Chapter 4 - Bully
Ellaine
Nakatulala lang ako sa kawalan. Nasa loob ako ng room at super ingay nila sa pamumuno ng aming president.
Inaalala ko pa rin ang tumulong sa akin kahapon pero hindi naman nagpakilala. Iyong tungkol naman sa nakita ko sa rooftop? Ayon at may daga! Ewan ko nga kung saan galing ang hayop na iyon kaya napasigaw na lang ako.
Pero hindi ako takot sa daga. Babawasan ko na lang ang pag-inom ng kape para hindi ako ninenerbyos ng ganoon. Akala ko aatakihin na ako sa puso.
"Okay ka lang ba, Ellaine?" tanong ni Tricia sa akin, tumango-tango na lang ako kahit hindi naman talaga ako okay.
"Hayaan mo na iyan. Maya-maya dadating na ang prince charming mo," dugtong pa niya sabay kindat.
Inaasar na naman niya ako. Ayoko naman sabihin na nacurious ako sa tumulong sa akin. Ang sinabi ko na lang ay kakilala ko lang pero nahihiyang magpakita sa kanila. Pero what the heck, 'diba? Hindi ako makapaniwala. Mas ayos pa sana kung panaginip lang 'yon pero hindi. Gising na gising ako.
"Kyaah!"
"Andiyan na siya!"
"Tahimik na, nasa kabilang room lang ang student council president..."
Napaayos ako ng upo at pasimpleng nagsusulat sa notebook ko. Nandito na sila. Kahit anong pagpapakalma ang gawin ko, naeexcite pa rin ako sa pagdating nila.
Hindi ko tuloy matanggal ang pagkakangiti sa labi ko. Parang nagrereact agad ang hormones ko kapag naririnig ko ang mga sigawan nila.
Pagpasok nila, si Leighton agad ang tinignan ko. Ang gwapo parin niya hanggang ngayon pero parang may sugat siya sa noo niya.
Naka-band aid ito at madalas ko siya nakikitang may sugat sa mukha niya. Baka sa susunod magkapeklat pa, bawas kagwapuhan. Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa iniisip ko.
As usual, si Kyan lang ang tinitignan nila, pero ako? Stick to one, kay Leighton lang ako. Pero nang mapatingin siya sa gawin ko, nagsulat lang ako.
Hindi na rin ako nakangiti at sinuot ang bored look ko. Bakit ba ang tagal ng teacher namin para matignan ko na siya nang mas matagal?
"Nakatingin siya sa iyo Ellaine," sabi ng katabi kong si Makino.
Well, ano pa ba ang magagawa ko kung alam na niya? Kahit kailan ang weird ng isang ito. Ang lakas ng pakiramdam.
"Hayaan mo, baka napatingin lang," sabi ko.
Mahirap na rin kasi ang mag-assume tungkol sa mga ganyang bagay. Pero mas mahirap kapag nasaktan ka na, 'diba? Parang ang lalim ng hugot ko 'no?
Pero ang hirap kasi minsan na hindi mag-assume, 'diba? Lalo na kung ganito ang mga tao sa paligid mo. Lagi ka na lang binibigyan ng kakaibang meaning sa mga kilos ni Leighton.
"Ang nega mo, isipin mo na lang ikaw ang tinitignan niya," sabi naman ni Tricia.
Pagtingin ko hindi na siya sa akin nakatingin. Napa-pout na lang ako, pinagtutulungan nila akong dalawa!
"Hindi naman talaga ako. Tignan mo sa board na nakatingin," sabi ko na lang.
Nakakainggit tuloy ang board namin, buti pa siya tinitignan ni Leighton.
"Hay! Ewan ko sa iyo pero ikaw talaga ang tinitignan niya," sabi na lang niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin ako sa bintana. Nakita ko iyong puno kahapon. Mamaya pupunta ako ulit dahil baka makita ko ulit iyong lalaki.
Paano ko nalamang lalaki? Malamang mabubuhat ba ako ng babae? Pero malay mo si Superwoman ang tumulong sa akin.
"Good morning, class. Go back to your proper sits," utos ng teacher namin.
Another boring subject na naman. Nag-drawing na lang ako. May talent kasi ako sa pagguhit kaya ginagamit ko. Sayang naman kung ipagsasawalang bahala ko lang.
"Class dismiss."
Bilis ng oras! Dismissal na agad hindi man lang naglunch. Pero kasi kanina hindi ko na nakita iyong lalaki. Kaya ito ako ngayon nanlalatang lumabas at pumunta ng locker ko.
Hindi ko maiwasan ang ma-disappoint dahil naghintay ako ng break, lunch at ng vacant namin pero wala talaga akong nakita.
"Bakit ang lungkot mo ata?" tanong ni Makino.
"Wala naman, pagod lang."
Kahit pagod ako nakukuha ko paring ngumiti. Ayoko kasing mahawa sila kapag malungkot ako tuwing pagod. Dapat everyday and everyone happy!
"Mauuna na ako, hinahanap na ako ng kapatid ko," pagpaalam ni Makino.
Nagpaalam na rin si Tricia sa akin, ako naman inayos ang locker room ko. Ako na lang ang mag-isa dito pero hindi na naman ako takot dahil madalas din akong mag-isa tuwing uwian.
Ayoko kasing may makaalam kung saan ako nakatira. Remember? Sa isang tent sa gubat, ang creepy nga naman nun lalo na at babae ako.
Pagdating ko sa tent...
Inayos ko na ang gamit ko at naglagay ng bonfire. Hindi naman kita ito dahil ilang buwan ko na ginagawa iyon.
"Alam mo, Meow, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Imagine? Ako? Lumutang?"
May narinig naman akong tumunog sa labas, parang kaluskos ng isang... parang may tao ata. Hindi naman agad nakapagsalita si Meow sa narinig.
"May tao ba diyan?" tanong ng isang hindi pamilyar na boses. Hala? May nakasunod ba sa akin kanina? Tulad ng sabi ko wala namang ibang nakakaalam na dito ako nakatira.
"M-may tao rito."
No use naman kung magtatago ako, hindi ba? Kaya nagsalita na lang din ako at lumabas ng tent ko upang makita kung sino ang taong iyon.
"E-Ellaine?"
"Kyan, anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Paano niya kaya nalaman ang lugar na ito? Posible bang sinusundan niya ako? Imposible...
"I should be the one to ask you that, babe," sagot naman niya.
Tumingin siya sa paligid pati sa loob ng tent ko. Ano ang ginagawa niya rito? Paano niya ako nahanap?
"Dito ako nakatira," tanging nasagot ko na lang.
May rumehistro namang pagtataka sa mukha niya pero nawala rin naman agad iyon.
"Sa isang... tent?" tanong niya pero hindi naman nakaka-offend. More like, nagtataka at naw-weirduhan.
Hindi ako makapaniwalang kausap ko siya ngayon. Nandito siya sa harap ko at tinatanong ako, may hawak pa siyang flashlight dahil madilim na. Ngayon ko lang siya nakausap nang hindi tungkol sa school.
"Oo, matagal na ako dito," nakayukong sabi ko sa kanya.
Nahihiya kasi ako dahil baka pagtawanan niya ako pero hindi niya iyon ginawa. Naalala kong malaki ang respeto niya sa mga babae kaya alam kong alam niyang mahihiya ako kapag tumawa siya.
"Tara! Sumama ka sa akin," sabi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad paalis. Hindi ko alam kung sasama ba ako o hindi pero hindi nagtagal nagpakaladkad na lang ako.
Hindi naman kasi siya masamang tao kaya hindi ko na kailangang matakot.
"San ba tayo pupunta?" tanong ko. Hindi kaya naligaw siya?
"Sa bahay namin," sabi niya.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bahay nila? Ibig sabihin, makikita ko ang mga magulang niya?
"Ano namang gagawin natin doon?" tanong ko.
"Doon ka muna," sagot niya.
Napatango na lang ako pero nang unti-unting nag-sink in sa akin ang sabi niya. Naalala kong kasama rin niya sina Leighton at isa pa niyang pinsan pero hindi ko alam kung saan.
Pero ano raw? Doon muna ako?
"Pero hindi na kailangan, dun na lang ako sa tent ko," sabi ko. Bigla na naman kasi akong kinabahan thinking na makakasama ko si Leighton sa bahay nila. Is he out of his mind? Pero kung sabagay, hindi naman niya alam na may gusto ako sa pinsan niya.
"Hindi mo ba alam na may mga mababangis na hayop sa gubat na iyan? You should try to take care of yourself, babe." sabi niya.
Napalunok ako dahil ang seryoso niya habang sinasabi iyon. Medyo kinilabutan ako pero nawala din naman iyon. Isa pa, nab-bother ako sa kaka-babe niya sa akin. Ang weird kasi pakinggan.
"Matagal na akong nakatira diyan at wala pa akong nakikita," sagot ko sa kanya. Hawak niya ang kamay ko habang hinihila niya ako. Ang kamay ko at hindi ang wrist ko. Gusto kong magblush dahil doon, kung may makakakita sa amin na fangirl niya tiyak na ha-huntingin nila ako.
"Anong gusto mo? Hintayin na makita ka ng mga hayop at kainin ka?" tanong niya.
May point siya dun pero paano ang gamit ko? Bago pa ako makapagtanong natanaw ko na ang bahay nila. Tiyak na iyon na yun dahil wala namang ibang bahay pa akong nakikita.
"Ito pala ang bahay niyo. Hindi ko alam na sa District 5 kayo nakatira." manghang sabi ko. May kalakihan kasi ang bahay nila kumpara sa bahay ko, I mean, sa tent ko.
"Pasok."
Tinulak naman niya ako sa loob. Nakita kong nagulat si Leighton sa pagpasok ko and so do I. Napatigil naman ang isa sa pag-inom ng kape. Baka siya iyong isa niyang pinsan na kasama niya rito sa bahay. Infairness, may itsura rin ito kahit na ang haba ng buhok at nakasumbrero kahit nasa loob lang naman ng bahay.
"Hello," sabi ko sabay smile at kaway sa kanya. "Ako po si Ellaine. Magandang gabi," bati ko sa kanila.
"Ah, hello rin. Ako pala si Tyrell. Magandang gabi rinnnn," bati ni Kuya Tyrell.
Maka-kuya 'no? Mukha naman kasi siyang mas matanda sa amin dahil sinaunang suot pa ang damit niya ngayon. Kimono ata ang tawag dito. Sinusuot ng mga hapon ngayon.
Ano kayang okasyon ngayon? Atsaka, hapon kaya siya? Ang astig din kasi ng accent niya, para siyang kumakanta.
"Tawagin mo na lang akong kuya Tyrell, okayyyy?"
Pwede naman pala eh. Iyong gulat na ekspresyon niya kanina ay napalitan ng isang malapad na ngiti. Iyong tipong parang may narealize na something.
Wait! May na-realize? Baka isipin niya na girlfriend ako ni Kyan, 'no! Kay Leighton lang ako!
"Okay po, kuya Tyrell," sabi ko na medyo may awkwardness pa rin naman.
"Tsk. Anong ginagawa niya rito?" tanong ni Leighton nang hindi man lang ako tinapunan ulit ng tingin. Ayaw ata niyang nandito ako. Hindi ko napigilan ang malungkot dahil doon.
"Dito muna siya tutuloy," sabi ni Kyan.
Bigla namang naibuga ni kuya Tyrell ang kape na iniinom niya. Hala? Bakit? Hindi ba ako welcome dito? Hindi ko tuloy maiwasan ang malungkot at mapayuko.
"Talagaaaa! Pero, bakit?" tanong ni Kuya Tyrell.
Hindi ko maintindihan ang taong ito. Kanina gulat tapos sasaya ulit, magugulat ulit tapos sasaya na naman. Ang gulo ng personality.
Tumayo naman si Leighton at pumunta ng kusina, parang ayaw niya na nandito ako, ah? Well, may rason nga ba para gustuhin niyang tumira ako rito?
"Siya iyong nakatira sa tent sa hindi kalayuan. I'm just worried for her, babe," sabi ni Kyan kay kuya Tyrell. Babe? Mannerism na ba niya iyon?
Umupo siya sa pinto at isinandal ang likod niya sa gilid nito.
"Okay lang naman sa iyo, hindi ba, Leighton?" tanong ni Kyan. Nakita kong kumunot ang noo ni Leighton.
"Tsk. Bahala kayo," sagot niya.
Nakatawa si kuya Tyrell. Hala? Ayaw nga ni Leighton ang nandito ako, okay? Paulit-ulit na ko. Kahit na nasasaktan na ako pilit parin dumadaloy sa utak ko yun.
"Hayaan mo na iyang si Leighton. Buti at nakilala na kita sa wakaaas," sabi niya. Nakangiti na naman siya nang malapad ngayon. Ang weird talaga niya. Pero, kilala niya ko?
"Eh?" nasabi ko na lang.
"Kain na tayo," sabi ni Kyan.
Inabot niya sa akin ang noodles. Ganito lang din ang kinakain ko sa tent ko. Parang lumipat lang ako ng bahay.
"Naku! Marami akong ganito sa tent, gusto kong balikan. Saka pala, iyong bike ko hindi ko nadala rito." sabi ko.
"Bukas naaa, madilim na at baka mapahamak ka pa," sabi ni kuya Tyrell. Ang bait niya. Bakit hindi namana ni Leighton ang kabaitan sa mga pinsan niya? Pero sa tingin ko, iba-iba lang talaga ang personality nila.
Si Kyan ang gentleman, si Leighton yung tipong masungit habang si kuya Tyrell naman ay ang tinatawag nilang bipolar. Haha! I wonder kung may iba pa silang pinsan.
Pagkatapos kumain...
Halos magulantang ako nang bigla akong may narinig na bumaldog at tumama sa kung saan. Dali-dali ko namang hinanap kung saan nanggaling iyon at nakita si Leighton.
"Aray!" daing niya.
Nilapitan ko siya nang makitang napaupo siya sa sahig. Ihagis ba naman ni Kuya Tyrell ang takure ng tubig. Kaya pala laging may bukol at sugat si Leighton kapag papasok siya.
"Ayos ka lang ba, Leighton?" pag-aalalang tanong ko sa kanya pagkalapit ko.
"Tsk. Ayos lang ako, huwag mo kong lalapitan," sabi niya.
Hala? Galit?
Lumabas siya at hindi ko alam kung saan papunta. Ganun ba talaga siya kagalit sa mga babae, o sa akin lang talaga siya ganoon kagalit at kahit hawakan siya ayaw niya.
"Loko talaga ang isang iyooon! Kunwari pa eh," sabi ni kuya Tyrell. Bakit nakukuha pa niyang tumawa ngayon? Hindi ba siya nag-aalala?
"Bakit mo naman kasi binato ng takure eh?" tanong ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang masigawan siya. Ang sakit kaya nun kahit hindi ako ang binato nasaktan ako.
"Okay lang iyon sakanya. Hindi na yun nasasaktan, babe," sabi ni Kyan. "Sanay na iyan sa ganyan, lagi nga niyang hinahanap, eh."
Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi pero isa lang ang alam ko. Nag-aalala ako kay Leighton.
"Dito ka nga pala matutulog, Ellaineee." sabi ni Kuya Tyrell. Pinakita nila sa akin ang kwarto ko. Kung titignan mo sa labas ang liit ng bahay nila. Pero sa loob malaki.
"Huwag ka mag-alala bukas. Sabay-sabay tayong papasok," sabi ni Kyan na ikinalaki ng mata ko.
Sabay-sabay? Ano na lang sasabihin nung iba? Lalo na ng fans ni Kyan? Hindi kaya dumugin ako. Hindi ba nila iyon naisip?
Hindi ko na nagawang itanong yun dahil pinatulog na nila ako. Ngayon palang kinikilabutan na ako. Anong gagawin ko? Pupudpurin na naman ako ni Tricia ng mga tanong nito!