"Arthur, alam mo bang mali ang ginawa mo?" sabi kay Arthur ng tumigil na siya sa pag-iyak. Yumuko siya. "Sorry po Nurs Rhi, alam kong mali ang ginawa ko." Sinuklay ko ang buhok niya. "Huwag mo ng uulitin 'yo dahil baka sa susunod hindi ka na makauwi maging palaboy ka na lang o kaya may masamang tao na kumuha sa 'yo." "Hindi ko na po uulitin ang ginawa ko. Si Mommy kasi bigla na lang siyang umalis." Huminga ako ng malalim. Naawa ako kay Arthur dahil sa murang edad niya ay naranasan niya ang ganitong bagay. Hindi niya dapat narinig ang sinabi ni Georgina totoo o hindi. "Huwag kang mag-alala mahal naman kita kaya 'wag ka ng malungkot." Tumulo ang luha ni Arthur at niyakap niya ako. "Nurse Rhi, ikaw lang ang nagmamahal sa akin hindi ako mahal ng parents ko dahil ampon lang nila ako." "S