Chapter 10

2150 Words
Chapter 10 - I will miss Pagdilat ng mata ko kinapa ko na ang orasan sa side table at tinignan ang oras. 4:00 am. Maaga talaga akong gumising tuwing umaga. Nakaset na rin ata ang katawan ko na alas kwatro ng umaga gumising kaya madalas kong maunahan ang alarm ko. Wala naman kasing ibang gigising sa'kin kundi ang sarili ko lang kaya para maiwasan ang pagiging late ay ako na dapat ang gigising sa sarili ko. Noong nabubuhay pa si Mama, magugulat pa ako minsan dahil bubulong siya sa'kin para gisingin ako. Naaasar ako sa kaniya kapag ginagawa niya iyon dahil nakakatakot. Pero ngayon, parang gusto ko ulit maranasan iyon. I miss my mom so much! Tumayo na ako at dumeretso ng banyo habang nagiinat-inat pa. Pagpasok ko ay nagtoothbrush ako tiyaka naligo at nagbihis. Inayos ko na muna yung gamit ko bago ako bumaba at kumain ng agahan. Nakita ko silang nakaupo sa harap ng hapag kaso hindi sila kumpleto. "Good Morning, Ellaine! Kain ka naaa!" yaya sa'kin ni kuya Tyrell kaya naman umupo na rin ako. Ang nandito lang ay sina Kristel, Davon, Kyan at ako. Hindi ko tuloy maiwasan na hanapin siya. "Nasan na yung iba?" tanong ko. Hindi ko pa kasi nakikita si Leighton, e. Pasensya naman at siya agad ang hinahanap ng mata ko 'no? Sino pa ba ang dapat kong hanapin? Hindi ko rin naman ka-close ang iba niyang mga pinsan. "Nauna na. Kami muna ang makakasama mo pagpasok," sabi ni Kristel sabay pat ng ulo ko. Kahit medyo nalungkot ako ay nakaramdam naman ako ng tuwa kahit papano dahil unang beses kong makakasabay si Kristel papunta sa klase. Hindi ko alam na magiging ganito rin kami kalapit. Hindi naman kasi kami nagpapansinan. Minsan ngiti lang o kaya tatango sa isa't isa. Hindi rin naman siya ganoon kadaldal pero approachable. Tinuloy ko lang ang pagkain ko. Sabi naman niya, madaldal naman daw siya sa mga malapit sa kaniya pero kapag hindi na, medyo lang daw. Hindi ko naman siya masisisi lalo na kung nahihiya siya sa iba na kakakilala pa lang niya at hindi gaanong nakakausap. Niligpit muna namin ang pinagkainan tiyaka na kami umalis. Nagpaalam lang kami kay kuya Tyrell at nagsimula nang maglakad. Hindi naman nakakabored maglakad papasok kaya hindi ko na rin ramdam ang pagod. Kaming apat lang nina Kayan, Kristel at Davon ang magkakasamang naglalakad. "Hmmm. Saan room niyo?" tanong ni Davon sa'kin. Siya naman talaga ang tahimik sa kanilang magpipinsan at kapag tinignan mo ang mata niya ay parang ang lalim. Parang laging may malalim na iniisip at tumatagos sa'yo ang bawat tingin niya. "Ako na lang maghahatid sa kanya. Mauna na kayo." Sabi ni Kyan sa dalawa. Sabay na kaming pumasok sa building namin. Nagbro fist pa nga sila bago umalis si Davon. Hindi naman kasi namin siya kaklase kaya gano'n. "Ang saya niyo naman palang magkakasama, e." sabi ko habang naglalakad kami. Gusto ko kasing may mapag-usapan naman kami kahit papaano. Baka matuyo lang ang laway ko. Medyo malayo pa ang lalakarin namin papuntang room namin. "Tama ka, babe. Malapit talaga kasi kami sa isa't isa. Palagi rin naming inaasar at pinagtutulungan si Leighton kaya laging galit sa mundo. Well, galit na naman na siya sa mundo pero lalo lang namin siya pinapagalit. Huwag lang sanang umuwi muna sina kuya, e." mahinang sabi niya. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Eh? Bakit naman? Ayaw niyo ba na kumpleto kayo sa bahay? Hindi ba at mas masaya iyon?" tanong ko. Medyo nakakagulat lang dahil kahit sino naman gusto makasama ang mahal nila sa buhay, 'diba? Lagi kong hinihiling yun noong bata ako at lagi kong hinahanap si mama o kahit si papa. Sila naman na pwedeng magsama-sama, mas pinili pang magkalayo-layo. "It's not that... ah basta! Huwag mo na lang pansinin, babe." sabi niya. Siguro may hindi lang siya magandang past kasama ang iba niyang kamag-anak kaya hinayaan ko na lang. Malalaman ko naman din kung nakatakdang malaman ko talaga. Saka kung iyon na ang tamang panahon para malaman ko ang lahat tungkol sa pamilya nila. Hindi naman kasi pwedeng tanong lang ako nang tanong nang hindi nag-iisip sa kung ano ang magiging consequences ng kilos ko. Pagdating namin sa room namin humarap muna siya sa'kin. "Mag-ingat ka lagi, mag-aral munang mabuti!" pagkasabi niya niyan ay nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. "Huwag muna puro si Leighton ang nasa isip." Lumayo na naman siya sa mukha ko. Napanganga ako dahil sa sinabi niya. "Eh?" tanging nasabi ko na lang. Ibig sabihin ba nun... hala! Alam niyang may gusto ako sa pinsan niya? Pero sana naman ay huwag malaman ni Leighton na may gusto ako sa kanya. Bakit ang bilis niya naman makaramdam? Gifted child ata siya! Mukhang mapanganib na itong nararamdaman ko, a? Pagdating ko ay nakita ko na sina Quinten at Leighton. Si Kristel naman ay hindi pa sumabay sa'kin kahit na magkaklase naman kami. Tinanong ko naman siya kung saan siya nanggaling. "May dinaanan pa ko sa library, e." pagdadahilan niya. Kinakamot pa niya ang ulo niya, baka may kuto siya dahil lagi niya yun ginagawa. Pero nakakapagtaka at ang bilis niya makabalik. Sa kabilang building pa kasi ang Library, e. "Ah ganun ba, ang bilis ah?" sabi ko sa kanya. Naupo na ako sa upuan ko at nasa likod ko si Kristel. Hindi na rin niya pinansin ang tanong ko at naupo na lang nang tahimik. "Good Morning," bati ni Quinten sa'kin na nakaupo sa tabi ni Leighton. "Good Morning, Quinten at Leighton!" bati ko. Hindi man lang lumingon yung isang yun! Kahit tango lang naman sana. Hay! Hindi na ako aasa. Lumapit na naman sina Tricia sa'kin at alam ko na kung ano ang gusto niyang malaman sa lagay na iyan. Si Makino naman wala lang. "Anong nangyayari Ellaine, close ba kayo ni Kristel?" tanong niya sa'kin pagkalapit na pagkalapit sa'kin. "Easy lang, Tricia. Oo close nga kami!" sagot ko naman. Hindi pa ba close iyong tatanungin ko pa kung saan siya nanggaling kahit na it's none of my business? "Paanong nangyari yun? Noong una sina Kyan lang pero ngayon?" tanong niya ulit. Ang kulit talaga nito! "Kasi kasama ko na din sila sa iisang bahay," bulong ko sa kanila as in bulong ah? "What!" sigaw hindi lang ni Tricia kundi si Vivian, ang kaklase kong may gusto kay Kyan. More like, obssess kay Kyan. Hindi pa ba halata? Sina Kyan at Kristel ang pinag-uusapan namin. "Ha-ha what a story teller," maarteng sabi niya. Napapailing na lang ako sa utak ko. Minsan nakakamangha ang mga taong may matalas na pandinig pero may disadvantage din. Marami kasi sa kanila, nagiging chismosa! "Alam mo, Vivian, manahimik ka na lang diyan! Hindi naman ikaw ang kausap eh," sabi ni Tricia sa kaniya pero hindi parin natinag at patuloy lang sa pagdada. "Aba! Hindi porket ikaw ang