Kabanata 6

1803 Words
KABANATA 6 Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakapag-usap na kami ni daddy sa cellphone kagabi at susunduin nila ako. That old man has his own private jet. Doon kami sasakay kaya hindi hassle. Mabuti na iyon. "Lady Allison, dumating na po sa baba ang daddy niyo kasama si Mr. Tessimond," ani Mateo. Isasama ko rin si Mateo. Iyon ang kondisyon ni daddy at mommy. They'll keep in touch with me through Mateo. Syempre pati si Nana ay kasama. Si Myca naman ay babalik din ng Pilipinas kinabukasan pagkatapos ng kasal. Bihis na kaming lahat. Alas kuwatro na sa umaga. Pagkababa namin ay naabutan kong nagbabatian ang aking pamilya at si Mr. Tessimond kasama si daddy. Hindi maipinta ang mukha ni Spencer habang titig na titig kay Mr. Tessimond. Para siyang nakakita ng multo. Huwag kang mag-alala Spencer. Hindi lang ikaw ang gulat kung sino ba si Mr. Tessimond. "Hindi na kami magtatagal, Paulina, Castrano. Mahaba pa ang byahe," si daddy at humingi nang paumanhin at nagpasalamat sa mga taong bumuhay sa akin. I kissed my parents too. Umiiyak na si mommy. Tahimik lang sa gilid sina Lily at Spencer at ang ibang kasambahay. Nasa kotse na sina Myca. Ako na lang ang hinihintay. "I'll call you often. Magtatrabaho ako kahit na nasa ibang bansa ako. Daddy, pakisabi na kang kay Gail na i-email sa akin lahat ng summary ng reports. Tutulong ako sa pagpapalago ng kompanya." "Huwag mo nang isipin muna ang kompanya. Trabaho mo ang alagaan at pagtuunan nang pansin ang magiging asawa mo." "Take care," sabay beso sa akin ng kapatid ko. Hindi na humaba pa ang pagpapaalam ko at umalis na kami. Agad ding lumipad ang private jet dahil 11 hours ang bibilangin bago kami makarating sa America. Katabi ko sa upuan si Myca. Dala niya ang mga kailangan niya. Siya na rin ang magme-make up sa akin. Tungkol naman sa wedding gown ay naihanda na raw ni Mr. Tessimond. Pagdating namin sa mansion nila ay doon na ako magbibibis. Ang alam ko roon na rin kami magpapakasal. Sa tabi ng dalampasigan nakatayo ang bahay nila kaya ang sabi'y doon niya pinaghanda ang mga kasambahay. "Every weekend lang tayo magpapalitan ng impormasyon. Hindi tayo pwedeng mabuking kaya siguraduhin mong walang nakakakita o nakakarinig sayo kapag magkausap tayo," bulong ni Myca. "Alright." "Tawagin mo ako kung may problema ka at ng baby mo. Gagawan ko pa ng paraan kung paano mo mamemeet ang ob-gyn mo kapag wala sa bahay niyo ang asawa mo." Tumango ako. Pagkatapos ng mga bilin niya ay tahimik na ulit kami. Buong byahe ay tahimik kami. Nakatulog pa ako dahil sa pag-iisip ng maraming bagay. Paggising ko'y ibinababa na ni Mateo at ang ibang bodyguards ni Mr. Tessimond ang mga gamit namin. Lumabas na kami at sumakay sa limousine na nakaparada sa harap. Sa isa pang limousine naman sumakay sina Mr. Tessimond. Tinignan ko ang oras at alas tres y kuwarenta na. Pagdating namin sa mansion nila ay sinalubong kami ng maraming kasambahay. Lahat sila ay naka-uniporme. Hindi ko maipagsawalang-bahala ang sobrang daming kotse na nakaparada sa magkakabilang gilid. Wala naman kaming nakikitang ibang tao maliban sa mga kasambahay. Collection ba 'to lahat ni Mr. Tessimond? "Welcome home, Lord Maximo," pagbati nila sa kanilang amo. "Bring the bride to her room and help her dress up," utos naman ng kanilang amo. The mansion is huge. Mas malaki pa sa mansion namin sa Pilipinas. Sobrang tahimik at linis ng loob. Sa loob ay may nakatayong apat na statue sa magkabilang gilid bago ang grand staircase. Walang sinayang na oras. Agad akong dinala sa silid kung saan ako bibihisan. I took a bath there as they prepare the things I'll be wearing later. This seems so unreal to me. Pakiramdam ko ay nananaginip ako. I just can't believe that I am getting married today. Isinuot ko ang roba. Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin. I caressed my belly. I'll protect my baby no matter what. "Puro foreigner ang kasambahay dito. Nanonosebleed na ako hija," si Nana habang pinapatuyo ang buhok ko. Natawa kami ni Myca. "Kailangan mong makisabay sa kanila dahil dito na tayo titira," paalala ko. Tumango na lamang siya. Mateo is outside this room. Si Myca naman ay ihinahanda ang make up na gagamitin niya sa akin. Bumukas ang pinto at pumasok ang limang katulong. The other lady looks like the majordomo of this mansion. She seems nice. Another maids went inside pushing six long racks with wheels for clothes— full of different styles of wedding gowns. "Whoah! Those are… Romantic, Traditional, Boho, Modern, Glamorous, and Edgy," Myca enumerated the styles as she scans the wedding gowns. "My lady, please choose anything you desire to wear. The bouquets will arrive later," said the majordomo. Laglag panga kaming tatlo nina Myca at Nana. Biglaan ba talaga ang kasal na ito o pinaghandaan ni Mr. Tessimond? May dumating na dalawang professional photographer. Nanlalaki ang mga mata ko nang mamukhaan ko ang isa dahil sikat siya sa Pilipinas! Paano kung kumalat ang pictures? O 'di kaya ay ichismis ako? Gusto ko pa naman mag lowkey! Nahilo ako bigla. Napahawak ako kay Nana kaya pinaupo niya ako. "Choose anything that'll fit. I have no taste in fashion," kalmado kong untag. Myca started my make up. Hindi ko magawang sawayin ang mga photographer na kanina pa ako kinukunan ng litrato dahil nanatili sa loob ang mayordomo at ang apat nitong kasama. Nakakahiya naman sa kanila. "What's your name?" one of the photographer asked me. "Tatiana Allison Akhmatova Anderson," I replied. "I like your name! I also want to put your wedding picture on our magazine cover but Mr. Tessimond won't allow it," dismayado niyang untag habang kinukuhanan ako sa salamin. Ngumiti na lamang ako sa kanya kasi ayoko namang sabihin na ako ang may gusto nun. "You're so beautiful! I think I'm starting to understand your groom. Showing off a bride like you will surely make the world envy you," untag naman ng isa na sinang-ayunan nang lahat. Tumawa kami nang hilaw pareho ni Myca. Oh please… Myca picked the wedding gown for me. It's a boho wedding gown— mermaid wedding dress shape with tulle aplicques laces. Isinuot ko iyon. My hair is in a Classic Chignon with Twigs & Honey Niva Hair Pin. I wore the white Loeffler Randall Knotted Sandals they gave me. I can't recognize myself while standing in front of the mirror. Although my make up is simple. "Breathless! I'm totally speechless! What a stunning bride you are!" puri ng isa sa mga photographer. "Simple but elegant. Your genes must be really good!" Namamangha akong tinignan ng lahat. Gulat pa akong paulit-ulit na pinapasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin. Para akong maiiyak. Narinig ko ang pagtahimik ng lahat nang pumasok si daddy dala ang isang lalagyanan ng mga alahas. Pinanood ko siyang lumapit sa akin sa salamin. I faced him and flashed a simple smile. "You look so beautiful, Tatiana Allison," aniya. Nagtubig ang mga mata ko pero kinailangan kong pigilan dahil masisira ang make up ko. "Here, I brought this. Those were your mom's set of jewelries. Wear them." Inabot ko ang lalagyanan at binuksan. Expensive set of diamond jewelries welcomed my eyes. Nang matunugan ni daddy na wala akong balak na isuot iyon ay siya na ang nagsuot sa akin. The classic diamond necklace hangs on my neck perfectly that has complemented my wedding dress. Inabot ko sa kamay niya ang pair of diamond earrings at ako na ang nagsuot sa sarili ko. "She's ready to go!" sigaw ng mayordomo sa kung kanino. My heart started pumping faster. Hindi ko alam. Binalingan ko si Myca. She's crying for real! Hinigit ko siya at niyakap. "Why are you crying?" natatawa kong tanong. She didn't say a word. Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin. "Promise me you'll be fine and my future godchild?" bulong niya sa akin. "I promise..." Kumalas kami pareho sa yakap. The majordomo signalled me to step out of the room. Oras na para sa kasal. Sumama si Myca kay Nana at nauna na silang lumabas. Inabot ko ang flower bouquet. Daddy held my arms and put them clinging on his. Mas lalo akong kinabahan nang bumaba kami sa hagdan. Lumiko kami para dumaan sa isa pang pinto. It was already opened and the sunset welcomed our eyes as soon as we stepped out of the house, heading to their seashore. A loud cheer of crowd caught my attention. My eyes widened and I stopped myself from taking another step. Napatigil din si daddy at binalingan ako. Nakatayo sa magkabilang gilid ng red carpet ang mga bisita. Sobrang dami na nakalimutan siguro ni Mr. Tessimond na pamilya at relatives lang niya ang dapat niyang iinvite! All chairs were decorated with flowers and the tables. Sa pinakaharap ay ang pari, si Mr. Tessimond, kasama ang isa pang lalaking kamukhang-kamukha niya, though a younger version of him! The man beside Maximo Tessimond is showing a ruthless and rough expression. He is wearing a Dolce & Gabbana Jacquard Effect Tailored White Suit. Slicked-back haircut, visible small stubbles on his face, long pointed nose, aqua blue eyes that stares like a hawk and the moment I met his gazes, I saw him grinned. Napaatras ako. "Who's that man beside Maximo Tessimond?" "Hizqeel Aamon Tessimond, his only son, your groom," inosenteng sagot ni daddy. Hindi ko alam kung halata ba ng lahat ang pamumutla ko. What the hell? What just happened? Hindi ba si Mr. Maximo Tessimond ang pakakasalan ko?! Bakit ang anak niya ang groom kung kami ang nagkaroon ng agreement? Daddy started walking again. I had no choice but to walk too. The beautiful sunset is breathtaking but I couldn't enjoy this moment. My mind is screaming at myself to back off and run away. My knees started trembling as we get closer and closer to them. Humigpit ang hawak ko kay daddy. He didn't seem to mind it though. Mahihimatay na ako pero sige at tuloy lang kami sa paglalakad. "You look so beautiful, Allison," nangingiting untag ni Maximo Tessimond. "T-Thank y-y-you," I stuttered. The man named Aamon stood in front of us. He shook hands with my father before extending his arms to me. With trembling hands, I put my arms on his. Napalunok ako. This is not part of the plan! What will happen to the plan then?! Oh my god, what should I do?! When we stepped forward and faced each other, I heard him chuckled sarcastically. He tilted his head and his jaw tightened. "Shocked or nervous? Trust me, this is nothing more than the insult I am feeling right now. I couldn't believe you made me marry you in no time, without a grand preparation," he said in a low tone while gritting his teeth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD