"Rhi! Where are you!" umalingangaw na sigaw ni Master Vladimir. "Nandiyan na po!" Mabilis akong nagmumug pagkatapos ay tumakbo ako pabalik sa kanya. Hindi na maipinta ang mukha niya sa labis na inis sa akin. "Kanina ka pa pabalik-balik sa banyo. Ano ba ang ginagawa mo!" sigaw niya niya. Kung nakakakita siguro si Master baka kanina pa ako tinapon palabas. "Nag-toothbrush at mouthwash po." Sabay yuko. Umangat ang kilay niya. "Kanina ka pa nagto-toothbrush. Ano bang meron sa ngipin mo at sampung beses ka na yatang nag-toothbrush?" "Simula kahapon ay pang fifty times na po akong nagto-toothbrush." "Fifty times! Baka matanggal na ang ngipin mo na 'yan." Napakamot ako sa ulo ko. "Gusto ko kasing alisin ang laway mo sa akin. Pakiramdam ko may germs na ako. Bakit naman kasi kailangan halik