'Minsan pilit mo man kalimutan,
may mga bagay pa rin
nagpapa-alala ng iyong nakaraan...'
Two year course lang ang kinuha ni Meran, nag working student sya para hindi mabigatan ang ate Candy nya sa pagpapa aral sa kanya. Malaking tulong na rin sa kanya kahit allowance lang ang kinikita nya sa fast food chain nila Kimy. Kahit na ayaw ng kaibigang magtrabaho sya sa huli wala rin itong nagawa dahil sa pagpupursige nya.
"Kainiisss... Bakit ba napakahirap intindihin ng steno, Meran? Nagsisisi nako kung bakit computer secretary rin ang kinuha kong kurso."
"Walang pumilit sayo tandaan mo yan."
Tuloy lang si Meran kakasagot ng homework nila sa steno habang si Kimy naman ay panay ang kamot ng ulo na minsan umaabot na sa leeg nito ang pagkakamot.
"Kasi namaaann.. Sana nag nurse na lang ako."
"Tse! Nurse ka dyan, eh hinihimatay ka nga pag nakakakita ng dugo, arte arte nito bigwasan kita dyan eh."
Napahilamos ng mukha si Kimy saka nagdadabog na tumayo.
"Hep! San ka pupunta? Dika pa nga nag uumpisa sa homework mo aalis kana. Upo!"
Panay ang irap ni Kimy sa kanya na lihim naman nyang ikinangiti. Spoiled brat man ito pero pagdating sa kanya tiklop ang mga tuhod nito.
"Tigilan mo yang kakairap mo sakin ha, tusukin ko yang mata mo, hala, sige na sagutan mo na yan para matapos na tayo dito at ng mailibre mo nako."
"Ganun? Hirap na nga ako sa lentek na steno na yan tapos ako pang manlilibre sayo? Kaloka naii stress akong lalo waaaa.."
Dina napigilan pa ni Meran ang kanyang sarili na mapahalakhak ng lingunin nya si Kimy sa kanyang tabi. Nakasabunot na ito sa sariling buhok at panay ang hampas sa mesa kaya naglaglagan tuloy ang ibang mga gamit nila.
"Bff, ilang buwan na lang naman ang titiisin mo ga graduate na tayo. Magagawa mo ng mga gusto mo, maibabalik mo ng lifestyle mo at higit sa lahat makukuha mo ng reward na promise ng daddy mo sayo, O, diba mas okay kung yun na lang ang pakaisipin mo kesa iniistress mo yang sarili mo dyan."
Nakita nyang natigilan si Kimy. Saglit itong nag isip maya maya napasigaw na lang itong bigla.
"Yes! Makukuha ko ng reward kay Daddy, papayagan na nya akong mag drive with my brand new car! Yes... Yes..."
Biglang sinapo ni Kimy ang kanyang pisngi saka sunod sunod syang hinalikan sa buong mukha nya. Panay naman ang ilag nya dito at pilit na itinutulak ang kaibigan.
"Yak! Anuba Kimy, kadiri ka.. Laway mo oh nakalat na sa mukha ko.."
Inipon nyang lakas nya saka ng makatyempo tinodo na nyang tinulak ang kaibigan na napabitaw nga sa kanya pero nahulog at bumagsak naman sa lapag. Inaasahan na nyang magagalit ito sa kanyang ginawa pero kabaliktaran ang kanyang nakita. Kasi tumatawa itong nagpagulong gulong sa lapag habang tumitili pa.
"Tsk.. Baliw"
Ibinalik nyang attention sa kanyang ginagawa. Malapit na nyang matapos ang homework ng maramdaman nyang pagtabi ni Kimy ng upo sa kanya. Tahimik lang ito na ipinagtaka nya.. Maya maya natapos na rin nyang lahat at niligpit ang mga notes, ng mabilis itong inimis ni Kimy.. Lahat ng nasa mesa niligpit nito at inilagay lahat sa isang malaking bag na dala nito kasama ng mga libro at notebooks nya. Saka ito tumayo at hinila na sya palabas sa bahay nila na ipinagtataka nya. Pumreno sya sa paglalakad at hinila ang kaibigan para huminto rin ito.
"Teka lang muna! Anong ginagawa mo? San mo na naman ako dadalhin ha?"
"Ililibre kita diba? Kaya halika na dali at mag sho shopping pa tayo."
"Shopping talaga? La kang pera. remember?"
"Oo nga pala, forget ko. Eh di window shopping na lang muna tayo kasi kinuha nga ni Daddy ang mga credit cards ko, kainis diko tuloy mabili mga gusto ko."
Nagpapadyak na lumabas ng bahay nila si Kimy. Napailing na lang si Meran na sumunod dito. Lapa ring pinagbago ang kanyang kaisa isang kaibigan mula noon hanggang ngayon napaka childish pa rin.
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Nakagraduate na rin sila sa wakas ng college. Kung masaya si Meran mas higit na masaya sa kanya si Kimy na nagpaparty pa talaga. bonggracious ang celebrasyon nito dahil bukod sa pa reward ng Daddy nito na kotse ibinalik na rin lahat ng credit cards nito. At syempre dahil sya lang ang nag iisang bff nito naaambunan din sya ng grasya ni Kimy. Kahit na nga panay ang pag ayaw at tanggi nya wa epek pa rin yun sa kaibigan, dahil kapag hindi nya tinanggap ang mga bigay nito deretso yun sa kanyang pamilya. Hindi nya maitatanggi na malaki ang utang na loob nya kay Kimy. Marami ng naitulong sa kanya ang kaibigan, mula sa gastos sa hospital ng ma stroke ang kanyang Tatay, sa laki ng gastos sa pagpapagamot dito kulang na kulang ang mga padala ng kanyang mga kapatid para tustusan ang lahat ng medication nito.
Dahil sa mga pangyayari sa kanilang buhay pagka graduate ni Meran naghanap kaagad sya ng trabaho, pero dahil sa wala pa nga syang experience sa computer secretarial nyang kurso bumagsak sa pagiging saleslady sa isang shoe imporium si Meran. Kahit na mahirap ang kanyang trabaho na maghapong nakatayo at naka hills hindi kakitaan ng pagsuko si Meran. Kahit maliit pang sweldo nya okay na sa kanya yun basta't may trabaho lang sya at nakakatulong sa gastusin nila sa bahay.
Kagaya ngayon abala sya kaka assist sa kanyang customer ng marinig ang matinis na boses ni Kimy. Napalingon sya bigla sa kanyang likuran, napangiti sya ng makita ang kaibigan na pakembot kembot pang naglalakad palapit sa kanya.
"Bff... Naku! Namimiss na kita ng sobra. Kumusta kana?"
Mahigpit syang niyakap ni Kimy saka nagbeso beso pa sila, mabuti na lang at tumunog ng alarm sa store ibig lang sabihin nun lunchtime na nila. Hinila kaagad sya ng kaibigan palabas saka dinala sa isang restaurant. Ng makapasok at makaupo na sila sa loob, hinayaan na lang nya si Kimy na umorder ng pagkain, nakatingin lang sya sa bawat galaw at kilos nito. Malaki ang pinagbago ni Kimy yun ang una nyang napansin dito. Mas gumanda ito at napaka sosyal ng dating. Naggo glow ang makinis nitong balat na bumagay sa kulay dilaw nitong suot na seksing mini dress. Light lang ang make up na bumagay sa hugis puso nitong mukha. Bumabang mga mata nya sa dibdib nito na halos lumuwa na sa suot nitong spaghetti dress. Napataas bigla ang tingin nya sa mukha ng kaibigan ng magsalita ito.
"Wag mong masyadong titigan ang boobs ko, baka mausog, kapapadagdag ko pa lang nyan sayang kung biglang lumiit lang diko na mapakinabangan. hahaha."
Natawa na rin sya dahil sa kaprangkahan ng kaibigan. Alam nyang hindi ito nagbibiro kasi si Kimy ang klase ng taong ayaw sa sinungaling. Dinadaan man sa biro ang mga sinasabi nito pero ang lahat ng yun ay pawang katotohanan.
"Ikaw talaga, dika pa rin nagbabago. Sang bansa kana naman ba nanggaling ha at matagal kang di nagpakita."
"Hmp.. Kakainis ka kasi, lagi ka na lang tumatanggi kapag niyayaya kitang mag tour sa ibang bansa."
"Bff, hindi ako katulad mo na humihilata lang sa pera nuh. Di pede sakin ang patour tour lang kelangan kong kumayod at nag aaral pang dalawa kong kapatid."
Napaisip bigla si Kimy, maya maya napapitik ito ng daliri sa hangin na tila may naisip itong magandang plano para makatulong kay Meran.
"Bff, sama ka sakin sa Japan next month!"
Napaismid si Meran, saka nangalumbaba sa mesa habang hinihintay ang inorder nilang pagkain.
"Parang sa divisoria lang yung Japan kung makapagyaya ka sakin ah! Helooo bff, wala po akong passport baka nakakalimutan mo yun."
"Ibig mo bang sabihin nyan bff na kung sakaling may passport ka sasama kana sakin ha? "
Nagniningning ang mga mata ni Kimy. Halatang nagkaroon ito ng pag asa para maisama si Meran sa Japan. May pumitik na plano sa kanyang isipan at di nya naitago ang labis na kasiyahan sa naisip na gawin.
"Kung trabaho ang pagdadalhan mo sakin dun bakasakaling maisama moko dun pero kapag lakwatsa lang, abay wag ka ng mag effort dahil 'No' pa rin ang isasagot ko sayo."
"Hihihi be ready next month bff dahil lilipad tayo patungong Japan!"
Napatuwid ng upo si Meran dahil sa narinig kay Kimy, kunotnuo nyang pinaka titigan ito. Seryoso ba ito O pina prank lang sya? Pero si Kimy tong kaharap nya eh, ang bff nyang honest at matulungin pagdating sa kanya.
"Ako ng bahala sa passport mo bff, saka wag kang mag alala trabaho ang pakay natin dun hindi lakwatsa hmm."
"Talaga! Panu? Anong klaseng trabaho ang papasukan natin dun Aber? Magjajapayuki tayo ganun ba yun bff? Ayoko! period."
Inabot nyang tissue paper saka tinupi tupi ito. Pangarap nya mula pa nung bata sya ang makapag abroad kasi sa pagkakaalam nya malaki ang kikitain nya dahil dollars ang pasahod dun. Nangangahulugan lang yun na malaki ang maitutulong nya sa kanyang pamilya kapag nakapagabroad sya, nahinto sya sa pag iisip ng hawakan ni Kimy ang kanyang kamay saka masuyo itong pisilin.
"Bff, may business sa Japan ang Tita Elsa ko dun, isang restobar at naghahanap sya ng performer. Naisip ko lang, bakit hindi tayo mag apply, diba noon pa natin gusto ang makapag perform gaya ng mga idol nating sina Jennie at Lisa ng Black pink? Ngayon ng chance natin para mailabas ang ating unique na talent bff, palalampasin pa ba natin 'to ha?"
Dahil sa paliwanag ni Kimy nagkaroon sya bigla ng pag asa. Napuno ng kasiyahan ang puso nya. Isipin lang nyang nagpe perform sila ni Kimy sa stage kagaya ng mga idol nila, dream come true na ito para kanya. Napatayo sya mula sa pagkakaupo at sinugod ng yakap si Kimy na ngiting ngiti naman sa kanya.
"So, bff, yes na bang sagot mo sakin ha? Gogogo na ba tayo sa Japan next month?"
Hinila nya patayo si Kimy saka hinawakan ang dalawang kamay nito.
"Syempre yes na yes ng sagot ko Bff, fighting tayo dyan, yeheheeyy...
"Yes!... Fighting... Wooohh yesss..."
"Ahem.. Excuse me, restaurant po ito hindi bar mga Madam, kaya please lang behave naman po kayo! okay."
Napatigil sa katatalon at katatawang dalawa na pinalibot ang mga mata sa mga taong lahat ay nakatutok ang pansin sa kanilang dalawa. Napapahiyang bumalik sila sa pagkakaupo at humingi ng paumanhin sa supervisor ng restaurant. At ng tumalikod na ito at umalis nagkatinginan sila Meran at Kimy. Sabay na napahagikhik at nag apiran pa. Natigil lang ang kulitan nila ng dumating ang waiter at isa isang nilapag sa mesa ang kanilang inorder na pagkain. Matapos magpasalamat sa waiter balik chikahan na naman silang dalawa.
"Bff, kausapin mo ng mga magulang mo mamyang pag uwi mo ha! Saka magpaalam kana rin sa pinagtatrabahuhan mo. At saka syanga pala yung mga papeles mo kukunin ko sayo bukas para maipagawa ko ng passport mo, sak --"
Natatawang sumingit na sya sa mahabang litanya ng kaibigan.
"Masyado kang excited di halata ha Bff, hahaha."
"Syempre naman, kasi simula next month matutupad ng pangarap nating maging performer."
True, sino ba namang hindi magiging excited sa bagong kapalaran na tatahakin nilang dalawa? Nakikita nyang labis na kasiyahan ni Kimy pero mas doble pa dun ang kanyang nararamdaman dahil simula sa susunod na buwan unti unti na nyang maaabot ang mga pangarap nya sa buhay, para sa sarili nya pero mas higit sa pinakamamahal nyang PAMILYA.
?MahikaNiAyana