Chapter 2 - He’s crazy

1354 Words
Claire’s Pov Minsan parang gusto ko na rin lumaho dito sa mundong ibabaw dahil sa sobrang hirap na pinagdadaanan ko sa bawat araw. Gusto ko na sumuko sa hamon ng buhay pero naisip kong hindi iyon ang tamang paraan para lutasin ang problema ko. Naniniwala akong malalampsan ko ito. Araw ng sabado, wala akong pasok kaya’t naisipan kong dumaan sa paborito kong tambayan. Kapag nalulungkot ako ay dito ang takbuhan ko palagi. Pakiramdam ko kasi dito ko nahahanap ang pahinga sa bawat pagod na nararamdaman ng katawan ko. Tahimik ang lugar at malayo sa ingay ng kabihasnan . Kumbaga ang sarap mag senti dito. Hinila ko ang maliit at mataas na upuan at umupo sa harap ng may kalumaang stand ng piano at nagsimulang igalaw ang aking mga daliri upang patugtugin ito. Napapikit ako ng mata ng simulan ko ng tugtugin ang Ballade for Adeline. Ang lungkot ng tugtog na ito at tumutugma sa nararamdaman kong lungkot. Subalit sa kalagitnaan ng pagtugtog ko ay napahinto ako ng makarinig ng malakas ngunit mabagal na palakpak na nagmumula sa aking likuran. Napatigil ako sa aking ginawa at nilingon ang pinanggalingan ng ingay. Pag minalas ka nga naman. Kanina pa kaya siya diyan? Hindi ko napansin ang dulong upuan dahil may kadiliman banda roon. Bumuntong-hininga ako at tumayo saka kinuha ang aking bag na nakapatong sa bakanteng upuan na katabi ko lamang. Wala akong balak na kausapin siya dahil alam kong bubwisitin na naman niya ako. “At para saan naman yang buntong-hininga mo? Alam kong hindi mo ineexpect na makita ako dito, but I’m not sorry for you for being unlucky, okay?Paano ba yan nakita mo na naman tong kagwapuhan ko” Saad nito na may kasama pang pag ngisi. Mabilis din siyang tumayo saka humarang sa dadaanan ko. “Pwede ba Steve? Hanggang dito ba naman guguluhin mo ko? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong panahon sayo lalo na diyan sa mga kalokohan mo.” Iritable kong sagot sabay irap. He smirked at me. “Oh, really? Alam kong wala kang oras sa mga kalokohan ko kasi abala ka sa sarili mong kalokohan, di ba?” Balik tanong niya. Hindi ako natinag sa mga sinabi niya. Sanay na ako sa pangungutya niya sa akin tuwing magkikita kami. Ang hindi ko lang alam ay kung kailan ko siya kayang tiisin dahil baka masampal ko siya ng wala sa oras. Kailangan ko pa ng mahabang pasensya para sa kanya dahil alam niya ang sekreto ko. Sekreto na nakakasulasok at walang ibang nakakaalam maliban sa kanya. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi niya pa ito ibinubunyag? “Oh bakit ka natulala diyan, wala kang masabi o tama ako ng sinabi? That the slutty girl like you who is hiding at that pretty face is busy sa mga bagay na wala namang kwenta, am I right?” Dagdag pa niya. There you go, pumakawala na naman siya ng mga salita na makakasakit sa akin pero sabi ko nga nasanay na ang mga tenga ko sa mga sinasabi niya pero di pa rin maiiwasan ang makakaramdam ng kaunting kirot. I heaved out a sigh to release a small pinch of pain. “Ano na naman ba ang kailangan mo?! Bakit ka ba nandito? Di ba sinabi ko na sayo na hindi ako pumapayag sa gusto mo. Mahirap bang intindihin yun?!” Pasigaw kong sabi sa kanya. He’s unbelievable. Umigting ang panga niya at lumapit sakin kaya napaatras ako hanggang sa mabunggo ko ang upuan na inupuan ko kanina. He moved closer and put his hands on the piano in my sideways making me caged in his arms. “Oh, You forgot again? How many times do I need to remind you what I want, hmm?” He said on my face. I almost smell his breath. “And to remind you again. Just one night,” he added without hesitation. Hindi ko siya sinagot dahil sinabi ko na kanina na hindi ako pumapayag sa gusto niyang mangyari. Mahirap ba siyang makaintindi? Paulit-ulit na lang. Tinulak ko siyang malakas kaya napaatras siya. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makalakad palabas ng pinto. Wala na siyang ginawa kundi aksayahin ang oras ko. Subalit bago ko pa marating ang pintuan ay muntikan na ako mawalan ng balanse dahil sa malakas niyang paghatak sa kamay ko. He grabbed my wrist at hinila papunta sa kanya. “Bakit ba ayaw mong pumayag ha? Isang gabi lang. Mahirap bang ibigay sakin yun? Parang hindi mo ito ginagawa sa iba ah. Ang hinala ko nga ay malapit ka ng magkaroon ng HIV hindi ba? You’re a slut after all.” Saad niya habang nakatingin sa mukha ko. Wala siyang pakialam kung masaktan man ako o hindi sa sinabi niya, ang sa kanya lang ay mapagbigyan ang kanyang nais. Umahon ang galit mula sa aking dibdib. Ang extension ng pasensya ko ay malapit ng umabot sa kadulu-duluhan. Hinaklit ko ng malakas ang kamay ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak. Binaliwala ko ang sakit dahil wala yun sa sakit na nararamdaman ko sa loob. “Can’t you even get it, Steve? Why is it hard for you to understand, ha? Kahit pa sabihin mong bayaran o maruming babae ako. Hinding-hindi ako papayag sa kagustuhan mo! Bakit ba ayaw mo na lang kunin sa iba ang gusto mo, marami naman diyan. Bakit ako pa?!” Naiinis kong sigaw sa kanya. “Drop your price! How much do you cost? Wala akong problema sa pera. Just tell me the exact amount and I’ll give it to you with no hesitation. Gusto mo ng blankong cheke? Say it!” he replied in frustration. “No. Ang hindi ay hindi at hindi na magbabago ang desisyon ko at sana naman lubayan mo na ako.” Saad ko at walang lingong tinalikuran siya. “You can’t stay away from me, Claire!” Pahabol niyang sigaw pero hindi ko nilingon at nag tuloy-tuloy sa paglalakad para makalayo sa lugar na iyon. Simula ng matuklasan ni Steve ang uri ng trabaho ko ay nag-iba na din ang uri ng tingin niya sa akin. Sinabi ko isang beses na hindi ako ganoong babae ngunit hindi siya naniniwala hanggat hindi niya nakukuha ang proweba. A proof that I’m still a virgin. At yun ang ayaw kong ibigay sa kanya because he’s not worth it. Mas binilisan ko pa ang hakbang ng lakad ko palayo sa lalaking walang ginawa kundi sirain ang araw ko at ipilit ang kanyang gusto. Matagal ko ng iniiwasan subalit habol pa rin ng habol. Hindi ko na alam kung anong pag-iwas ang gagawin ko para hindi na ulit mag krus ang landas namin. Ang gusto ko lang ay makapag-ipon ng mabilis para makalikom ng malaking halaga dahil yun ang importante at kailangan kong pagtuunan ng pansin. **** Nakaraan… Pauwi na ako galing sa pagtuturo ng sayaw sa mga estudyante para daw sa kanilang project sa school. Naisipan kong maglakad na lang pauwi dahil hindi naman kalayuan ang tinitirhan ko at para na rin makatipid sa pamasahe. Lahat ng klase ng pag-iipon at pagtitipid ay ginagawa ko. Halos dalawang beses na lang ako kung kumain sa isang araw. Swertehan na lang kung may manlilibreng kaibigan. Habang naglalakad ay tiningnan ko ang oras sa cellphone ko napakunot ako ng noo dahil mag-aalas nuebe na ng gabi at wala na masyadong tao sa daanan. Ngunit napakunot ako ng may maaninag sa bandang unahan ng daraanan ko. Hindi kalayuan sa nilalakaran ko ay may nakita akong isang lalaki na nakahandusay sa isang malawak na kalsada. Wala ibang tao ang nakakita sa kanya upang tulungan siya. Napaisip ako kung lasing ba ito kaya dito na siya inabot at hindi na nakarating sa kanilang bahay. Meron akong napansing tricycle na dumaan ngunit tiningnan lamang nito ang lalaki saka nilagpasan. Dali-dali ko siyang nilapitan saka niyugyog ng marahan ang kanyang balikat. “Excuse me. Sir, ayos lang po ba kayo? Bakit dito po kayo natulog?” tanong ko kahit hindi ako sigurado kung naririnig ba niya ako. Gumalaw siya saka dahan-dahan minulat ang mga mata ngunit bigla naman itong nawalan ng malay at bumulagta ulit sa kalsada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD