"Gusto mo akong iwan."
Ang mga salita ni Greg ay hindi isang tanong ngunit isang banta. Isang banta ng demonyo para kay Malorie na nagsasabi kung handa na ba siyang iwan ito. At kung handa na niyang suungin ang bagsik ng isang `Greg Stanford.
Nanginginig ang mga labi ni Malorie habang nakatingin kay Greg kung saan namumula sa galit ang mata nito at nakatitig sa kanya. Isang masamang titig lang sa kanya ni Greg ay nanginginig na sa takot ang mga tuhod niya. Alam niya ang kayang gawin ni Greg. Isang pagkakamali lang at hindi pagsunod sa nais nito ay paniguradong susuong na naman siya sa isang delubyong paghihirap.
"K-Kamahalan. H-Hind---," Halos nauutal at nanginginig na ang boses ni Malorie ngunit bago pa niya makumpleto ang sasabihin ay dumating ang kanyang kapatid na si Melanie. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit ng marinig ang sinabi ni Malorie. Halos kainin nito ng buhay si Greg dahil sa pagpupuyos ng kanyang galit.
“Kamahalan?! Anong kalokohan to, Malorie?! Bakit tinatawag mong kamahalan tong ungas na to?” Baling ni Melanie sa kapatid ngunit napapailing lamang si Malorie bilang senyas na huwag ng ituloy kung ano man ang balak nito.
“Hoy, Ikaw! Gago ka ba? Akala mo ba hindi ko alam kung anong ginagawa mo sa kapatid ko? Hayop ka! Papatayin kita! Wala kang kasing-sama. Demonyo!” Asik ni Melanie sa lalaking kaharap at kalamado lamang.
Nanliit ang mga mata ni Melanie sa galit at akmang susugurin si Greg ngunit bago pa niya magawa iyon ay nahagip ng malaking kamay ni Greg ang leeg niya.
Sinubukang itulak ni Melanie si Greg dahil kinakapos na siya sa hangin at nahihirapan ng huminga ngunit walang magawa ang lakas niya sa laki at laks ng katawan ni Greg.
Habang sinasakal ni Greg si Melanie ay nilingon niya si Malorie na puno’t dulo ng lahat. Si Malorie ang sinisisi niya dahil ginising nito ang halimaw sa katawan niya.
Laking gulat ni Malorie sa nasaksihan niya. Hindi niya alam kung paano awatin si Greg upang pakawalan ang leeg ni Melanie. Kailangan niyang makaisip ng paraan para bitiwan nito ang kapatid niya.
"Ano ba, leave her alone, Greg!” Gulat na sigaw ni Drew.
Akmang lalapitan sila ni Drew upang iligtas si Melanie ngunit pinigilan siya ng mga tauhan ni Greg. Hinawakan ito sa magkabilang braso kaya wala rin itong nagawa.
Nagsusumamong tiningnan ni Malorie si Greg. Ang mga matang nagmamakaawa upang pakawalan at huwag saktan ang kapatid niya. Subalit alam niyang lahat ng gustong gawin ni Greg ay nakukuha nito at wala itong pakialam kung tama o mali ang kanyang ginagawa.
Mas lalo pang hinigpitan ni Greg ang pagkakahawak sa leeg ni Melanie. Gusto niyang ipakita kay Malorie ang kaya nitong gawin kapag naglakas loob itong iwanan siya.
“Parang awa mo na Greg pakawalan mo na siya. Mapapatay mo siya. Nahihirapan na siyang huminga. Please!” Pagmamakaawa ni Malorie habang humahagulgol.
Greg's eyes were still glaring at his crying wife.
“You want to leave me wifey?” He again questioned her tightening his grip on the poor Melanie in his hands.
Umiling si Malorie bilang sagot.
“How dare you to even think of leaving me? You belong to me Malorie!” He said tightening his grip on the neck of Melanie.
Nagsimula ng mamutla ang mukha ni Melanie ngunit hindi pa rin ito pinapakawalan ni Greg.
Ang nagpupumiglas na si Drew ay nagsimula ng mapaluha habang pinapanood ang halos wala ng malay na si Melanie na ayaw pa rin pakawalan ni Greg.
Niyakap ni Malorie ang mga binti ni Greg at nakiusap habang humahagulgol pa rin.
“H-Hindi! Hindi kita iiwan. Gagawin ko lahat ng gusto at sasabihin mo. Iyong- iyo ako, Pangako. Pakawalan mo na si Melanie. Para mo ng awa Greg. H’wag ang kapatid ko.” Desperado na si Malorie para lang mailigtas si Melanie.
Tila nasiyahan naman si Greg sa mga sinabi ni Malorie kaya binitawan niya si Melanie, bumagsak ito at napaubo sa sahig. Pinakawalan din si Drew ng mga tauhan ni Greg kaya mabilis niyang dinaluhan si Melanie.
Napayuko si Greg upang pantayan ang mukha ng asawa. Mangha niyang hinaplos ang mukha ni Malorie. Napansin niyang pugto na ang mga mata nito dahil sa pagkakaiyak kaya sinimulan niyang halikan ito sa noo para mawala ang takot nito. Hindi pa rin siya nabibigong takutin si Malorie.
He securely wrapped his arms around her and mumbled those words which never failed to frighten the shattered woman.
“Akin ka lang, Malorie. Akin lang.” He said in a possessive and dangerously tone.