VLADIMIR'S POV "TUMIGIL na kayo!" narinig kong na sumigaw si Rhi, ngunit hindi ako nagpapigil. Gusto kong lumpuhin si Joseph sa sobrang galit ko. Biglang tumakbo si Rhi kaya tinulak ko si Joseph para sundan si Rhi. Hindi naman nagpatalo si Joseph. Tumakbo rin siya para sundan si Rhi. "Rhi!" Halos panawan ako ng ulirat nang makita ko si Rhi tumawid sa kalsada. Bagamat nakapagpreno ang kotse nahagip pa rin siya. "Rhi!" Tumakbo ako palapit sa kanya. Rhi!" sigaw ni Joseph na biglang nawala ang pagkalasing. "Rhi! Wake up!" Umagos ang luha ko habang naghihintay kami ng ambulansya. Mas lalo akong natakot dahil dugo sa katawan niya. "Tulong! Tulungan n'yo kami!" sigaw ni Joseph. Lumabas sina Vander at nakita niya si Rhi na nakahiga sa kalsada. Marami na rin tao na nakatingin sa amin. "