Chapter 8 - Monthly period
Point of View: Leighton Era Xi
"Kamusta ka na, Leighton?" bungad niya sa akin. Naikuyom ko ang palad ko at handa na siyang sugurin pero pinigilan niya ako nang magsalita siya ulit. "Nagtataka ka na siguro sa inaasta mo?"
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba at dahil iyon sa inilagay niya sa katawan ko.
"Anong ginawa mo sa akin? Anong nangyayari sa akin?!" pasigaw na tanong ko sa kanya.
Alam kong siya ang dahilan ng mga nangyayari sa'kin ngayon. Walang duda, dahil simula ng lagyan niya ako ng bagay na yun ay naging ganito na ako. Iba na ang inaasta ko.
"Huwag ka mag-alala, sa oras na ito sumanib na sa'yo ang kapangyarihan ng pagiging isang wolf," sabi niya, nakakasar na siya. "Ibig sabihin tuwing gabi magiging isa kang ganap na wolf."
"Pero bakit hindi ko na siya makontrol ngayon? Hindi ko maintindihan," pagkasabi ko nun ay nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Ngayon pa ba siya magugulat? "Ibig sabihin ba nun, lalo ko nang hindi makokontrol ang kapangyarihan ko?" tanong ko ulit sa kaniya.
Hindi ko malaman sa sarili ko pero parang kahit papaano ay kailangan kong magtiwala sa kaniya. Bukod sa siya ang gumawa nito sa'kin ay wala na akong ibang pagpipilian. Gusto ko pa malaman kung ano talaga itong ginawa niya sa'kin.
"Tama ka! Pero, huwag ka mag-alala. Tuwing gabi lang naman yan. Pagkatapos ng ilang linggo makokontrol mo na yan," sabi niya, buti na lang.
Hindi ko na pinansin ang pagkagulat niya pero nabahala ako sa naging reaksyon niya na iyon.
"Paano naman ako nakakasiguro na totoo ang sinasabi mo?" tanong ko.
Gusto kong malaman ang dahilan para maniwala ako sa kaniya. Ngumiti ulit siya sa'kin nang nakakaasar.
"May panahon pa ba para magduda ka sa'kin?" tanong niya.
Napaisip naman ako. Wala na nga talaga akong ibang pagpipilian. Pero may isa pa akong ikinababahala.
"Alam kong hindi lang yun ang kahinaan ko," sabi ko. May pakiramdam talaga ako. May mali. "Sabihin mo sa'kin ang lahat, ayokong magmukhang tanga pagdating sa sarili ko!"
Napatigil siya at napatingin sa'kin. Para bang, may nakalimutan siyang sabihin. Ito na naman ang kaba na nararamdaman ko.
"Kung ayan ang gusto mo, isa lang naman ang magiging kahinaan mo. Iyon ay si Ellaine," sabi niya.
Napantig ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Napakunot tuloy ang noo ko dahil doon.
"Huwag na huwag mo siyang hahawakan," sabi ko.
Nanginginig na ang kamao ko. Handa na akong sugurin siya ngayon! Kapag may nangyari kay Ellaine hindi ko na alam ang magagawa ko.
Iniwasan ko na nga siya dahil ayoko siyang mapahamak pero ganito ang gagawin niya. Huwag na siyang gumaya pa sa mga pinsan ko!
Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit si Ellaine ang kahinaan ko. Dahil ba sa nararamdaman ko para sa kaniya? Paano naman yun?
"Wala naman akong gagawin sa kanya pero gusto ko lang sabihin sa'yo na kapag nasaktan siya..." unti-unti siyang lumapit sa'kin habang nagsasalita. "...mas doble ang sakit na mararamdaman mo... at kapag hindi mo pa nahanap ang taong itinakda ay magiging ganyan ka na habang buhay."
Pagkatapos nun naglaho na lang siya na parang bula.
Napatigil ako at napatulala sa kawalan. Paano na 'to? Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung makakaya ko 'tong mag-isa dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang kontrolin ang kakayahan ko.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ngayong nalaman ko na ang mga gusto kong malaman, saka naman ako mamomroblema sa kung ano ang gagawin.
"Hindi ka naman nag-iisa eeeeh," sabi ni kuya Tyrell sabay peace sign.
Napatingin ako sa kanila habang nanglalaki ang mga mata ko habang si Kristel naman galing sa ilalim ng lupa, si Gaige naman bigla-biglang umakbay sa'kin, si Davon at Quinten lumabas galing sa likod ng puno.
"Anong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ko.
Ibig sabihin ba nun alam na nila na mangyayari sa'kin ang bagay na ito una palang? Hindi naman nila ako susundan kung hindi, 'diba?
"Alam na namin simula pa lang ang tungkol sa lagay mo, oh ikaw ba naman ang pumasok sa bahay ng ganun ang aura!" sabi ni Davon.
"Kahit na lagi kang masungit, alam pa rin namin kung anong usual na Leighton sa hindi," sabi nila.
Napailing na lang ako, kahit kailan ang mga 'to! Akala ko puro pang-aasar lang ang kayang gawin araw-araw.
"Uyy! Kinikilig siyaaa," panunukso ni kuya Tyrell. Ito na naman po tayo! Hindi ko na lang siya pinansin.
Napahawak naman ako sa ulo ko nang batukan ako ni Gaige. "Bakit mo naman ako binatukan? Masakit ah!" sigaw ko kay Gaige.
"May balak ka pa kasing itago sa'min kung hindi lang namin nahalata eh," sabi niya sa'kin. Inalis ang pagkakaakbay at kinamot ang tainga. Kadiri talaga!
"And don't worry about Ellaine, babe. Ako ang bahala sa kanya," sabi ni Kyan sa'kin na parang nang-aasar. Napakunot naman ang noo ko dahil sa inis.
"Huwag na lang, ako ang poprotekta sa kanya," sabi ko.
Nag-asaran pa kami hanggang sa makarating kami sa bahay namin.
Sa tingin ko hindi naman ako mag-iisa, kasama ang mga gunggong kong mga pinsan pupuksain namin ang kasamaan.
Well ang korny nung last line na yun, a? Pero sana naman huwag na nilang idamay pa si Ellaine sa kalokohan ng mga witch na yun.
Dahil kung sakali, ako ang tatapos sa walang kwenta nilang buhay.
xxx
Hindi ako sumabay sa kanila pumasok at maagang gumising. Tatambay na lang ako ulit sa taas ng puno para makapag-isip.
Nandito na ako sa puno at nakatingin na sa langit, mukhang uulan pa ata. Bigla ba namang kumidlat, napatingin ako sa taong nagtatago sa isang puno.
Kaya naman pala, loko loko din 'tong isang 'to. Nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat niya na ikinagulat niya at halos tumalon pa.
"Holy Mentos in a Can! Leighton naman oh! Bakit ka nanggugulat?" naghehesterikal na tanong niya sa'kin habang nakahawak sa dibdib niya.
"Nakita mo namang hindi na magkanda ugaga ang mga players sa pagligpit dahil akala nila uulan tinakot mo pa," sabi ko.
Tinabihan ko naman siya at pinanood ang kabaliwan na ginagawa niya.
"Oo nga 'no, sorry naman!"
Napakamot niyang sabi at tinigil na ang ginagawa.
Nga pala, si Gaige 'tong kaharap ko. Kesyo baliw ang isang 'to at pakidlatin, masasapok ko 'to, e!
"Ano bang ginagawa mo rito at naisipan mong manakot?" tanong ko.
Naupo na lang ako sa damuhan at nanood sa mga taong dismayado.
"Nakakaloka naman 'tong ulan na 'to!"
"Kung ituloy na lang niya kaya nakakabanas!"
"Argh~ What the hell is your problem ba, Mr. Kidlat?"
Sigaw ng mga babae. Muli na namang kumidlat kaya binigyan ko ng masamang tingin si Gaige.
Mukha naman silang natakot dahil dun, si Gaige naman tawa nang tawa sa tabi ko. Hawak-hawak pa ang tiyan niya.
Hindi lang mapang-asar ang isang 'to, may toyo rin. Kaya pala hindi kami nauubusan ng supply ng toyo sa bahay dahil lagi siyang meron...
"Tigilan mo na nga 'yan, mamaya may makakita pa sa'yo," sabi ko sabay bato nang bato sa kanya pero hindi ko ginamit ang kamay ko.
"Bakit mo ba ko binato?" tanong niya sabay himas ng ulo niya.
"Ako ba 'yun? Nakita mo?" pabalang na tanong ko.
"Oo nakita ko," sabi niya.
"Bakit hindi ka umilag?" tanong ko.
Nakapikit na ako ngayon pero bigla siyang natahimik at pagdilat ko nakanganga na siya. Paiba-iba rin ito ng mood, a? Dinaig pa ata si kuya Tyrell. Tinignan ko naman siya nang may halong pagtataka.
"N-Nakokontrol mo na?" That thing shut me up, oo nga noh? I didn't even use my hands at sa isip ko lang yun sinabi.
"Hindi ko alam," sabi ko na lang, napatingin ako sa langit at may araw na. Ayon sa langit... "Aray!!"
Biglang sumakit ang puson ko. What the hell is this? Bago sa'kin 'to ah? Napakahapdi, parang pinipilipit ang baywang ko dahil sa sakit. Napahawak ako sa puson ko.
"Anong nangyayari sa'yo? Nant-trip ka ba?" tanong ni Gaige.
Medyo na-weirduhan din siya dahil bigla na lang ako nagkaganito pero mas weird naman ito para sa'kin!
"Ang sakit ng puson ko," sabi ko.
"Hala? Puson? 'Diba sumasakit ang puson ng babae kapag meron sila?" sabi niya, binigyan ko naman siya ng 'Bakit-babae-ba-ako' look! "Eh bakit ga---" Mukhang alam na niya ang ibig sabihin nun kaya napatigil na naman siya.
"Naku! Mukhang meron si Ellaine, maitanong nga," sabi niya. Akmang aalis pero pinigilan ko siya. Ang sakit, imagine-in niyo. Sa mga babae namimilipit sa sakit kapag meron paano kung sa'ming mga lalaki tapos dodoble pa yung sa'kin? Nakakaloko ang nararamdaman ko!
"Tara sa clinic," sabi niya sabay tayo pero sinigawan ko naman agad siya.
"Tanga ka ba, ano na lang iisipin ng nurse kapag sinabi kong masakit ang puson ko? Puntahan mo na si Ellaine!" sigaw ko.
Hindi kasi ginagamit ang utak kaya nabubulok na lang, e!
Pagkaalis niya tumakbo na ako pabalik sa bahay. Pupunta sana ako ng kwarto ko pero hinatak na ako ng sofa at doon bumaluktot.
Para tuloy akong tanga na nakabaluktot dito sa sofa. Tapos ito at nakita pa ako ni kuya Tyrell.
"Anong ginagawa mo rito? Bakit ganyan ka mahiga, daig mo pa caterpillar na magiging paru-paro aaah," sabi ni kuya Tyrell.
I raise my hand using my middle finger sabay curse nang walang tunog.
"Chill, nagbibiro laaang," sabi niya sabay lapit sa'kin "Ano bang trip mo ha Leighton, namumutla ka naaa?" tanong niya.
Hinawakan niya ako pero tinapik ko lang siya. "Sabihin mo kasi sa'kin kung anong nangyayari para magawan ko ng paraan!" galit na sigaw niya. Hindi ko alam pero naiirita lang ako sa boses niya.
"Masakit ang puson ko," sabi ko.
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Magsasalita pa sana ulit siya pero narinig ko namang may kumatok sa pinto.
"Wait bubuksan ko lang."
Pagbukas niya pumasok si Ellaine na masakit din ang puson. Naupo ako para hindi halatang masakit din ang puson ko. Tinakpan ko na lang ang mukha ko gamit ang kamay ko at hindi sila tinignan.
"Sumakit kasi ang puson niya sa klase kaya inuwi ko na," sabi ni Kristel. Tinignan naman niya ako at sabi, "Hindi ka pa rin pumapasok?" tanong niya sa'kin.
Hindi ko naman siya pinansin. Naririnig ko pa ang pag-ingit ni Ellaine dahil sa sakit ng puson niya. Ganito pala talaga ang mga babae.
"Ouch! Ang sakit talaga ng puson ko," sabi ni Ellaine. Binuhat na ni kuya Tyrell si Ellaine sa kwarto ako naman ramdam ko ang sakit ng puson.
"Wow! May monthly period ka rin?" tanong ni Kristel sa'kin. Binigyan niya ako ng hot compress. "Ngayon alam mo na kung ano ang nararamdaman ko kapag meron ako. Alam mo na rin siguro kung bakit mainit ang ulo ko sa iyo kapag ganoon."
Natawa naman si kuya Tyrell sa sinabi niya.
"Mukha ba akong nagkakaroon?" tanong ko pero inabot ko parin ang hot compress sa kamay niya at nilagay sa tiyan ko. Sa ilalim pa ng damit para sure.
"Well, sa ngayon para kang si Ellaine, sabay pa kayong nagkaron!" sabi nila sabay tawa.
Alam kong alam niya kung bakit nagkakaganito ako pero nakakainis nakuha pang asarin ako! Kahit kailan talaga. Kahit ata sa mga seryosong usapan, makakahanap at makakahanap sila ng dahilan para asarin ako, e!
Maya-maya nawala na din ang sakit, it means wala na ding masakit kay Ellaine. Buti naman, feeling ko hihimatayin ako sa sobrang sakit e.
Ganun pala nararamdaman ng mga babae kapag meron sila, pero ang kinaibahan lang mas masakit ang sa akin. Ngayon alam ko na kung bakit madalas masungit ang mga babae.
Hindi na ako magtataka pa doon!