president gaganyanin mo na kami. Kapag si Kyan na ang usapan ay aba! Ibang usapan na iyan," sabi niya. Sumisigaw na siya ngayon at nakacross arms pa. Mukhang kakaiba itong babaeng ito. Hindi tulad noong iba na natitinag sa mga salita ni Tricia. Napatingin naman sa'min si Kyan na nakakunot ang noong nakatingin sa'kin na parang nagtatanong 'Anong-ginawa-ko' look. "Look, wala kang kinalaman dito, okay?" sabi ko na lang. Ayoko na sana palakihin pa ang problema. Magsasalita na sana si Vivian pero bigla na lang sumulpot si Kyan. "Anong problema riyan, babe?" tanong ni Kyan sabay lapit sa'min. "Them kasi! Pinag-uusapan ka nila behind your back," sabi niya sabay cling kay Kyan. Haha! Natatawa na lang ako nung tanggalin ni Kysn yun at lumapit sa'kin. "Ako? Pinag-uusapan niyo, don't tell me may gusto ka sa'kin? Akala ko ba – " tanong ni Kyan sabay kindat sa'kin. At talagang binitin pa ang sinasabi! Hinigpitan naman niya ang hawak sa balikat ko na parang sinasabing makisakay ako sa trip niya. "Ah maybe, dahil sinasabi ng babaeng iyan na nakatira raw kayo sa iisang bahay. Hindi ba hindi naman totoo yun?" nakapout pang tanong ni Vivian. "Ah yun lang ba? Oo, totoo nga yung sinabi niya," sabi niya sabay ngiti. "May problema ba roon?" Halos mahimatay na si Vivian dahil sa nalaman niya. Ang OA naman kasi ng babaeng 'to! Wala namang malisya roon. Nagmamagandang loob lang naman ang mga magpipinsan. "Sige maupo na ko, darating na si ma'am maya-maya lang!" sabi niya at umupo na. Ganun din naman sina Vivian at Tricia na kumindat pa sa'kin. Nakakaloka naman 'tong mga nangayayari o! Nakita kong natatawa pa si Quinten na umupo sa pinakalikod na upuan. Doon pala siya umuupo? Ngayon ko lang napansin dahil hindi naman ako tumitingin sa bawat estudyanteng umuupo. "Good morning, class!" bati ng aming guro. "Good morning, ma'am!" bati rin namin sa kanya at pinaupo na rin kami. "So, ilang weeks na lang pala summer vacation na," sabi niya, kaya naman nagwild ang klase namin pero natahimik din naman agad. "Bago ang summer vacation may ipapaiwan ako sa inyong lahat," sabi ni ma'am. "Group yourselves into 7 tapos pumunta kayo sa kanya-kanyang pwesto. Malalaki na kayo, kaya kayo na ang bahala sa group niyo basta maximum of 7 members lang. Go!" sabi niya at agad nagsitayuan. "Babe! Tara, tayo nina Leighton!" sabi ni Kyan sabay kindat. Ang hilig niyang kumindat 'no? "Hoy, Quinten! Hatakin mo na iyang si Leighton dito!" sigaw niya naman sa pinsan. Lumapit naman si Quinten at hinatak and pinsan kaya wala na itong nagawa. Ako, si Tricia at Makino ang nasa iisang grupo. "Pwede ba ako sa group niyo?" Tanong ni Vivian. "Sure," sabi ni Kyan sabay usod sa tabi ko. So, dagdag sa'min si Vivian. Nakapabilog kami sa sahig. Si Makino, Tricia, Ako, Kyan, Vivian, Quinten at Luhan. Nakapaikot kami at magkakaharap na nakaupo. Nakaharap pa ako kay Leighton kaya hindi ko mapigilan ang tignan siya. Naiilang ako dahil nakatulala lang siya hindi ko alam kung sa'kin nakatingin o kung saan. "So, may kanya-kanya na kayong grupo. Ganito ang gagawin niyo. Siguro ang mga napili niyo naman friends niyo, 'diba?" Sarap sabihing hindi po lahat! May naipit kasing isa sa'min kaya nakakailang. "Write down 6 facts o mga bagay na hindi niyo makakalimutan sa taong yun," sabi niya. "Start now!" Naglabas na kami ng papel at nagsulat. 'Kyan, kahit na makakasama ko pa siya ay mamimiss ko ang pagsabay niya sa'king pumasok at pag-uwi dahil wala ng klase.' 'Quinten, kahit kaunting panahon lang ang nagkasama kami alam kong magkakasama pa kami ulit, haha! Mamimiss ko ang katahimikan niya sa room.' 'Makino, naku! Mamimiss ko ang babaeng ito kahit matagal na siyang may pagkaweird! Mamimiss ko ang mga hula niyang madalas ay tama.' 'Tricia, ang mamimiss ko sa taong ito ay ang isang sigaw lang tatahimik na ang buong klase at kahit minsan nakikisabay sa gulo ng klase. Kahit nga ata hindi sumigaw, napapatahimik na lang kapag titignan siya!' 'Vivian, mamimiss ko ang kamalditahan niya period =,=' 'Leighton, mamimiss ko ang kasungitan niya at pagsigaw niya sa'kin kapag nagkakamali ako sa isang bagay lalo na noong nagluluto kami.' Pinasa na namin yun at ibibigay din daw sa'min kung ano ang mamimiss nila sa'kin. Na-eexcite na nga ako dahil ang una kong babasahin ay ang sulat ni Leighton. Ano kayang mamimiss niya sa akin? O baka naman hindi niya naman ako mamimiss? "So, pass niyo na. Huwag niyong babasahin kapag hindi sa inyo, okay?" paalala ni Ma'am. Nagsimula ng kumalat ang mga papel hanggang sa mapunta sa may-ari. Ang unang pumunta sa'kin ay letter ni Kyan. 'Mamimiss ko sa kanya ang pagtulog niya minsan sa klase at ang pagdrawing niya kay Leighton!' na sinundan pa ng kindat na emoji. Hay! Isang araw talaga ay hindi ako magtataka kung alam na ni Leighton ang nararamdaman ko dahil sa lalaking ito! Kay Quinten naman. 'Mamimiss ko ang pagkatense niya kapag lalapit sa kanya si Leighton! Ang pagkataranta niya kapag dadating na ang mga pinsan ko sa room.' na mayroon ding kindat na emoji. Ah! Nakakahiya! Pagtingin ko sa likod ko nakangisi sa'kin si Kyan na parang nang-aasar tapos si Quinten naman nagpeace sign. Si Makino naman mamimiss yung pamumula ko raw kapag malapit si Leighton sa'kin, si Tricia naman mamimiss ang pagkautal ko kapag kausap si Leighton. Letchugas! Puro na lang Leighton ang nababasa ko sa messages nila! Wala na ba silang ibang mamimiss sa'kin? Matatanggap ko pa kung mamimiss nila ang katakawan ko. Kaya lang hindi naman. Si Vivian naman? Ang ganda ng sagot! 'Hindi ko siya mamimiss'. Dapat iyon na lang din ang nilagay ko sa kanya, e! Kakabadtrip. Pero at least hindi na tungkol kay Leighton, hindi ba? Uwaaa! Sinadya bang ihuli ang letter ni Leighton? Nanginginig pa akong binuksan ko yun at napansin kong medyo mahaba ang sinulat niya. 'Mamimiss ko ang pagtulog niya sa klase. Ang pagdrawing kapag na bobored siya. Ang pagiging makulit at pasaway niya.' Pagtingin ko kay Leighton nakaangat ang dulo na labi niya, nakaside view siya kaya hindi ko alam kung ngisi o ngiti ba yun. Sa buong klase ay iyon lang ang nasa isip ko. Nung magbreak time naman umalis agad siya kasama si Quinten. "Okay ka lang?" tanong ni Kyan. Nung pinabasa ko sa kanya ang sulat ni Leighton tawa na siya nang tawa, hindi ko naman alam kung ano ang nakakatawa sa sinulat ni Leighton. Akala ko kasi ay aasarin niya ako. Somehow biglang bumilis ang t***k ng puso ko nung binabasa ko iyan. Kahit na walang masyadong meaning ay parang may kaunting kiliti parin sa part ko. Hindi ko kasi inaasahan na napapansin niya pala ang mga bagay na ginagawa ko. I thought wala siyang pakialam sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD