Kabanata 5

1779 Words
KABANATA 5 Hindi na pinatagal pa. Tulad nang naging plano namin ni Myca ay pumayag agad ako sa kasal. Pagkatapos ay gumawa na kami ni Mr. Tessimond ng agreement. "This is everything you want before and after the marriage?" Mr. Tessimond clarified while skimming the hard copy of the agreement. Tumango ako at tinignan ulit ang kopya ko. Myca and daddy are both outside the VIP room. Humingi ako ng privacy dahil ayokong may malaman si daddy tungkol sa plano namin ni Myca. I wrote three requests. 1. No grand wedding. (He can only invite his family or relatives. Strictly no media). 2. We will have a prenuptial agreement. (I don't want to get anything from him or have a share on his properties since I am planning to file a divorce paper in the next six months). 3. I can do whatever I want. (He will give me freedom. A freedom to choose, to decide, and to speak for myself). "I think the second part is not really necessary. I promised your father that you will be protected. Of course, that includes to give you a luxury and comfortable life," aniya. "I have a company to handle on my own. I can earn my own money," bagot kong sagot. He shrugged. I read what he has wrote on the next page. 1. Party A (Mr. Tessimond) and Party B (Ms. Anderson) should both try to understand each other. 2. Party B should take care of Party A. 3. Party A and B should talk about their problems to enlighten themselves. 4. Party A and B should talk about building their own family. Halos mabuwal ako sa aking upuan nang makita ang panghuling nakasulat sa page na iyon. At plano talaga niyang magkaanak kami?! "Mr. Tessimond, what if I don't want to get pregnant?" maingat kong tanong. Pinangunutan niya ako ng noo. "The main goal for this marriage is to build a family!" nangungumbinsing untag nito. Nalaglag ang panga ko. Balak pa ng matandang ito ang makascore? Mukhang mahirap siyang utuin at kontrolin! Mukhang ako pa ata ang mauutakan! "I have signed the contract. Do it now," sabay turo kung saan ako dapat pumirma. Nagdadalawang-isip ko siyang tinignan. Pero pupwede naman akong magpeke ng record na hindi ako kailanman manganganak? Nanginig ang kamay ko nang abutin ko ang signpen sa harap niya. Kapag pumirma ako, there's no turning back. "Anyway, I've been thinking about this. Why did you said yes to this marriage proposal? Any motive?" he asked seriously. I was taken aback. Stunned for a moment, I had the chance to study his face. He has a pair of aqua blue eyes. He's tanned skin. Kahit na may katandaan siya ay halata pa rin na gwapo siya noong kabataan niya. He has a good genes, that's for sure. Kapag ba nagka-anak kami, gwapo ba o maganda? Nanindig ang mga balahibo ko bigla. What the hell am I thinking? Tumikhim ako bago siya sinagot. "I've been away to my father for almost twenty-two years. When he came to see me, I felt happy. The emotions I've felt were indescribable. But when he asked me about the marriage, I said no. And then later on, I realized that he will never ask for my help if it's not important to him. Plus, how could I say no to the man who saved my father's life? So I made up my mind and viola! We're here!" I said those words, half truth and half lies. He looks moved. I grinned. Ganyan. Para hindi niya ako pagdudahan. Alangan sabihin kong pumayag ako kasi may motibo nga ako! Agad kong pinirmahan ang dalawang kopya ng agreement. Ipinagsawalang-bahala ko na lamang ang nararamdaman kong kaba. Why do I feel like I'm messing up with the wrong person? Nang matapos kami ay lumabas na kami pareho. Agad kaming sinalubong ng dalawa. "Dominic, Allison is a great match for sure!" pagmamalaki ni Mr. Tessimond. Nilapitan ako agad ni Myca at hinatak papunta sa kabilang gilid. "Anong hiningi niyang kondisyon?" she asked impatiently. "Kaya kong gawin lahat. Alagaan at intindihin siya. Iyon lang." I didn't mention about the condition four. There's no way I'll build my own family with him. Nakahinga siya nang maluwag. "So stick to the plan, okay?" I nodded. Bumalik naman kami at sumabay sa kanila sa paglabas. "By the way, I want this done as soon as possible. When will you come back to America?" baling ko kay Mr. Tessimond. Gulat nila akong binalingan. Pati si daddy at Mr. Tessimond ay hindi makapaniwala. Dumating ang valet pero nantili kaming nakatayo. "Tomorrow," sagot ni Mr. Tessimond. "Allison, paghahandaan pa muna ang kasal. Ang wedding gown mo ay pipiliin pa," si daddy. "Hindi. It's not that we'll have a grand wedding." Tumango naman si Mr. Tessimond. "She doesn't want a grand wedding. " "Gaano kabilis mo ba ito gustong matapos? Bakit nagmamadali ka, anak?" takhang-takha na tanong ni daddy. Tinignan ako ni Myca bago pumasok sa kotse niya. Kailangan masimulan na niya ang paghahanap sa ama ng anak ko. "Magiging busy akong tao sa mga susunod na buwan at taon. Kaya wala akong panahon para sa kasal," pagsisinungaling ko. Parang nakuha naman agad ni Mr. Tessimond. He doesn't look like a half filipino to me. Marunong kaya siyang magtagalog? "Next week, is that alright?" "I want it done as soon as we arrive in America." I flashed my sweetest smile. Napatampal sa noo si daddy na para bang problemado na. Parang nagdalawang-isip din si Mr. Tessimond. Tumalikod sila at nagbulungan silang dalawa. "Will he agree for this?" Hindi na ako naghintay pa at sumakay na sa kotse ni Myca. I need to pack my things and talk to mommy and daddy about this. "Sa mansion mo na ako ideretso." Myca didn't say a word and started maneuvering the car. Buong byahe ay wala kaming imik na dalawa. Wala na kaming pag-uusapan pa. Malinaw na ang lahat pati ang plano. The car parked in front of our grand entrance door. My personal maid is standing before it. Pagkababa ko ay agad niya akong nilapitan. "Where have you been?" nag-aalala niyang tanong. Nginitian ko siya at hinalikan sa pisngi. She's my nanny since birth. Medyo may katandaan na siya kaya iniisip ko na kung gusto niyang umuwi sa pamilya niya ay pahihintulutan ko. "Nana, sa penthouse lang ako ni Myca namalagi. Nanjan ba sina mommy at daddy?" "Oo. Naghahanda ang mga kasambahay dahil biglaan ang pagdating ng kapatid mo dito kasama ang asawa niya." Napatigil ako sa paglalakad. Myca faked a cough. "Dito sila magdidinner?" gulat kong tanong. "Opo. Mamamalagi sila rito kasi buntis si Miss Lily." Napakagat-labi ako. Papaano ako makakaalis ng mansion na hindi nagbibigay ng hint kina Lily? "Alli, I think it doesn't matter if they find out about your wedding," si Myca na parang nabasa ang iniisip ko. "A-Anong wedding? Ikakasal ka, hija?" Gulat na gulat si Nana. Binigyan ko lamang siya ng isang excited na expression. "I'll tell you everything upstairs. Help me pack my things." Inamin ko lahat kay Nana Em pati ang pagbubuntis ko. Pati ang plano namin ay alam na niya. I can trust her. Never niya ako nagawang traydorin o pagsinungalingan. She's like my third mother. "Delikado ito, anak. Kamusta naman ang kalusugan mo at ang bata sa sinapupunan mo?" naiiyak at natataranta nitong tanong. "Nana, I am fine and my baby. I can do this for the sake of my baby. Magiging okay lang po ako sa America. Mabait na tao si Mr. Tessimond." "Sasama ako kung ganoon!" Hindi na ako nakipagtalo pa. Talagang isasama ko siya kung hindi siya uuwi sa probensiya nila. Pagsapit ng gabi ay tinawag na kami sa baba. Nakahanda na ang pagkain at mukhang kompleto na sila. Wearing my usual pajama, bumaba kami ni Myca. Hinalikan ko sa pisngi sina mommy at daddy at nakangiting umupo sa dating upuan ko. Sumunod si Myca pagkatapos batiin ang aking pamilya. "Kung hindi sinabi ng Nana Em mo na dumating ka ay hindi namin malalaman. Kamusta ang meet up niyo ng daddy mo?" ani mommy. Nasa kabisera si daddy. Sa kanan niya ay si mommy at sa kaliwa niya ay sina Lily at Spencer. Nakaupo naman kami ni Myca sa tabi ni mommy. Nginitian ko sina Lily at binalingan si mommy. "Kaya nga po ako umuwi rito kasi magpapaalam ako. Sasama ako sa kanya sa America." "Napag-isipan mo ba iyan nang mabuti? You will help him?" paniniguro ni daddy. "Yes, daddy." "Kung ganoon wala akong karapatan para pigilan ka. Ako na muna ang mamamahala sa kompanya mo hanggang sa bumalik ka." "Thank you so much. I owe you everything, daddy." "Don't mention it." Magsisimula na sana ako sa pagkain pero nagsalita si Lily. "You've met your biological father?" Simple akong tumango. "Tapos sasama ka na sa kanya sa America?" naguguluhan niyang sambit. "Yup." "Kailan ka babalik?" Her worried look stunned me. "Matatagalan ka?" Hindi ako nakasagot kaya si mommy na ang sumagot. "Mr. Tessimond will decide for that." "Who's Mr. Tessimond?" ngayon si Spencer na ang nagtanong. "My future husband," I replied while grinning. "F-Future husband?!" Napatayo si Spencer sa gulat pati si Lily ay nanlalaki ang mga mata. "When did you meet him?" "Kanina lang." "Kanina lang tapos magpapakasal na kayo?" hindi makapaniwalang untag nito. I can hear Myca's sarcastic sighs. I glanced at her and she's rolling her eyes heavenward. Ewan ko lang kung saan siya naiinis. A chuckle escaped from my lips. "I decide for myself. Ginusto ko 'to dahil kailangan ni daddy ng tulong ko. At saka, sobrang bait ni Mr. Tessimond. Sweet din siya at hindi mukhang manloloko," I said emphasizing the last word. Natahimik sa buong hapag. Umupo na lamang si Spencer at tumungo. Napapabuntong hininga naman ang mga magulang ko. "Bukas na ang flight namin. At gaganapin ang kasal pagdating na pagdating namin doon," baling ko kay daddy. Nagsinghapan silang lahat. Si Myca lang ang hindi gulat kasi dalawa naman kaming nagplano nito. "Ano?! Wala kaming oras para dumalo?" si Lily. "Busy kayong lahat. Buntis ka Lily kaya mas makabubuti sayo na manatili sa bahay. As for mommy and daddy, alam kong mas mahalaga ang kompanya. Magiging maayos ang lahat doon. Isasama ko si Nana Em at dadalo si Myca. Hindi naman ako ipapahamak ni daddy kung iyon ang ikinababahala niyo." Walang masabi si daddy. Mukhang nakapag-usap na sila ng tunay kong ama kaya sumang-ayon siya agad pati si mommy. Nagprotesta pa si Lily pero kalaunan ay tumahimik din nang maramdamang naduduwal siya. Ako naman ay kanina ko pa pinipigilang hindi masuka. Sobrang higpit nang kapit ko sa upuan ko para lang hindi makatayo at tumakbo sa banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD