Bebeko

1390 Words
'Di ko naman sinasadyang mahalin ka ng subra. Nagkakataon lang na sayo ako naging masaya...' "Sana alam mo... Sana alam mo na sa bawat araw at gabing lumilipas, wala akong ginawa kundi isipin ka... kung nasaan ka na, anong ginagawa mo, sinong kasama mo at kung masaya ka ba talaga kahit wala ako. Sana alam mo na wala akong ginawa kundi hintayin yung araw kung kailan ulit tayo magkakatagpo at magkakausap. Sana alam mo na wala akong ginawa kundi alalahanin yung mga masasayang panahon na magkasama tayo. Sana alam mo na lubos akong nangungulila sa'yo na nagiging sanhi ng kalungkutan ko sa mga gabing iniisip ko na sana ikaw pa rin ang kasama ko." Masuyong hinahaplos haplos ni Axel ang buhok ni Meran na kung minsan bumababa ang kamay nya sa maamo nitong mukha. Dahil sa hindi nya alam kung saan nakatira sila Kimy at Meran dito sa Japan at hindi na nya makontak si Kimy wala syang ibang choice kundi dalhin ang dalaga sa isang hotel para makapagpahinga ito at maalagaan nyang mabuti. "Sana alam mo kung gaano kita kamahal; na kahit alam mong nasasaktan na ako ay hindi pa rin kita iniwan. Sana alam mo na matagal akong nagtiis at matagal akong naghintay bago kita tuluyang isuko at bitawan. Sana alam mo na ginawa ko ang lahat para manatili ka lang sa buhay ko..." Napabutong hininga si Axel at bahagyang natawa sa kanyang sarili. Para kasi syang baliw na kinakausap ang tulog na tulog na si Meran. Parang tanga lang syang habol ng habol sa dalaga kahit inayawan na sya nito. Naging sila man ng maikling panahon pero hindi sya susuko. Hindi nya bibitawan si Meran kahit pa paulit ulit sya nitong ipagtabuyan. "Meran, sana alam mo na kaya tumigil lang ako kasi yun ang kagustuhan mo, pero ako hinding hindi ako titigil na ipaglaban kong gusto ko kahit na alam kong mahihirapan ako sayo. Sana alam mo na matagal na panahon ang lumipas bago nawala ang sakit at kalungkutan na idinulot mo." "Hmmm..." Napatigil si Axel sa ginagawang paghaplos sa mukha ni Meran ng bahagyang gumalaw ito, At dahil nakatagilid sya't nakaharap sa dalaga hindi kaagad sya nakaiwas ng tumaas ang braso nito at payakap na hinila sya sa leeg ni Meran kaya napasubsob ang mukha nya sa mukha nito. Dahan dahan nyang inangat ang mukha, saglit ring natigil ang kanyang paghinga habang titig na titig kay Meran. "Napakaganda mo talaga bebeko hmmm.. Amoy alak ka man mabango kapa rin para sakin. Sige, pahinga ka lang para makabawi ka ng lakas. Dito lang ako behave na behave, aalagaan kitang mabuti." Nagulat pa si Axel ng bigla na lang bumangon si Meran, nakapikit ito na isa isang hinubad ang suot na damit habang sinasabing.. "Ang init... bakit ba ang init init.." Nanlalaki ang mga matang nakamasid lang si Axel kay Meran. Na tanging underwear na lang ang suot habang panay ang reklamong mainit. Bigla syang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama saka nilapitan ang dalagang halos matumba na sa kalasingan. Inalalayan nya itong makabalik sa kama, ingat na ingat syang di masagi ang h***d nitong katawan. 'Wheew.. ang init nga grabe... Ang hina naman yata ng aircon nila dito.' Hawak nyang mga braso ni Meran habang iginigiya nya ito pahigang kama. Dahil sa nanlalambot ang dalaga at sa klase ng paghawak nya dito natalisod si Meran at nabuwal sa kama ng kasama sya. Masama pa dun ang posisyon nilang nakadagan sya sa dalaga. Akma syang tatayo ng yakapin sya ng mahigpit ni Meran. "M--Meran, bebeko, sandali lang! B--bitawan mo muna ako!" Pero tila walang naririnig si Meran na mas humigpit pa lalo ang pagkakayakap sa kanya. Napatitig sya sa mukha ng dalaga. Napakaganda talaga nito kahit bangag pa ito. Namilog ang kanyang mga mata ng makitang dahan dahang dumilat ang mga mata nito. "Axel... Bebeko... Nandito ka?.. Totoo ba ito o namamalikmata na naman ako?" Papikit pikit ang mga matang sabi ni Meran sa binatang awang pang mga labi na nakatulala sa kanya. "Alam mo ba kung saan tayo nagkamali? Nung hinayaan lang natin lumipas yung mga nararamdaman natin para sa isa't-isa..? Dahil hindi tayo para sa isa't isa Axel." Bulong ni Meran, pero dinig na dinig yun ng