Idol

1437 Words
'Ang paghanga sa isang tao ay natural lamang, Lalo na't nakikita mo ang ginagawa nyang kabutihan, Malinis ang hangarin napapasaya ang karamihan, Tinitingala, pinapangarap na sya'y tularan...' "Ngayong graduate na tayo ng highschool anong plano mo Meran?" Ilang minuto ng naghihintay ng sagot ni Meran si Kimy, pero tahimik lang ito habang abala kakapindot sa Cellphone na hawak, pasimple nyang tiningnan ang tenga nito, kaya pala parang wala itong naririnig ay naka bluetooth ito, naiinip na sinilip na lang nya kung anubang pinagkakaabalahan ng kaibigan. Napangiti sya ng makita ang pinapanood nito sa YouTube. Kinalabit nya ito at ng bumaling sa kanya si Meran nag peace sign kaagad sya dito. Pinatay nitong cellphone saka inilapag sa kanyang tabi. "Bff, ldol mo rin bang black pink?" Dinampot ulit ni Meran ang kanyang cellphone at ipinakita kay Kimy ang kanyang wallpaper. Kinikilig naman itong sumayaw sayaw sa kanyang harapan na ikinangiti nya. Nakakatuwa talaga 'tong tingnan, napakamasayahin nito at tila walang pinoproblema di gaya nya na nag uumapaw ang dinadalang suliranin sa buhay. "Eh sino naman ang hinahangaan mo sa grupo ng Black pink, Meran? "Jennie Kim, adik ako sa talent nya. Saka ang ganda ganda talaga nya." Titig na titig si Meran sa wallpaper nyang black pink. Hinahangaan nyang grupong ito kasi hindi lang puro beauty ang meron sa mga ito magagaling ding performer. Gusto nyang tularan ang kanyang idolo na si Jennie kaya panay ang practice nya sa pagkanta at pagsayaw. Pero sya lang ang nakakaalam ng mga kabaliwan nya, yun ang lihim nyang ayaw ishare sa iba, kasi ayaw nyang ma judge. "Si Lisa naman ang idol ko sa kanilang apat. Lam mo ba bff, ginagaya kong mga sayaw nya, dun lang ako magaling eh sa pagsayaw kasi lam mo na boses palaka ako hahaha." Napangiti si Meran sa sinabi ng kaibigan, pareho lang pala silang dalawa. "Meran! Naku dali! Magtago ka at may parating na delubyo." "Anong ...?" Inginuso ni Kimy si Ricky, ang bombay na stalker na yata ni Meran, panuba naman kung san si Meran sumusulpot din ito. "Magtago kana Meran, anupang tinutunganga mo dyan? Bilisan mo na! gogogo..." Hindi man lang sya natinag sa kinauupuan, samantalang aligaga naman si Kimy kakahila sa kanya. "Tama na Kimy, umupo ka na lang dito sa tabi ko." "Hmp" Walang nagawa si Kimy kaya umupo na lang din ito sa kanyang tabi saka sinundan ang tinitingnan nya. Lihim syang napangiti ng makita sa gilid ng kanyang mga mata ang pagtulis ng nguso ni Kimy. "Hello Mehran, Kowmowsta kah nah?" "Nakow Ricky, hindi sya mabowti kasi dowmating ka." Anlakas ng tawa ni Meran ng marinig si Kimy. Nakatanga naman si Ricky sa dalawang kaharap na yung isa eh nakasimangot at yung isa naman naluluha na kakatawa. "What did you say Kimy?" "Yan tayo eh, tanga tangahan, maang maangan lang, Hoy Ricky, ikaw ha, tigil tigilan mo na'tong bff ko pwede! Ilang beses mo pa ba gustong mabasted ha? Kuuu kaloka kang bombay ka, nanlalagas tuloy kilay ko sayo.." "Wait! I don't understand what you say Kimy" "Ewan ko sayo, g**o mo kausap. aral aral din paminsan minsan para swak ang grammar, tara na nga bff lipat tayo ng lugar kasi sumisikip ng dibdib ko dito.. I need fresh air... Goodness." Kinaladkad na sya ni Kimy palayo. "Tandaliii... Mehraann." Pigil na sigaw sa kanila ni Ricky. "Putragis.. Sandali yun hindi Tandali ungas.." "Sssss... Napaka harsh mo naman kay Ricky bff. Wag ganun! Kawawa eh!" "Heh, sa Ricky na yun naawa ka, pero sa ilong at baga natin hindi?" Nakamot na lang ni Meran ang leeg, minsan talaga di sya makalusot sa katarayan ni Kimy. Hindi naman ito matapobre pero ewan ba nya kung bakit mabigat ang dugo nito kay Ricky. Mabait naman yung tao saka nag e effort ito para lang makalapit at makausap sya pero yun nga lang may isang problema dito, kasi napakatapang talaga ng amoy nito. Kahit bagong ligo ito umaalingasaw pa rin ang amoy ng katawan nito. "Haayy.." Nilingon nyang pinanggalingan nila ni Kimy, nandun pa rin si Ricky nakatayo at nakatingin sa kanila. Naaawa talaga sya sa binata kaya kumaway sya dito saka ngitian din nya ito. Bakasakaling mapagaan nyang nararamdaman nito kahit na papano. Nalungkot sya ng makita nyang pagkusot nito sa mga mata. 'Umiiyak ba ito? Nakakaawa naman sya.' Pero ng makita nyang kumaway at ngumiti din sa kanya si Ricky gumaan ang pakiramdam nya. "Rickyyyy... You take care always! My friend. Babyeee.." Pasigaw nyang sabi sa binata na sinagot naman nito ng flying kiss. "Yeks! Kadiri..." Narinig nyang sabi ni Kimy. Tinampal nyang braso nito, at ng bumaling ito ng tingin sa kanya pinisil nyang matangos nitong ilong. "Masamang manlait, tandaan mo yan Kimy." Hinimas himas ni Kimy ang nasaktang ilong. Masama ang tinging pinukol nito kay Meran. "Aba, panlalait na pala ngayon ang tawag sa pagsasabi ng totoo, Kelan pa pinatupad ng senado ang batas na yun Meran, kelan pa?" Natatawang pinisil naman nya ngayon ang pisngi nito pero this time tinagalan na nya. Panay naman ang tapik ni Kimy sa kamay nyang mahigpit na nakakurot sa pisngi nito, pero di talaga sya bumitaw kahit na namumula ng makinis nitong pisngi. Sya na lang ang gaganti para kay Ricky, sa kasalbahehang ginagawa ng bff nyang ito harharhar.. "Meran, naiinis nako sayo ha, bitawan mo ng pisngi ko't masakit naaaa..." "Hindi! Salbahe ka, kaya dapat kang parusahan, hehehe." "Meran, isa!" Inis na sigaw ni Kimy. Lalo pang ikinatuwa ni Meran ang reaksyon ng kaibigan kaya imbis na isang pisngi lang nito ang kinukurot nya, kinurot na rin nyang kabilang pisngi nito, ikanga nya para pantay. "Bibitawan lang kita kapag nag promise ka sakin na hindi mo na aapihin si Ricky." "At bakit? may feelings kana sa bombay na yun? Eewww Meran, Isa kang tubig! wala kang taste!" "Ay grabe sya, kung makahusga wagas. Naaawa lang naman ako dun sa tao Kimy, kasi naranasan ko ng lahat ng panlalait, lam mo bang hindi lang yun masakit sa damdamin kundi nakakasugat din yun ng pagkatao mo. Ayokong may isang kagaya ko na naman ang mawalan ng kumpyansa sa sarili.' Binitawan nyang magkabilang pisngi ni Kimy saka masuyong hinaplos yun. Nakita nyang pagtutubig ng mga mata ni Kimy. Malungkot syang napangiti. "Hindi maganda ang naging karanasan ko sa buhay, mula nung musmus pa ako hanggang nung araw na naging magkaibigan tayo. Sa totoo lang malaki ang pasasalamat ko sayo, lam mo ba kung bakit?" Nalaglag ang mga luha sa pisngi ni Kimy ng umiling ito. Pinunasan nya ng kanyang mga daliri ang masaganang luha na dumadaloy sa pisngi ng kaibigan. "Kasi Kimy, iniligtas mo ako, iniahon mo ako sa mundong pinagkulungan ko mula pa nung sampung taong gulang pa lang ako. Minulat mong mga mata ko sa kagandahan ng mundo. Binalik mo ang makulay na buhay na inakala kong hindi ko na mararanasan pa. Pinasaya mo ang malungkot kong buhay. Binalik mo sakin ang pag asa na gaano man kadilim ang aking mundo may liwanag pa ring darating na tatanglaw sa akin." Naluluhang kinabig nya si Kimy para yakapin ito ng mahigpit. Umaalog ang katawan nito sa sobrang pag iyak. Mukhang tinamaan ito sa mahaba nyang speech. Napangiti sya kasabay nun ang pagpatak din ng kanyang luha. "Salamat Kimy, salamat bff sa bagong makulay na buhay na ibinahagi mo sakin. Lab yu Kimy Bamashi." Pumadyak padyak si Kimy, nagulat sya at biglang napabitaw dito ng hampasin nito ng malakas ang kanyang p***t. "Bad Bff, pinaiyak mo ako, letche ka! Ilibre mokong ice cream ngayon din!" "Sige tara, may bente pako dito, kasya pa'to sa dalawang dirty ice cream natin." Nanlilisik ang mga mata ni Kimy sa kanya. Alam nyang di ito kumakain ng dirty ice cream kaya ito parati ang pinanloloko nya dito. Kaagad syang tumakbo ng makitang hahablutin ni Kimy ang kanyang buhok. "Meraaannn.... Bumalik ka ditong impakta kaaa." "Mingmingming... Habol kitty Kimy... Meoww... Hahaha." Kung noon sobrang lungkot ang kanyang nadarama kasi nag iisa lang sya... Ngayon sobrang saya naman ang kanyang nadarama, kasi, hindi na sya nag iisa may kaibigan na syang pumupuno ng kulang sa buhay nya. Nakakatuwa lang isipin na sa kabila ng kalungkutan natin, meron pa ring isang tao na kaya tayong pasayahin. Kahit na nagmumukha na siyang ewan para lang mapatawa ka niya, okay lang kasi ang mas mahalaga sa kanya ay ang sumaya ka. Kahit na gaano pa ka-corny ang mga jokes niya sa'yo, natatawa ka pa rin dito dahil sa effort na pinapakita niya sa'yo. Kahit na hindi mo gustong ngumiti ng mga oras na yun ay napapangiti ka pa rin dahil sa may isang taong hangad na makita kang nakangiti at masaya. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD