Kabanata 3

1776 Words
KABANATA 3 ALLISON'S POV Napaupo ako sa panginginig dahil sa mga narinig ko kay Spencer. Tumakbo palapit sa akin si Myca at pinatayo ako. "Myca, pauwiin mo na si Ana," maawtoridad na sabi ni Spencer. Hindi ako nagpatinag. Hinarap ko siya kahit na nanlalabo na ang aking mga mata. Sinubukan akong higitin ni Myca pero nagpumiglas ako. "You cheated on me? Why? Because I can't satisfy your needs? Imposibleng hindi ikaw ang lalaking iyon. Gumising ako na katabi ka!" "Dahil ayokong pagdudahan mo ako! Lily was sleeping on my bed when I decided to sneak into your room. Hindi ko naabutan ang lalaking nakasama mo, sayang nga eh. Hindi ko man lang nasuntok!" Dahil ayaw niya na pagdudahan ko siya kaya niya nagawa iyon? I can't take this anymore. My world turned upside down. At hindi ko pa magawang tanggapin na iba nga ang lalaking nakasama ko sa gabing iyon. "You bed another woman and let another man bed your woman? Gago ka ba, Spencer? You're supposed to protect me! Huwag mong gawing excuse sa akin na hindi ka makalapit dahil sa bodyguards niya! Mas inuna mo pa si Lily kaysa i-check ako kung maayos pa ba ako, kung nasa kwarto ba ako, o kinidnap na ako." He remained silent. Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin. "All this time I am fighting for nothing. All this time I look like a stupid woman in front of my family trying to defend myself, trying to fight for us. Tapos malalaman ko na kaya si Lily ang pinili mong pakasalan ay dahil sa may nangyari sa inyo? Ginusto mo bang may mangyari sa inyo?" nanghihina kong tanong. Nag-iwas siya ng tingin. Pero binalik niya ulit ang kanyang tingin sa akin. "Huwag kang umastang wala ka ring kasalanan, Ana!" bulyaw niya sa akin. Hindi ako makapaniwala. Nabitin sa ere ang mga luha ko. Hinigit ako ni Myca pero hindi ako nagpatinag. Wala na ngang saysay kung magwala ako dahil lang sa mga nalaman ko. Kasal na siya sa ibang babae at ang mas malala ay sa kapatid ko pa. At dapat at inaatupag ko ang paghahanap ng ama ng dinadala ko. "Kung hindi ikaw ang lalaking nakasama ko noon, sino?" My expression changed. I get rid of my begging expression and maintain my emotionless face. Ikinuyom ko ang kamao ko. "Sagutin mo ako, Spencer! Nakita mo ang mukha niya, hindi ba?" sigaw ko sa mukha niya. His jaw tightened before answering me. "I don't know. I tried to find information about him but the hotel management gave me a blurred copy of the CCTV records. His information is confidential," seryoso niyang sagot. "Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya." I laughed hysterically. "That's bullshit!" Tinalikuran ko siya at nagmartsa papunta sa kotse ni Myca. Sumunod agad sa akin ang kaibigan ko. Sa penthouse ako ni Myca nanatili. Doon ako umiyak nang umiyak. Nakaidlip ako dahil sa pagod at nagising lang nang maramdaman kong naduduwal ako. Isinuka ko na lahat ng kinain ko pero wala akong ganang kumain. "Tumawag na kaya ako ng doctor?" nag-aalalang boses ni Myca ang nagpabalik sa akin sa aking ulirat. Nanghihina na ako. My lips felt dry. "Namumutla ka na!" Agad ko siyang pinigilan nang umambang tatawag ng tulong. Lumabas kami pareho sa bathroom niya. "How long will you keep this as a secret? Tita Paulina will understand your situation." "Don't ever let mommy know about this," pagbabanta ko. Myca gave me her sad expression. Wala nga lang siyang ibang magawa kundi ang manatili sa tabi ko. Nanonood kami ng isang action movie nang tumunog ang cellphone ko. Umilaw ito at nakita ko ang pangalan ni Jilo sa screen. Agad ko itong sinagot. "Ano na ang balita?" agad kong tanong. Isang buntong hininga ang narinig ko sa kabilang linya. "They won't give in. Sinuhulan ko pa sila pero ayaw ng hotel management na ibigay ang kopya. Nagawa kong panoorin ang records ang kaso blurred lahat," disyamadong salaysay ni Jilo. Nagkatinginan kami ni Myca. Bakit blurred lahat? Ibig sabihin kahit powerful na tao ang manghingi sa kanila ay hindi nila magagawang magtraydor sa lalaking iyon? "Kahit pangalan man lang ng lalaki hindi mo nakuha?" He shrugged. It means he didn't get anything. Napabuntong hininga ako. "Thank you, Jilo." "Walang anuman, basta ikaw." Pinutol ko agad ang tawag. Binigyan ako ni Myca ng isang determinadong tingin. "I will try to ask some trusted friends. Baka sobrang powerful niyang lalaki o regular costumer siya kaya ayaw ng may-ari na masira ang image niya," pag-alo niya sa akin. "Mag-iimbestiga tayo kahit malabong makakuha ng matinong ibidensiya?" She nodded. Niyakap ko siya. "I'm sorry for always troubling you." "Don't mention it, Alli. We're family so we should help each other." Nakaidlip ulit ako dahil sa pagod sa pag-iisip ng mga bagay-bagay. Tinawagan ko ang secretary ko na si Gail para sabihing hindi muna ako magtatrabaho dahil pagod ako. Alam kong magagalit si daddy kapag umatras ang ibang investors. Kakakuha pa lang namin ng bagong real estate agents dahil sa binago ang ibang pamamalakad ng kompanya tapos hindi ko pa nagagawang pagtuunan ng pansin ito. Gumising sa akin ang malakas na tunog ng cellphone ko. I answered the call without looking at the caller's name. "Hello?" paos kong sagot. Inaantok pa ako. "Anak, please consider this one. Pag-isipan mo muna." Napabalikwas ako ng higa at napadilat nang tuluyan ang aking mga mata. Nagising ang diwa ko sa boses ni daddy sa kabilang linya. Papaano niya nakuha ang number ko? "Allison... Hindi ako maaaring bumalik ng America hanggat hindi kita nadadala. Please, pag-isipan mong mabuti. Magkakaroon ka ng magandang buhay at sigurado ako ron," pagmamakaawa niya. "Anong akala mo sa akin, panget ang buhay ko?! Salamat at nangutang ka sa sindikato at iniwan ako dahil maganda ang buhay ko ngayon! Kontento na ako!" nanggigihil kong sigaw sa kanya. Tumatakbong napatungo sa akin si Myca. She gestured to calm myself down. Agad akong kumalma at napahawak sa aking tiyan. Naghahalo na ang aking mga emosyon. Napadalas ang mood swings ko at nagpag-iinitan ng ulo ang mga tao sa paligid ko. Tapos dumagdag pa itong si daddy! "Hindi ba iniwan ka na ng boyfriend mo? Panahon na para mag-move on ka at ipakita-" Pinutol ko agad ang linya at itinapon ang cellphone sa paanan ng kama dahil sa galit. Napahilamos ako sa aking mukha. "What happened? Who's that?" tanong ni Myca. Hindi ko pa pala nasabi sa kanya. "I met my biological father. He's insane for coming back here just to convince me marry the one who saved his life in America," panimula ko. Natutop ni Myca ang bibig niya. She sat beside me and hugged me. "My boyfriend cheated and married my sister instead of me. I can't even find the father of my child. Now my biological father wants me to marry an anonymous pers- teka, nabanggit niya ang Mr. Tessimond sa akin." I gave her my knowing look. She immediately get her iPad and search Mr. Tessimond on the internet. Bumungad sa amin ang imahe ng matandang lalaking ngiting-ngiti sa camera. Nanindig ang balahibo ko at nandiri bigla. Talaga bang dito ako pinipilit ipakasal ni daddy?! "Maximo Dellian Tessimond is one of the biggest and successful business tycoons in the whole world. He started as an entrepreneur and investor until he's able to establish his own company. The rising of the Tessimond Industries Incorporated has been the reason why Mr. Tessimond have chosen to expand his business through manufacturing, food testing company, shipping lines, airlines, financial and insurance activities, electricity, gas, steam and airconditioning supply, and even restaurants and managing hotel," pagbasa ni Myca sa lumabas na resulta. She didn't finish reading the article. Halos mahimatay na ako habang nakatitig sa imahe ni Mr. Tessimond. Paano kung pumayag ako kay daddy noon pa lang? Baka mamatay ako nang maaga. Isang doorbell ang bumasag sa katahimikan. Agad na tumayo si Myca para tignan kung sino iyon. Gabi na at baka nag-order siya ng pagkain. Parang bumaliktad ang sikmura ko nang sumagi sa isip ko ang paborito kong carbonara. Napatakbo ako sa bathroom at doon dumuwal. Nadagdagan ang panginginig ng katawan ko. "Allison?!" I face mommy with my eyes widened. Napatayo ako agad at takot siyang tinignan. "What's wrong! Why are you vomiting?" seryoso niyang tanong. Lumakas ang pagtibok ng puso ko na para bang kakawala na sa dibdib ko. Namutla ako bigla at hindi makasagot dahil sa kaba. "Tita, nakainom po ng marami si Alli," nangungumbinseng tinig ni Myca na nakatayo sa labas. "Uminom po kami kagabi to celebrate my new acquired resort. Hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakabawi." Tumango-tango ako. "Yes po, mommy. Hang over po. Sorry at hindi na ako nakapagpaalam na nandito lang ako sa penthouse ni Myca," kinakabahan kong untag. Tinignan ako nang matagal ni mommy at sinuri bago tumango. Nakahinga ako nang maluwag. Sinundan ko siya sa sofa at umupo sa tapat niya. I don't know if she buys our excuse. Mommy is a clever woman. Kung pag-iisipan niya ito nang mabuti ay malalaman niyang dapat noong umaga pa ako naging okay o nagsusuka. "Anak, pumunta ng bahay ang tunay mong ama. He is begging us to convince you. Of course we disagreed. Hindi ka namin mapagtutuunan ng pansin ngayon, Allison. Buntis si Lily." Para akong nabingi sa sinabi ni mommy. Kung hindi ako nagkakamali ay pareho rin ang date ng pagbubuntis namin. Kalaunan, we will have the same due date. Anong gagawin ko kapag nalaman nilang buntis ako at hindi ko pa alam ang ama ng dinadala ko? Nanlaki ang mga mata ko. Pero agad akong ngumiti. "Ganoon po ba? Masaya ako para sa kapatid ko. Pakisabi na kang po kay daddy na gusto kong makipagkita sa totoong daddy ko. Napag-isip-isip ko po na hindi magandang asal ang hindi muna pakinggan ang tunay na rason at buong detalye kung bakit gusto ni daddy na pakasal ako kay Mr. Tessimond," mabigat sa loob kong untag. Tumango agad si mommy. "Alright. Tawagan mo lang kami kapag naging agresibo siya sayo kung tinanggihan mo siya." Tumayo siya at hinalikan ako sa noo. Tumayo rin ako at hinalikan siya sa pisngi. "Dito na po muna ako matutulog sa penthouse ni Myca." "Sige. I'll get going." Ihinatid ko siya hanggang sa elevator. At saka lang kumawala ang mga luhang pinipigilan ko nang sumara ang elevator. Anong gagawin ko? Anong iisipin nila kapag nalaman nilang buntis ako? Iisipin nilang maruming babae ako? Hindi pa nakikipag cooperate ang Romania Hotel kaya papaano ko mahahanap ang lalaking ama ng batang nasa sa sinapupunan ko? May sumaging plano sa utak ko pero hindi iyon madali. Pero paano kung madaling utuin ang isang iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD