Pamilya

1085 Words
'Hindi ako naghahangad ng yaman sa mundo, Ang nais ko lang mapasaya ang pamilya ko, Maginhawang buhay ang syang pangarap ko, Kaginhawahan at kaligayahan makakamit ko rin ito...' Malayo ang tingin ni Meran habang namamalisbis ang masaganang luha sa kanyang pisngi, hindi sya galit O nagdaramdam kasi naiintindihan naman nyang sitwasyon nila sa buhay. Nalulungkot lang sya dahil isa na naman sa mga kapatid nya ang aalis para makipagsapalaran sa Maynila. Labis ang kalungkutang nadarama nya dahil apat na lang silang magkakapatid ang maiiwan sa pangangalaga ng kanyang Ama't Ina. Dahil ang tatlo nyang mga nakakatandang kapatid ay may kanya kanya na ring pamilya at malalayo na sa kanila. 'Lord, gabayan at patnubayan nyo po ang mga kapatid kong malalayo samin. Sana po balang araw mabuo ulit ang aming pamilya.. Na sana kaming lahat ay magkakasama sama.' Naninikip ang dibdib na tinapik tapik nya kaagad ito para kahit papano lumuwag luwag naman ang kanyang paghinga. Nitong nagdaang mga araw napapansin na nyang madalas syang kinakapos ng hininga pero binabalewala na lang nya. Siguro stress lang sya kasi nadagdagan na naman ang mga raket nya para magkapera. "Meran..." Kaagad nyang pinunasan ang basang pisngi saka huminga ng sunod sunod. "Ate, dito po ako sa likod bahay, may kelangan ka ba sakin?" Sinuklay suklay nya ng kanyang daliri ang gusot na buhok saka inayos nyang suot na damit. Napahilamos pang palad nya sa kanyang mukha ng makitang basa nyang t-shirt. 'Kasi namaann' "Meran!" "O, Te, alis na po ba kayo?" Napailing iling na lang si Candy ng di makatingin ng deretso sa kanya si Meran. Malikot ang kamay nito na pinagkikiskis sa suot na damit. Ganito ito kapag nate tense at stress. Kinabig nyang kapatid at niyakap ng mahigpit. "Meran, ikaw ng bahala sa pamilya natin ha! Wag mo silang pababayaan." Yumuyogyog ang balikat ni Meran tanda ng pagiging emosyonal nito. Bahagya ring nanginginig ang katawan nito habang mahigpit na nakayakap sa kapatid. Hindi sya makapagsalita at ayaw nyang magsalita dahil sa sandaling bumuka ang kanyang bibig aatungal na naman sya na parang baka. "Magtatapos ka ng pag aaral mo Meran, akong magpapaaral sayo, basta ipangako mo sakin na wala munang boypren boypren habang nag aaral ka okay!" Napatawa ng mahina si Meran dahil sa narinig nitong 'boyfriend'. Ramdam nyang pagmamahal ng ate Candy nya sa kanya. Ang masuyo nitong paghagod sa kanyang likuran ay sapat na para unti unti syang kumalma, naging maginhawa rin ang kanyang paghinga dahil nailabas nyang sari saring emosyon na naipon sa kanyang dibdib. Bumitaw sya sa pagkakayakap kay Candy saka hinila ang laylayan ng suot nyang damit para punasan ang naghalong luha, pawis pati na rin sipon saka malapat na ngumiti sa kanyang ate na nakangiwi ang mukhang nakatingin sa kanya. "Meran, dalaga kana hindi kana bata, kumilos ka ng naaayon sa edad mo, wag kang bargas naiintindihan mo ba ako ha Meran?" Nangunyapit si Meran sa braso ng kanyang Ate saka ihinilig ang ulo nya sa balikat nito. Deretso lang ang tingin nya sa kapatagan kung saan nandun ang dalawa pa nilang nakababatang kapatid naglalaro ng habulan. "Pangako ate, mag aaral akong mabuti, magtatapos ako para di masayang ang pag papaaral mo sakin. At kapag nakatapos na ako't nakapag trabaho ako ng bahala kila ghing at jr. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya. Pangako ko yan sa pamilya natin at sayo syempre ate kong maganda na at mabait pa... muwah." Nasisiyahang biniro ni Candy si Meran na ngayon ay nakatingala na sa langit. "Parang may something sayo Meran, hmmm ano naman kaya yun? Baka may jowa kana ha, makukurot ko yang singit mo." Napasimangot agad si Meran dahil sa narinig na sinabi ng kanyang Ate Candy. Nakapamewang nyang hinarap ang nakakatandang kapatid saka tiningnan ito mula ulo hanggang paa. "Jowa talaga 'Te? Grabe ka ha! Kahit maraming nagkakandarapa sa angkin kong alindog walang sinumang nakabihag sa nakakadena kong puso. Kaya kalma ka lang Ate, dahil hindi ako marupok kahit na sa anumang ibato sakin na pasabog." "Talaga! Sabi mo yan Meran ha, panindigan mo yang mga sinasabi mo dahil kapag ikaw ay nagkamali yang singit mo hindi ko yan tatantanan." "Hahaha, wag naman singit ko Teh, kili kili na lang para dika na mahirapan kasi tataas ko lang tong dalawa kong braso magsasawa ka na kakakurot, samantalang pag sa singit baka masipa pa kita kakailag ko diba?" "Hmm sabagay may point ka naman, sige sige matinong usapan natin yun ha!." "Syempre naman, may palabra de nora onor ako ate kaya sure na sure na!" Nahampas sya bigla ng kapatid dahil sa mga kalokohang lumalabas sa bibig nya. "Seryoso na tayo Meran, mamayang hapon aalis na ako, basta ikaw ng bahala sa pamilya natin, saka ingatan mo sila at alagaang mabuti ha! Whooo.. Ayoko umiyak anubaaa." "Sige lang Ate, push lang yan dalii." Nakangiti man si Meran pero puno na ng luha ang kanyang mga mata. "Mamimiss ko kayong lahat Meran... Ma mimiss ko kayo huhuhu..." "Mamimiss ka rin namin Ate, sure na sure yan.. Haaahh.." "Sana balang araw guminhawa ang buhay natin! Sana kahit hindi man tayo yumaman basta yung sapat lang ayos na. Basta't magkakasama lang tayong buong pamilya, yun lang ang mahalaga!" Yumakap na si Meran sa kapatid nyang tuloy pa rin ang pagluha. "Balang araw mamumuhay din tayo ng masagana at masaya Ate, kaya tahan na! Magtutulungan tayong walong magkakapatid para makaahon tayo sa kahirapan at makamit ang pinapangarap nating maginhawang buhay para sating lahat lalo na para kila Tatay at Nanay." "Mga Ateeee..." Napabitaw silang dalawa sa pagyayakapan ng marinig ang matinis na boses ng dalawang bunso nilang kapatid. Nalingunan nila ang mga itong tumatakbo palapit sa kanila. "Ate Candy, gutom na po kami." Si Ghing ang trese anyos nilang kapatid na babae. "Ate Meran, nakaluto na po ba kayo? Kasi nangangagat na pong mga bulate ko sa tiyan." Nakatulis ang ngusong reklamo naman ng siyam na taong gulang nilang bunso na si Jr. "Kanina pa luto, puro kasi kayo laro kaya ayan mabilis tuloy kayo magutom." Natatawang ginulo ni Meran ang buhok ni Bunso saka inakay na ito papasok ng bahay nila. Nakasunod naman sa kanila sina Candy at Ghing na nagkikilitian. 'Thank you Lord, sa Pamilya na ipinagkaloob nyo po sakin, mabuhay at mamatay man ako ng paulit ulit ang pamilyang ito pa rin ang aking pipiliin. Maging isang kahig isang tuka man kami ipagmamalaki ko pa rin sa buong mundo ang pamilyang kinabibilangan ko' Mula sa pusong sambit ni Meran sa hangin na alam nyang tatangayin nitong pasasalamat nya patungong heaven. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD