Kung ang ibang bata na katulad ng kaedaran ni Meran, eh masayang naglalaro, si Meran naman ay abala sa paglalako ng mga kakanin. Kagaya ngayon nasa isang sugalan sya paikot ikot sa mga lamesang may nagsusugal.
"Mga ate, bili na po kayo ng bananakyo, kamotekyo, suman at kamoteng kahoy."
"Kawawa naman ang batang 'to ke liit liit pa nagtatrabaho na. Sige bigyan mo silang lahat Meran ako ang magbabayad."
"Talaga po Ate Irma?"
Nagniningning ang mga mata ni Meran na nakatingin sa babaeng abala sa pagto tong its. At ng tumango ito bilang sagot sa tanong nya mabilis na binigyan isa isa ni Meran ang lahat ng nagsusugal dun. Sa dami ng tao kaagad na naubos ang dala nyang paninda. Ng matanggap nyang bayad ni Irma itinago nya kaagad ito sa kanyang pitaka na naka perdible sa kanyang suot na short para di nya ito mawala.
"Maraming salamat po Ate Irma, makakauwi na po ako ng maaga nito. Makakagawa pa ako ng assignment ko sa school. Babye na po."
"Mag iingat ka sa pag uwi mo Meran ha, deretso uwi wag na makipaglaro sa mga bata dyan baka gabihin kapa."
"Opo, alis na po ako. Salamat po ulit Ate Irma."
Nginitian lang sya ni Irma, nagmamadaling umalis ng sugalan si Meran bitbit ang malaking basket. Hindi pa sya masyadong nakakalayo sa lugar na yun ng may bumato sa kanya, sapul sya sa noo, at sa kanyang pagkagulat nabitawan nyang basket na dala dala na gumulong naman palayo sa kanya. Palibhasa nasaktan kaagad na sinugod ni Meran ang apat na batang babae na nagtatawanan na tuloy pa ring bumabato sa kanya, kung saan saan lang tumatama sa kanyang payat na pangangatawan ang mga bato na malalaki pa naman. Kahit nasasaktan ni hindi man lang umiyak si Meran sa halip ay mas lalo pa syang nagalit na pinaghahablot ang buhok ng mga batang nagulat sa ginawa nya. Sipa, suntok, sampal na kung saan saan lang tumatama. Kahit na mag isa lang syang nakikipag away sa mga batang pinagtulungan na sya, di nagpapadaig si Meran. Natigil lang ang awayan nila ng may umawat at bumuhat isa isa sa kanila.
"Nay, inaway po kami ni Meran, tingnan nyo po oh! dami kong sugat... Araaayyy."
"Nadugo ilong mo Cheska! Hala ka..dali gamutin natin."
"Salbahe ka Meran, ba't mo niaaway ate Letlet ko ha? Sumbong ka namin kay Taytay."
"Araayy huhu andaming natanggal na buhok ko.. Gaga ka Meran."
Sa dami ng sugat na natamo ni Meran, naging manhid na sya sa mga pinagsasabi ng mga batang nakaaway nya. Hindi sya nagsalita basta naglakad lang sya patungo sa basket nyang nasira at dinampot yun.
"Hoy Meran, Lentek kang bata ka, wag na wag ka ng bumalik dito ha! Makita lang ulit kita dito ako ng magsasabit ng patiwarik sayo sa punong mangga na yan, naiintindihan mo ba ako ha?"
" Loleng, away bata lang yan nakikisali kapa. Magsiuwi na lang kayo't gamutin yang sugat ng mga bata."
"Ikaw talaga Irma, dapat ang mga bata dito ang kampihan mo hindi yang malditang Meran na yan."
"Telma, nag iisa lang si Meran samantalang apat ang umaaway sa kanya. Bakit di nyo pagsabihan yang mga anak nyo, wala namang ginagawang masama si Meran sa kanila bakit pinagtutulungan nila?"
"Tama na nga yan, away bata lang pinapalaki nyo pa. Hala, magsiuwi na kayong lahat tapos ng palabas dito."
"Kuuu.. Kagawad pagbawalan nyo na yang si Meran na magtinda dito ha, ayoko ng inaaway ang anak ko."
"Sige na Loleng, ako ng bahala dito. Magsiuwi na kayo."
Ng magsialisan ng mga tao saka sila hinarap ni kagawad Tony. Nag aalinlangan pa itong makipag usap kay Irma pero sa huli nanaig din ang tawag ng katungkulan nito, ang magpatupad ng kapayapaan sa kanilang baranggay.
"Ahm.. Irma kasi an --"
"Ayos lang po kagawad Tony, ako na lang po ang bahalang kumausap kay Meran, pasensya na po."
Sa narinig na usapan nila kagawad at Irma. Kaagad na humingi ng paumanhin si Meran sa nagawang kasalanan. Kung kasalanan bang ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga batang nang aapi sa kanya.
"Sorry po sa mga nagawa ko! Hindi ko naman po sinasadya, nasaktan lang po ako kaya napilitan nakong lumaban. Pasensya na po kayo sakin."
Naaawang nilapitan ni kagawad Tony si Meran saka ginulo ang buhok ng paslit.
"Meran, mas makabubuti sayo kung dika na bumalik dito, lam mo naman mga tao mapanghusga masyado. Kaya umiwas kana lang sa g**o, naiintindihan mo ba ako iha?"
Nalungkot si Meran sa tinuran ng kagawad sa kanya, kasi nangangahulugan yun na hindi na nya makikita pa si Irma. Saka dito lang sya nakakaubos ng kanyang mga paninda. Pero wala naman syang magagawa kasi dayo lang sya sa lugar na yun kaya dapat syang sumunod sa patakaran na pinapatupad ng baranggay.
"Opo kuya Tony, wag ho kayong mag alala hanggang ngayon na lang po ako dito, pasensya na po."
"Abay kabait bait mo namang bata, bakit inaaway kapa ng mga yun? Hay kabataan talaga mapupusok na. Sige mauna na ako sa inyo ha, mag iingat ka sa pag uwi mo Meran."
"Opo, salamat po Kuya Tony. Babye po."
Kinurot pa ng kagawad ang pisngi ni Meran bago ito umalis. Nagkatinginan naman sila Meran at Irma saka sabay na napangiti sa isa't isa.
"Maraming salamat po Ate Irma, napakabuti nyo po sakin."
Nilapitan sya ng butihing ginang saka inabutan ng pera siguro isangdaan, yun ang nasilip nya sa kanyang palad eh, niyakap pa sya nito saka hinaplos haplos ang magulo nyang buhok. Dahil sa ginawa ni Irma sa kanya dun na tuluyang bumigay si Meran, napabunghalit ito ng iyak habang nakayakap ng mahigpit kay Irma. Tila nakahanap ng kakampi ang paslit kaya bumuhos ang iba't ibang emosyon nitong nararamdaman.
"Tahan na Meran, pagabi na kaya mabuti pang umuwi kana sa inyo. Mahirap maglakad sa pilapil kapag madilim na kaya halika na ihahatid na kita sa bukana ng palayan."
Sumisinok sinok na pinahid ni Meran ang luha't sipon ng kanyang butas butas na damit pagkatapos bumitaw sa pagkakayakap kay Irma. Nakangiti na syang tumango sa butihing ginang bago tumalikod at naglakad palayo. Bago tuluyang tahakin ang pilapil nilingon nya muna si Irma na nandun pa rin sa kinatatayuan nito at nakatingin sa kanya. Kumaway sya dito saka sumaludo.
"Maraming salamat po Ate Irma, hinding hindi ko po kayo makakalimutan. Babye na po sa inyo."
Kahit naluluha na naman sya sinikap nyang ngumiti ng malapad sa Ginang. pagkatapos nun tumalikod na sya't tumakbo palayo sa lugar na yun.
"Mag iingat ka palagi Meran, mag aaral kang mabuti para maabot mong mga pangarap mo sa buhay."
Napalabi si Meran sa narinig mula kay Irma, huminto sya sa pagtakbo saka lumingon na naman, nakita nyang kumakaway sa kanya si Irma kaya kumaway din sya pabalik dito.
"Tatandaan ko po lahat ng mga pangaral nyo Ate Irma, maraming salamat po sa inyo. Mag iingat din po kayooo."
Matapos sabihin yun tumakbo na naman si Meran, kahit na mahapdi ang kanyang anit dahil maraming buhok ang nalagas sa kanya, kahit na masakit ang pisngi at nuo nya lalo ng labi nyang may sugat nakangiti pa rin sya, kahit na masakit buong katawan nya dahil pinagtulungan sya ng mga batang salbahe na yun, masaya pa rin sya kasi may isang Ate Irma na nagmamalasakit at nagtatanggol sa kanya. At sa mga oras na yun habang tumatakbo pauwi sa kanilang bahay maraming pumapasok sa isip nya. At sa mga sandaling yun ng kanyang buhay isang pangako sa sarili ang sinambit ni Meran na napapatingala pa sa kalangitan.
'Balang araw magbabago rin ang aming buhay, giginhawa rin kami at hindi na maghihirap. Sisikapin kong matupad ang aking mga pangarap para sa pamilya ko! At para sa sarili ko!'
"Lord, thank you!"
Nag sign of the cross pa sya bago nagpatuloy sa pagtakbo pauwi sa pinakamamahal nyang pamilya.
Ang pamilyang syang lahat lahat sa kanya..
Ang pamilyang para kay Meran ay tanging kayamanan nya.
?MahikaNiAyana