binata. "Huwag mong sabihing hindi tayo para sa isa't isa..Dahil sa nakikita ko..Hindi tayo bagay para sa iba. Hindi mo ba naiisip na sa dinami-dami ng tao dito sa mundo na pwedeng pagtagpuin..tayo pang dalawa ang nagkatagpo? Kaya huwag na huwag mong sasabihin na hindi tayo para sa isa't-isa. Kasi alam ko at nararamdaman ko sa sarili ko na tayo na talaga sa huli, tayo ang nakatadhang magsama hanggang sa huli. Isipin mo kung sa iba tayo napunta o iba ang ating nakatagpo. Hindi ba't parang hindi bagay? Kaya huwag mong sasabihing hindi tayo para sa isa't isa dahil hindi rin tayo karapat-dapat para sa iba." Titig na titig si Meran sa kanya. Kahit na namumungay ang mga mata nito at papikit pikit. Alam nyang mabigat sya kaya pinagpalit nyang pwesto nilang dalawa. Ngayon ay si Meran ng nakapatong sa kanya na isinubsob ang mukha nito sa kanyang leeg at sininghot ang kanyang balat dun. Napapiksi sya sa nadamang sensasyong dulot ng patuloy na pagsinghot ni Meran sa kanyang leeg na maya maya lang ay dinidilaan na nito. "Meran, itigil mo yang ginagawa mo, anuba tama na sabi eh." Panay ang ilag at tulak nya sa dalaga pero tuloy pa rin ito. Biglang nanigas ang katawan ni Axel ng maramdaman nyang pagpisil ni Meran sa kanyang harapan. "My gad Meran! Ang bilis ng kamay mo! Panung napunta yan dyan ng hindi ko man lang napansin ha?" Umangat ang mukha ni Meran at ang namumungay nitong mga mata ay may halong kapilyahan. "Kasi magaling ako? Hmm." Dinilaan nitong pisngi nya saka siniil sya ng halik nito habang ang kamay naman nito ay patuloy sa paghimas sa gitnang bahagi ng kanyang mga hita. Kahit na anong pagpipigil ni Axel sa kanyang sarili nadadarang na sya sa mga ginagawa ni Meran sa kanya. Ramdam nyang mabilis na pagkabuhay ng kanyang p*********i. 'Masama ito, shit.. hindi ko na kayang magpigil pa, tama nga si Kimy, napaka agresibo nga ni Meran kapag lasing. Pero hindi ko dap--' Naputol ang pakikipagtalo nya sa kanyang sarili ng maramdaman nyang kamay ni Meran sa loob ng kanyang pantalon at mahigpit na nitong hawak ang naninigas nyang p*********i. "Meran! f**k! Stop it..Ohhh... " "Hmmm... Bebeko.. Nagugustuhan mo bang ginagawa ko sayo?... Hmm.. Ohh.." "M-- Merann.. Please.. Tama na! Lasing ka lang kaya mo... Ohh.. nagagawang mga ito.. Ohh.. Shit.. Haahh.." Hinawakan nya sa pulsuhan si Meran saka hinugot palabas ng kanyang pantalon ang kamay nito, tinulak nya ito paalis sa kanyang ibabaw at mabilis syang tumayo at lumayo dito. Panay ang paghingal at mura nya habang nakatingin kay Meran na nakahilata sa kama. Nakabukaka at himas himas ang dibdib nito. "Fuck.. Diko akalaing ganyan ka pala kapag nalalasing." Nasapo nyang harapan na naninigas ng makitang pumasok ang isang kamay ni Meran sa loob ng panty nito. Lalo pa syang nahibang ng gumalaw ang kamay ng dalaga, mabilis ang kilos nito at naririnig nyang daing na tila nasasarapan sa ginagawa nitong pagpapaligaya sa sarili. "Ohhh.. Haah.. Ohhh.. Ang sarap Axel... Sige paahhh oohh.." "s**t diko na kaya 'to.." Nilapitan nyang dalaga saka hinawakan ang dalawang kamay nito, saka binuhat na parang bagong kasal at dinala sa banyo. "You need a cold shower.. Oh.. No! We both need a cold shower bebeko." Napapiksi pa sya at bahagyang inilayo ang ulo kay Meran ng dilaan nito ang kanyang tenga. "Hmmm.. Axel, bebeko, mahal na mahal kita." Napatigil sa paglalakad patungong banyo si Axel ng marinig ang sinabi ni Meran sa kanya. "Ha! What did you say Meran? Pero hindi na sumagot pa si Meran napasubsob ng mukha nito sa kanyang dibdib. "Meran, hoy.. Anong sinabi mo? Pwedeng pakiulit?" Yumuko sya para tingnan ang dalagang nakasubsob na sa kanyang dibdib. "Ngooorkk.. Bahagya syang natawa ng marinig ang paghilik nito. "Haha.. Mas malakas kapa yatang humilik kesa sakin eh." Naiiling na inilapag nya sa bathtub ang dalaga. Ngayong malaya nyang napagmamasdan ang taglay nitong kagandahan mas lalo pang sumidhi ang pagnanais nyang makuha itong muli. 'Hinding hindi na ako papayag na muli mo akong iwan at ipagtulakan palayo sayo Meran.. Hinding hindi na.' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD