CHAPTER 36 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA Tumambad agad ang mukhang nagpatigil sa mundo ko ng ilang beses na sa tuwing nakikita ko siya. Lumaki ang aking mga mata. Tumayo ang balahibo ko. Hanggang sa pinatay na niyang muli ang camera niya. Naiwan ako sa ereng napanganga. "So, sino ang poser? Good night. Thanks for you time!" at naglog out na siya. Naiwan akong natameme. Hindi ko alam ang aking magiging reaction. Nanuyo ang lalamunan ko, ayaw nang pumikit ang nakadilat kong mata. “Siya nga. Si L-jhay na matagal ko nang hinahanap. Paano ko ba sisimulan ang conversation? Nakakahiya. Heto ako uli, desperada sa isang lalaki. Halatang hinahanap ko siya. Oh my God! Nakakahiya talaga ako. Nakakahiya ang ginagawa ko. “Happy? Don’t have much time on this. Bye!” Alam kong tinanggap n