'Ang kaibigan...
Korni... pero lagi ka pa ding pinapatawa
Sinungaling... pero hindi ka ipapahamak
Maarte... pero hindi ka susungitan
Mayabang... pero hindi ka huhusgahan
Maangas... pero kaya kang ipaglaban
Swapang... pero kaya kang pagbigyan
Buraot... pero marunong bumawi
Alaskadot... pero mapagmahal
Ulyanin... pero hndi ka kinakalimutan.'
Kung si Kimy ay pasayaw sayaw lang, si Meran naman ay talagang kinakarer ang pagpe perform. Hindi lang kasi sya sumasayaw kundi kumakanta pa talaga. Apat silang performer puro babae. Malakas ang kita ng restobar ni Mamang Elsa ang tita ni Kimy. Palaging puno at may pumipila pang customer sa labas. Bukod sa 300k na sahod ni Meran buwan buwan may mga tip din syang natatanggap lalo na kapag may nag re request sa kanyang kumanta ng solo. Sa limang buwan nyang pagtatrabaho naibili na rin nya sa wakas ng bahay at lupa ang kanyang mga magulang. Natutustusan na rin nyang pag aaral ng kapatid na si Ghing ng nursing at ang bunso nilang si Jr ay highschool pa lamang. Malaking pasasalamat nya kay Kimy dahil kahit kelan hindi man lang sya nito pinabayaan.
"Bff, matatapos ng contrata natin next month, anong plano mo babalik pa ba tayo dito hmm?"
"Oo naman, mas magandang magtrabaho dito kesa sa Pilipinas. Kita mo malaki ng nabago sa buhay namin bff at di mangyayari ang lahat ng yun kung dimo ako tinulungan. Kaya thank you ha sa lahat lahat."
"Anong thank you ka dyan, may bayad yun nuh at maniningil ako sayo."
Hinampas nyang hita ni Kimy na nakabilad sa suot nitong miniskirt.
"Awww... Meran ha! Sinasaktan mo na naman ako, nakakarami ka na sakin ah."
Nakangisi lang syang nag make face kay Kimy na lukot ang mukha at himas himas ang nasaktang hita.
"Kapag hindi kapa tumigil kakaasar sakin huhubaran na kita."
Napataas kaagad ang kilay nya.
"May mahuhubad kapa ba sakin sa suot kong ito? Aba'y wafak itong costume na binili mo ha bukod sa sobrang nipis eh hapit na hapit pa sa katawan. Grabe, kapag ikaw talagang namili ng costume nagkakasala ako."
"Hahaha... Anong nagkakasala ka?"
"Nagkakasala itong bunganga ko kakamura sayong hitad ka... Landi mo eh, grabe to the highest level na talaga."
"Bff, sabi nga ng iba dyan na kapag may ibubuga abay dapat na ipakita at irampa... So, anong nirereklamo mo dyan ha?"
Natahimik na lang si Meran, sayang lang kasi ang laway nya kapag nakipagtalo pa sya kay Kimy. Eh lahat ng sabihin nya may sagot ito parati, at take note, hindi talaga ito nagpapatalo sa kanya. Kaya useless lang ang effort nya mas mabuti pang manahimik na lang sya period.
"Hoy Bff, bago tayo umuwi ng Pinas daan muna tayong Australia ha!"
"Ano? At bakit naman ha, anong gagawin natin dun?"
Namula biglang pisngi ni Kimy at tila kinikilig pa ito habang nagpapaliwanag sa kanya.
"Eh kasi magme meet kami dun ni Robert sa Tasmania."
"Robert? Yung ka chat mo?"
"Yeah! Kaya sige na Bff, samahan mo na ako please! Wag kang mag alala sa gastos kasi sagot na lahat yun ni fafa Robert."
Makakatanggi ba sya kay Kimy eh malaki ang utang na loob nya dito, kung tutuusin maliit na bagay lang naman palagi ang hinihiling nito sa kanya, saka libre naman nito palagi at nag eenjoy din sya. Traveling kaya ang isa sa mga hobby nya, chossy pa ba sya eh Australia ang destinasyon nila, kaya isang malutong na "YES" ang sagot nya na ikinatuwa ni Kimy, sa sobrang tuwa nga nito naihampas pa sa kanya ang hawak nitong menu book na tumama sa dibdib nya.
"Araayy! Letche! Kimy, ang sakit nun ha!"
Pinandilatan nya ng mga mata si Kimy na kaagad nag peace sign sa kanya.
"Sorry, sorry na bff, na excite lang ako sa sagot mo, buti na lang original yang boobs mo kung kagaya lang yan sakin malamang malaking problema ang kahaharapin ko."
"Sige, retoke kapa more.. dika na lang kasi makontento kung anong pinagkaloob sayo eh!"
"Sus, nasasabi mo lang yan kasi biniyayaan ka ng kagandahang mula ulo hanggang paa. Eh samantalang ako maraming kulang kaya kelangan ko si Doc. Mapagbigay."
"Doc. Mapagbigay?"
"Sino pa ba? Eh di si thank you Doc.. Naman ang slow mo."
Sya naman ang nanghampas ngayon ng songbook kay Kimy. Medyo malaki at mabigat yun kaya dalawang kamay nyang kinuha at akmang ihahampas na sa kaibigan ng bigla na lang itong tumakbo palayo sa kanya.
"Waahh... Meran, wag ka namang ganyan sakin, malaki laki ng naipuhunan ko sa mga investment kong ito kaya please lang wag mong sirain ahuhuy..."
Nakasunod lang ang tingin nya sa kaibigan na malayo ng distansya sa kanya.
'Lentek, di man lang ako nakaganti sa bruhildang yun hmp'
Kinuha nyang cellphone sa bag saka tinawagan ang kanyang pamilya. Dalawang ring lang may sumagot kaagad.
"Hello, sino po sila?" Napangiti sya ng marinig ang boses ng bunsong kapatid.
"Jr! Kumusta kana bunso? Namimiss kana ni Ate, ano nag aaral ka bang mabuti ha?"
Sunod sunod na tanong nya.
"Mabuti naman po ako ate, miss kana rin po namin.. Kelan po ang uwi mo?"
"Sa susunod na buwan bunso may gusto ka bang ipabili kay ate? Sabihin mo lang at bibilhin ko para sayo hmm."
"Wala na po ate, sobra sobra na po ang naibigay mo samin lalo na sakin.. Ayos lang po ako ate."
Nanubig bigla ang kanyang mga mata sa narinig mula sa bunsong kapatid.. Ewan ba nya basta't pagdating sa kanyang pamilya napakarupok nya hayy.
"Jr, sino yang kausap mo anak?"
Nadinig nyang boses ng kanyang Ina, mas lalo tuloy dumami ang tubig sa kanyang mga mata. Saglit nyang inilayo sa tenga ang kanyang cellphone para huminga ng malalim at magpunas ng kanyang luha at suminga na rin sa tissue na iniabot ng kung sino sa kanyang likuran. Naramdaman pa nyang masuyong paghagod sa kanyang likod. Napangiti sya dahil sa amoy pa lang ng pabangong gamit nito alam na nyang si Kimy yun. Inilapit nya ulit ang cellphone sa kanyang tenga, napabuga sya ng hangin ng marinig ang boses ng kanyang ina.
"Anak? Meran ikaw ba yan anak? Naku.. Miss na miss kana namin Anak, kelan ka ba uuwi ha! Sigurado matutuwa ka kapag nakita mong bagong bahay natin.. Salamat anak ha! Guminhawa rin ang pamumuhay natin."
Pinalis ng palad nya ang luhang nagpapalabo na ngayon sa kanyang paningin. Saka huminga na naman ng malalim.
"Sus, si Nanay nagdadrama na naman.. Masaya po akong malaman na maayos na po ang buhay nyo Inay. Uuwi na po kami ni Kimy sa susunod na buwan."
"Talaga anak? Naku! Ipapaalam ko kaagad sa tatay mo para makakatay kami ng baboy."
"Sige po Nay, kung ano po ang gusto nyo ayos lang po sakin yun. May gusto po ba kayong ipabili sakin O baka si tatay may gustong ipabili, text nyo lang po ako Nay para mabili ko po lahat."
"Naku! Anak wala na kaming nais ipabili pa sayo, basta makauwi ka lang samin ng buo at ligtas kuntento na kami dun. Basta anak mag iingat ka dyan ha!"
"Opo Nay, kayo din po mag iingat parati! Syanga po pala Nay, nagpadala po ako ng pera kanina sa bank account po ni Ghing ipakuha nyo na lang po ha! Bilhin nyo po kung anong gusto nyo saka Nay wag nyo na po ako ipagtabi ng pera kasi may savings naman po ako. Yang pinapadala ko po para sa inyong lahat po yan kaya gastusin nyo po ha Nay."
"Ang anak ko talaga! Hinding hindi pa rin nagbabago, napakabait mo pa rin, salamat anak, maraming maraming salamat."
Narinig nyang impit na pag iyak ng kanyang Ina, maya maya ang boses ni Jr na inaalo ang kanilang Ina. Ilang minuto ring nakikinig lang si Meran sa mga boses ng pamilya nya hanggang sa magsalita ulit ang bunso nyang kapatid.
"Hello, Ate Meran, nagdadrama na naman po si Nanay kaya dina makapagsalita ng ayos."
"Ok lang yun.. Basta bunso bantayan at alagaan nyo sila Nanay at Tatay ha! Saka mag aral kayong mabuti ni Ghing! O sya, sige na asikasuhin mo na si Nanay tatawag na lang ulit ako sa susunod. Bye bunso."
"Babye Ate Meran, mag iingat po kayo palagi. Salamat po ulit bye na po."
Wala ng kausap sa telepono si Meran nakatulala pa rin ito. Kaya minabuti ng tampal tampalin ni Kimy ang pisngi ng kaibigan para matauhan ito.
"Bff, ok ka lang ba?"
Napakurap kurap si Meran bago bumaling ng tingin kay Kimy. Bigla nyang naalala ang ginawa nito kanina sa kanya naisip nyang ito na ang chance nyang makaganti sa kaibigan. Kaya bigla nyang sinuggaban ang magkabilang pisngi nito kinurot nya yun at hindi talaga binitiwan hanggat di humihingi ng sorry ang kaibigan.
"Siguro naman magtatanda kana bruhilda ka! Hanggang ngayon nasakit pang dibdib ko sa ginawa mo."
"Nag sorry na nga ako diba! So, move on na tayo pwede!"
Umirap sya sa hangin.
"Syanga pala Bff, konti lang dalhin mong damit sa Australia ha! Kasi magsho shopping din tayo dun."
"Panung mga bagahe natin bibitbitin din ba natin yun pa Australia?"
"Naman... Ako ng bahala dun no worries, basta mag ready kana lang, susulitin natin ang Australia vacation tour natin."
"Okay... Gogogo...!"
At sumapit ng araw na pinakahihintay ni Kimy. Sobrang excited nito na biglang naglaho ng pagdating nila sa Australia ay nakatanggap ito ng tawag mula sa ka chatmate nito. Pinapupunta sila sa isang Island at nangangahulugan yun na sasakay sila sa ferry. Palibhasa hindi ito sanay sumakay sa ganung transportation kaya nagsusuka ito at nahihilo. Hindi malaman ni Meran kung anong uunahin nyang gagawin sa nakikitang kalagayan ng kaibigan.
"Kimy, kaya mo pa ba ha? Kasi naman sinabi ko na sayo na wag na tayong tumuloy sumige ka pa rin."
"Ungghh... Gwark... Hah.. Hah.."
"Sige hindi na kita pagagalitan, isuka mo lang yan Bff pero paka sure lang naisho shoot mo sa plastic lahat ha! hay anuba naman itong kaparusahan na ibinigay ni Lord sakin? Anubang dapat kong gawin?"
Nagulat na lang si Meran ng biglang bumulagta sa lapag si Kimy, nawalan ito ng malay hindi na nito nakayanan ang sobrang hilo at sama ng pakiramdam.
"Diyos ko! Kimmyyy... Gumising kaaa!! Help... Please somebody help me!!"
Natatarantang sigaw ni Meran habang dinadaluhan ang walang malay na kaibigan. Pinahiga nya ito sa kanyang kandungan saka inalog alog.
"Bff, sige na naman O dumilat kana! Huwag mo akong takutin ng ganito.. Hoy.. Bff, gumising kana please!"
Napahinto sa ginagawa si Meran ng may makitang pares ng panlalaking sapatos sa kanyang harapan, umuklo ang may ari nun at nagkasalubong ang kanilang tingin. At ng ngumiti ito sa kanya may naramdaman syang kaba sa kanyang dibdib.
'OMG...
"Hi, you need help?'
?MahikaNiAyana