Be Happy My Friend..

1957 Words
'Hindi ko naman kailangan ng taong pasasayahin ako ng sobra. Sapat na sakin yung hindi ako iiwan kahit na nakakaubos nako ng pasensya...' Pabagsak na umupo si Meran sa sofa ng vip room na ukupado nilang dalawa ni Kimy sa isang elite bar dito sa Hiroshima Japan. Matapos ang kanilang trabaho dito sila bumagsak na kahit ayaw pumayag ng kaibigan wala rin itong nagawa dahil dinramahan nya ito. Inabot nyang bote ng Henesy saka nagsalin sa kanyang shot glass, matapos lagukin ang laman nun parang mas nauhaw pa syang lalo kaya mismong sa bote na sya uminom. "Bff, nandito lang ako alam mo yan, kung anuman yang problemang inililihim mo sakin pwede mo ng i reveal makikinig ako at promise di kita huhusgahan at syempre di kita pagtatawanan, kaya sige na share mo na sakin!" Parang wala lang naririnig si Meran tuloy lang ang paglaklak nito ng alak. May sariling mundo ito at sa kanyang ginawang mundo nag iisa na naman sya sa madilim na lugar. Nakikipaglaban sa masasamang nilalang na gusto syang lamunin ng buong buo. Pero dahil sa palaban si Meran hindi sya padadaig sa mga kalaban nyang walang mukha. "Meran! Ayan kana naman eh! Kinukulong mo na naman ang sarili mo sa kadiliman.. Labanan mo kung anuman yang mabigat na nakadagan sa dibdib mo, ilabas mo yan bff, nandito lang ako hinding hindi kita iiwan." Nabaling ang pansin ni Kimy sa cellphone ni Meran na nakapatong sa lamesa. Nagbi blink yun, sinulyapan nya saglit si Meran na nakakalahating bote ng alak nang naiinom. 'Masama ito, diko na nagugustuhan ang nakikita ko sayo bff.' Dinampot nyang cellphone ni Meran saka sinagot ang tawag ni Axel. Wala man syang alam sa ugnayan ng dalawa pero magaan ang loob nya sa binatang doctor, saka kelangan nya talaga ng kahit na anong tulong na makukuha nya ngayon. Basta para kay Meran lahat ay gagawin nya mapabuti lang ito. "Hello Axel, si Kimy 'to, I need your help ASAP!" Matagal bago nakasagot ang nasa kabilang linya. Halatang abala ito kasi maingay ang background, siguradong nasa hospital pa rin ito. "Oh, Hi Kimy, Kumusta kana? Si Meran kumusta?" "Ako okay lang, pero si Meran, hindi." "Ha! Why? May nangyari bang masama sa kanya? Oh, wait, san ba kayo ngayon sa Pinas pa rin ba?" Napangiti si Kimy sa tono ng pananalita ni Axel, sinulyapan nya si Meran na nakatingin sa kawalan at tila malalim ang iniisip. Napabuga na lang sya ng hangin saka napailing iling. "Kimy! Hello, you still there? What happen to Meran? Tell me please!" "Nasa Hiroshima Japan na kami ngayon, magwa one month na kami dito. Axel, may problema kay Meran, pede mo bakong tulungan? As in now na Axel, kung maaari!." Alam ni Kimy na makakarating si Axel sa oras kasi may private plane ito kaya madali lang dito ang magtravel kung saan man nito gusto. "Kimy, send me your exact location, I'll be there in a few minutes okay, thanks Kimy, bye." Matapos ipadala kay Axel ang mga kakailanganin nitong impormasyon lumipat sya ng upo sa tabi ni Meran. Hinawi nyang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito. 'Swerte mo bff, mukhang parating ng Forever mo.' Pinigilan nyang kamay ni Meran na may hawak sa bote ng alak. Napalingon tuloy sa kanya si Meran, nagtataka ang mga tinging ipinukol nito sa kanya . "Bff, gusto mong mag Singapore tayo?" Napatutop ng bibig nya si Kimy ng ma realized ang kanyang nasabi kay Meran. 's**t ba't ba yun pang nasabi ko. Gaga ka talaga Kimy, hindi ka nag iisip eh surprise mo nga yun kay Meran diba? Tanga tanga mo talagaaa.' Nabatukan nyang sarili dahil sa ginawang kapalpakan. "Singapore? Anong gagawin natin dun? Magwawaldas kana naman ng pera? Naku! Kimy, tigil tigilan mo na nga ako sa ugali mong one day millionaire ha! Hindi ako mayamang tulad mo." Labis syang natutuwa dahil nakuha nyang attention ni Meran. "Hahaha.. Eh di gaya ng dating ginagawa natin. Akong nagsho shopping ikaw naman ang nagwi window shopping. Oh diba parehas lang tayong nag eenjoy mag shopping, bff?" Napaismid si Meran, dialogue na ito ni Kimy at na memorize na rin nya ito. Inabot nya ulit ang bote ng alak nagsalin sa dalawang shot glasses, binigay nyang isa kay Kimy na kinuha naman nito kaagad. Akmang tutunggain na ito ng kaibigan ng pigilan nyang kamay nito. "Hep! Excited! Dipa nga tayo nagka kampai eh atat na atat kaagad." Natatawang itinaas ni Kimy ang kanyang shot glass sa ere saka sumigaw ng "Kampai Bff." I lninom kagad nitong alak. Napailing iling na lang si Meran sa ginawa ng kaibigan. Nakita nyang kinuha ni Kimy ang cellphone nyang nakalapag sa mesa hinayaan nya lang ito kasi madalas din namang gawin nito yun kapag lowbat o di kaya na misplaced nitong telepono. "Bff, patawag ha! Lowbat kasing phone ko eh." Tumango lang si Meran, tuloy tuloy lang sya sa pag inom. Naalala na naman nyang pag uusap nila ng kanyang Ina kanina. Nasapo nyang ulo ng biglang sumakit ito. 'Anubang kamalasan itong nangyayari sakin? Hindi na bako mauubusan ng mga suliraning kayhirap lutasin?' Sunod sunod ang lagok nya ng alak, kahit na nahihilo na sya't nanlalabo ng paningin tuloy pa rin ang pag inom.. Panu ba namang hindi sya mamroblema, kasi bago sya umalis ng Pilipinas nakipag tanan ang Ate Candy nya. Okay lang naman sa kanya kung mag aasawa na ito eh, kasi nasa edad na naman ito saka malaki na rin ang naiambag nito sa kanilang pamilya lalo na sa kanya kasi nakapagtapos sya ng pag aaral dahil sa pagsisikap nito. Kaya may karapatan din itong lumigaya. Ang hindi nya matanggap at nahihirapan talaga syang tanggapin at unawain ay ang malamang buntis ang nakababata nyang kapatid na si Ghing. Nasasaktan sya, naiisip nyang nagkulang yata sya sa paggabay kay Ghing kaya nakagawa ito ng pagkakamali. 'Nag aaral pa sya eh, bakit nagawa nya samin ito? Bakit nya ako binigo..?.' Nabitawan ni Meran ang basong may lamang alak basag itong bumagsak sa lapag. Hindi man lang natinag si Meran sa halip ay dinampot nyang bote ng alak at deretsong uminom dun ng sunod sunod habang nakapikit ang kanyang mga mata. "Hindi yan tubig Meran, kaya tama ng pag inom mo." May kumuha sa bote ng alak na hawak hawak nya. 'Huh, ang boses na yun.. Kaboses ni Axel!.. pero hindi, imposible namang nandito sya eh ang layo kaya ng Vienna Australia. Milya milyang layo nya sakin ngayon.' Biglang napadilat ang namimigat nyang mga mata ng makaramdam sya ng masuyong pagyakap at paghalik sa kanyang noo. Sa nanlalabong paningin at namumungay na mga mata naaninagan nyang mukha ng isang lalaking nakangiti sa kanya. "Impossible" "Hi Meran, diko akalaing malakas ka palang uminom, grabe, talo mo pako sa inuman ah." "A-- Axel!... Ikaw ba talaga yan?.. Paano?" Hinila hila ni Meran ang magulong buhok. Masakit.. So, ibig sabihin hindi sya namamalik mata lang? Pero hindi, kasi imposible talagang si Axel itong nasa harapan nya. "Hindi, Ilusyon lang kitaaa..." Tinampal tampal pa nyang pisngi, pero kahit na anupang gawin nya hindi talaga naglalaho sa kanyang paningin ang binata. "Tama na yan Meran, sinasaktan mo ng iyong sarili, saka tama ng pag inom lasing na lasing kana." Hinawakan ni Axel ang kamay ni Meran para matigil na ito sa ginagawang p*******t sa sarili. "Iuwi mo na lang kaya sya, kasi di titigil kakalaklak ng alak yan hanggat may nakikita pa sa mesa, saka Axel, mahirap malasing yan nagiging agresibo. Eh kanina nga may niyakap na lalaki yan sa dance floor buti nakita ko kung hindi baka nahipuan na yang babaitang yan." Sa narinig na pagkukwento ni Kimy, napabilis ang pagkilos ni Axel. Inalalayan nyang makatayo si Meran pero mukhang dina talaga nito kayang sarili bumabagsak ito pabalik ng sofa, kaya napilitan na lang si Axel na buhatin ang dalaga. "f**k! Ang bigat naman ng babaeng 'to. Anubang pinagkakain nyo Kimy at bumigat ng ganito si Meran?" "Hahaha... Eh sa matakaw sa pagkain yang mahal mo eh, mapipigil ko ba yan, baka bigwasan lang akong bigla nyan. Mabilis pa naman ang kamay ng babaetang yan pag naiinis." Inimis na ni Kimy ang lahat ng gamit nila ni Meran saka sinundan si Axel na ngayon ay palabas ng bar karga karga ang kaibigan nyang nagdadaldal eh wala namang maintindihan sa mga pinagsasabi nito. "Kimy, yung usapan natin ha! Kita tayo sa labas tapusin ko lang 'to." "Oo nga pala may lakad tayo nuh! Diba pedeng bukas na lang yun Nelson, si Meran kasi eh!" Sumimangot biglang bartender na si Nelson. Matagal na kasi itong nagpapatulong kay Kimy sa panliligaw nito kay Elsa. Actually, boto naman si Kimy sa lalaki kaya pumayag sya sa pakiusap nito. Saka gusto nya ring magkaroon ng forever ang tita Elsa nyang pihikan. "Nangako kana sakin Kimy, wala ng bawian." Nagpapadyak na tinungo ni Kimy ang exit. Pero nahinto sya ng marinig ang pagsigaw ni Nelson. "Hoy Kimy! Paglabas ko na wala ka isusumbong kita sa tita Elsa mo." Nilingon nya ito saka tiningnan ng masama. "Oo na, sama mo talaga sakin namba blackmail kapa hmp." Tumalikod na sya't tinakbo ang pagitan nila ni Axel na ng malabasan nya ang mga ito nakapara na ng taxi ang binata at ipinapasok na si Meran sa loob nun. Kinalabit nya ito para kuhanin ang pansin nito. At ng humarap ito sa kanya kaagad syang nag peace sign dito. "Axel, pwede bang ikaw na munang bahala sa Bff ko! Kasi may importante akong lakad." Nagdududang tiningnan sya ni Axel mula ulo hanggang paa. "Saan lakad mo? Masyadong daring yang suot mo baka mabastos ka lang dun sa pupuntahan mo." "Hindi ako makikipag date kaya kumalma ka! Sasamahan ko lang si Nelson sa bahay ni Tita Elsa. Kaya ikaw ng bahala dyan sa jowa mo ha." Pahaging na sabi ni Kimy, kahit naman kasi pigain nya si Meran na magkwento tungkol kay Axel, hindi nya talaga ito mapaamin. Sa anim na buwang panliligaw ng binatang doctor sa kanyang kaibigan imposibleng wala pa ring something ang dalawa. Nakita nyang umaliwalas ang mukha ng binata. 'Confirm', saka ito tumango at nagpaalam sa kanya. "Teka may nakalimutan akong ipaalala sayo, Malibog pag lasing yang Bff ko, kaya mag iingat ka sa kanya baka reypin ka nyan harharhar." Pagbibiro nya pa sa binata na ikinatawa at iling lang nito. "Ikaw talaga Kimy, puro ka kalokohan, sige na alis na kami baka magsuka pa sa taxi yan magalit si manong driver sakin. Mag iingat ka Kimy ha, saka salamat." "Sus maliit na bagay, ingat din kayo ni bff, at Axel, mag enjoy kayo ha!" Pilyang kumindat pa si Kimy, saka sinilip ang kaibigan sa loob ng taxi. Sarap ng tulog nito nakanganga pa. 'Hmmm ngayon nakapikit kang hitad ka, pero sigurado ako na mamya nakatirik na yang mga mata mo sa sarap hihihi.. Good luck Bff. Ayan ng ka Foever mo! Sana maging makulay at maging masaya ng buhay mo... Deserve mong maging maligaya sa buhay.. Tama ng pagsasakripisyo mo sayong pamilya, panahon na para ang sarili mo naman ang bigyan mo ng kaligayahan. Love you Bff, for life.' Naging saksi kasi si Kimy sa pagiging ulirang anak ni Meran, sa mga pagsasakripisyo nito at paghihirap mabigyan lang ng maginhawang buhay ang pamilya nito. Sa tagal nilang naging magkaibigan kahit minsan hindi nya ito nakitang makipaglandian man lang, hindi ito nagbigay ng kahit konting interes pagdating sa pag-ibig. Pero mula ng magtagpo ang landas ng dalawa dun nya nakita ang kakaibang sigla't saya kay Meran. At saksi sya sa kakaibang turingan ni Axel at Meran. Ginawa nyang lahat ng makakaya para lang mapalapit pang dalawa sa isa't isa. Kaya ngayong nakikita na nyang naging bunga nya sa pagiging kupido ng dalawa masayang masaya na sya... 'Be happy! Meran, my friend.....' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD