CHAPTER 32 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA "Best, ikaw na lang muna rito. Tatawagan ko lang si Denver." Sabi ko kay Jess nang nakapalit siya sa akin. "Okey. Susunod ba siya? Baka puwede mo na siyang ipakilala sa akin?" "Naku, hindi puwede. Tignan mo ang suot ko at ayos ko, oh. Baka magwawala 'yun dito." "Okey sabi mo e." Dahil tinatamad naman akong lumabas pa ay sa tabi ng CR na lang ako pumasok. May pintuan kasi doon na nakasara para hindi maingay sa bahaging iyon ng bar at pwede rin doon mag-yosi. "Hello..." hindi siya sumagot pero alam kong nasa linya at di pa niya pinuputol ang tawag ko. Mahal ko, are you there, hello?" Kasunod na iyon ng pagpatay niya sa tawag ko. "Julia!" napalunok ako. Boses iyo