Anya
Dahil sa announcement namin na kinasal na kami dali daling nagpaluto si Tito ng mga masasarap na pagkain para pagsaluhan ng lahat sa hapunan.
Jaden instructed the driver na ipasok ang aming mga gamit sa room niya. Nakasunod lang ako kay Jaden after ng komosyon sa baba.
Nang papasok na siya sa kanyang room bigla akong natigilan. I suddenly didn't know what to do. Would I keep following him inside his room? Ang hirap pala ng sitwasyon kung di klaro sayo ang pinasok mo at saan ka lulugar sa buhay niya.
"Jaden, saan ako magstay?" Blurt out kong tanong as I didn't know where to stay.
"Saan ba dapat Anya? Are we married now?" Pabalik niyang sabi as he faces me. Ibig sabihin we will stay in one room.
"Do we need to sleep together in your room?" I was thinking na baka hiwalay ang kwarto namin like what we had in Singapore.
"What do you think Anya?" He looks at me sarcastically. "Tingin mo papayagan ni Dad na magkahiwalay tayo ng room, now that we are married?" He is right, walang mag-asawa na magkahiwalay ng kwarto.
Are we going to be like this magbabangayan palagi? Will he keep treating me like this always, painsulto at sarkastiko? Malapit na akong mapuno but I need to hold myself, nothing will happen sa aming pagsasama kapag sinabayan ko ang init ng kanyang ulo.
"Di ba hiningi mo rin sa akin as part of our contract that you will do and act as my wife?" Pinapaalala pa talaga niya ang kondisyon ko. "So now do as what you desire, we will be a husband and a wife in this marriage and in the entire contract. The real one Anya, so be ready."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Para tuloy akong nagsisi kung bakit hiniling ko yun. Pero yun naman ang dapat para matupad ko ang pangako kay Tito. Mahirap din kumilos if we are just pretending like what he wants in the contract.
Di naglaon dinner time na at pinatawag lahat. Madali ko lang naayos ang aking gamit dahil ilan lang ang dala ko sa aking bag.
Seems everyone was settled already sa mesa ng dumalo kami ni Jaden, kami nalang ang hinihintay, present lahat kasama ang mga kasambahay.
Tumayo si Tito sa kinauupuan at humarap sa lahat na nasa mesa. He ask for the attention of everyone.
"Tonight we celebrate the union of Jaden and Anya into marriage. I now officially announced Anya as part of the Romano family at makukuha niya ang lahat ng prebilihiyo as my daughter in law."
"To the newly weds, take this journey seriously, di kayo naglalaro lang. This might be the beginning of a wonderful life together. You will encounter ups and downs but it will help you to be better and strengthen your relationship. Nasa inyo nakasalalay ang kinabukasan ng inyong pagsasama. You may not understand now but one day you will thank me for my decision. Cheers everyone and may your marriage be blessed."
Ang sarap pakinggan ng speech ni Tito, nadadala ako sa sinasabi niya but at the same time natatakot ako. Mataas ang expectation niya sa akin at malaki ang ibinigay na responsibilidad. Di ko alam kung makakayanan ko ba ang ipinangako ko sa kanya.
Rinig ko ang pingkian ng mga baso and everyone is congratulating us. Nakikiayon nalang ako sa aking nakikita but deep within di ko alam ang gagawin. I was lost.
Saka nagsink in sa akin ang pinasok ko na sitwasyon. How would I approach this new chapter of my life kung wala akong alam sa relasyon? I haven't experienced yet to be with someone, the more being married to a guy I haven't known. Di ko alam kung paano i-handle ang relasyon na ito and saan ako lulugar sa buhay niya.
Dala dala ko ang alalahanin na yun hanggang matapos ang celebration at pumasok na kami ni Jaden sa room nya. He goes to the shower room kaagad.
God, paano ko sya pakikisamahan? Ang hirap pala kung wala kayong alam sa isa't isa. Unlike sa magdyowa bago magpakasal may dynamics na silang nakasanayan. Alam kung paano kausapin ang partner. May mapag-usapan. They have history in different things. They knew the rules, alam kung ano ang gusto at di gusto ng bawat isa.
Unlike us now nangangapa ako kung ano ang gagawin at saan magsisimula. Ni di ko alam kung saan magtutulog at saan ako pupwesto sa higaan. Magtatabi ba kami as what married couples do?
Ngayon ko lang narealize ang bigat ng aking pinasok. I also admit naging makasarili din ako, nadala sa isiping di ko na poproblemahin ang pera at makaalis sa bahay nila Tita.
Nakatulala parin ako hanggang natapos si Jaden sa paliligo. Nasa harapan ko na siya ngayon na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.
"What happened to you?" Tanong niya while wiping the beads of water running from his hair at naka-bathrobe na.
"Huh wala, napapaisip lang ako sa maraming bagay." Mahina kong saad.
"Like what?" Tanong pa niya uli at tiningnan ko siya pabalik. Gusto kong humingi sa kanya ng paumanhin dahil sa gulo na ito. I may ruin his future plans.
"Jaden I'm sorry kung napasubo ka sa sitwasyon na ito ng dahil sa akin. Believe me I have tried na kausapin si Tito para iatras ang plano niya but he is firm with his decision at di ko kayang i-oppose yun."
"Let's forget about it, andito na tayo. We'll just stick to the plan at iwasan na malaman ng iba lalo na kay Dad ang pinag-usapan natin. He will surely be mad if he knows." Tumango nalang ako.
Mabait naman pala siya, di tulad nong nasa Singapore kami na halos di mo makakausap at di nagsasalita.
Kinuha ko ang aking towel at damit at dinala sa shower room.
"You can use my stuff in there. We'll have the maid to buy your things tomorrow." I just nod para sumang-ayon.
Di ko alam kung ano ang mafefeel ko sa time na ito. Siguro kung sa ibang pagkakataon or sa ibang tao this is most eventful sa buhay ng mag-asawa, the honeymoon stage pero sa amin iba. Di ko magawang ma-excite. Iwan.
Tinapos ko ang aking paliligo at nagbihis ng pajama.
Naabutan ko si Jaden na may ginagawa sa kanyang laptop. Nagtatrabaho ata siya.
Basa pa ang aking buhok kaya di pa ako pwedeng matulog so I decided na mag-aral nalang kasi malaki ang aking hahabulin sa klase. Tomorrow papasok na ako uli sa school at sa trabaho.
"Jaden, bukas papasok na ako uli sa school, di na siguro ganun ka grabe ang iskandalo, wala na siguradong mga reporter na susunod sa akin dun."
Informa ko sa kanya. Kahit di man niya gustong alamin but as his wife obligations kong ipaalam sa kanya ang aking mga ginagawa. I just thought.
"I will arrange bodyguards to protect you para di ka nila dumugin. With the coming announcements ni Dad mas lalaki pa ang isyu sa susunod. Expect na mas maraming reporter na mas interesado sa buhay mo, sa buhay natin. Just don't mind them, leave it as it is." He said it na parang normal lang. He might be used to it.
"Di ka pa natatakot na mas gugulo pa ang sitwasyon kaysa ngayon at masisira ang mga plano mo kapag nalaman pa ng iba ang kasal natin?"
"What else I can do Anya? It's already been happening. When Dad decided no one can change it." Napapahiya ako sa sinabi niya. Maybe I can try to ask Tito na wag nalang i-announce sa lahat.
"Just leave the topic. We'll just face of what will be the outcome when the issue resurface again." Tumango nalang ako uli, sign of surrendering.
Natuyo na ang aking buhok kaya matutulog na ako pero kita ko parin si Jaden na seryosong nagbabasa ng mga documents.
"Jaden gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape para di ka makatulog? Mukhang marami ka pang gagawin." Offer ko sa kanya hoping di niya ako babarahin.
"Yeah ilang araw din akong nawala kaya tambak ang aking trabaho." Di man direktang sumang-ayon but it's my signal na okay lang ikuha ko sya ng kape.
Kaya nagtungo ako sa kusina para ipagtimpla siya pero nakalimutan kong itanong ang tipo ng kape na gusto niya.
I just choose black coffee with small amount ng sugar and milk.
"Here's the coffee, sana magustuhan mo. Nakalimutan ko kasing tanungin ang timpla mo." He just take it. "Be careful mainit pa yan huh." He put it in the side table and continued his work.
"Goodnight Jaden" Simpling sabi ko lang but what surprises me is him saying goodnight too.
Masaya na ako sa ganito, him talking to me. I think this a good start ng aming pagsasama. If ganito siya palagi sa akin, I guess we can co-exist together na di kailangan magbangayan.