Itinadhana

1276 Words
'Sa isang di inaasahang pagkakataon, Dalawang nilalang pinagtagpo ng sitwasyon, Silang dalawa na ba ang itinadhana ng Panginoon, Na magsasama sa habang panahon...' Tulalang nakatingin sa kawalan si Meran, labis labis ang kanyang pag aalala kay Kimy. Ng makita nya itong nakahandusay sa lapag at walang malay, nakaramdam sya ng sobrang takot na ngayon nya lang naranasan sa tanang buhay nya. May biglang lumitaw na isang bottled meneral water sa kanyang harapan, napatingin sya sa may hawak nun. Ang lalaking tumulong sa kanya nakangiti ito habang titig na titig sa kanyang mukha. "Inumin mo muna 'to para bumuti ang iyong pakiramdam!" Inabot nyang bottled mineral water saka nagpasalamat, napausod sya ng upo palapit kay Kimy na wala pa ring malay na nakasandal sa gilid ng umupo sa tabi nya ang lalaking tumulong sa kanya kanina. "Wag kang mag alala, ok ng kaibigan mo kaya pumanatag kana. By the way I'm Axel Kehmer." Inilahad nitong kamay sa kanya para makipagkumustahan na inabot naman nya kaagad. "Meran Chi, salamat sa tulong mo kanina ha! Sa totoo lang kung wala ka kanina baka nahimatay na rin ako sa sobrang stress." "Ayos lang yun, obligaasyon kong tumulong sa mga nangangailangan." "Ambait mo naman, sana all katulad mo." Ngumiti na naman ito na mas lalong naging kaakit akit sa mga mata ni Meran. 'Anuba self wag ka talande! Behave!' "Propesyon ko kasing tumulong, isa akong Certified Cardiologist Doctor." "Ah, kaya naman pala may mga gamot kang dala." "Yep! Kumuha ako ng supplies para sa clinic ko." Lalong nadagdagan ang paghanga ni Meran sa kaharap na isa palang batang bata pang Doctor. "Doc. Heart, ok lang bang yun ang itawag ko sayo?" "Oo naman, no worries." Nakangiting sagot ng binata. "Malayo bang Tasmania?" "Tasmania? Hmm.. It is located 240 km (150 mi) to the south of the Australian mainland, separated by Bass Strait. Why? dun bang punta nyo?" Napasulyap si Meran kay Kimy na tulog pa rin hanggang ngayon. "Yes, dun nga, para imeet ang ka chat nyang Bff ko." "Wow, talaga! Bumyahe kayo mula Pilipinas pa Australia para imeet lang ang ka chat nyang Friend mo? Ang swerte naman nung guy huh." "Actually, galing kaming Japan, six months kaming nag work dun, imbes na Pilipinas dito kami napadpad dahil nga mag me meet sila." Inginuso nya si Kimy kay Axel. "Tingin ko sayo parang napilitan ka lang sumama sa kaibigan mo hahaha." "True, mahilig lang mang blackmail ang hitad na yan kaya nahila nya ko dito." "Buti ngang nahila ka nya dito, nagkakilala tayo." 'Utang na loob wag mokong landiin Doc. Heart. marupok po ako.' "San ka sa Pinas Meran? Kasi may kapatid akong nakapag asawa ng Thailand Prince pero mas pinili nilang manirahan sa tagaytay." "Cavite kami, pero Iloilo talaga ang hometown namin. Doc.. Heart, pure Pinoy ka ba or half half?" "Half Korean, Half Filipino. Bale separated ng parents ko. Mula nung maghiwalay sila nagkanya kanyang buhay na kaming apat. Ang Daddy ko nasa America na ngayon, Mommy ko naman naiwan sa Korea, si Mia nasa Pilipinas at ako dito sa Australia." Touch naman si Meran, feeling nya close na silang dalawa ni Axel dahil sa pag share nito ng buhay pamilya nila. Hindi na nila napapansin ang oras basta nagkukwentuhan lang sila ng kung ano anong maisipan nila. Hanggang sa dumaong ng ferry saka nya ginising si Kimy na groggy pa rin. Katuwang nya si Axel sa pag aalalay kay Kimy pababa ng Ferry. Hindi talaga sila iniwan ng butihing doctor hangga't di dumating si Robert ang ka chat ni Kimy. "Ahm.. Meran pwede ko bang mahingi ang number mo? Bakasakaling mapadpad ako ng Pilipinas mapasyalan kita sa Cavite, yun ay kung ok lang naman sayo." "Oo naman, bakit hindi! Welcome na welcome ka sa bahay namin Doc heart." Nangingiting binigay nyang cellphone number kay Axel, kaagad naman itong nag miss call kaya sinave nyang number nito. "Meraann... Tara na!" "O, panu Doc. Heart , tawag nako ni Bff, salamat ulit ha, saka mag iingat ka palagi!" Tatalikod na sana si Meran ng hawakan ni Axel ang kanyang kamay, napatingin sya sa gwapong mukha nito saka tipid na ngumiti. "Mag iingat ka Meran! Tatawag akong madalas sayo, sagutin mo ha wag mong ideadma ang tawag ko sayo ok!" "Opo, sige alis nako... Bye Doc Heart." Akmang pipihit na sya patalikod sa binata ng bigla syang kabigin nito para yakapin, saglit lang naman bumitaw din kaagad ito saka hinalikan sya sa noo. Awang ang bibig na sinalat ni Meran ang kanyang noo. "Meraann... Anuba! Tayo na sabi eh! Gutom nako." "Dyan na." Pero bago tumalikod si Meran, tumingkayad muna sya at hinalikan sa pisngi si Axel. "Bye Doc Heart." Pagkatapos sabihin yun ay tumakbo na sya papunta kay Kimy na nakasimangot na. Habang naglalakad kasabay sila Kimy at Robert, nilingon nyang pinanggalingan. Nandun pa rin si Axel nakatayo at ng magtama ang tingin nilang dalawa ngumiti ito saka kumaway sa kanya. Sumenyas pa ito na tatawagan sya, sumenyas din sya ng ok. 'Hay, anubang meron sa Doc Axel na yun at ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Feeling ko ang bait bait nyang tao, saka isipin ko lang na ipinagkatiwala nya sakin ang kwento ng buhay nya , isa lang ang ibig sabihin nun na may tiwala sya sakin.' Wala sa sariling napangiti si Meran na ikinakunot naman ng noo ni Kimy. Magkakaharap silang tatlo ngayon na nakaupo at naghihintay ng inorder na pagkain ni Robert. Hindi na nakatiis si Kimy kaya kinalabit na nito sa braso si Meran na tila malalim ang iniisip at nangangarap pa yata ito ng gising. " Bff, sapul ba?" "Ha! A - anong sabi mo?" "Sabi ko, nasapul ba ni kupido ang puso mo? Kanina kapa parang tanga dyan, sino bang nginingitian mo samin ni Robert ha?" "Sira, naalala ko lang si Doc. Heart . ang bait nya nuh? Lam mo bang kung di dahil sa kanya baka kung ano ng nangyari sayo Bff. Takot na takot kaya ako lalo ng di kita magising gising." Napalabi naman si Kimy. Na i imagine nya tuloy ang mga pangyayari. Inabot nyang kamay ni Meran saka pinisil ang palad nito. "Bff, maraming salamat ha! Kung di dahil sa kabutihan mo malamang wala nako." Tinampal ni Meran ang kamay ng kaibigan. "Ikaw talaga, puro ka drama.. Tama na nga yang throwback, change topic na tayo.. So," Inginuso ni Meran si Robert na may kausap sa cellphone nito. "Pasado ba yan sayo o hindi?' Nag thumbs up lang si Kimy, natutuwang tumayo si Meran mula sa pagkakaupo saka nilapitan si Kimy at niyakap. "Good luck Bff, wish ko na sana sya ng forever mo." Niyakap naman sya pabalik ni Kimy. "Wish ko rin na sana si Doc.Heart na rin ang Forever mo, para parehong masaya ang love life nating dalawa... Good luck din sayo Bff." "Kain na tayo!" Sabay pa silang napabitaw sa isa't isa saka napabaling ng tingin kay Robert na nakamwestrang kamay sa nakahaing pagkain. Ngiting ngiti pa ito sa kanilang dalawa. "R-- Robert! Marunong kang magtagalog?" Sabay pa nilang tanong kay Robert na ngayon ay tumatawa na sa nakitang reaksyon nilang dalawa. "Nah! Just a little bit... Hahaha" 'Naman... Bagay na bagay talaga sila ni Kimy, parehong masayahin, malambing, maalalahanin at mabait. Swerte mo Bff, natagpuan mo ng ka forever mo. ' Nangingiting bumalik na sya sa pagkakaupo at nakisalo sa dalawang kumakain, napaka sweet nung dalawa nagsusubuan pa talaga. Di nya tuloy mahulaan kung iniinggit ba sya ng mga ito o ano eh. Ng marinig nyang nagri ring ang kanyang cellphone kaagad nyang inilabas yun sa kanyang bag. Napatakip sya ng bibig ng makita sa screen ng cellphone nya kung sino ang kanyang caller. 'Axel calling....' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD