bc

The Mafia's Rivalry

book_age18+
165
FOLLOW
1K
READ
revenge
possessive
arrogant
dominant
manipulative
badboy
mafia
beast
bully
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

“Kukunin kita sa lahat ng paraan na alam ko. I will use my power and connections to have you. I will make you mine. I don’t care if it’s against your will. Matagal kitang hinintay hanggang tumungtong ka sa tamang gulang. And now, it’s the perfect time to have you and I promised to get you whatever it takes. Lahat ng humadlang ay wawalisin ko makuha lang ang bagay na ninanais ko. I get what I want and you're included, so be prepared. You are one of my madness and I will be crazy if I can’t have you and make you mine.”

- Benedict

“You save me from death mula sa mga kamay ng taong gustong pumatay sakin. Hindi ka nag-alinlangan na tulungan ako kahit hindi mo ako kilala. I owe you my second life and I’m willing to help you sa bawat sandali na kailangan mo. Subalit sa nadiskubre ko ay nagbago ang pagtingin ko sayo. Bakit mo kailangang gawin yun? Sabi ko, nandito lang ako to help you pero binaliwala mo ang tulong na kaya kong ibigay sayo. Tinatanaw ko ang utang na loob ko sayo pero binaliwala mo at piniling gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais sa paningin ko. Then, suffer from the consequences of your actions.” - Steve

Hindi ko naman alam na ganitong buhay pala ang magigisnan ko dito sa mundo. Bakit ganito ang kapalaran ko? Pwede bang humingi ng isa pang pagkakataon para baguhin ang tadhana ko? Kailan ko malalagpasan ang mga pagsubok na ito? Pagsubok nga ba o parusa? Why is the world so cruel to me?” - Claire

chap-preview
Free preview
Chapter 1- He ruined my day
"Gusto mo akong iwan." Ang mga salita ni Greg ay hindi isang tanong ngunit isang banta. Isang banta ng demonyo para kay Malorie na nagsasabi kung handa na ba siyang iwan ito. At kung handa na niyang suungin ang bagsik ng isang `Greg Stanford. Nanginginig ang mga labi ni Malorie habang nakatingin kay Greg kung saan namumula sa galit ang mata nito at nakatitig sa kanya. Isang masamang titig lang sa kanya ni Greg ay nanginginig na sa takot ang mga tuhod niya. Alam niya ang kayang gawin ni Greg. Isang pagkakamali lang at hindi pagsunod sa nais nito ay paniguradong susuong na naman siya sa isang delubyong paghihirap. "K-Kamahalan. H-Hind---," Halos nauutal at nanginginig na ang boses ni Malorie ngunit bago pa niya makumpleto ang sasabihin ay dumating ang kanyang kapatid na si Melanie. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit ng marinig ang sinabi ni Malorie. Halos kainin nito ng buhay si Greg dahil sa pagpupuyos ng kanyang galit. “Kamahalan?! Anong kalokohan to, Malorie?! Bakit tinatawag mong kamahalan tong ungas na to?” Baling ni Melanie sa kapatid ngunit napapailing lamang si Malorie bilang senyas na huwag ng ituloy kung ano man ang balak nito. “Hoy, Ikaw! Gago ka ba? Akala mo ba hindi ko alam kung anong ginagawa mo sa kapatid ko? Hayop ka! Papatayin kita! Wala kang kasing-sama. Demonyo!” Asik ni Melanie sa lalaking kaharap at kalamado lamang. Nanliit ang mga mata ni Melanie sa galit at akmang susugurin si Greg ngunit bago pa niya magawa iyon ay nahagip ng malaking kamay ni Greg ang leeg niya. Sinubukang itulak ni Melanie si Greg dahil kinakapos na siya sa hangin at nahihirapan ng huminga ngunit walang magawa ang lakas niya sa laki at laks ng katawan ni Greg. Habang sinasakal ni Greg si Melanie ay nilingon niya si Malorie na puno’t dulo ng lahat. Si Malorie ang sinisisi niya dahil ginising nito ang halimaw sa katawan niya. Laking gulat ni Malorie sa nasaksihan niya. Hindi niya alam kung paano awatin si Greg upang pakawalan ang leeg ni Melanie. Kailangan niyang makaisip ng paraan para bitiwan nito ang kapatid niya. "Ano ba, leave her alone, Greg!” Gulat na sigaw ni Drew. Akmang lalapitan sila ni Drew upang iligtas si Melanie ngunit pinigilan siya ng mga tauhan ni Greg. Hinawakan ito sa magkabilang braso kaya wala rin itong nagawa. Nagsusumamong tiningnan ni Malorie si Greg. Ang mga matang nagmamakaawa upang pakawalan at huwag saktan ang kapatid niya. Subalit alam niyang lahat ng gustong gawin ni Greg ay nakukuha nito at wala itong pakialam kung tama o mali ang kanyang ginagawa. Mas lalo pang hinigpitan ni Greg ang pagkakahawak sa leeg ni Melanie. Gusto niyang ipakita kay Malorie ang kaya nitong gawin kapag naglakas loob itong iwanan siya. “Parang awa mo na Greg pakawalan mo na siya. Mapapatay mo siya. Nahihirapan na siyang huminga. Please!” Pagmamakaawa ni Malorie habang humahagulgol. Greg's eyes were still glaring at his crying wife. “You want to leave me wifey?” He again questioned her tightening his grip on the poor Melanie in his hands. Umiling si Malorie bilang sagot. “How dare you to even think of leaving me? You belong to me Malorie!” He said tightening his grip on the neck of Melanie. Nagsimula ng mamutla ang mukha ni Melanie ngunit hindi pa rin ito pinapakawalan ni Greg. Ang nagpupumiglas na si Drew ay nagsimula ng mapaluha habang pinapanood ang halos wala ng malay na si Melanie na ayaw pa rin pakawalan ni Greg. Niyakap ni Malorie ang mga binti ni Greg at nakiusap habang humahagulgol pa rin. “H-Hindi! Hindi kita iiwan. Gagawin ko lahat ng gusto at sasabihin mo. Iyong- iyo ako, Pangako. Pakawalan mo na si Melanie. Para mo ng awa Greg. H’wag ang kapatid ko.” Desperado na si Malorie para lang mailigtas si Melanie. Tila nasiyahan naman si Greg sa mga sinabi ni Malorie kaya binitawan niya si Melanie, bumagsak ito at napaubo sa sahig. Pinakawalan din si Drew ng mga tauhan ni Greg kaya mabilis niyang dinaluhan si Melanie. Napayuko si Greg upang pantayan ang mukha ng asawa. Mangha niyang hinaplos ang mukha ni Malorie. Napansin niyang pugto na ang mga mata nito dahil sa pagkakaiyak kaya sinimulan niyang halikan ito sa noo para mawala ang takot nito. Hindi pa rin siya nabibigong takutin si Malorie. He securely wrapped his arms around her and mumbled those words which never failed to frighten the shattered woman. “Akin ka lang, Malorie. Akin lang.” He said in a possessive and dangerously tone.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.5K
bc

Daddy Granpa

read
205.3K
bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.6K
bc

My Cousins' Obsession

read
177.9K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
74.0K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
64.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook