Anya
Just like that, I got married instantly. Kung gaano kabilis may nangyari sa amin sa gabing yun, ganun din kabilis kami ikinasal dito sa Singapore.
Everything is like a haze between us that made me gasp in every moment. Di makapaniwala na nangyari nga at nangangamba sa pwedeng mangyayari sa susunod. Like what happened a week ago.
Jaden suddenly called me one day at hiningi lahat ng aking personal information at credentials. Yun pala pinapa-process ng kanyang tauhan ang aking passport.
And in just few days after tumawag siya ulit to inform me na aalis kami for Singapore para dun magpakasal. Yeah he wants there para madali lang magfile ng divorce. I guess he already prepared everything for this event.
"Make yourself ready and available this Wednesday and the coming days after dahil aalis tayo for Singapore para dun i-officiate ang kasal natin. Don't tell anyone specifically sa family mo coz I don't want Dad to know."
Yun lang kadali ang instruction niya na para lang ordinaryong usapin ito at wala akong choice kundi ang sumunod.
Wednesday afternoon may sumundo sa akin at nakita ko si Jaden sa airport na naghihintay, looking bored. Tiningnan ko sya ng maigi. Di pa niya ako nakikita.
"Ganun ba talaga ako ka walang halaga sa kanya para baliwalain niya ako ng ganito? I feel insulted at walang say sa mga nangyayari. What do I expect, he doesn't want this set up or to be tied with me. He doesn't love me.
I will let this pass for now pero after ng kasal namin ipapakita ko sa kanya na di ako basta basta na babae para tapakan tapakan lang ng ganito or baliwalain ang aking opinyon. Ipapakita ko ang aking halaga at kung ano ang kaya ko.
The transaction in the immigration went smoothly dahil may connection siya sa loob. Madali lang kaming natapos at nakalipad ng maayos. Kahit everything is new to me di ako nagpapahalata. I will learn and adapt quickly. Di ako maging pabebe or to act as a victim in this situation.
Pagdating ng Singapore may sasakyang sumundo sa amin patungong Hotel.
The place is good, maganda, puro matatas na building makikita mo, showing it's advancement in terms of technology at economy in Asia pero di ko magawang maapreciate ang lugar na ito, knowing narito kami for business only.
Yeah ang aming pagpapakasal ay parang business transaction lang para kay Jaden.
Jaden arrange our stay in Singapore. We don't share the room, which is good for me. Makakatulog ako ng maayos. Ayokong mag-isip.
Bahala siya sa lahat, total kagustuhan niya ito. Makikiayon nalang ako sa kanya pero wag lang niya ako ulit bastusin makakatikim siya ng aking matalas na salita.
As long as nasa side ko si Tito I am safe and secured. Ginawa ko din ito para sa kanya. He is so good to me, to us simula pa noon. Tito made me soft at hiyang hiya ako sa kanya.
Kinabukasan may dumating na damit sa aking room dala ng kanyang tauhan.
"Mam sabi ni sir 10am daw ang schedule ng wedding nyo sa court of justice at hihintayin ka niya sa restaurant for breakfast 10 minutes from now." Naiinis ako dahil bakit kailangan pang tauhan niya ang magsasabi sa akin kung pwede naman siya.
Pagdating ko sa restaurant, andun na siya naghihintay.
"Good morning." Walang sigla kong bati sa kanya sabay upo sa katapat na upuan. Then the waiter serves us food.
"What time ang kasal magsisimula at saan naman?" Pasimple kong tanong.
"Didn't my secretary told you about it?" Nagpantig ang aking ulo sa narinig. I look at him straightly in the eye.
"Bakit naman siya ang magsasabi sa akin kung ikaw ang aking groom? Next time discuss it with me kung may kinalaman ako sa usapin. Di ako isang tauhan mo." If he choose to be hostile towards me then I can be too.
He just look at me at di nagsasalita. Napuno na kasi ako sa mga kilos nya.
I readied myself after breakfast dahil 10am ang kasal. Someone came to do my hair and make-up. Good at naisip niya yun, akala ko mag-isa kong aayusin ang aking sarili. May alam naman ako sa pagme-make up. My friend are into it.
His secretary assist me dahil sa lobby na siya ng hotel naghihintay. Nang makita ako na ready na, tinitigan nya ako ng mabuti.
"Why, don't you like what I wore? Di ba bagay sa akin? You want me to change?" Instant kong tanong sa kanya ng napatitig sya ng matagal sa akin.
"What makes you think na di bagay sayo ang suot at make up mo?" Seryoso niyang tanong ng makabawi.
"Because you don't look at me like before? Paismid kong sabi at pinaikot ang aking mga mata.
"You always think the worst of me, dear." He smiled a little.
"Dahil yun ang ipinakita mo;" pabulong ko pang sabi. I don't know kung naririnig ba nya but I see him na napapalingo at nakangiti ng bahagya.
