GEORGINA'S POV "MOMMY!" Sigaw ni Arthur habang umiiyak. Nakataas ang kanang kilay ko habang naglalakad palabas ng mansyon ng pinsan ni Vladimir. Pumunta ako rito para makita si Vladimir at hindi si Arthur. "Mommy!" sigaw ni Arthur. Dahil tumakbo siya kaya naabutan niya ako. Hinarang niya ang dadaanan ko. "Mommy, bakit mo ako iniiwasan?" sabi niya habang umiiyak. Umikot ang eyeballs ko. "Arthur, 'wag kang humarang sa dadaanan ko." "Mommy, miss na miss na kita." Hahawakan niya sana ako ngunit nilayo ko ang katawan ko. "Huwag mo akong hawakan!" Inis kong sigaw. Mainit na nga ang ulo ko dahil hindi ko naabutan si Vladimir. Dumagdag pa ang ampon na bata na 'to." "M-Mommy." Dinuro ko siya. "Bakit ba ang kulit-kulit mo?! Sinabi ko sa 'yo na lumayo ka!" Waterfalls ang luha ni Arthur.