Chapter 7 - The cloaked man
Point of View: Leighton Era
Habang naglalaro, ramdam ko ang panghihina ni Quinten kaya pinalabas ko na siya.
Wala na naman siyang magagawa dahil kahinaan niya ang araw. Madalas din silang maglayo ni Davon dahil minsan nararamdaman niya ang presensiya nito.
Bale, kahinaan nila ang isa't isa. Si Davon kasi ang flame sa amin at si Quinten naman ang froze, obviously.
Sa lahat ng Zodiac, si Quinten ang ka-close ko sa lahat. Siya lang din naman kasi minsan ang nakakausap ko ng matino, e. Madalas din siyang seryoso sa mga bagay maliban na lang kapag aasarin ako. Hay! Nasa lahi na namin talaga ang mga mapang-asar and sadly sa akin nila naibunton iyon.
If you wanted to ask me what happened? Kung ano'ng nangyayari at napunta rito ang mga pinsan ko without everyone's realizations? Dahil nandito na sila. They are back at talagang sinundan pa nila kami.
Kaya wala kaming ibang nagawa kung hindi ang bigyan ng pekeng ala-ala ang lahat ng schoolmates namin.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko nang marinig kong tumunog ito.
Calling Tyrell...
Leighton: Oh bakit?
Tyrell: [PHONE] Kailangan niyong bumalik dito, ASAP! Isama mo si Kyan.
Leighton: Ha? Bakit naman?
Tyrell: Huwag ng matanong bilisan mo na!
-End call-
Sinabihan ko na si Kyan tungkol sa pagtawag ni kuya Tyrell. Nalaman kong naiwan pala niya ang phone niya sa bahay kaya sa akin tumawag si kuya.
Buti na lang at break na rin namin kaya makakapunta kami. May kakaiba rin sa tono ng pananalita ni kuya Tyrell kaya nakakapagtaka.
Kilala namin si kuya Tyrell bilang isang masayahin na tao at kung magbibiro man siya ay mahahalata mo sa tono niya.
Pero ngayon kasi, parang may kakaiba sa tono nito. Hindi na ito masaya at hindi na rin pakanta.
Hindi naman nagtagal ay pumunta na kami at halos lumuwa ang mata namin pagdating namin sa bahay.
"Ano'ng nangyari?" tanong namin kay kuya Tyrell.
Halos wala nang natira sa bahay namin. Kung hindi sira ay sunog naman ang mga ito. Wala na kaming matitiran.
On the second thought, meron pa pala. Pero matagal ko na sinabi sa sarili ko na hindi na ako babalik doon.
"Kagagaling ko lang sa bayan para bumili ng pagkain natin pero pagdating ko ganyan na iyan," sabi niya. Seryoso ang tingin niya kaya naman alam naming galit siya. Lumalakas na rin ang hangin kaya for sure kaunting tulak pa sasabog na siya... kuya Tyrell.
"Ang mga witches," tanging sabi na lang niya.
Lalo pang lumakas ang hangin. Kung titignan mo si kuya Tyrell, mabait 'yan pero pagdating sa mga witches wala siyang sinasanto.
"Huminahon ka, kuya Tyrell. Sa ngayon, doon muna tayo sa bahay natin," sabi ni Kyan.
Hinawakan niya kasi sa balikat si kuya Tyrell upang pakalmahin ito. At tama kayo ng dinig, hindi ito ang pinakabahay namin dahil maliit ito. Gusto ni kuya Tyrell na tumira nang nakahiwalay at sinama kaming dalawa ni Kyan.
Madalang naman din akong umuwi kaya sumama na lang ako sa kanila. Magandang lugar din kasi ito para sa mga alaga kong halaman. Pero hindi ko inaasahan ang nangyari ngayon sa bahay namin.
Si Kyan ay bigla nang nawala, tiyak at nagteleport na iyon papunta sa bahay habang si kuya Tyrell naman ay mabilis na tumakbo.
Naiwan ako dahil nga makupad ako. Tsk!
Bago pa man ako makatakbo, may naramdaman akong kakaiba. Isang presensya... hindi ko alam pero hindi agad ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang akmang susundan ko na sila.
Nakita ko na lang ang isang bilog sa inaapakan ko. I'm trapped! Biglang humangin nang malakas pero hindi pa rin ako gumagalaw. Tanging ang buhok at damit ko lang ang sumasabay sa lakas ng hangin.
Bakit naman kasi iniwan nila ako rito mag-isa? Alam naman nilang hindi ko kayang labanan ang mga witch kung sakali mang dumating sila. Ano na lang kayang mangyayari sa'kin kapag nagkataon na witch ang makasagupa ko?
"Kung sineswerte nga naman at si Leighton ang nabiktima," sabi ng isang hindi pamilyar na boses. "Or... malas?" pagpapatuloy niya. Iniinsulto ako ng isang 'to!
"Sino ka ba? Magpakita ka?!" sigaw ko sa kanya. May lumabas naman na lalaki mula sa likod ng puno na nakasuot ng itim na kapote.
Nakatakip ang mukha niya kaya hindi ko mamukhaan kung kakilala ko ba ang isang ito. Isa lang ang tinitiyak ko, isa siyang wizard.
"Well well well! Leighton Era Xi – telekinesis. Haha! Pero, paano mo magagamit ang kapangyarihan mo kung hindi ka makagalaw, o hindi mo lang kayang kontrolin?" Tumawa na naman siya ng nakakainis.
Kaunti na lang talaga babangasan ko na 'to kapag hindi tumigil sa katatawa. Mas nakakainis pa ang presensiya niya kaysa sa mga pinsan ko na madalas akong inaasar. Kaya lang may problema talaga sa katawan ko. Hindi ako makagalaw! Para akong napako sa kinatatayuan ko, literal!
Bigla siyang nawala sa paningin ko at naramdaman ko siya sa likod ko na may tinusok sa bewang ko. Ang hapdi! Para akong natusok ng isang malaki at matulis na kutsilyo dahil sa sakit pero kasing nipis lang siya ng karayom. Iba ang pakiramdam ko!
Naramdaman kong may dumaloy sa katawan ko na mainit na bagay pero hindi ko alam kung ano yun. 'Sana huwag yun isang shard' Dahil kung hindi, hindi ko na rin alam kung saan ako pupulutin kung sakali mang mabuhay ako.
"Nababahala ka ba kung ano ang bagay na yun?" tanong niya sabay layo sa akin. "Natatakot ka bang isang shard iyon?" tanong niya sabay tawa na naman.
Nakakapanginit ng ulo ang mga sinasabi niya pero hindi ko na lang pinansin.
Ang init ng pakiramdam ko, feeling ko mapapaso ako sa sobrang init. Ramdam ko ang bagay na yun, nasa puso ko na ito!
Kulay pula na ang paningin ko hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Napaluhod na lang ako dahil sa sakit ng katawan ko, ang ulo ko na parang binibiyak dahil sa sakit. Ano bang nangyayari sa'kin? Ganito ba ang epekto ng isang shard? Hindi ako makagalaw ng ayos.
Bumalik na ako sa bahay nang maging okay ang pakiramdam ko. Nakita ko sila sa sala at nagtatawanan kasama si Ellaine. Alam na siguro niya ang tungkol sa nangyari. Buti na lang at hindi siya gaanong nagtanong.
Ano naman kaya ang idinahilan nila sa kaniya?
Ang nandito lang sa bahay ay sina Gaige, kuya Davon, Kyan, kuya Tyrell, Quinten, at si Kristel.
Habang sina ate Andrea, ate Pierre, kuya Coen at kuya Nixon naman for sure busy ang mga iyon dahil mga may trabaho na. Si Zaire naman, kasama ni kuya Coen dahil magkapatid silang dalawa.
Si kuya Coen ay isang doctor ng tao at maging ng mga zodiacs. Siya ang tinatawag namin chief noong nandoon pa kami sa dati naming planeta. If I can still remember it correctly. Hindi na kasi malinaw sa akin ang mga nangyari noon.
Si ate Andrea naman ay ang time control. Hindi ko alam kung ano ang trabaho niya! Malay ko pinagkakaabalahan nun, masyadong misteryoso, e. Ang sungit pa!
Si kuya Nixon naman na kuya ni kuya Tyrell ay water boy este may spa siyang pinapatakbo at ilang mga swimming pools and beaches.
Sa pagkakaalam ko naman, si ate Pierre ay isang blacksmith. Gumagawa siya ng mga espada. Hindi ko alam kung para saan. Wala namang kinalaman sa kapangyarihan niya ang trabaho niya dahil isa siyang Earth user.
"Saan ka ba nanggaliiing, bakit ngayon ka lang?" tanong ni kuya Tyrell.
Kung kanina para na siyang bulkan na sasabog ngayon naman makangiti wagas. Naramdaman kong may tumusok sa bibig ko, hindi pwede 'to!
Hindi ko siya pinansin at pumasok sa kwarto ko dahil baka kapag nagsalita ako makita nila ang pangil ko. Ang pangil ng isang mabangis na pusa.
Pagpasok ko para na naman bibiyakin ang ulo ko. Kung dati nakokontrol ko pa ang pagiging pusa ko, ngayon nahihirapan na ako. Hindi ko rin alam kung paano, isa kasi ito sa sumpa na ibinigay sa amin. Kaya lang, iba talaga ang pakiramdam ko ngayon.
Hindi ganito kasakit ang binibigay sa'min kapag nagpapalit ako ng anyo... bilang pusa. Alam kong kakaiba talaga ang nangyayari sa'kin pero walang akong ideya kung ano ito!
Bilog ang buwan, bakit ganito? Nakakaya ko pa naman dati na maging tao parin kahit bilog ang buwan pero ngayon... "Arghhhh!" Iniipit ko ang boses ko.
Once na ibukas ko maririnig nila ako, kailangan ko muna makaalis dito. Ayokong kaawaan nila ako!
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ito maaari! Hindi isang pusa ang nakikita ko ngayon sa salamin kundi isang Wolf! Lumayo ako sa salamin habang umiiling.
Ano bang nangyayari? Hindi ba dapat ay pusa? Anong kinalaman ng isang wolf sa mga Zodiacs? Sino ba talaga ako? Sino ang nilalang na nasa harap ko ngayon? Tumalon ako sa bintana ng kwarto ko at lumayo.
Sa gubat, lahat ata ng puno sinira ko na dahil ang sakit ng ulo ko. Kulay pula na rin ang paningin ko. Kaunti na lang magiging isang ganap na mabangis na hayop na ako.
Lumayo pa ako, kaunti na lang mawawala na ako sa sarili ko. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari sa'kin. Curse that f*****g shard!
"Awoooooooo!" Ang huling naalala ko lang ay ang pagtalon ko sa isang mataas na puno.
Point of View: Patricia Ellaine Gamboa.
Grabe ang nangyari sa bahay nina kuya Tyrell. Natupok!
Sino kaya ang magsusunog noon dahil tago naman ang bahay nila?
Kasama ko sila dito sa bahay nila, iyong bahay mismo nilang lahat na magpi-pinsan.
Pagtingin ko nga sa labas ang laki eh, lalo na sa loob. Mas malaki pa sa tinutuluyan ko dati. Medyo creepy nga pagtingin ko sa labas dahil gabi pero maganda raw ito tuwing nasisinagan ng araw.
Ayaw ata nila na may nagpupunta rito tuwing gabi dahil parang haunted house.
Ang iba naman nilang pinsan? Mababait naman pala silang lahat kaya natutuwa ako. Nakakatuwa silang kausap lahat! Iba-iba nga talaga ang mga personalities nila.
Bigla naman dumating si Leighton habang nasa gitna kami ng pag-uusap. "Saan ka ba nanggaliiing, bakit ngayon ka lang?" tanong ni kuya Tyrell pero hindi siya nito pinansin.
"Anong problema nun?" tanong nilang lahat.
"Hayaan niyo na yun baka naligaw na naman kanina," sabi ni Kyan.
Nag-aalala ako sa kanya. Parang iba yung aura niya kanina. Parang anytime kakain na siya ng tao. Ang creepy! Oo, dati ganoon na rin ang nararamdaman ko pero ngayon kasi kakaiba. Mas nakakatakot!
"Sandali lang guys, saan ba dito ang CR?" tanong ko pero hindi naman ako mag-CR hahanapin ko si Leighton baka kung ano na nangyari roon.
"Kumanan ka lang diyan tapos kaliwa, derederetso ka na hanggang sa kulay asul na pinto," sabi nila at nagpaalam na ako.
Medyo naguluhan nga ako sa binigay niyang direksyon pero hahanapin ko na lang ang kulay asul na pinto.
Para kasing may kanya-kanya silang kulay ng pinto. Siguro mga paborito nilang kulay ang kinulay nila sa mga pinto nila. Color coding, parang ganoon. Ano kayang paborito ni Leighton?
Pagpunta ko nakita ko kung saan pumasok si Leighton kaya naman sinundan ko. Idinikit ko lang ang tainga ko para marinig siya.
"Argh!" Rinig ko sa loob. Nag-aalala na ako.
Baka kaya masakit ang ulo niya o kaya naman may sakit na talaga siya kaya ganoon siya kanina?
Bubuksan ko sana kaso ay may nagsalita sa likod ko.
"Hindi iyan ang CR, babe. Dito." Sabay turo ni Kyan ng banyo.
Kinabahan ako dahil sa pagsalita niya. Nagulat kasi ako sa bigla niyang pagsulpot.
"Ah sige salamat."
Bago ko isara ang pinto ng CR tumingin ako sa pinto ng kwarto ni Leighton. Ano kayang nangyayari sa kanya? Nababahala kasi talaga ako sa narinig ko kanina.
Parang namimilipit siya sa sakit na hindi mo maintindihan. Kaya ba parang badtrip siya at hindi man lang pinansin si kuya Tyrell?
Sa pag-obserba ko kasi, kahit pasigaw pa iyan ay magsasalita si Leighton. Ganoon naman talaga kasi siya makipag-usap. Parang laging galit sa mundo.
Pero parang inisnob na niya kaming lahat at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.
After kong mag-CR, hinatid na nila ako sa kwarto ko dahil inaantok na din daw sila gaya ko. Dati ayoko sa malaking bahay dahil parang nakakatakot pero ngayon gusto ko na rito. Ang laki ng kwarto ko at pambabaeng pambabae. Bago nga ako pumasok pinigilan ako nina Quinten at Gaige tapos pumasok sila.
Ilang sandali lang lumabas na sila at pinapasok ako, kulay pink ang pader tapos ang daming stuff toys sa kama kaya naman niyakap ko silang lahat.
"Ang ganda naman ng kwartong 'to," sabi ko habang nilalaro ang mga kamay nito. "Pero ayos lang kaya si Leighton? Nag-aalala na ako," sabi ko sabay hinigpitan ang yakap sa teddy bear at nakatulog na.