Hinatid kami ng sasakyan ng hotel sa court of justice para dun iheld ang kasal. Isang Licence Solemniser ang nag-officiate. Kompleto na ang mga papers namin kaya walang problema. Ang witness ay isang manager ng hotel at sekretarya niya.
Ang dali lang natapos, walang masyadong ceremonyang nagaganap, ni di ko nafeel na kasal ko ngayon. Para lang kaming dumalo sa isang pagtitipon and it takes only few minutes to finish.
Naging sunud-sunuran lang ako sa mga pangyayari. I Do lang ang aking natatandaan na binigkas sa buong duration ng kasal. After that bumalik kami ng hotel para sa kaunting salo salo na kami kami lang din ang kasama.
I think the only proof na kinasal kami ay isang marriage certificate, singsing at few shots of photos sa court of justice at sa restaurant.
This is not what I expected kapag kinasal ako. Ni walang nakakaalam at di ko man lang nasabihan ang aking mga kaibigan which is usapan namin noon na dapat present ang bawat isa kapag kinasal kami.
I guess beginning today, I will not put my hopes up in this marriage. Kundi expect the unexpected sa aking buhay dahil yun ang palaging nangyayari.
"Pag-uwi natin galing dito deretso na tayo sa bahay. Somebody will get your things sa bahay ng Tita mo at dun na natin sasabihin kay Dad na nagpakasal na tayo." He said it casually while having dinner.
"No wag mo ng ipapakuha ang gamit ko. Ako nalang ang mag-aayos nun at magdadala sa bahay nyo. I have few important things na aking dadalhin." Casual ko rin sabi. Mas mabuti ng ganito lang kami, casual mas safe.
"Up to you. You don't need to bring much as you will have your new outfits and new sets of clothes choose by our stylish." Napatitig lang ako sa kanya. I don't know what to feel.
"It's a simple way of saying that my things are trash and I should live according to their standards." Usal ng aking isipan, not intending to let him know what's in my mind.
"Okay, importanteng bagay lang ang aking dadalhin that symbolizes my life. I guess all my things are trashy." He just looks at me feeling annoyed. Eh ganun din naman ang pakiramdam ko, dahil walang say sa lahat ng bagay, my opinion doesn't matter.
As what planned umuwi kami kinabukasan na ganun nga ang nangyayari. Everyone was surprised nong dinala na ako ni Jaden sa bahay nila.
"Guys I want to inform everyone especially my Dad that me and Anya are married already. And beginning today dito na siya titira sa atin as what you wish Dad."
I don't know kung feeling ko lang ba na pinariringgan niya si Tito.
"Jaden what is this? Bakit di ko alam na kinasal na kayo? When and where?" Biglang saad ni Tito.
"Dad the important is we had done what you instructed to us na magpakasal. It doesn't matter kung kailan at saan or how we does things."
Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Tito, galit ang expression niya looking at Jaden.
"You disappointed me young man. Is this your way of rebel? Grow up, di ka bata para magtantrum pa."
"Dad, this is my life na pinilit mong pinakialaman. This is how I dealt things, whether you accept it or not it's done. And you don't have a say kung paano namin ihandle ang aming pagsasama."
Ako ang kinakabahan sa pag-uusap nila dahil I know nagtitimpi lang si Tito so as Jaden.
"You are right. Sana di ka magsisi sa mga padalos dalos mong desisyon. Nangyari ito dahil sa kagagawan mo rin Jaden, learn to take responsibility of your actions."
Para akong di makahinga while listening sa dalawang taong nagbabangayan. I knew Tito just want the best for me at ako ang dahilan ng pagbabangayan nila ngayon.
"Tito kalma lang, it's okay wala namang problema. Jaden and I talked about it and we both agreed on this." Try kong paliwanag to ease the situation.
"Call him Dad from now on Anya. See kasal ka na sa akin and he was been looking forward to this moment. You calling him Dad." Sarkastikong paririnig ni Jaden.
"That's enough Jaden and since kasal na kayo then we will announce it to the world ang pag-iisang dibdib nyo para tuluyan ng mawala ang isyung yan." Declare pa ng ama.
Nakita ko ang kagustuhan isalungat ni Jaden ang desisyon ng ama pero wala siyang magagawa. He looks defeated. I understand dahil masisira nun ang plano at reputasyon ng kanyang girlfriend.
Ano kaya ang magiging reaction ng girlfriend niya kapag malaman na ang kanyang boyfriend ay kinasal na sa iba? I look like the devil na sumisira ng kanilang relasyon. The home wrecker ika nga.
Kaya di ko rin masisi si Jaden kung bakit nagagalit siya sa akin at walang amor sa kasal namin. Bakit nga ba hindi, di naman niya ito gusto. He doesn't want me. Ako ang sumisira sa kanilang plano.