Kabanata 1

1798 Words
KABANATA 1 ALLISON'S POV Lumipas ang limang araw na nagkukulong lang ako sa kwarto ko. Hindi naman ako makausap nang matino pero kapag si daddy na ang dumadalaw sa akin ay hindi ako makatangging sumabay sa kanila sa pagkain o kahit sa ano mang family dinner. Sobrang sama ng pakiramdam ko sa mga nagdaang araw na nahihilo ako palagi at nakakaramdam ng pagsusuka. Sa tingin ko over fatigued lang at stressed ako kaya kailangan ko lang ng pahinga. "Narinig ko kay Gail na pinag-iinitan mo ng ulo ang mga empleyado mo. Dalawang kolaborasyon ang kinansela mo. Hindi magandang asal at desisyon iyon, Allison. Ikaw ang acting CEO ng kompanya ngayon pero hindi ako magdadalawang isip na tanggalan ka muna ng karapatan kapag bumaba ang kita ng kompanya natin," maawtoridad na untag ni daddy. Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang table napkin bago siya sinagot. "I'm sorry daddy. I just need to loosen up a bit po," magalang kong sagot. Binigyan ako ni mommy ng isang nag-aalalang tingin. Nginitian ko naman siya. Kalat na sa buong angkan namin na may namagitan sa amin ni Spencer dati. Ako nga lang ang nagmukhang masama dahil ang lumabas sa media ay matagal nang magkasintahan sina Lily at Spencer at isa akong third party. Pero hindi naman nabanggit kung sino nga ang third party na iyon sa bawat article na lumabas. "Do you need a vacation? Masyado pa nga sigurong maaga para si Allison ang mamahala sa kompanya," ani mommy. "Hindi. Tama lang ang panahon. Si Allison lang din naman ang magmamana ng kompanya dahil pamana iyon ng kanyang namayapang ina," si daddy naman. Mommy sighed before having a sip on her wine. Ako naman ay tahimik lang sa gilid at nag-iisip. Tapos na akong kumain at hinihintay ko na lamang sila. This is a usual Sunday family dinner. Hindi nga lang kami kompleto dahil nasa Paris sina Lily at Spencer para sa kanilang honeymoon. "How was the company merging the other day?" biglang naisingit ni mommy sa usapan. Nabitin sa ere ang isusubo sanang pagkain ni daddy. Tinignan niya pa muna ako bago balingan si mommy para sagutin ang kanyang tanong. Nakaramdaman ako ng kirot sa puso. Naikuyom ko ang mga kamao ko sa ilalim ng table. "Perfectly settled. Spencer will become the new chairman of the board." "And the name of the company?" "They won't change it." Napainom ako ng tubig. Sabagay parehong shipping lines ang kompanya ng mga Akhmatova at Coleridge. While I am managing a real estate company. Noong mga bata pa kami ay si daddy ang namamahala sa kompanyang mamanahin ko kapag nag 23 na ako. Habang si mommy naman ang namamahala sa Akhmatova Shipping Lines sa tulong pa rin ni daddy. I am Tatiana Allison Akhmatova Anderson. At kahit na kinuha ako at itinuring na tunay na anak ng mga Akhmatova ay hindi nila ipinagkait sa akin na gamitin ko pa rin ang apelyido ng tunay kong ama. My father is Dominic Anderson and my mother is Arabella Akhmatova-Anderson. She died after giving birth to me. I don't know the reason why my father got addicted to gambling but according to daddy, he started seeing some syndicates and participated in some illegal auctions after my mother died. Our company got bankrupt but daddy saved it. A syndicate was after him when he's indebt with them. That's when they decided to take me away from my biological father. Until now, I didn't see my father and I don't know if he is still alive. It's not that I don't want to see him but I always pray that he won't come here to get me. I am contented in this life and I love my family. He ran away from his responsibilities. Nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko na hindi niya ako kailanman naisip na bisitahin. Kahit noong debut ko ay hindi ko siya nakita. I haven't received anything from him. Ang mga perang ginagamit sa mga gastusin ko ay galing mismo sa kita ng kompanyang mamanahin ko rin. Kung may suporta mang galing kina daddy ay iyon ang paggabay sa akin, pagpapalaki, at pagpapatira sa bahay nila. I owe them my life and everything. *Knock* *Knock* Gabi na nang marinig ko ang katok sa aking kwarto. Hindi ako makatulog. Bumangon ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si daddy na nakasuot pantulog na. "Daddy?" "Can I come in?" "Of course!" Pinapasok ko siya at umupo siya sa paanan ng kama ko. Tumabi naman ako sa kanya. "I know that you've been through a lot. Alam kong masakit para sayo na tanggapin si Spencer bilang bagong kasapi ng pamilya dahil kahit papaano ay may pinagsamahan kayo," panimula niya. Ngumiti ako nang mapait. Daddy patted my head. "Siguro ay may darating na mas maganda para sayo. I am not religious but I believe God's plan for you is better than your own plan." Nagtubig ang aking mga mata. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak kaya niyakap niya ako. "Mahal ko kayong dalawa ni Lily sa parehong paraan. Huwag mo sanang isipin na mas kinakampihan namin si Lily dahil siya ang nag-iisang tunay naming anak." "Of course not, daddy!" Umiling-iling ako. Umiyak ako ng ilang minuto. Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang aking mga luha. Gumaan ang pakiramdam ko. Para bang nawala ang pasan ko sa aking mga balikat. "You look exactly like your mother," pag-iiba niya ng usapan. I heaved a sigh. Daddy gave me his genuine smile. Ngayon ko lang siya napagmasdan. Kita na ang mga linya sa kanyang noo at pumuputi na ang kanyang buhok. Tumatanda na siya. "Alam mo ba na katulad ng mama mo ay matiisin ka? Hindi mo lang halata anak pero hinahangaan ko iyon sayo. Your mother and I grew up together. She's always there to act as my elder sister to scold me every time I screw up with my plans." Pumatak ang mga luha sa aking pisngi. Ngayon lang siya nagkwento ng ganito. "At alam mo ba? Namana mo kay Dominic ang pagiging malambot sa ibang tao. I don't know what you think of your father but he loves you." "No! He won't choose to destroy his reputation and his life if he loves me." Natahimik si daddy. Napaawang ang kanyang bibig. "Allison, pagkasilang pa lamang sayo ng mommy mo ay ang daddy mo na ang nagpangalan sayo. He was heartbroken that's why he got addicted to gambling since it's the only thing that can ease his pain and comforted him," tunog nangungumbinsi si daddy. Napatayo ako. "Why are you saying such things? I am always reminded by you and mommy that my biological father is a bad influence to me. Now what? Are you trying to clear his bad image to my mind?" nalilito kong tanong. Tumayo rin si daddy at hinawakan ako sa siko. Now that I am trying to understand him, I realized that they never hide the truth about my parents and my real identity. Other people will surely use it to their advantage since I am a newborn baby when they decided to raise me. They didn't use all the properties that I will inherit someday at the right age to their advantage, instead daddy and mommy took care of everything. "It's our only choice. I am trying to tell you that maybe you can somehow give him a chance." "A chance for what, daddy?" "I want you to meet your father and get to know him." Nalaglag ang panga ko. I can almost hear a cricket after the long silence. Kinabahan ako agad. "Daddy, did Lily told you to do this?" My tears started streaming down on my face. Hindi ko magawang hindi mag-isip ng masama sa kapatid ko. Nabanggit niya ang ganitong bagay noon sa araw ng kanyang kasal kaya siya agad ang naisip ko. "No, Allison. Your father visited me eight months ago. He begged me to see you but I didn't allow it. I told him to stay away from you because you are already happy. But how could I do that when he's your real father? He knows you better than me." "You know me better than him!" pagtatama ko sa kanyang panghuling sinabi. "I am only asking you to meet him and get to know him. After that, you decide for yourself. Nangako siyang rerespetuhin niya ang kung ano mang magiging desisyon mo basta kilalanin mo muna siya." Napahilamos ako sa aking mukha. Bakit ngayon pa siya darating? Anong motibo niya? "I have set an appointment. You'll met him at one of your Tito Fidel's restaurant." My daddy's words are absolute. I woke up early in the morning to prepare for my meetings before meeting my biological father. I have no choice but to meet him. Once everything is settled, I'll focus on my company before anything else. Wala akong oras na magmukmok dahil lang sa tinraydor ako ng boyfriend ko. Life goes on. Mabubuhay pa rin ako kahit na magkaanak pa sila ni Lilybeth! "This way po, ma'am," paggiya sa akin ng waiter sa VIP room. I'll be meeting him and according to daddy, he is all alone. But I'll have a bodyguard inside in case he'll do something to me. Agad akong pumasok sa loob nang mabuksan ang pinto. The dim light and the relaxing ambience welcomed me. "Allison, anak!" naiiyak na salubong sa akin ng isang lalaking may katandaan na. He hugged me tightly. I was stunned for a moment. Puti na ang kanyang buhok. Matangkad siya at namana ko sa kanya ang hugis ng aking mukha at tangkad. Pati ang tangos ng ilong ay sa kanya ko namana. Biglang bumuhos ang mga luha sa aking mata. "I am so sorry for everything," umiiyak niyang sambit. My heart ached for a reason. I've never waited this moment to come but this time, I am moved and happy. Niyakap ko siya pabalik at umiyak ng tahimik. What if my life is different? What if our family is complete and mommy is still alive? Would I be a different person too? "You've grown up beautifully just like your mother." He gave me a warm smile. We are seated and the food was served. Pero hindi ko magawang kumain dahil naninibago ako. I am trying to memorize his feature and expressions. What if he's only here to see me then vanish again? Pero iyon din naman ang gusto ko, ang hindi na siya makita pa. Bakit parang nagdadalawang isip na ako ngayon? "Let's cut to the chase, what are you after at?" I asked directly. He hesitated for a moment but still managed to answer me. "I need your help." His words gave me goosebumps as if he's about to ask me to plant a land mine on our mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD