CHAPTER 37 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA Tulad ng inaasahan. Ako ang nauna. Ako ang naghintay. Ang suot ko, sexy and not too revealing dress. Mula nang iniwan ako ni Denver, natutunan ko nang sundin ang gusto niyang ayos ko. Hindi dahil iyon ang gusto niya kundi tanggap ko na sa sarili kong kailangan kong manamit, kumilos at magsalita alinsunod sa aking kasarian bilang babae. Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot. Napakarami ko parin kasing katanungan. Ni hindi ko pa alam kung nasaan na siya ngayon. Di ko parin mapigilan minsan ang di maluha. Yung feeling na hindi mo nailabas lahat ang gusto mong sabihin, yung hindi ka nabigyan ng pagkakataong magbago para sa taong mahal mo at nang nagbago na ako ay wala na siya para makita sana ang laki ng pinagbago ko. Kahit hindi na niya ako