Chapter 6 - Sports Program
Point of View: Leighton Era
What was Kyan and Tyrell thinking! Letting that woman live here with us. Mukhang nasiyahan naman si Gurang nang makita siya dahil matagal na siyang curious kung ano'ng itsura ng babaeng kinababaliwan ko raw.
Hindi ko naman siya kinababaliwan, 'diba? Gusto ko lang siya, period.
Another thing, nakakahiya 'yong pinaggagawa nila sa'kin. Kesyo batuhin ba naman ako ng takure sa ulo. Nilapitan pa tuloy ako ni Ellaine.
Feeling ko nga ay aatakihin ako sa puso nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko at tinanong kung okay lang ako. What if bigla akong magpalit anyo habang nakaharap sa kaniya. That will be a total mess! Hindi ba sila nag-iisip?
Alam naman nilang hindi ako mapakali kapag malapit siya sa'kin. Parang tipong torpe na aamin sa gusto niya, though sa part ko hindi naman ako aamin.
Never kong gagawin yun kahit gusto ko siya. Siguro nga likas na sa kanila ang asarin ako hanggang sa mapuno ako pero this is different. Tsk.
Kanina sabay-sabay pa kaming pumasok kaya lahat ng mata nasa kanya. Noong nasa canteen naman hindi ko maiwasan ang mapatingin sa table nila dahil kasama niya ang pinsan kong si Kyan.
Muntik ko pang bangasan yung bibig nung nagsalita pero biglang dumating ang president at pinagtanggol si Ellaine.
Bigla-bigla namang pinunasan yung bibig ni Ellaine gamit ang panyo niya! Mas lalong uminit ang ulo ko! I have to calm myself. Alam kong alam niyang nakatingin ako sa kanila at inaasar ako nang patago.
Tatayo na ako dahil hindi ko kaya ang mga nakikita ko kaso may bigla namang humarang para mapunta sa amin ang atensyon ng mga tao.
"Tsk. What the hell!" bulyaw ko sa lalaking nasa harap ko dahil natapunan lang naman ako ng inumin niya sa uniporme ko. I'm the one doing the laundry and this is a little too much.
"Naku! Sorry po, hindi ko po kasi nakita," nainis naman ako sa sinabi niya. Kinwelyuhan ko nga, kasi naman, sorry? Napahiya na nga ako, sorry lang ang sasabihin niya. Ready na akong suntukin siya pero...
"Tama na iyan, Leighton," sabi ng isang pamilyar na boses.
Nabato ako sa kinatatayuan ko lalo na ng hawakan ako ni Ellaine. Buti na lang at nahatak ko ang kamay ko sa kanya kaagad.
Dumeretso ako sa rooftop at tumungtong sa railings pagkarating na pagkarating ko.
Ngayon na lang ulit ako nakapunta rito. Umihip ako sa hangin dahil ang lakas at ang lamig nito.
Sana ganito na lang lagi katahimik ang buhay ko. Walang Kyan, Tyrell at ang iba ko pang mga pinsan na malakas rin mang-asar.
Tumingin ako sa langit. This time, perfect heart na ito. Hindi lang iyon, dalawa na siya. Napangiti naman ako kahit hindi ko alam kung anong pinaparating nun.
Isa lang ang alam ko, maganda ang ibig sabihin nito.
"Hoyy!"
Pababa na sana ako kaso nagulat ako sa biglang pagsulpot niya, nadulas, nahulog, bumagsak, ang – tanga – nung railings!
"Ouch, f*** what the heck!" sigaw ko, another nakakahiyang scene.
Ano ba naman, Leighton? Bakit ang lampa mo kapag kaharap mo si Ellaine? Basta na lang din lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyan.
Inalalayan niya ako pero nagulat ako sa sinabi niya...
"Ang tanga naman kasi..."
Napahawak siya sa bibig niya dahilan para mauntog ako sa sahig, arghh! This is so embarrassing!
"Aray ko! Ano ba, papatayin mo ba 'ko?" I didn't mean to shout at her pero nakakainis.
Hindi din naman masakit pero sinabi ko lang naman iyon para matakpan ang pagkailang ko. Gusto ko sana na matakot na lang siya sa akin at layuan ako.
"Sorry, hindi ko naman sinasadya." Nakita kong napayuko siya kaya ito na naman ako si naguilty.
Inalis ko na lang sa isip ko ang bagay na iyon at tumayo. Tinulungan niya akong makatayo at in-upo na sa bench.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?"
Can't help it, nahihiya ako kaya dinaan ko na lang sa sigaw, ayoko namang mahalata niya ako agad. Sanay na rin ako na ganito makipag-usap sa iba kapag nahihiya ako o kaya naaasar.
"S-sinundan lang naman kita, s-sabi kasi ni K-Kyan sundan kita," sagot niya habang nakayuko.
I guess pati siya nahihiya sa akin. O baka naman natatakot?
"Tsk," sagot ko.
Kinukutkot na niya yung pintura sa bench. Walang magawa? Hay naku naman! "Wala ka pa bang balak umalis?" tanong ko.
Tumayo naman siya at aalis na. "S-Sige, mauuna na a-ako."
Hindi ko siya pinigilan, ayoko nito. Ayokong mapalapit sa kanya. Hindi dahil takot akong ma-basted o kung ano man, kasama naman yun kapag magmamahal ka.
Ayoko lang talaga, once you involve yourself sa isa sa aming mga zodiacs? There will be no escape... there's no turning back.
Point of View: Patricia Ellaine Gamboa
Pagkaalis ko bigla na lang bumigat ang nararamdaman ko. Naiinis ako na ewan pero hindi ko naman makuhang magalit sa kanya.
"Ellaine! Ano? Ano ang sabi niya?" tanong ni Tricia.
Kasunod niya si Makino sa likod niya. Nilampasan ko lang sila at alam kong alam nila ang nangyari. Alam ko namang mararamdaman na nila yun dahil sa inasta ko, 'diba?
Hindi ako nagda-dramahan o kung ano. Ayoko lang talagang pag-usapan dahil kailangan ko nang tanggapin na ganoon talaga siya. Sa kaniya ako nagkagusto, e! Anong magagawa ko?
Pagbalik ng room namin tahimik lang ako. Si Leighton naman pumasok pero mukhang walang pakialam sa mundo. Parang walang nangyari kanina. Kung sabagay, mukhang sa akin lang naman big deal ang pag-uusap namin.
Napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko. Lagi na lang malalim ang iniisip ko lately, ah?
Sa tingin ko hinding-hindi ako mapapansin ni Leighton kasi naman ang kulit-kulit ko. Si Kyan naman ang nagsabi na sundan ko siya kaya ginawa ko. Sa susunod siguro hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa kanya. Pwede naman siguro maging magkaibigan na lang kami? O mas mabuti ay iyong tipong estranghero lang kami sa isa't isa. At least, malaya ko siyang natitignan kahit anong oras.
Papunta kami sa gym ngayon para sa P.E namin at buong section namin ang magkakalaban. Hindi ko lang alam kung anu-ano ang mga lalaruin namin.
Sports ang topic namin kaya tiyak na maraming sasali dahil majority sa school namin ay puro athlete.
"Ellaine, may extra ka bang jogging pants? Na-shoot kasi sa bowl yung akin," seryosong tanong sa akin ni Makino.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi ni Makino pero pinahiram ko na rin siya ng extra ko.
"Nakaka-excite naman 'to!" sabi ni Tricia.
Nage-excel din kasi siya sa sports kaya naman alam kong sisiw na ang isang 'to sa kanya. Mage-enjoy na lang din siguro ako gaya nila.
Sabay-sabay na kaming pumasok ng gym at grabe nakaka-inlove ang mga lalaki sa section namin lalo na si Leighton!
Talaga namang bumagay sa kanila ang PE uniform namin lalo na ngayong naglalaro sila ng basketball.
Bakit kaya uso sa mga lalaki ang basketball? Ang cool din naman kasi ng larong ito.
Sa kabilang side naman mga babaeng nagv-volleyball. Hindi kasi ako sanay magvolleyball kaya sa tennis ako lumugar.
Nakapaglaro na ako dati ng volleyball pero ayaw talaga sa'kin ng malalaking bola kaya nag try ako sa tennis. At hindi ako nagkamali, nagkasundo kami ng bola ng tennis.
Sa buong klase namin, 58 kami kaya super dami namin. Hindi na siguro kayo magtataka kung halos sakupin na namin ang courts ng bawat sports. Pero super laki ng school namin kaya maraming gyms and courts.
Ang una manonood kami ng laban ng mga lalaki na magbabasketball.
Excited na nga akong manood dahil baka maglalaro si Leighton pero hindi naman siya tumayo. Kasama sa maglalaro sa team namin ay sina Kyungsoo, Gaige, Davon.
Habang naglalaro nakatingin ako kay Leighton pero nanonood parin ako minsan.
Ang gagaling pala ng mga kaklase ko pagdating sa sports. Isang tao lang kasi ang pinapanood ko noon palang kaya wala sa kanila ang atensyon ko. This time, sila naman ang pagtutuunan ko ng pansin.
Bigla namang napunta sa akin ang bola dahil may naghagis. Binalik ko yun kaso ako itong si tanga. Tinamaan si Kristel sa ulo. Ayaw talaga sa akin ng mga malalaking bola 'no?
"Hala! Sorry," medyo mahina kong sabi ko sa kanya. Hindi naman siya kalayuan sa'kin kaya alam kong rinig niya ang sabi ko sa kanya.
"Okay lang," sabi niya sabay ngiti sa'kin.
Isa siya sa tahimik sa room namin at isa rin siya sa maliit. Ang cute nga niya eh. Bilugan din ang mata niya at para siyang tarsier. Haha!
"Hindi ka kaya magkabukol niyan?" tanong ko sa kanya. Kasi naman alam kong hindi ako sanay humawak ng bola pero kahit papaano rinig ko ang impact. Kung ako siguro yun baka sa clinic na ako makikita ngayon.
"Huwag kang mag-alala sa kanya, okay lang siya. 'Diba Kristel?" sabi ni Gaige sabay akbay sa'kin. Siya naman itong palabiro sa klase pero madalang lang dahil kay Tricia. Kumbaga, siya ang mood-maker ng section namin.
Weird, pero bakit parang ngayon ko lang sila napansin? Masyado bang puro Leighton ang nasa isip ko. Ngayon lang din naman kasi ako in-approach ng lalaking ito.
"HAHA! Don't worry, wala nga akong naramdaman," sabi niya sabay ngiti. Eh? Walang naramdaman, e, ang lakas nga nung impact!
"Oh, huwag mo na siyang alalahanin, okay lang iyan," sabi naman ni Gaige sabay gulo ng buhok ko. "Iyan pa, e, mas matigas pa iyan sa bato oh," dagdag niya pa.
Kahit na-weirduhan ako hinayaan ko na lang sila, bahala na nga! Sabi naman niya ayos lang siya kaya ayos na rin ako.
After ng basketball pina-gather na kami ng teacher namin sa volleyball court. Kasali si Tricia at Makino rito kaya naman todo cheer ako sa kanila. Ang galing ni Tricia! Kulang na lang siya na ang maglaro kalaban yung iba naming kaklase.
"Oh? Hindi ka ba maglalaro?" tanong ni Gaige sa akin.
Hindi naman na-awkward-an sa kanya kaya okay lang na kasama ko siya ngayon. Madali naman siyang pakisamahan at kilala ko na rin naman siya dati.
"Mamaya pa. Tennis kasi ang sinalihan ko," sabi ko at tumango naman siya. 10 na ang nakakapaglaro, sa volleyball naman 12, sa Tennis naman 12 students, then lastly ay soccer with 24 members na agad. And equals to 58!
Hindi ko naman sinuma pero dahil 58 kami kaya nasabi kong equals to 58 yun. Haha! Tinatamad akong magsuma. Ayoko kasi ng math.
Noong ako na ang maglalaro, rinig na rinig ko si Tricia na nag-cheer sa akin. Meron pa ngang, "I-cheer niyo naman si Ellaine, kung hindi uupakan ko kayo." Kaya ayun lumakas ang cheer. Tricia talaga oh!
Kung sineswerte naman ako, ayun nanalo naman. Medyo nahirapan lang ako dun sa isa kong nakalaban dahil ang laking babae. Hiyang-hiya naman daw si ako.
Sa huli naman ay soccer and unexpectedly, si Leighton ay sumali sa soccer, Ang galing niya! He can carry the game ng mag-isa. Hindi ko ito sinasabi kasi gusto ko siya. Sadyang nakakahanga lang ang paglalaro niya. Dati kasi hindi siya sumasali kaya ngayon ko lang siya napanood.
Nanonood lang siya noon at noong una siyang sumali ay hindi ko naintindihan. Nagforfeit ang kalaban niya ng hindi man lang sinisimulan.
Kasama naman niya si Quinten which is isa din sa magaling sa team nila. Pinsan siya ni Leighton na mukhang babae dahil sobrang puti at mukhang manika. Medyo may kahabaan pa ang buhok kaya mas lalong napagkakamalan.
Ang init na nga, e, pero hindi sila tumitigil. Namumula na si Leighton! Baka umitim siya.
Si Quinten naman parang nanghihina dahil siguro sa pagod, tinapik lang ni Leighton ang balikat ni Quinten at automatic na lumabas siya sa field.
Wala naman naging angal ang teacher namin dahil sa dinahilan nila. Baka kaya may sakit si Quinten?
"Aw, bakit siya lumabas?"
"Wala ng katulong si Leighton sa laro..."
"AJA! Kaya niya 'yan. Go, Leighton!"
Linya ko yun e! Pero for sure, kapag si Kyan ang kalaban ni Leighton, si Kyan ang i-cheer nila. Gusto kong sumigaw pero nahihiya ako.
"Hey! Bakit hindi mo i-cheer ang love of your life mo?" tanong ni Tricia.
Umiinom na kami rito habang nanonood ng laro. Grabe na kasi ang sikat ng araw tapos kagagaling lang namin sa laro kanina.
"Ayoko nga, nahihiya ako 'no!" sabi ko.
Pagdating kasi kay Leighton ay nahihiya na ako pero magaling din akong sumayaw, kumanta at tumugtog ng instruments.
Hindi ako nahihiya kapag magpeperform pero kapag para na kay Leighton, doon kinakabahan na ako!
Bakit ganito ang epekto niya sa akin? Napabuntong hininga na lang ako. Sabi ko 'diba, kakalimutan ko na ang nararamdaman ko at okay na ako sa kaibigan?
Sa huli ng game nanalo parin ang team nina Leighton pero lumapit siya kay Quinten at pinagyan ng cold compress at pinapasok sa loob.
Ang weird talaga niya!