko kung may nawawala. Mabuti na lang ay wala rin naman nawawala na bagay.
Dumiretso agad ako sa guild house, binati naman ako ng reception NPC.
“Good Morning and Welcome to the Guild!” Bati nito sa akin. Hindi ko naman siya kina usap at pumunta na agad ako sa quest board. As usual ay kumuha na ako ng napakaraming hunting missions at kung may sobrang slots pa ako ay kumuha na rin ako ng mga extermination mission para makompleto ang mga max quest na pwede ko kunin.
Pumunta agad ako sa harap, sa receptionist NPC at binigay ang mga quests na dapat ko gawin, at inaccept nya naman ito. Kahit nag namamadali ako ay pumunta muna ako sa blacksmith para irepair ang mga items na suot ng saganon ay hindi ito masira at maiwasan ang pag bili ng mga bagong equipment at weapons.
Pumunta rin ako sa potion shop para mag refill ng isang stack ng health potions at mana potions. Tumingin tingin din ako kung may nakita ba ako na gusto ko bilhin ngunit as usual wala naman. Pagkatapos nito ay dumiretso na agad ako sa Green Mountain para simulan ang mga quests ko.