Chapter 5 Proposal

2309 Words
Anya Umuwi kami ng bahay na puno ng alalahanin ang aking puso. Di ko alam ang magiging buhay ko kapag nakasal na kami. My life and plans will be change when it happens. Si Tita ay excited sa kasal namin. Di mapuknat ang labi niya sa kakangiti at kakasalita about sa magiging buhay ko kapag naging Mrs Romano na ako. Akala siguro niya ay mas giginhawa pa ang buhay nila kapag napangasawa ko si Jaden. Tito made sure na wala na silang makukuha once we got married at makaalis sa poder nila. "Anya kapag naging asawa mo na si Jaden tiyak marami ang maiinggit sayo. Kaya mo ng mabili ang lahat ng gustuhin mo. Di mo na kailangan pang magtrabaho dahil suportado ka nila. At wag na wag mo kaming kalimutan na abutan ng iyong makukuha sa pamilyang yun." Naiinis ako sa mga sinasabi niya, sarili lang niya ang iniisip. Kanina pa siya dada ng dada sa mga makukuha daw niya sa akin. Akala siguro bibigyan ko pa siya kapag nangyari yun. I have enough of them. I became their cash cow simula nong nagtrabaho na ako. At pangalan ko ang ginagamit nila sa tuwing may kailangan sila kay Tito. Kesyo kailangan ko sa school, may sakit si Jam at iba pang reason. Sa kabila ng nakukuha nila kay Tito humingi pa siya ng pera sa akin. "Tita, wala ka na ba talagang naiisip kundi ang makukuha mo sa kanila? Paano naman ako, ang maging buhay ko dun?" Di ko mapigilang isambulat sa kanya ang aking hinanakit. "Anya, gusto ka ng Don. Kahit anong gusto mo ibibigay nun, maging maayos ang buhay mo sa kanila. Kaya gamitin mo ang iyong pag-iisip para masecure ang iyong kinabukasan." "Tita, nakikita mo ba ang galit sa akin ni Jaden? Tingin mo maging masaya siya sa nangyayaring ito? Paano ako maging masaya kung ang asawa ko puno ng galit sa akin?" Sinisisi ko si Tita dahil nakialam pa siya. Di na sana yun lalaki kung di niya ginatungan pero naintindihan ko din si Tito kaya ako pumayag sa kanyang pakiusap. He even made sure na kapag di talaga magwowork ang relasyon namin ni Jaden, anytime pwede akong umalis at ipawalang bisa ang kasal namin. Basta lang gagawin ko muna ang lahat para madivert ang pag-ibig ni Jaden sa akin. Can I really do it? Kumpara sa girlfriend niya, walang wala ako sa babaing yun. "Sa una lang yan Anya. Ang lalaki madaling mapaibig basta gagawin mo lang lahat ng kagustuhan nila. At kapag napaibig mo na yan di na yan lahos aalis sayo. Ibibigay ang lahat ng hiling mo, sasambahin ka parang santo." Sana ganun lang ka simple ang lahat. "Tita mahal niya ang girlfriend niya. Kaya nga di siya sumang-ayon sa kagustuhan ni Tito at handa niya yun pakasalan." "Mahal? Di ako naniniwala na mahal niya yun dahil nagawa niyang sumiping sayo. Kapag tunay na pag-ibig di niya kayang makipaglandian sa iba dahil may respeto sya sa babaing minahal. Nagawa niya yun kaya huwad ang kanyang pagmamahal. Di pa niya kayang ipaglaban sa ama ang kanyang girlfriend." May punto si Tita. Baka nga di niya tunay na mahal yun pero sino ako para humusga sa kanila? "Wala din siyang magagawa kasi anak lang siya ni Jesse. Wala siyang makukuha kapag nagmamatigas siya sa kanyang ama. At iba ang asawa sa girlfriend. May karapatan kana sa kanya. Kaya gamitin mo ng mabuti yang utak mo. Nasa iyo ang baraha." Di nalang ako sumagot. Wala ring kwenta kung makipagdebate pa ako, iba ang utak ng taong mukhang pera. The next day pumasok na ako sa trabaho dahil di naman alam ng mga reporters ang aking pinagtatrabahuan. All they knew is isang simpleng studyante pa ako. Kaya di muna ako pumapasok ng school. Though hinigpitan ang security system ng school kasi pagmamay-ari nila ang school na pinag-aralan ko. I'm their scholar, libre ako sa lahat. "Oh girl kumusta ka na? Di na masyadong malala ang isyu ngayon. In the next few days baka pwede ka ng bumalik sa school." Saad ng mga kaibigan ko through video call. "Iwan ko ang daming nangyayari ngayon sa aking buhay at para akong mawawalan ng lakas kapag inisip ko ang mga yun." Gusto kong sabihin sa mga kaibigan ko ang naging usapan namin ni Tito kasi sooner or later malalaman din nila. "Why? What happened Anya?" Concern are evident in their faces. "Girls can we hang out tomorrow? Total Saturday bukas walang pasok at gabi pa ang trabaho ko sa restaurant. May importante akong sasabihin sa inyo." "Sige go ako diyan, we will think of a place na di crowded para makapag-usap tayo ng maayos kasi looking at you now mukhang seryoso yan." Wika ni Jackie na sinang-ayunan ng lahat. My friends really knew me kahit expression ko lang they immediately catch it. Kinabukasan pumunta kami sa isang bundok away from the city sakay ng sasakyan ni Abby. Nagdala kami ng pagkain at inumin, it's like a picnic. I told them the story pero di ko sinabi ang usapan namin ni Tito na proposal. Ang sinabi ko lang ay pagpapakasal ako dahil yun ang kagustuhan ni Tito para maligtas ako sa kahihiyan at tuligsa ng mga tao at para pangalagaan ang reputasyon nila. Sinabi ko din ang pagtutol ni Jaden sa desisyon ni Tito. "I'm sorry Anya, it's my fault. Kung di kita pinilit na iminum di ka sana malalasing at di ito mangyayari." Sabi pa ni Becca looking devastated. "Ako din I felt guilty kasi kung di ko kayo dinala sa table nila Kuya Leston di kayo magkikita ni Jaden. And this will not happen;" malungkot na ani naman ni Abby. "I felt horrible too kasi I influence you at saka kung di ako umalis at iniwan ka dun sana may kasama kang umuwi at di ka sa bahay nila mapupunta. Mas inuna ko pa ang makakuha ng mayaman na guy kaysa sa pagkakaibigan natin." Wikang naman ni Jackie. They all look guilty sa aking sinabi. Alam kong di fake yun. "Girls di nyo kasalanan yun kaya tama na yan. It happened at wala na tayong magagawa nun. I sealed my fate already. Kaya tatanggapin ko ang consequence ng aking ginawa. Ayaw ko ng makarinig na sinisisi nyo ang inyong mga sarili kasi in the end ako parin ang nagdesisyon na gawin ang bagay na yun." Yeah it's time for me take responsibility of my actions. Tatanggapin ko nalang ang magiging buhay ko. "On the other note, I think girl it may good on you kasi mayaman ang mga Romano at sabi mo nga kilala mo na sila noon pa. It was the decision made by the patriarch, so you have the chance to change your way of living." Bigla sabi ni Jackie. "Yeah I agree, your chance para maka-alis din sa bruhang mong Tiya at Tiyo na ginawa ka ng gatasan." Becca says. "Yeah true girl, I guess it will change your life for the better. Don't worry too much on the future. Figure it out as the day goes. Ikaw pa you're smart at madiskarte." Abby words put a smile on my face. "Yes Tito had promised me na kukunin niya kami sa bahay nila Tita Millie once makasal na kami ni Jaden at susuportahan niya ang medical expenses ni Jam at ipapadala sa ibang bansa para macheck ang kalagayan ng heart niya." "See, there's a silver lining in every downfall. Who knows this is the start of your better life." Agree pa ni Becca. "My worry is ang buhay namin ni Jaden. I know he hates me. I can see it through his eyes." Sumbong ko sa kanila. "Eh kasalanan naman kung bakit kayo napunta sa ganung sitwasyon. If he didn't flirt with you at dinala ka sa bahay nila. Will it happened? Niknik niya noh." Nakataas pa ang kilay ni Abby. "Bakit ka niya pinakialaman? Ano ka babaing parausan? Tama naman ang Tito mo he needs to accept ng kamalian niya. Siya kaya ang matanda sa inyong dalawa. Imagine he's 32 and your just 22." Litaniya pa niya. Wow she has a point. Bakit ko ba masyado inaako ang kasalanan eh dalawa kaming gumawa ng kamalian. "True girl kaya wag kang maguilty. Live your life. Panahon na siguro for you to be happy, saka enjoy the perks of being mayaman soon." Gayong pa ni Becca. "I guess sa ating lahat ikaw ang naka-hit ng mayaman tulad ng usapan natin sa club. Instead of me na kinarer ko talaga pero ikaw ang nakajackpot ng di sinasadya." Nakatawang saad ni Jackie. Naging masaya ang bonding naming magkaibigan. It made me feel better. Alam ko naman that they only look for my own welfare. I'm lucky to have friends with them that are true to me. After that day medyo gumaan ang aking pakiramdam. Alam ko din naman na ang pagsang-ayon ko sa usapang ito ay makakatulong din sa akin personally. So di ko nalang inisip masyado. I will go with the flow the way I planned. Isang gabi galing ako sa trabaho. Nafeel ko ang sobrang gutom. Nagsimula na akong maglakad patungo sa kabilang lane para humanap ng masasakyan na may kotse na huminto sa aking kinatatayuan. "Hope in. We will talk;" saad ng isang boses na seryoso as I look at the man it's Jaden. Ano ang ginagawa niya sa lugar na ito. Does he knew where I work? "Sakay na, we will dine first before we talk." Kaya sumakay na ako sa sasakyan niya. Dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant. I work in a restaurant pero alam ko ang ang ganitong lugar di ko afford kailanman. Sumunod lang ako sa kanya. I know di bagay ang aking suot sa lugar pero di ko naman kagustuhan na pumarito. Jaden walks like parang walang pakialam at mukhang sanay na siya sa lugar. For sure palagi siya rito kasi kilala na siya ng lahat ng mga waiter. He ordered the food at ganun din ako. We eat in silent. Ni di niya ako tiningnan. Ganun ba niya ako kinamumuhian? "Let's head to my office at dun tayo mag- uusap." Wika pa niya ng natapos kami. Ibig sabihin pagmamay-ari nila ang restaurant na ito. Di naglaon pumasok kami sa maaliwalas na opisina, maganda at malaki ang space. Umupo sya sa kanyang upuan na parang hari and I sat down in front of him. "Let's talk about our arrangement. Dad wants us to get married. At di ko na mababali ang kanyang desisyon. He is a hard headed at ayaw ko siyang bigyan pa ng sakit ng ulo. He is still nursing from the lost of my mother." I understand his point. "I will propose to you an agreement. Magpakasal tayo just to go along with my Dad's will but it will not take long. I have a girlfriend whom I wanted to marry. In three years magpapakasal na kami once her contract abroad ended. And before that happens dapat hiwalay na tayo." So planado na pala ang usapang ito. "Gusto kong magpakasal tayo sa ibang bansa para mapadali ang divorce natin. Dad wants us to be tied and we will do it but he has no say kung paano natin yun gagawin. I will give our marriage a maximum of 2 years. This marriage is only for the paper to satisfy my Dad's desire and that will remain in paper." Ayaw ko man aminin pero nasasaktan ako. Di pa kami ikinakasal pero may verdict na sa kahahantungan ng aming pagsasama. "But we will act as a real couple in front of everyone specifically kay Dad. I will treat you as my wife and have the privilege as one while we are in this contract but hanggang dun lang yun." Para lang kaming may deal na nag-uusap at di kasal ang pinag-uusapan. Di na masama, 2 years is enough time para magawa ko lahat at para malaman if my future ba kami together. I feel the spark when we first met at akala ko magkapareho kami ng naramdaman. I want to explore that option pero kung may duration ang kontrata namin, all I could is to try my luck, hoping mapabago ko ang takbo ng aming pagsasama. I look at him straight, showing him my strength pero sa paraang di nagmamataas. "Pwede ba akong humiling? Can I have my condition too in this contract?" Kailangan kong maglakas loob at di magpatalo sa kanya kung gusto kong makuha ang kanyang damdamin. Jaden is an Alpha male at kakainin niya ako ng buhay kapag mananatili akong tahimik. "Sure, go ahead, tell me what's in your mind." "In the duration of our contract. Gusto ko sanang gawin ang obligasyon ko bilang asawa mo sa harapan ng kahit kanino. May pagpapahalaga ako sa kasal and I believe the merit of a wedding. Kahit 2 years lang yan hayaan mo akong maging tunay mong asawa at gampanan ang aking obligasyon at sinumpaan kahit in the end di mo akong magawang mahalin pabalik." He looks at me seriously habang nakikinig sa akin. "Lets give this marriage a shot in the duration you stated at makakaasa ka na after our contract ended if ever di mo ako magawang mahalin okay lang, at least i have done my part. At aalis ako in a peaceful manner tulad ng usapan natin." "Suit yourself but I tell you, my heart belonged to someone else already." I feel the pinch of pain rubbing my heart. Hangal ba ako para hilingin yun? He clearly stated na wala akong maaasahan sa kanya pero ipinipilit ko parin ang sarili. Yeah I'm doing this for Tito but I also knew that I'm doing it for myself dahil attracted ako sa kanya. I will do anything in the limited time I have para ipakita sa kanya na hindi ako basta basta na babae at di nagkamali si Tito sa pagpili sa akin for him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD