"Kumusta ka naman diyan, anak?" tanong ni Nanay ng makipag video call ako sa kanya.
Pilit akong ngumiti para itago ko ang pangungulila ko sa kanila. "Okay na okay po ako rito. Kumusta naman kayo diyan. Nakapagbayad na ba kayo sa pinadala kong pera sa inyo."
"Ate! Bilhan mo ako ng bagong sapatos at bag," wika ng bunso kong kapatid na si Richie.
"Sa susunod na buwan na lang kasi dalawang buwan pa lang ako sa trabaho ko."
"Anak, dagdagan mo naman ang padala mo dahil kulang na kulang ang pinadala mo. Ayaw pumayag ni Karlito na bawasan ko ang binabayad ko sa pagsangla ng lupa natin.'
Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi ni Nanay. Ang akala kasi nila ay cargiver ako na may malaking sahod.
"Sa susunod na buwan ay malaki ang ipapadala ko sa inyo. Basta lagi kayong mag-iingat."
"Sige, anak."
"Puputulin ko na ang tawag ko dahil gising na ang inaalagaan ko, bye!" Sabay putol ko ng tawag.
Huminga ako ng malalim sabay punas ko ng luha. "Kaya mo 'yan!" sabi ko sa sarili ko. Tumayo ako at bumalik sa puwesto ko para ipagpatuloy ang paglilinis ng kisame.
“Rhi, pinapatawag ka ni Madam,” tawag sa akin ng kaibigan at co-workers ko isang OFW din dito si Amerika.
Huminto ako sa paglilinis ng lababo at pinunasan ko ang kamay ko saka inalis ang apron ko. “Bakit daw?” tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako dahil baka mali naman akong ginawa. Noong isa araw lang ay napagalitan ako dahil nasira ko ang salamin nila. Bigla kasing may nagsalita pagkatapos ay bumukas ang pintuan. Sabi ng kasambahay kong Filipina si Alexa raw ang nagbubukas ng mga bintana at mga ilaw. Malay ko bang multo si Alexa. Sa probinsiya namin kinakatakutan ang multo dito sa Amerika inutusan nila.
“Baka ipa-deport nila ako sa Pilipinas. Ang sabi ko pa naman sa Nanay ko patatayuan ko sila ng mansyon.”
“Gaga! Bakit mo naman sinabi sa Nanay mo iyon? Hindi mo ba sinabi sa Nanay mo na hindi caregiver dito?”
Umiling ako. “Hindi ko sinabi kasi pinagyabang na niya ako sa mga kapitbahay namin. Ang sabi kasi ng recruiter ko ay caregiver ang papasukan ko. Nag-aral pa akong maging caregiver kasambahay naman pala ang bagsak ko.”
“Huwag mo ng isipin ang bagay na iyon. Ang mahalaga kumukita ka ng pera. Swerte ka pa rin dahil mabait ang amo natin at hindi tayo nahihiraman magsalita ng english dahil Filipina ang amo natin at mabait.”
Totoo naman ang sinabi ni Ate Coring, mabait ang amo naming babae. Hindi ko lang alam kung mabait ang mga anak niya.
“Sana hindi ako pagbayarin sa nabasag kong salamin.”
“Puntahan na mo na si Madam.”
Tumango ako saka pumunta sa kuwarto niya. Nasa second floor ang kuwarto niya kaya habang papunta ako ay bumibilis ang t***k ng puso ko.
Kaya mo ‘yan ‘wag kang susuko.
Dahan-dahan akong kumatok sa pinto ng kuwarto ng Amo ko saka hinintay siya magsalita.
“Come in.”
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kuwarto ng amo kong babae. Nakita ko siyang naglalagay ng makeup sa mukha niya.
“Madam, sorry po kung nabasag ko ang salamin nagulat po kasi ako akala ko may multo.”
“Don’t worry it’s only five hundred U.S dollar,” sabi niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.
Sa tono ng boses niya mukhang balak niyang kaltasin sa sahod ko ang nabasag kong salamin.
“Sorry po.”
“Rhi, hindi ba’t certified caregiver ka?”
Tumango ako. “Iyon po talaga ang inaasahan kong trabaho kaya ako nandito sa ibang bansa.”
“Tamang-tama hindi na ako maghahanap ng caregiver. Ikaw na lang ang gagawin kong caregiver sa anak kong lalaki.”
“Po? Bakit po anong nangyari sa kanya?”
“Na-aksidente siya sa pagmamaneho at nabulag. Ngayon kailangan niya ng mag-aalaga sa kanya. Walang tumagal sa kanyang nurse kaya naisip kong ikaw na lang ang kunin tutal caregiver ka naman.”
“Madam, paano po ang trabaho ko rito?”
“Hindi ka na magta-trabaho rito. Ang tanging babantayan mo na lang ay ang anak ko.”
Tumango ako. “Okay po. Madam.”
“Wala ka bang itatanong sa akin?”
Gusto ko sanang itanong ang tungkol sa sahod ko ngunit nahihiya ako sa kanya.
“Hindi mo ba itatanong sa akin ang tungkol sa sahod mo?”
“Iyon nga po sana ang itatanong ko nahihiya lang ako”
“Huwag kang mag-alala kung anong sahod ng caregiver dito sa Amerika ay ganon din ang sahod mo.”
Lumapad ang ngiti. “Wala ng bawian ‘yan, Madam.”
Tumango ang amo ko saka ngumiti. “Basta pagbubutihin mo ang trabaho mo at sana habaan mo ang pasensiya mo sa kanya.”
“Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para alagaan siyang mabuti.”
“That’s good, pupunta siya rito bukas para pansamantalang tumira kaya habang nandito siya ay aalagaan mo na siya. Mula bukas ikaw na rin ang personal na mag-aalaga sa kanya.”
“Okay po, Madam.”
“Good, puwede ka ng umalis.”
Yumuko ako. Thank you, Ma’am.” Tumalikod ako at lumabas ng kuwarto. Nang makalabas ako ay tumili ako sa sobrang tuwa ko.
“Yes! Yes!” sigaw ko.
“Oh, bakit masaya ka?” tanong ng isang Filipinang kasambahay ko.
Ngumiti ako sa kanya. “Caregiver na ako simula bukas.”
“Oh, kanino raw?”
“Sa anak ng ni Madam.”
“Good luck sa iyo sana makayanan mong pagtiisan ang ugali ng anak niyang lalaki.”
Napawi ang ngiti ko. “Bakit naman? Englishero ba?
Tumango si Lala. “Isang beses ko pa lang nakita si Sir. Vladimir, pero masasabi kong sobrang suplado niyan isang araw pa lang siya rito sa bahay ni Madam, pero ang stress naming lahat dito ay parang isang taon na. Kaya siguro walang tumagal na nurse sa kanya dahil sa ugali niya.”
“Okay lang, ang mahalaga sa akin ay caregiver na ako at malaki na ang sahod ko.”
“Good luck sa iyo. Ipagdadasal kita gabi-gabi.
“Kaya ko ‘yan, kailangan ko pa lang mag-ipon ng english para handa ako bukas sa pagdating niya mukhang mapapalaban ako ng english sa kanya bukas.”
“Pupunta siya bukas dito?”
Tumango ako. “Iyon ang sabi ni Madam sa akin bukas daw pupunta ang anak niya.”
“Naku, kailangan kong sabihin sa iba na pupunta si Sir. Vladimir.” Tumakbo ito pabalik sa kusina.
“Anong problema niya?”
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko sa kusina habang ang dating mga kasambahay ay hindi magkandauga-uga mga gawaing bahay dapat ayusin. Maging ang mga pagkain na kakainin ng anak ni Madam ay inilista nila.
“Rhi, bakit nakaupo ka lang diyan? Hindi mo ba kami tutulungan?” tanong ng isang katulong.
“Ano ba ang gagawin ko? Malinis na ang lahat.”
“Linisin mo ang kuwarto ni Sir. Vladimir.”
“Yung pangatlong kuwarto ba sa second floor?” tanong ko.
Tumango siya. “Yes, kailangan walang kahit alikabok na makikita si Sir. Vladimir dahil kapag nagkamali mapapa-aga ang balik mo ng Pilipinas.”
“Wala talaga siyang makikita dahil bulag na siya.”
Napakamot ng ulo ang isang katulong. “Oo nga pala nakalimutan ko.”
“Ako ng bahala kay Sir. Vladimir, tutal ako naman ang caregiver niya, relax lang kayo.” Kumindat pa ako sa kanila.
“Duda ako diyan kay Rhi, baka mapahamak tayo bukas,” ani Lala.
“Wala kayong tiwala sa akin?”
“Wala!” sabay-sabay nilang sabi.
Sumimangot ako. “Grabe naman kayo sa akin.”
“Basta good luck na lang sa iyo bukas. Kung sakaling magkakaroon ka ng problema lagi mong iisipin ang pamilya mo sa Pilipinas," sabi ng mayordoma
Tumango-tango ako bilang tugon.
ALAS-KUWATRO pa lang ng umaga dito sa New york ay gising na lahat kaming mga kasambahay. Hindi ko alam kung bakit sobrang maaga kaming lahat gumising samantalang sabado naman ngayon at kapag ganitong araw tanghali na nagigising ang mga amo namin. Kapag wala silang pasok ay hinahayaan nila ang mga katulong nila na magising ng alas-siyete ng umaga. Hindi naman kailangan magluto ng maaga para sa almusal.
"Good morning!" Nakangiti ako sa kanilang lahat habang naglilinis sila ng bahay ang iba ay abala na sa pagluluto ng pagkain.
"Walang maganda ngayong umaga dahil siguradong pagod ang katawan at tenga natin sa anak ng amo natin!" wika ni Lala.
Tumabi ako sa kanya at nagbalat ako ng patatas.
"Bakit ang dami natin niluluto parang may handaan ngayon. Sigurado ba kayong mauubos ng anak ng amo natin ang lahat ng lulutuin natin?"
"Hindi niya lahat mauubos 'yan pero lahat yan titikman niya at kapag hindi masarap ang lasa tanggal ka na."
"Grabe naman!"
"Talagang grabe! Kaya gawin mo ng maayos ang trabaho mo kapag naging caregiver ka na."
Tumango ako. "Oo, gagalingan ko para pag-uwi ko sa Pilipinas mayaman na ako."
"Psh! Fake news 'yan."
"Lala, naman hindi ba puwedeng mangarap ng konti."
"Puwede ka naman mangarap basta kaya mong abutin. Sabihin mo rin sa magulang mo na hindi mo sila kayang patayuan ng mansyon para hindi ka nila ipagyabang sa mga kapitbahay n'yo sa Pilipinas. Ang hirap sa mga Filipino ang akala nila kapag nakapunta ka ng ibang bansa akala nila mapera ka at mayaman. Hindi nila alam nagtitiis tayo rito para lang may maipadala sa kanila."
Lumapit ang mayordoma. "Tama si Lala. Kaya ikaw, huwag mong ibigay lahat ng sahod mo. Matuto kang mag-ipon para kapag umalis ka rito ay may ipon ka."
Tumango ako. "Opo."
Lihim ko pa silang pinagmasdan. Hindi na rin pala naging masama ang binagsakan ko. Kahit niloko ang agency ko. Dahil bukod sa mabait ang amo ko, mababait din ang mga kasama kong kamsambahay.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong pumunta sa kuwarto ng magiging amo ko para linisin ang kuwarto. Ilang beses akong nagpalit ng kobre kama at nagpupunas ng alikabok. Gusto kong magreklmo dahil hindi naman makikita ng amo ko kahit kumislap sa kintab ang loob ng kuwarto niya.
Pagsapit ang alas-onse ng tanghali ay nakapila na kami sa labas ng pinto. Para kaming mga kawal sa palasyo at naghihintay sa aming Prinsipe.
Huminto ang kulay yellow-orange na mahahaling sasakyan pagkatapos ay bumukas ang pinto ng kotse. Bigla akong kinabahan nang lumabas si Madam. Nilabas nila ang wheelchair pagkatapos ay lumabas na rin ang anak ng amo ko.
Ang guwapo!
Para akong nakakita ng korea actor sa itsura niya. Kamukha ni si Lee soo hyuk.
"Aray!" sambit ko.
Bigla kasi akong siniko ni Lala.
"Umayos ka nga!"
Inayos ko ang pagkakatayo ko habang hinihila ng driver ang wheelchair niya.
"Hold on!"
Nakita ko ang pamumutla ng mukha ni Lala habang ako ay hindi ko alam ang gagawin dahil nasa tapat ko siya.
"Ano 'to bawal ba huminga?" Pabulong kong tanong kay Lala. Ngunit hindi niya ako pinansin.
Pinigil ko ang hininga ko dahil baka maramdaman niya ako.
"Why, Vladimir?" tanong ni Madam.
"I smell something sour."
Siniko ako ni Lala. "Baka ikaw iyon."
Umiling ako. "Naligo ako at nag toothbrush." Inamoy ko ang sarili ko. Amoy pabango pa nga ako.
"Forget the sour smell, let's go straight inside," ani Madam.
Tumango ito saka muling hinila ng driver ang wheelchair niya. Nang makalampas sa amin ay hinabol ko ang hininga ko.
"Grabe, akala ko katapusan ko na."
"Siya si Senyorito Vladimir. Kung gaano siya guwapo kabaliktaran ng ugali niya. Lumapit sa akin si Lala. "Baka 'yan pabango mo ang naamoy niya."
"Pero hindi naman siya amoy suka. Ang bango- bango nga."
"Tama ka pero kapag mayaman at matapobre, mabaho na sa kanila ang hindi branded na pabango."
Tumingin ako sa dinaanan niya. "Sayang guwapo pa naman siya."
"Halina kayo at magtrabaho na tayo, sabi sa amin ng isang katulong.
Tumango kami ni Lala saka tumulong kami sa paghahanda ng pagkain.
Halos mangalay ang mga paa ko dahil nakatayo kami sa harap nila habang kumakain. Sobrang tagal umalis ni Sir Vladimir sa dining room kaya hindi kami makaupo.
Inilapit ni Lala ang bibig niya sa tenga ko at bumulong. "Ano bang ginagawa mo? Mapapahamak tayo niya.
Mabilis kong inalis ang kamay ko. Habang nasa likod kasi ako ng among lalaki ay naka-f**k you hand sign ako. Naiinis na kasi ako dahil nangangalay ako ng nakatayo.
"Vladimir, I already got your new caregiver. I hope you'll be kind to her. "
Huminto siya sa pagkain. "If that's as stupid as my former nurse, just get fired."
Abah! Kupal 'to!"
"You need someone to take care of you."
"I'd rather be with my butler."
"I won't let you do what you want. You need someone to take care of you."
"Fine." Sabay simangot niya.
Pagkalipas ng dalawang oras ay umalis na si Madam at Senyorito Vladimir. Kami na ang nasa table at kumain.
"Ang sarap sapakin ng anak ng amo natin." Hindi ko napigilan magreklamo habang kumakain kami.
"Sinabi na namin sa iyo na habaan mo ang pasensya mo. Naririnig mo pa lang ang sinasabi niya napikon ka na baka lalo na kapag sinabi na sa iyo," ani Lala.
"Siyempre kailangan kong magtiis."
"Rhi!" tawag sa akin ng isang katulong.
"Bakit?"
"Pinapatawag ka ni Madam."
"Good luck!" sabi nila sa akin.
Naghilamos at nagtoothbrush ako bago siya pinuntahan.
Dahan-dahan aking kumatok sa pinto ng silid ni Sir. Vladimir."
"Come in!" boses iyon ni Madam.
Pilit ang naging ngiti ko nang pumasok ako sa loob ng kuwarto. Bigla akong kinabahan. Bulag siya pero dahil nakaharap siya sa akin feeling ko pinagmamasdan niya ako.
"Rhi, siya ang babantayan mo. Ang anak ko sa unang asawa si Vladimir."
Yumuko ako. "H-Hello! Sir!"
"How old are you?" Nakitang umangat ang kila niya.
"I'm twenty three years old. Never been kissed, never been touched, but not damaged." Sabay tawa ako.
Kumunot ang noo niya. "Not funny."
Napawi ang ngiti ko. "I-I'm sorry, Sir."
"What was your degree in college?"
Tinuro ko ang sarili ko. "Me, Sir?"
"Yes, It's you."
Ano kaya ang tinatanong niya baka yung grades ko.
"Degree? Am ... 81 degrees maximum is 90 degrees."
Kumunot ang noo niya habang si Madam ay nagpipigil na tumawa.
"What? Are you crazy?
Umiling ako. "No, sir, I'm normal."
"You're even more stupid than my old nurse."
"Thank you, Sir."
"f**k! Get out of my sight!'
"Can, you see, saw (choose the right word). me, sir?"
Sinadya kong papiliin siya para kahit mali ako tama pa rin ang grammar ko kapag siya ang pumili.
"You want to die?"
"No! Sir! I don't want to be 555 sardines."
"What does 555 sardine mean?"
"555 sardines mean pugot ulo." Sumenyas ako ng pugot ulo pero bigla kong naalala na bulag pala siya."
"Mom, sigurado ba kayo na siya ang caregiver ko? Ngayon pa lang sumasakit na ang ulo ko."
Anak ng tokwa naman! Marunong pa lang magtagalog pinahirapan pa akong mag-english.
"Sir. Marunong pala kayong magtagalog?"
"Oo, bakit?"
Napakamot ako sa ulo. "Deputah! Scam."
"Anong sinasabi mo?"
"Tinatanong ko yung sarili ko kung masaya siya. Hindi pa naman sumasagot pero kapag sumagot sasabihin ko sa inyo," alibi ko.
"Psh! Baliw!"
"Rhi, ikaw na ang bahala sa anak ko," sabi ni Madam.
Tumango ako. "Yes, Ma'am."
Nang makaalis si Madam ay lumapit ako sa amo kong si Vladimir.
"f**k you ka!" Pabulong ko.
Inambahan mo pa siya ng suntok, at sipa. Hindi naman niya makikita ang ginagawa ko kaya okay lang.
"Anong ginagawa mo?"
"W-Wala naman Sir." Umupo ako sa gilid may upuan.
"Baka may ninanakaw ka na."
"Nakaw agad? Umpisahan natin sa kupit saka nakaw. Masyado naman kayong advance mag-isip."
"So may balak ka ng magnakaw?"
"Wala po, Sir. Ayokong umuwi ng maaga sa Pilipinas. Hindi ko pa nababayaran ang sinangla namin lupa."
"Mga katulad mo ang mga may kakayahang magnakaw kasi maraming utang."
Nainis ako sa sinabi niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Halos dalawang pulgada na lang ang mukha namin. Hindi niya ako makikita niya pero maamoy niya ang hininga ko.
"Lumayo ka ang baho ng utot mo."
Nagtakip siya ng ilong.
"Hays! Kung hindi lang kayo guwapo baka binugbog ko na kayo eh." Asar ko.
Nag-toothbrush naman ako pero napagkamalan pang utot ang hininga ko. Anong akala niya sa akin kumakain ako ng tae?
Dinuro ko siya. "Alam n'yo Sir. Kapag ganyan ugali n'yo 'walang magtatagal na caregiver o nurse sa iyo. Ngayon alam ko na kung bakit takot sa iyo ang mga katulong." Hindi ko napigilan sabihin.
"Sino ka pa ba? Utusan ka lang naman kita."
"Itong utusan na nakatayo sa harapan n'yo ay handang mag-alaga at tiisin kayo dahil kailangan kong buhayin ang mga pamilya ko sa Pilipinas."
Inikot niya ang wheelchair niya palapit sa kama niya. Inalalayan ko siya kahit tinutulak niya ako.
"Umalis ka na!" sigaw niya nang makahiga siya sa kama.
"Sir, akala ko bulag po kayo bakit nakasakay kayo sa wheelchair?"
"Bulag nga ako at mahirap sa akin ang maglakad dahil hindi ko nakikita ang daan. Gusto ko sa Wheelchair para may silbi ka naman."
"Madali ka pa lang itulak sa hagdan," bulong ko."
"What did you say?"
Umiling ako. "Wala po. Sir."
"Don't call me Sir."
"Anong gusto n'yong itawag ko sa inyo. Barbie?"
"Call me, Master!" pasigaw niya
Yumuko. "Yes, Master."
"Lumabas ka ng kuwarto ko dahil baka limasin mo ang mga gamit at pera ko."
Kuyom ang kamao sa inis, ngunit kailangan kong tiisin. "Yes, Master."
Sinadya kong lakasan ang pagsarado ng pinto ng kuwarto niya para malaman niyang nakalabas na ako.
Nang nasa labas na ako ay tumulo ang luha ko. "Ang sakit niya magsalita." Sabay punas ko ng luha ko.