Bagong Pag asa

1700 Words
Aanhin kong yaman sa mundo, Kung hindi naman kompleto ang pamilya ko, Nanaisin ko na lang ang buhay na isang kahig isang tuka, Kahit naghihirap basta't kami sama sama, masaya at maligaya... ??? "Meran!" Napaangat ng tingin si Meran mula sa kinakaing tanghalian ng marinig ang boses ni Kimy. Isa sa mga kaklase nya. Highschool na sya at nag aaral sa isang public school. "Meran, naku! Meran, magmadali ka't awatin sila Anthony at Brix. Nag aaway na naman yung dalawang syota mo." Balewalang ipinagpatuloy lang ni Meran ang pagkain. Wala syang pakialam kung magpatayan man ang dalawang lalaking yun, dahil sa totoo lang napapagod na sya kakaiwas sa mga yun. Sumubo sya ng kanin sunod ang chippy na ulam nya ngayon. Mabuti na lang at barbeque flavor tong nabili nya malasa at parang tunay na barbeque na rin ang kanyang ulam. "Ano ba yang ulam mo girl, chichiria talaga? Mabubusog kaba nyan saka may lasa ba yan kapag kinain mong kasabay ng kanin?" Kung ang iba na pagsabihan ng ganyan sigurado na masasaktan, pero iba si Meran sanay na sya sa mga naririnig nya gaya ngayon. Tuloy tuloy lang ang pagsubo nya ng kanin at ulam na chippy at ng matapos kumain uminom sya sa baon nya ring tubig. Ganyan ang buhay studyante nya mula elementary hanggang ngayong highschool na sya walang pinagbago ang pamumuhay nila ganun pa rin isang kahig isang tuka pa rin sila. Habang nililigpit nyang baunan naramdaman nyang pag upo ni Kimy sa kanyang tabi. "Lam mo Meran, kahit na snob ka gusto pa rin kitang maging friend. Kaya lang ayaw mo sakin, bakit kaya, sa anong dahilan ba? ha, Meran?" Tumayo na si Meran mula sa pagkakaupo sa nakausling ugat ng punong acacia. Dito ang tambayan nya malayo sa karamihan, malayo sa mga mapanghusgang mga mata. Sanay na syang mag isa, sinanay na nyang sarili nya mula nung mapaaway sya nung sampong taong gulang pa lang sya. Ang sakit na kanyang naranasan at naramdaman nung pinagtulungan syang bugbogin ng apat na kabataang yun ay nagdulot ng maraming sugat sa kanyang katawan at naging pelat kalaunan. Yung mga pang alipusta ng mga magulang ng mga ito ay sumugat sa murang kaisipan at puso ni Meran. "Nandito lang ako kapag kelangan mo ng isang kaibigan Meran. Hindi ako katulad nila, hindi ako judgmental." Lihim na napangiti si Meran, sa totoo lang gusto nyang maging kaibigan si Kimy, kaya lang ramdam nyang hindi sya nababagay sa ginagalawang mundo nito, mayaman kasi ito, ikaw ba namang maging anak ng isang negosyante at tagapagmana pa, wala ka ng mahihiling pa diba. Ang ipinagtataka nya lang kay Kimy ay kung bakit sa isang public school nito piniling mag aral at hindi sa isang private school? May something din kaya itong tinatago kagaya nya? "Tara na baka malate pa tayo sa P.E. masermunan tayo ni Miss G." Sabi nyang di man lang nililingon si Kimy na napapa 'Yes' sa tuwang nararamdaman dahil sa wakas binigyan nya rin ng pansin ito. Kahit hindi harap harapan at hayagan ang pagkausap nya dito. "Eh Meran, panu sila Anthony at Brix, dimu ba sila aawating dalawa? Aba'y baka magpatayan ng dalawang yun." Hinihingal pang sabi ni Kimy habang sumasabay sa kanyang bawat paghakbang. Palibhasa malaking bolas syang babae kaya di nakakapagtakang malalaki ang kanyang hakbang, habang si Kimy naman ay medyo may kaliitan sa kanya kaya maliliit lang ang nagagawang hakbang. "Priority kong pamilya ko hindi sila, kaya wala akong pakelam kung magpatayan man sila, hindi ko na kasalanan yun kasi wala naman akong koneksyon sa kanila." "Ang taray, haba ng hair mo girl. Mantakin mo yun pinag aagawan ka ng dalawang fafalicious na yun. Sheett.. kung sakin magkamali ang kahit isa lang sa kanila, wala ng ligaw ligaw sunggab agad. Harharhar." Napatawa ng malakas si Meran sa sinabi ni Kimy. Di nya akalaing may pagkakalog pala ito. Ngayon lang sya natawa ng ganito. Nakakagaan pala ng pakiramdam yung tumawa ka ng hindi pilit. Yung sayang naramdaman mo ng biglaan, yung bigay na bigay ang tawa mo na wala kang pakialam sa mga taong nasa paligid mo. "Lalo kang gumaganda kapag ganyang tumatawa ka Meran, first time kitang nakitang ganyan." Napatigil sa pagtawa si Meran ng marinig ang sinabi ni Kimy. Nabaling ang tingin nya sa katabi na nagniningning ang mga matang nakatitig sa kanya. 'MyGad, lesbian yatang babaeng 'to ah! Kung makatingin parang may pagnanasa sakin, Yaay!' Malalaki ang hakbang na naglakad palayo si Meran kay Kimy na tila nanigas na dun sa kinatatayuan. At ng maalimpungatan mula sa pagpapantasya lakad takbo ang ginawa ni Kimy maabutan lang si Meran na paliko ng papunta sa classroom nila. "Meran! Hoy, Meran, hintayin mo naman ako plis! Kala ko ba magkaibigan na tayo? At diba yung magkaibigan hindi nag iiwanan? So, ano 'to ba't moko iniiwan ha?" 'Ang daldal nya dyosmiyo marimar, magsisisi na ba ako kung bakit binigyan ko pa ng pansin ang weirdong babaeng 'to? Bakit ko ba ito pinapasok sa tahimik kong mundo? Namaannn... Meran, gaga ka talaga. Dimu naisip na sa pagpasok nya ngayon sa buhay mo hindi kana matatahimik mula ngayon. kuuu.' "Sino ba yung Meran na yun? Supermodel ba yun at pinag aagawan ng dalawang hunk?" "Kainggit ang beauty nya ha! Mantakin mong dalawang popular sa school na'to ang halos magpatayan ng dahil sa kanya." "Gusto kong makilala yang Meran na yan ha, ayokong maagawan ng titulo bilang campus girl ng school na'to nuh! Kaya hanapin nyu sya at iharap sakin tatalupan ko ng buhay ang hitad na yun." Chismisan ng mga kababaihang studyante na nadaanan ni Meran. Deadma lang naman sya at tuloy tuloy lang ang lakad. Hindi nya sasayangin ang scholarship nya ng dahil lang sa mga bratanelang ito. "Hay naku! Mga feeling beautiful, wag nyu ng asaming makilala pa si Meran, dahil yang mga kagandahang pinagmamalaki nyu wala pa yan sa kalingkingan ng ganda ni Meran hohoho... mga assuming." "At sino ka namang epal ka ha? Papalag kaba samin eh ang dami namin tapos nag iisa ka lang. Ay, tanga lang ang drama mo bhe? Dimo kami kakayaning lahat gaga." Hindi na sana makikialam pa si Meran sa usapang naririnig nya, kaso paglingon nya sa kanyang likuran para tingnan si Kimy, napapalibutan na ito ng limang studyanteng babae. Nakita pa nyang may tumulak dito kaya ito na out balance at bumagsak paupo sa semento. Kimkim ang galit na unti unting umusbong sa puso ni Meran, inilang hakbang nya lang ang pagitan nya sa mga nagkumpulang studyante. Sabay hawi ng dalawang nakaharang sa kanyang harapan. Lahat napatingin sa kanya pero deadma lang syang nilapitan si Kimy saka tinulungan itong makatayo. "Ayos ka lang ba Kimy?" Nag aalalang tanong nya sa bagong kaibigan. Na ngiting ngiti naman sa kanya. Ng tuluyan na itong makatayo nagulat na lang sya ng bigla sya nitong niyakap. "Salamat Meran, magkaibigan na nga tayooo... Ang saya saya at ang swerte swerte ko naman." "Aha! Ikaw yung Meran?" Narinig nilang sabi nung isang studyante na makapal ang lipstick at nakatikwas ang mga daliring nakaturo kay Meran. Umugong ang bulong bulungan, hindi na nabigla pa si Meran ng mahagip ng mga mata nya ang isang studyanteng pasugod sa kanya. Akmang sasampalin na sya nito ng maagap nyang nahawakan ang braso nito saka malakas na ibinalya palayo sa kanya. Malaki man ang pinagbago ng kanyang hitsura pero ang ugali nyang palaban ay hindi man lang kumupas. Kung nung paslit pa nga lang sya lumalaban na sya ng p*****n ngayon pa kayang malaki na sya't hindi na patpatin ang kanyang katawan. "Hah! Hindi kaylanman magpapaapi at magpapatalo si Meran, dahil hindi ako pinanganak para lang saktan ng kung sino man." "Ah ganun, tingnan natin kung hanggang saan aabot yang kaangasan mo samin, Girls!" Kumuyom ang dalawang kamao ni Meran handang handa na syang makipaglaban ng biglang may humawak sa kanyang pulsuhan sabay hila sa kanya palayo sa lugar na yun. Napatingin sya kay Kimy na syang humihila sa kanya, hingal na hingal ito habang tumatakbo. Panay pang lingon nito sa kanilang likuran at ng makita nitong wala namang humahabol sa kanila kusa na rin itong huminto sabay napaupo sa semento. "Grabe ang hingal mo may hika kaba?" Nag aalalang tanong nya kay Kimy na lawit ang dila habang habol ang hininga. Naluluha pa nga ito kaya mas lalong nadagdagan ang kaba nya. "Hah.. Hah.. Wa.. la ah. Ganito lang talaga a...ko kapag tumakbo ng ma...bilis ..hah.." "Tsk, eh bakit mo ba ako hinila palayo sa mga hitad na yun ha? Sayang sana naturuan natin ng leksyon ang mga mahadirang yun." Pinandilatan sya ng mga mata ni Kimy. Konti na lang ang hingal nito, nakabawi na ng lakas saka bumalik ng kulay sa pisngi nito. "Hello, baka nakakalimutan mo Meran, yung Scholarship mo! Gusto mo na bang mag goodbye sa school na ito ha?" Natutop bigla ni Meran ang bibig, pinaghirapan nyang scholarship na yun dahil sa kagustuhan nyang makapagtapos ng pag aaral. Hindi nya sasayangin ang biyayang pinagkaloob sa kanya. Nagtama ang mga mata nila ni Kimy nababasa nya sa mga mata nito ang malabis na pag aalala. Unti unting gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi, bigla nyang kinabig at niyakap ng mahigpit si Kimy. Na tila nasurpresa naman sa ginawa nya. "Salamat Kimy, sige mula ngayon magkaibigan na tayo." "Talaga! Bff na tayo Meran?" Natatawang bumitaw sya sa pagkakayakap dito. "Bakit ayaw mo ba?" "Anong ayaw ka dyan? Ako pa ba maging choosy, letche! Di bagay sakin ang mag inarte ahahaha." Natawa na rin sya hindi dahil sa sinabi ni Kimy kundi dahil sa hitsura nito.. Namumulang mga mata na may luhang nagbabadyang bumagsak. Ang ilong nitong may katangusan na namumula na rin. Higit sa lahat ang labi nitong pulang pula sa lip tint. Para itong barbie doll sa kanyang paningin. 'Ganito palang feeling kapag may kaibigan kang kikay.. Ang sarap sa pakiramdam... Sana magtagal ang aming pagkakaibigan dahil nakakagaan ng pakiramdam kapag mayron kang nasasandalan.' "Lord, thank you!" sigaw nya na nakatingala pa sa langit. "Praise the Lord!" Sigaw naman ni Kimy na nakataas pang dalawang braso paturo sa kalangitan. Sabay pa silang napatingin sa isa't isa na nakangiti at nagkindatan. Sa ganun lang tila nagkakaintindihang sabay silang sumigaw ng... "Amen!' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD