Chapter 4 The reasons

1502 Words
Anya Di kami pinaalis agad pagkatapos naming mag-usap. Tito wants us to stay for dinner. Nanatili akong nakatulala simula pa kanina. Di ko alam kung may paraan pa ba para mapabago ang usapan na yun. Di ko rin makalimutan ang expression ng mukha ni Jaden kanina. He looks at me with full of contempt. Feeling ko sinisisi niya ako sa nangyari. I understand him dahil may girlfriend siya at mahal niya yun. This is not what I expected na mangyayari sa aking buhay. My life has been planned already. Mag-aaral ako ng mabuti para makakuha ng magandang trabaho after. I have a good credentials at may offer na ako sa ibang kompanya. 1 year nalang ang bubunuin ko para makagraduate. After that pwede na kaming makaalis ng aking kapatid sa pamamahay nila Tita para mamuhay ng tahimik. Di na niya kami mamanduhan pa. Di na niya kami magagamit para makakuha ng pera kina Tito at di na kami makakarinig pa ng mga masasakit na salita. Lahat ng pang-aalispusta niya sa amin kasama ng asawa niya tiniis ko lang dahil wala naman kaming mapupuntahan. Everything was planned already. I was eager to cut my ties with the Romano dahil sa hiya pero ang nangyari ngayon mas lalong pinalala pa. How things turned like this in just one night? It was just a simple mistake out of carelessness. Ni di ko kayang salubungin ang titig ni Jaden na puno ng galit at resentment towards me. Di ko siya masisi, I force him to be in this situation. Pumunta ako sa may garden para lumanghap ng sariwang hangin ng may narinig akong pagtatalo and my name was being brought up to the conversation. "Dad, why would I need to marry her? You know I have a girlfriend;" rinig kong confrontation ng mag-ama. Totoo pala talaga na may girlfriend na siya at malapit ng magpakasal. "You knew the reasons Jaden. Anya had encountered so much hardship already at ayaw ko ng dagdagan pa ang paghihirap niya. If her dad hadn't tried to swift other directions tayo ang mamatay nun, ang buong pamilya natin ang madidisgrasya at possible na sila ang mabubuhay. She had lost her parents at a young age." Yun pala ang rason ni Tito kaya niya ako ipapakasal kay Jaden. Dahil sa nangyari sa nakaraan. Naawa siya sa amin. "Kaya ako ang napili mong magsakripisyo, ganun ba? Paano naman ang buhay ko? My life wouldn't revolve around the past Dad. Matagal na yun and you took care of them kaya di ka dapat makonsensya." "It's not just about the past Jaden. Kung ayaw mong magpakasal sana di mo siya pinakialaman. You put her in embarrassment. Kaya ba ng konsensiya mo na pagtawanan siya ng madla? Marry her and be a man that you are. You have done this kaya panindigan mo." Firm na saad ng Tito Jess leaving Jaden dumbfounded. Di niya kayang suwayin ang ama. Bigla akong natauhan kaya umalis ako sa aking pinagtataguan. May nadamay na naman ako na buhay. No, I can still turn the situation. I will ask Tito to reconsider his decision. Di ko pwedeng pilitin si Jaden na panagutan ako at sumang-ayon sa kagustuhan ni Tito. He is right, we're both adult already at kagustuhan namin ang nangyari. Magugulo lang buhay namin dahil pareho kaming napipilitan. After ng hapunan I decided to talk to Tito bago kami umalis. I see him na papunta sa taas sa may second floor ng bahay. "Tito, pwede ba kitang makausap ng sarilinan?" Tumango siya at sumignal na sumunod ako sa kanya. Pumasok kami sa parang office niya dito sa bahay at dun nag-uusap. "Tito about sa decision mo kanina. Pwede bang mabago yun? I respected you alot at tinuring na ama pero naniniwala ako na maging magulo lang ang lahat kapag pinilit nyo ang iyong decision." He just listen to me. "I have my life so as Jaden at may girlfriend po siya. What happened is just a mistake and I don't take it against him. He is right we're both adult and we knew the consequences of our actions." Tried kong paintindi sa sitwasyon. Tito holds my hands and look at me lovingly like he missed me for a long time. "Anya, I admire you as a lady. You grow up into a beautiful, strong, responsible woman despite of being an orphan at a young age. Simula pa nuon gusto na kitang maging parte ng aming buhay." Parang gusto kong maiyak sa sinabi ni Tito. He is like a father to me at palaging nakagabay sa akin. "I'm sorry kung wala ako sa time na kailangan nyo ako. I was also nursing from the lost of my wife. Ngayon ko lang nalaman na you work different jobs para suportahan ang iyong sarili. Kahit may binigay akong sustento sa inyo." "I investigated the situation. Nalaman ko din na ikaw ang nagbabayad sa mga medical expenses ng iyong kapatid kapag inaatake siya ng kanyang sakit. To be honest I'm fuming mad ng nalaman ko ito dahil your Tita ask me money everytime may pangangailangan kayo and I believe I given more what you need." Napanganga ako sa sinabi ni Tito, alam na pala niya ang ginagawa ni Tita. "Bakit di ka nagsumbong sa akin Ija? Bakit di ka lumapit sa akin kapag may problema kayo? Kayo ang responsibilidad ko hindi sila. She taken advantage of my kindness kaya simula ngayon wala na silang makukuha sa akin." "Tito, hiyang hiya na kasi ako sa inyo. Ang dami nyo nang naitulong sa amin. Tama na sa akin na nakapag-aral kami ng maayos ng aking kapatid. Di nyo naman kami obligasyon. Ang nangyari sa aking mga magulang ay isang aksidente at di ko kayo sinisisi." I see him smiling at me at hinawakan ang aking mukha. "You are really a good girl and I am proud of you. I want you to be my real daughter this time. Anya, I have a proposal to you. Give my suggestion a chance. I am doing this para maalis kita sa kinalalagyan mo ngayon at the same time you are helping me." I can't digest what Tito is trying to imply. "Jaden has a girlfriend at di ko siya gusto. She's a gold digger at kaladkaring babae. Di siya ang nababagay sa aking anak at sa aming pamilya. Pero naging bulag si Jaden sa mga flaws ng babae." Kaya pala ganun ang pag-oppose ni Tito sa relasyon nila, may dahilan pala siya. Mabait si Tito at di siya matapobre kasi kompara sa akin walang wala ako sa babaing yun base sa sinasabi ng aking mga kaibigan. Sikat na model yun. Di rin ako makapaniwala na ganun pala ang girlfriend ni Jaden kasi di ko siya kilala ng personal pero I have no right to hinder their relationship as well. I am out of the equation. "Pero mahal sya ng anak nyo Tito. Baka naman mali kayo ng pagkilala sa kanya." I'm just giving some sense into the topic. Mahirap magpadalos dalos ng desisyon, baka na misjudged lang ni Tito ang girlfriend ni Jaden. "No, I have investigated her and have my evidences. You knew me Anya, I am a fair man. I told Jaden about sa aking nalaman pero nabulag siya sa mga sinasabi ng babae. Gusto kong tulungan mo akong mawala ang attention at pagmamahal ni Jaden sa babaing yun." Ganun ba talaga kasama ang babaing yun para di sya matanggap ni Tito? Nasasaktan ako sa pamamakaawa niya sa akin. He doesn't need to beg for me. "What do you mean Tito?" "Make him fall for you Anya habang di pa huli ang lahat. I know you can do it dahil kahinaan ng isang lalaki ang isang babaeng maganda at may mabuting puso. I know you can learn to love my son as well coz he is a great man." The responsibility na binigay niya sa akin ay sobrang malaki. "Pero Tito paano kung di ko magawa ang inuutos mo sa akin?" Paano kapag sa paglipas ng panahon siya parin ang mahal ng anak nyo?" Ayoko rin naman na habang buhay nalang matrap sa isang relasyon na di na kailan man maayos. "If that time comes then papayagan ko kayong maghiwalay at di na mangingialam pa. I will support both of your decision. I will accept the situation but just give my plan a chance. Please tulungan mo ako, try to change his perspective about love. He has been taken advantage of that woman." Paano ako makahindi sa taong naging sandalan namin sa panahon ng aming paghihirap? Palaging naruon kapag kailangan namin ng tulong. He has been so good to us. May utang na loob kami sa kanya. Bahala na ang Panginoon sa akin. I will just go with the flow, as long as nasa side ko si Tito sa plano na ito. I will embrace the consequences of my mistake at sa pagsang-ayon sa usapan na ito. "I promise Anya, you will have my support in every way. At ang usapan na ito ay sa atin lamang."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD