CHAPTER 31 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA "Bakit ka umiiyak?" naglakas loob kong tanong sa kanya. "Umiiyak? Hindi ah." Pagsisinungaling niya. “Umiiyak ka e. Naririnig kaya kitang sumisinghot.” "Sinisipon lang ako, mahal ko. Huwag mo akong aalahanin okey? Matulog ka na." Hinaplos niya ang buhok ko ko kasunod iyon ng paghalik niya sa aking noo. Hinahagod niya ang aking likod. Sigurado akong may mali, ngunit hindi ko alam kung ano iyon dahil umiiwas naman siyang magsabi sa akin kung ano nga ba talaga ang bumabagabag sa kaniya. Weird! Paano ko ba malalaman ang totoo? Ilang araw pa ang nagdaan. Sinadya kong huwag na muna din siyang guluhin dahil nga final exam week na namin at ayaw ko rin na masira ang aming pag-aaral dahil sa may mga issues kaming dapat sanang lilinawin. Makakapaghin