"KUMUSTA na kayo diyan, Nay?" tanong ko sa nanay ko habang nag-video call kaming dalawa. Nagbabantay siya ng tindahan habang ako ay nandito sa bahay ni Master Vladimir. Tulog si Master kaya lumabas ako ng kuwarto niya para kausapin si nanay. "Okay naman kami rito? Kumusta si Vladimir?" "Nakakapaglakad na siya ng medyo mabilis ngayon. Hindi na raw masakit ang paa niya." "Naku, ibig sabihin niyan malapit ka ng bumalik sa ospital. Kung ako sa 'yo anak akitin mo na si Vladimir." Namula ang mukha ko. Mabuti na lang at may airpod ako habang kausap si nanay. Nakakahiya kung may makarinig sa kanya. "Nay, nakakahiya naman ang sinabi mo." "Alam mo tingin ko may gusto sa 'yo ang amo mo na 'yan kaya kung ako sa 'yo akitin mo na. Sayang naman kung sa iba magkakagusto. Isa pa, kailangan ka niya pa