NAKAKASAKAL MONG PAG-IBIG

1381 Words

CHAPTER 26 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA     “Nakikiusap ako Julia, intindihin mo na lang sana ang kaibigan ko. Alam kong marami kayong pagdadaanan. Nag-iiba ang ugali niya kapag may bagay na gusto niya at hindi niya iyon magawa o makuha. Ayaw kong may masamang mangyari sa'yo. Ngunit kung talagang mahal mo siya, siguro naman walang maging problema. Ngunit hanggang saan at hanggang kailan ka susunod-sunod lang sa gusto niya? Naiintindihan kita, may sarili ka ring buhay na hindi lahat umiikot kay Denver. May mga kinasanayan na gusto mo rin o nami-miss mong gawin uli." Huminga siya ng malalim. Tumingin sa akin. "Natatakot akong lagi sa kaligtasan mo." Mahina niyang sinabi iyon ngunit may takot na binuo sa aking dibdib. "May kailangan ba talaga akong malaman?" kinakabahang tanong ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD