Chapter 9

1817 Words
Chapter 9 -New Friend and Savior Kagrupo namin si Leighton sa gaganapin na program. Ewan ko pero nag-present siya na sumali sa grupo namin dahil siya na lang ang walang kasama. Magaling palang magluto si Leighton, bakit hindi ko alam yun. Okay? Kailangan alam lahat? Pero gusto ko pa siyang makilala ng lubos. Nagtataka lang talaga ako at mahilig pala talaga siyang magluto. Isa pa, for the first time in history daw ay siya ang nag-presinta dahil noon lagi siya ang kinukulit na sumama sa isang grupo. Hindi ko rin alam kung anong nangyari at biglang ganito pero masaya rin naman. Magkasama kasi kami sa isang grupo! "Keep stirring, huwag ka magdaydream diyan baka masunog!" sigaw niya sa'kin. Tinuloy ko ang paghahalo ng niluluto namin. Siya ang tagatimpla, ako ang tagahalo. Ang galing niya kasing maghiwa ng sibuyas. Ang bilis tapos ako pa ang katabi niya. Hindi nga ako ang naghihiwa pero ako pa yung naluha, bad onion! "Umayos ka nga, hindi tayo matatapos kapag nakatunganga ka diyan," suway niya. Bakit kasi iniwan ako nina Tricia rito sa kusina, e! Kahit na may alam ako sa pagluluto, hindi ko naman magawa kasi gusto ni Leighton, siya na ang gagawa at gawin ko na lang lahat ng iuutos niya. Ang bossy! Dagdag pa roon, kami lang dalawa ni Leighton ang nandito sa kusina dahil aayusin na raw nina Tricia ang pwesto namin sa labas ng building. Kanina pa niya ako pinapagalitan dahil sa mali ang mga ginagawa ko. Kinakabahan na naman kasi ako lalo na sa presensiya niya. Natatakot na rin ako dahil kung nakakamatay ang titig patay na si Mr. onion na nagpa-iyak sa'kin. Pero think on the brighter side! Para kaming mag-asawa na maghahanda para sa birthday ng anak namin. Hindi ko maiwasan ang mamula dahil sa kung anu-anong mga bagay na pumapasok sa isip ko. Kinikilig ako! "Ouch!" sabay naming sabi. Napaso kasi ako! Kinikilig pa yung tao, e! Panira naman ang isang 'to. Hmpf! Ano kayang nangyari sa kaniya at um-aray din siya? "Ano ba naman 'yan, ingatan mo naman! Ako na nga riyan. Ayan! Ikaw na ang magdesign," sabi niya at kinuha sa'kin ang sandok. Napa-pout na lang ako dahil sinisigawan na lang niya ako. Unti-unti ay nasasanay na ako sa pagiging masungit niya sa'kin kaya parang wala na ito. Nagdesign na ako para naman magmukhang presentable ang ibebenta namin. Nilagyan ko ng lettuce ang paligid tapos kung anu-anong mukha. Kanina pa niya ako sinisigawan dahil sa mga maling gawa ko. Inaayos ko naman, e. Kaya lang nawawala talaga ako sa sarili ko kapag susubukan kong magfocus. Tricia! Come back here, please! "Hindi pa ba kayo tapos diyan? Maya-maya magbubukas na ang gate ng school!" biglang pasok ni Tricia. Ang galing 'no? Parang telepathy lang! Kung kailan ko siya kailangan, saka siya darating agad. May mga outsider din kasi ang pupunta sa program kaya nakaka-excite. Ang mga hindi naka-uniform hindi pwedeng pumasok kaya dapat talaga estudyante ka. Sana naman magustuhan nila ang ibebenta namin. Si Makino, Tricia at iba ko pang kaklase ang magtitinda habang kami naman ni Leighton ay magbibigay ng brochures para sa mga ibebenta namin. Take note: habang nakasuot kami ng jacket na mabalahibo, parang abo ang kulay niya! Si Tricia ang naging leader namin sa gagawin namin kaya alam ko na kung bakit kami lagi ang magkasama ni Leighton. Badtrip talaga ang babaitang iyon! Pagkatapos namin magluto ay lumabas na kami para magpahinga saglit at saka nagsuot ng costume namin. Nakakatuwa, ang cute tignan ni Leighton sa suot niya. Bagay na bagay sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatitig sa kanya habang siya naman nagbibigay ng mga brochures dun sa ibang estudyante. Noong una kasi ayaw pa niya isuot. Kesyo ang korni o ang baduy daw tapos isusuot niya. Daig pa namin ang elementary na may birthday party! Haha. Dami talagang alam. "Anong tinitingin mo diyan, may humihingi ng brochures sa'yo ayaw mong bigyan," sabi niya sa'kin sabay bigay doon sa babaeng nanghihingi raw. Mukhang magiging pabigat pa ata ako sa ngayon hanggang ngayon, ah? "Sorry hindi ko alam eh," sabi ko. Nakatingin kasi ako sa'yo! Nakaka-ilang bad shots ka na ba, Ellaine? Nakakahiya ka naman talaga, oo! Bakit kasi ayaw mong umayos ng matuwa naman siya sa'yo, 'diba? Pero anong magagawa ko kung lagi na lang akong natutulala at nagi-imagine ng kung anu-ano? "Nakatunganga kasi nang nakatunganga, bilisan mo ang dami ng tao," sabi niya sabay lakad palayo. Nagfocus na ako sa pagbibigay ng brochures. Mukhang ayaw niya talaga na malapit ako sa kaniya kaya siya lumayo. Pero infairness ang init, ah? Nasa ilalim ka ng init tapos ganito pa ang suot namin? "Excuse me miss, gusto mo? Mukhang naiinitan ka na," sabi ng isang estranghero sabay abot ng inumin niya. Tinignan ko naman siya mabuti pero naisip ko naman na nakakahiya dahil hindi ko naman siya kakilala. Kaya agad akong tumanggi. "Naku! Huwag na po nakakahiya!" sabi ko sabay wagayway ng kamay ko sa harap ko. Parang sinasabi kong ayoko. Hindi ako sanay na tumatanggap ng kahit ano sa mga hindi ko naman kakilala. "Huwag ka na mahiya, dalawa naman 'to eh," sabi niya kaya wala na akong nagawa. Ubos na naman ang brochures ko at hindi ko na makita si Leighton kahit saan. Uminom naman ako nang bahagya sa ibinigay niya at mukhang wala namang mali sa binigay niya. "Salamat ah?" sabi ko. Mukha naman siyang mabait dahil mukhang pang-elite ang suot niyang uniform. Sa lugar kasi namin kilala ang mga estudyante sa mga academy bilang magigino at mababait. Mukhang pang-mayaman ang uniform niya at galing pa sa Kirin Academy. School ito sa hindi kalayuan at puro mayayaman ang nag-aaral. Pampubliko lang kasi ang school namin kaya malaki ang populasyon. Kaya naman ang daming mga booths na nakatayo ngayon. Nagka-isa kasi ang lahat ng batch para magawa ito kaya sana hanggang sa huli ay walang maging problema. "Pwede mo muna ba akong samahan? Wala kasi akong kasama sa pagpunta ko dito," nahihiyang sabi niya. Kinamot pa niya ang batok niya at umiwas ng tingin. Nag-isip muna ako bago sumama sa kaniya. Tutal nandito lang naman kami sa school bakit hindi ko pa siya samahan? Isa pa, wala na naman akong ibinibigay na brochure kaya okay na ang trabaho ko. "Ah sure, pasasalamat ko na din sa'yo," nakangiting sabi ko sa kaniya. Inaya niya akong umupo sa isang tabi at walang imikan. Ang tahimik namin pareho at walang nagsasalita ni isa pero ilang minuto pa ang nakalipas ay binasag ko na rin. "Nga pala, ako si Ellaine," pagpapakilala ko. Kanina pa kami magka-usap, ngayon ko lang na-realize na hindi pa namin kilala ang isa't isa. "I know," medyo na weirduhan naman ako dun kaya tinignan ko siya nang matagal. "Your tag says your name," sabi niya sabay turo sa jacket na suot ko, oo nga 'no? Ang slowpoke ko! "Ako nga pala si Jackson," sabay abot ng kamay niya. Ang init! Alam ko namang normal na mainit ang isang tao pero parang may sakit lang siya dahil sobrang init niya. "So, saang school ka galing?" tanong ko. Para naman hindi siya ma-bored na kasama ako, komportable na rin kasi akong kausap siya ngayon, e. Nakakahawa rin ang ngiti na meron siya lagi sa mukha niya. "Hm... St. Matthew's Academy," sabi niya. Medyo malayo ang school na yun, a? At tulad ng inaasahan ko ay pang-mayaman nga. Akala ko pa naman sa Kirin Academy. Medyo pahiya pa! Madami pa kaming napag-kwentuhan tulad ng mga hilig namin, ang dami nga naming magkakapareho, e! Mahilig din pala siyang magbasa at palaaral din siya dahil iyon ang gusto ng parents niya sa kaniya. Supportive parents! Gusto niya kasing mag-doctor at suportadong-suportado siya ng mga magulang niya. All-in-all ang saya niyang kasama hanggang sa nagpaalam na siya. Baka raw nakaalis na yung mga ka-schoolmate niya at naiwan na siya. Wala raw siyang masyadong kaibigan dahil hindi niya daw alam, gwapo naman daw siya pero walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Sabi niya e! "Saan ka ba galing? Kanina ka pa nila hinahanap," sabi ni Leighton. Bumalik na ako sa pwesto namin at ang daming bumibili. Tumulong na rin kami ni Leighton sa pagtitinda. Ang saya pala nito? Madami ding bumibili kina Kyan which is katabi ng katapat naming store, gets? "Grabe, pinakyaw na ata nilang lahat ang benta nila Kyan," sabi ni Tricia habang sineserve ang order. Ako at si Leighton kasi ang nagsasandok. Hindi man lang makuhang ngumiti nito sa mga bumibili. Malay mo bumalik kung sakaling ngitian lang niya, 'diba? "Oo nga, e. Kapag hindi malaki ang kita nila ewan ko na lang," sabi ko. Pinagpatuloy lang namin ang ginagawa namin hanggang sa maghapon na. Muntik lang namin maubos ang sa amin pero okay na rin. Kami na lang daw ang kumain! Iyon ang advantage nun. Nasa room kami at sabay-sabay na kumakain sa loob. Si Leighton hindi naman kumakain. Kaharap ko sina Tricia at Makino, nagchichismisan ang iba naming kaklase at mga kagrupo. As expected naubos ang kila Kyan kaya wala silang kinakain. "Oyy Ellaine, kanina nakita namin nakatingin sa'yo si Leighton na para kang papatayin," sabi niya. Tinatakot ba niya ko? Pwes, natatakot ako! "Pero nung tignan ka namin may naisip kami ni Makino," sabi niya sabay ngisi sa'kin. Si Makino naman ang nagtuloy ng sasabihin niya. Medyo na-amaze pa ako dahil bigla na lang siya nagsalita. "Sino yung kasama mo kanina, yun siguro ang tinitignan niya nang masama." tanong niya. Napaisip naman ako sa sinabi nila, si Jackson ba ang tinutukoy nila? Nung naisip ko kasi, siya lang naman ang nakasama ko matapos ang pagbibigay ng brochures, e. "Hay naku! Galit lang siguro sa'kin yun dahil maaga akong natapos siya hindi," sabi ko na lang. Ayoko naman mag-isip ng kung ano ang sakit kaya maging assuming! Isa pa, ano naman kung kasama ko si Jackson kanina? Hindi ko talaga malaman minsan ang takbo ng utak ng mga kaibigan ko. After nun umuwi na kami. Hindi ko nakasabay si Kyan dahil may pupuntahan pa raw siya kaya wala akong kasabay. Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasan ang mapalingon sa likod ko dahil feeling ko may sumusunod sa'kin, nakakatakot kaya! Hindi ko kasi kasabay sina Kyan dahil may gagawin pa sila. Sabi ko mauuna na ako at sasabay na lang ako kina Makino pero may pupuntahan rin naman daw sila. In the end, ako na lang mag-isa ang uuwi. Hindi ko na sinabi sa kanila dahil tiyak na hindi nila ako paaalisin kapag walang kasabay. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa may nagtakip ng bibig ko. "Shhh," sabi niya kaya tumahimik na lang ako. Parang pamilyar ang amoy niya pero hindi ko lang maalala kung saan ko naamoy. Maya-maya nakita ko ang lalaking nakatakip ang mukha. Mukhang paalis na. Hoo! I think niligtas ako ni kuya, magpapasalamat sana ko kaso nawala siyang bigla. Saan naman nagsuot yun? Ang bilis, a? Pero bago ako umalis ay may nakita ako, isang diamond necklace, I mean pendant na lang pala dahil nawawala ang lace. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko hanggang sa bahay. Hm? Kumain lang kaming lahat at pagkatapos nun pumasok na sa kwarto ko. Hindi ko na sinabi sa kanila ang nangyari kanina dahil paniguradong mag-aalala lang sila. Tinignan ko ang necklace na hawak ko at pinaikot-ikot iyon. Ginawa ko na lang necklace at sinuot sa'kin. Mahaba ang lace kaya hindi siya kita kapag nakadamit ako. Someday, I'm gonna meet you, my savior.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD