Chapter 5

2491 Words
Chapter 5 - Mean Leighton "Hello, wooorld! Good Morniiing!" bati ni kuya Tyrell sa'kin kaya bumati rin ako pabalik. Nakasuot na ako ng uniporme namin at handa na akong umalis. Ngayon ko lang napansin na para akong nasa mansyon dahil sa laki ng bahay nila. Ngayon ko lang kasi nagpagtuunan masyado ng pansin. Madaming ilaw sa kisame pero patay lahat dahil may sinag ng araw na tumatagos sa mga bintanang gawa sa salamin. Napansin kong ako na lang ang hinihintay nila at hindi pa ako naga-almusal. Nakaupo silang tatlo sa isang mahabang mesa ngunit kalahati lang ang may laman na pagkain. Halos singhaba ito ng tatlong normal na lamesa. "Good morning, babe. Tara kain ka na!" aya sa'kin ni Kyan. Sa tabi ako ni Kyan umupo dahil nakakatakot ang aura ni Leighton ngayon.  Hindi lang naman pala ngayon, lagi na lang ganito ang aura niya. Pero, kung ang ibang tao ay gustong lumayo sa kanya? Ako naman nacurious ako kung bakit ganoon na lang siya umasta sa ibang tao. Hindi ba niya alam yung salitang enjoy? Bata pa siya pero parang ang dami niyang problemang pasan. Kumain kami ng almusal sabay sabay at tulad ng sabi nila sabay sabay din kaming papasok. Kinakabahan na ako sa pwedeng mangyari. Baka mamaya atakihin ako ng mga linta at kung anu ano na agad ang sabihin sa'kin porket kasama ko ang Prince kuno nila. "Hoiii! Kayong dalawa," sabi ni kuya Tyrell sabay turo kina Kyan at Leighton. Tumingin naman si Kyan sa kanya at huminto lang si Leighton sa paglalakad. "Alagaan niyo 'tong si Ellaine aaah! Alam kong marami kayong fans na babae," paalala ni kuya Tyrell sa kanilang dalawa. "Oo naman kuya," sabi ni Kyan sabay gulo ng buhok ko, bigla namang lumabas si Leighton ng padabog. Nagulat ako pero nauna na siyang lumabas kaysa sa'min. "Ikaw naman kasi Kyaaan, hinay-hinay lang," sabi ni kuya Tyrell. Ano bang pinagsasabi niya? Naguguluhan na talaga ako, parang may kakaiba talaga sa kinikilos nila eh. Pero nakakatakot si Leighton kanina. Mas creepy pa siya kesa sa mga mababangis na hayop. Parang kahit anong oras manlalapa na lang bigla. "I know, I know," sabi ni Kyan habang naiiling ng bahagya. "Bilisan niyo naman. Malate pa ako niyan eh, tsk." sigaw ni Leighton mula sa labas, ang sungit niya talaga. Nakakatakot. Kinikilabutan tuloy ako sa kanya. "Sige kuya Tyrell, mauna na kami," paalam ni Kyan. Isinukbit na rin niya ang bag niya sa magkabilang braso niya. "Tara na?" Sabay tingin sa'kin at inalok ang kamay niya. Iyong parang inaaya kang sumayaw? Ganun! "Hmm," tumangu tango naman ako, kinuha ko ang kamay niya gamit ang kanan kong kamay at tumingin kay kuya Tyrell. "Mauna na po kami kuya Tyrell," paalam ko sabay wave ng kamay ko na hindi nakahawak kay Kyan. "Sige, mag-ingat ka aaah?" Lumabas na kami at nagsimulang maglakad, nag-wave ako ng kamay ko paalis. Habang naglalakad ang tahimik lang namin. Nakakatakot parin ang aura ni Leighton, parang maya-maya lang mangangain na siya ng tao. Iniiwasan ko tuloy na mapalapit sa kanya kahit isang haba lang ng ruler. "Tara na, Ellaine. Sabay-sabay na tayo sa room natin?" Tanong ni Kyan, magkakaklase nga kasi kami, right? Kaya sama-sama kaming nagtungo sa room namin. Napatingin sa'kin si Kyan na kanina ay nakatingin lang din sa daan. Ramdam ko din na nakatingin sa'min si Leighton. Ayoko tumingin kay Leighton baka kapag tumingin ako sa kanya makasalubong ko yung naga-apoy niyang mata, nakakatakot. Ang cold kasi ng mata niya tapos ang itim ng aura niya. "Kaklase pala kita? Hindi ko alam," sabi ni Leighton na ikinasimangot ko naman. Feeling ko nawala ako sa mood ngayong araw, hindi niya alam na magkaklase kami. Ganito ba talaga siya? Parang mas masaya pa kung tinitignan ko na lang siya mula sa malayo kaysa naman nakakausap ko siya at ganito ang mga sinasabi sa'kin. Bigla namang tumawa si Kyan. "Wala ka talagang kwenta Leighton," sabi ni Kyan sabay lagay ng kamay sa bulsa ng pantalon niya. Tinignan ni Leighton nang masama si Kyan dahil sa sinabi niya. Ayan na naman, parang may lazer beam na lumalabas sa mata niya. "Manahimik ka riyan!" sigaw ni Leighton na may halong pagbabanta. Nag-shrug lang ng balikat si Kyan at pinagpatuloy ang paglalakad. Sa susunod, kukunin ko na talaga ang bike ko. Para kasing ayoko silang makasabay araw-araw at araw-araw din makatanggap ng mainit na tingin. Yung nakamamatay! Pagdating namin ay nagsitilian na naman yung babae pero ang iba tinitignan ako, nasa gitna pa kasi ako ni Kyan at Leighton habang naglalakad. Ngayon ko lang napansin, si Kyan kasi dinadaldal ako kanina tapos nagkainitan silang dalawa kaya pumagitna ako? Hala! Patay, mga killer eyes ng mga fans nila! Anong gagawin ko ngayon? "Bakit kasama niya sina Prince Kyan?" "Hala ka! Baka kung anong gayuma na ang ginawa niya." "Tama! Balita ko mangkukulam ang Best Friend niya." "Sino ang mangkukulam?" tanong ni Tricia. Sige lang Tricia ipagtanggol mo si Makino, mga walang modo ang mga babaeng 'yan! Ayoko sa lahat ang sinasabihan ng kung anu-ano ang mga kaibigan ko, eh. Napayuko na lang sila ng makita si Tricia. Isa pa itong babaeng ito na nakakatakot lalo na kapag galit. Magaling pa naman 'yang mangarate at kaya niyang ipa-salvage ang sino mang manlalait sa kaibigan niya. Joke lang syempre ang salvage part! Pero kung hindi talaga sila titigil, tototohanin ko. "Tara na sa loob?" tanong ni Kyan, si Leighton dere-deretso siyang pumasok sa loob at para bang walang pakialam sa mundo. "Oo. Salamat Kyan ah?" sabi ko sa kanya. Ang bait bait niya, no wonder ang daming nagkakagusto sa kanya, bakit kasi hindi kasing bait ni Kyan si Luhan. "Walang anuman, pagpasensyahan mo na yung mga babae kanina ah? Huwag ka mag-alala ako bahala magsabi sa kanila. Magkaibigan naman tayo, 'diba?" tanong niya, tumango na lang at nagpaalam na siya. Naupo naman ako malapit sa likod ni Leighton. Doon naman kasi talaga ako nakaupo, though minsan hinihila ako nina Tricia at Makino malapit sa kanila. Mas komportable kasi kapag nasa likod ako. Si Kyan naman ay medyo nasa harap na harap. "Ellaine!" tawag ni este sigaw ni Tricia sa'kin, ang ingay niya. Siya lang ang maingay ngayon sa section namin at tiyak tatanungin na naman niya ako. Ang gandang impluwensya 'no? "Hello! Good Morning, Ellaine!" Buti pa si Makino ang tino ng pambungad sa'kin ngayong umaga. Naalala ko na naman ang kanina, kakalimutan ko na nga lang ang pagkabadtrip ko. "Good Morning, Makino!" masayang bati ko sa kanya, si Tricia naman hinila na naman ako sa dulo ng classroom para sa interrogation. "So, care to explain?" tanong ni Tricia. Inilapit pa nga niya ang mukha niya sa'kin para tanungin ako. "Explain what?" maangmaangan ko sa kaniya. Ayoko muna mag-assume sa kung ano'ng gusto niyang malaman. "Come on, Ellaine. Bakit mo sila kasabay?" tanong niya ulit sa'kin. "Well, mamaya ko na lang ikwento." Nagpout naman siya dahil sa sinabi ko. "Ngayon na, wala pa namang teacher," pagpupumilit niya. Tahimik lang si Makino na nakikinig sa pwede kong sabihin. "Basta! Kesa naman mabitin kayo?" "Sige na nga..." Medyo nag pout pa niyang sagot sa'kin. Kahit kailan ang isip bata ng kaibigan kong 'to. Sarap hilahin ng labi, eh. "Good Morning class," bati ng aming guro, nagsitayo naman kami at binati rin ang guro. Sa ekspresyon niya alam ko na may party-party na magaganap sa room namin. "Today is halfday," bungad niya pagka-upo na pagka-upo sa harap. "Yahooo!" sigawan ng mga kaklase ko. Sabi na nga ba e! Bigla naman silang binigyan ng isang matalim na tingin ng aming president. Edi ayan natahimik kayo. Nagbigay ng death glare si Tricia kaya natahimik lahat pero kung alam ko lang mamaya 'yan mag-iingay na naman sila. "As I was saying halfday today, pinag-uusapan ng council ang tungkol sa upcoming program natin. So, miss SSG president kailangan nandoon ka," sabi niya. Tumango naman si Tricia sa kanya. Program? Every month naman ata may program, kulang na lang gawin nilang linggo-linggo. Ang theme ng program? Culinary. Ibig sabihin bawat section ay... magluluto. Papunta na kami ni Makino sa Canteen at wala si Tricia dahil nga pinatawag siya. Mukhang hindi naman interesado si Makino tungkol sa kung bakit kasabay ko silang pumasok and I can see na may clue na siya kung bakit. Huwag na kayong magtataka. "So anong lulutuin natin?" tanong ko, kailangan kasing maghanap ng mga kagrupo para yung grupo na iyon may iluluto at irepresent sa mismong program. "Hindi ko pa alam," napa-pout naman ako sa sagot niya. Buong high school year ang sasali sa program at I'm sure kasama sina Kyan doon. 3rd year na si Kyan at ganun din naman ako kaya tatanungin ko siya kung may naisip na sila, kailangan ko lang ng idea. Nakita ko naman siya na kakapasok lang sa loob ng canteen and as usual pinagtitinginan na naman siya, hindi nagtagal pumasok na si Leighton. "Kyan..." mahinang tawag ko sa kanya. Hinanap pa nga niya kung sino ang tumawag sa kanya kaya tinaasan ko siya ng kamay. "Babe, ikaw pala," sabi niya tiyaka ngumiti sa'kin nang napakalapad. Ganyan naman iyan kahit kanino kaya hindi nakapagtataka marami ang nahuhumaling sa kanya. Ang ganda ng ngiti niya, parang kumikinang ang mukha niya kapag ngingiti lang siya. Nakakalaglag panty! "OMG! Siya na naman?" "Napaka-attention seeker niya." "Haist! Malandi!" "And what's with the babe?" "Kayo lang naman ang pumapansin sa kanya kaya huwag niyo siyang tawaging attention seeker, huwag niyong pansinin edi walang gulo," sabi ni Tricia. Hindi pa ba ako lulubayan ng mga babaeng yun? Hindi ko naman aagawin sa kanila si Kyan kaya wala silang dapat ipagalala. "Tricia nandito ka na pala," sabi ko. "Ah... oo... katatapos lang nung meeting, pwede makiupo?" tanong niya, nakaupo na din kasi dito si Kyan sa tabi ko. "Sure!" sagot namin. Alam kong kating-kati na siyang magtanong kaya naman nagulat ako ng bigla siyang magsalita. "So, what's with the set up a while ago?" tanong niya. Noong una nagtataka ako. Anong set up? Tapos narinig kong napatawa si Kyan dahil katabi ko lang siya. "She's living with us," sagot ni Kyan kaya naman napanganga sila, I mean si Tricia lang pala. Sino ba naman hindi magtataka doon. Ako? Si Kyan? Nakatira sa iisang bubong? Parang ang bilis nga naman ng pangyayari sa'ming lahat nina Kyan at Leighton. Dati tinitignan ko lang sila mula sa malayo hanggang sa makaupo sila pero ngayon lagi ko na silang nakikita buong araw. Simula pagkagising hanggang sa bago matulog. "You've got to be kidding us!" Hindi naman siya grabe kung maka-react, 'no? Pero hindi ko naman siya masisisi kung sakali. Iyon nga lang ang daming nakatingin sa'min, una dahil kasama namin si Kyan at pangalawa ang lakas ng boses ni Tricia. "Seriously? Hindi nga?" tanong niya ulit. Nginitian lang siya ni Kai sabay tango, napatakip siya sa bibig niya. Ano namang iniisip niya? "Don't tell me, nag-live in na kayo?" Buti na lang napatingin ako sa gilid ko kung hindi nabugahan ko na si Tricia sa mukha. WTH! Sabi na nga ba at ganito ang iniisip niya eh. Masyado naman kasi siyang advance kung makapag-isip. "Okay ka lang, ito oh gamitin mo muna yung panyo ko," sabay abot ni Kyan ng panyo niya sa'kin. Hindi na pala inabot dahil siya na nagpunas. Naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa pisngi ko. Kailangan pa ba talaga niyang gawin yun? Nakakahiya! "Naku! Hindi na kailangan, baka madumihan pa iyang panyo mo," sabi ko pero hindi parin siya tumigil. Ang daming masasama at pangit na mata ang nakatingin sa'kin. Sabi nga nila, kung nakamamatay ang tingin kanina pa ako nakabulagta sa sahig ngayon. "It's okay, hindi ko na naman nagagamit iyan eh," sabi niya. Kinuha ko na lang yun at ako na ang nagpunas, ang awkward kaya. "What the hell!" Sa hindi kalayuan ay nakarinig kami ng sigaw kaya napatingin kami sa taong 'yun - si Leighton. Tapos yung lalaki natapunan ata ang damit ni Leighton, panay naman ang paghingi niya ng tawad kay Leighton. "Naku! Sorry po, hindi ko po kasi nakita," pagmamakaawa nito. Ang sama na kasi ng tingin ni Leighton sa kanya at kinwelyuhan pa niya ito. Napatayo na lang ako, si Kyan wala atang balak awatin ang pinsan niya. Baka mapaaway pa si Leighton at pwede rin siyang ma-suspend dahil sa pananapak. "Tama na 'yan, Leighton," awat ko sa kanya. Pagtingin niya sa'kin parang gusto kong bumalik na lang ako sa upuan at huwag na siya pansinin. Tinignan niya din ako ng matalim. Pero hindi, kawawa naman baka kung mapaano pa yung lalaki. Hinatak niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak niya at umalis sa canteen, tinignan ko naman yung lalaki. "Naku! Sorry ah, baka may saltik na ang lalaking yun eh," sabi ko na lang. Minsan gusto ko na rin patigilin ang bunganga ko sa madalas kong masabi sa iba. Baka mamaya maniwala siya na may saltik nga si Leighton. "Okay lang yun, 'noh. Sanay na ako," sabi niya habang pinupulot ang nahulog na cap kanina. May natawa naman sa likod ko at pagtingin ko si Kyan lang pala. "Bakit hindi mo naman pinigilan si Leighton kanina?" pagalit na tanong ko sa kanya pero parang wala lang sa kanya iyon, nag-shrug siya bago sumagot. "Malaki na siya, alam na niya ang tama sa mali," komento nito. Tama siya pero parang hindi niya parin alam ang tama eh. Hay naku Leighton! Ang hirap mong basahin. "Sundan mo," nagulat ako sa sinabi niya. Ha? Ako? Bakit ko naman gagawin iyon? "Ikaw lang ang makakapagpahinahon sa kanya," literal na nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko na lang ang gusto niyang gawin ko. Sa rooftop ko siya nakita at nakatayo siya sa railings. "Hoy!" tawag ko sa kanya. Namali ata siya ng apak kaya naman nadulas siya, dahilan para mahulog siya. Ang tanga niya, I mean, ang tanga nung railings. Hindi siya sinalo! "Ouch, f*** what the heck!" sigaw niya. Nilapitan ko na lang siya at inalalayan tumayo, kawawang Leighton! Baka magkabukol pa siya nito dahil sa'kin. "Ang tanga naman kasi," sabi ko. Napatakip naman ako ng bibig sa sinabi ko, nabitawan ko siya kaya nauntog na naman siya sa sahig. Naku! Dalawa na ang bukol niya, kasalanan ko 'to eh! Dapat hindi na lang ako pumunta para kausapin siya. "Aray ko! Ano ba, papatayin mo ba ko?" sigaw niya ulit, hala! Hindi ko naman kayang pawalain yung init ng ulo niya eh. Lalo lang uminit dahil sa'kin. Bakit nga ba ako naniwala sa sinabi ni Kyan? Baka kung ano na namang masamang salita ang sabihin niya sa'kin. "Sorry, hindi ko naman sinasadya," nakayukong paghingi ko ng paumanhin. Tinulungan ko na siyang tumayo pero hinawi lang niya ang kamay ko, ang mean niya talaga! "Ano ba kasing ginagawa mo rito?" sigaw na naman. Natatakot na ako sa kanya pero bakit ang bilis ng t***k ng puso ko, dahil sa kaba? Dahil sa kilig? Hello! Paano na naman ako kikiligin, sinisigawan na nga niya ko? Hay! Ang weird ng naisip kong yun. "S-sinundan lang naman kita, s-sabi kasi ni K-Kyan sundan kita," nauutal na sabi ko ng hindi nakatingin sa kaniya, nahihiya at natatakot ako baka sigawan na naman niya ko. "Tss." Iyon lang ang sinabi niya at sumandal sa bench. May bench dito sa rooftop ng school namin, yung ibang upuan rito sira na at palitin na pero yung ilan ay nilagay lang dahil sa tagal na ring ginamit. Nakayuko lang ako at kinutkot ang pintura sa bench. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. "Wala ka pa bang balak umalis?" tanong niya. Tumayo ako habang nakayuko pa rin. Ayokong salubungin ang mga mata niya. "S-Sige, mauuna na a-ako." sabi ko tapos naglakad na. Akala ko susundan niya ako pero waley. Wala nga pala ako sa drama kaya bakit ko ba naisip na susundan niya ako? And also, what should I expect from a guy named Leighton?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD