Nang araw ding iyon matapos ang kaguluhan sa MCKEVIN HOSPITAL/ CLINIC ay hindi na pumayag ang mag-asawang Grace at MJ na hindi magtalaga ang kanilang anak ng twenty four hours guard. Kahit anong pagtutol ni CJ ay hindi nila ito pinakinggan.
"Papayag ka or we will let you close your clinic and we'll send you in Harvard?" Pananakot pa ng una sa anak.
"Si Mommy naman maka-Harvard wagas eh. Andiyan naman si kambal eh," sukong wika CJ.
Kaso maling galaw dahil sa pagkabanggit niya ng kambal ay para itong sinilihan sa puwet. Agad nakaisip ng maibabato sa kaniya. Nais tuloy niyang batukan ang sarili dahil dito. Ang kambal niyang sumalo na yata sa lahat ng galit sa buong angkan nila.
"Kambal ito na ang sinasabi ko sa iyo noon pa. Nararapat lamang na palitan mo ang pagong na iyan upang makabitan natin ng alarm device. Or to the hospital, we need to put up a funeral home near within. Kapag may mamatay doon sa hospital abah saan ka pa deretso iyan sa punerya." Kibit-balikat nito.
Tuloy!
Ang dakilang Kaskasera na pinagmanahan din nito ng init sa ulo ay napatingin dito. Ang kilay ay nagsalubong din. At iyon na nga, hindi na ito napigilan ng padre de-pamilya sa nais sabihin.
"What did you say, Janellah Pearl Cameron Mckevin?" Napataas ang kilay ni Allien Grace dahil sa tinuran ng anak. Hindi lamang iyon, dahil nakapamaywang pa ito. Kaso lahat ng iyon ay balewala sa tagapagmana ng pagkakaskasera.
"Wala po, Mommy. Ang sabi ko ay dapat mag-second honeymoon na kayo ni Daddy baka sakaling matauhan si kambal at mauna nang mag-asawa." Nakatawa itong tumakbo palabas ng kabahayan.
"Come back here, Janellah----"
As usual ugong na lamang ng sasakyan nito ang kanilang narinig. Mabait naman ito, palakaibigan at marunong makisalamuha sa mga tao. Iyon nga lang ay sutil. Laging idinadaan sa kalooban ang pananalita kagaya sa oras na iyon. Mainitin ang ulo ngunit may matibay na dahilan. She's hard-headed woman but she can manage after all.
"Si kambal talaga oo. Wala nang pinagbago. Ang sasakyan ko na naman ang nakita niya," nakailing na sambit ni CJ.
"Like you, Iha. Wala ka pa ring ipinagbago, kaya't ayan dahil sa pagtsitsismisan ninyo ng pinsan mo ay napasok ang hospital mo na hindi n'yo nalalaman. Pero okay na iyan nagawan na ni JP ng paraan. Asides from twenty-four hours guard ay may well built in hidden CCTV na at may alarm devices pa. Kaya't kahit nasa paligid lamang ng hospital ang intruder o nagbabalak ng masama ay malalaman mo na iyan. But still you need to be careful okay." Humarap naman ni MJ sa anak.
Total opposite ito ng kambal. Hard-headed si JP samantalang soft-heartrd si CJ. Malumanay itong magsalita kabaliktaran naman ng isa. Very diplomatic si CJ dinadaan ang lahat sa magandang usapan at kabaliktaran nito kay JP. Kapag hindi nito napagtagumpayan sa una at pangalawang subok ay aasahan mo she will turn the table to seek another ways.
"Yes po Daddy and thank you rin po sa inyo ni Mommy. Idol ko kayong dalawa wala pa rin kayong kupas pagdating sa ganyang bagay." Tumayo at malambing na yumakap ang dalaga sa ama kaya't halos matumba ito kung hindi naagapan.
"Umayos nga kayong mag-ama diyan---"
Pero hindi na natapos ni Madam Kaskasera ang sinasabi dahil binulabog sila ng pagkalakas-lakas na tunog. Kaya naman ay napasugod silang tatlo sa labas ng bahay. Doon nila nalaman kung ano ang malakas na tunog. Kung sino ang may kagagawan.
"Will you switch off that!" malakas na utos ni Grace sa kanilang anak dahil bigla itong lumayas at sumulpot. Wala namang problema room dahil pamamahay naman nilang lahat. Maaaring makalabas masok ang kahit sino sa kanilang lahat. Kaso ang ingay ang ikinabulabog nila.
"Mommy naman, huwag ka nang kumuntra. Kami naman po ang manghaharana sa inyo ni Daddy." Kinindatan naman ni JP ang inang nakapamaywang at nakataas ang kilay.
"What are you talking about, JP? I thought you left the house already?" kunot-noong tanong ni Grace.
Kaso wala nang pumansin sa tanong na iyon ng Ginang. Dahil agad na nakuha ni CJ ang binabalak ng mga pinsan at kambal niya. Lumapit ito sa ama.
"Daddy, dito kayo ni Mommy. Si JP ang hahawak sa gitara at ako sa Mic." Tuwang-tuwa niyang pinaglapit ang mga magulang.
"Let's rock and roll the world crazy boys!" ani JP.
Para itong nasa firing squad sa paraan ng pagmamando. Ang dalagang inakala nilang umalis ay muli pala itong bumalik. Hindi pa ito nag-iisa. May mga kasamahan ito kaya't mas umingay ang paligid nila sa oras na iyon. Animo'y may party sa kanilang tahanan.
Sino ang pasimuno ng kaguluhan sa pamamahay nina Iyakin at Kaskasera? Well, walang iba kundi ang The Naughty and Crazy Mondragon. Sila ang mga bagong dating na sinundo ni Kaskasera the second sa tahanan ng Grandpa B nila. May family house naman ang mga ito subalit maaaring sa family house sa side ng ina nila dumiretso. Kaya't naipon ang mga maiingay.
"Keith! Kailan ka pa dumating anak?" maang namang tanong ni MJ nang nakita ang panganay ng kambal niyang si Meljhorie.
"Kakahurt ka naman Papa si Kuya lang nakita mo. Uuwi na lang po kami kina Grandpa at Grandma. Mas mabuti pa roon dahil nakikita ni kaming lahat." Pag-iinarte naman ni Clarence kaso binatukan lang ito ni Braxton.
"Ikaw kambal, how many times do I have to tell you. We are all adults already kaya puwedi bang huwag kang mag-inarte kung ayaw mong tuluyan kang palayasin ni Mama. At isa ay hindi mo bagay." Panunupla rin nito.
As usual ang Kuya Keith nila ang referee though they are not fighting they are just having fun. And that's how they let their family relationships became more friendly to everyone.
"You two stop fighting! Mahiya nga kayo kay Mama G. Nangapitbahay na nga lang tayo eh. Baka naman gusto n'yong pauwiin ko kayo ngayon din sa Nevada?" ani Tristan Keith.
Subalit iyon ang pagkakamali niya. Dahil nagkatinginan ang kambal at sinugod siya. Ngunit naging maagap din siya kaya't bago pa siya maabutan ng kambal ay nakatago na siya sa pagitan ng Mama Grace at Papa MJ nila. Well, they want to have fun with them. They rarely have a time like at the moment because all of them has a job.
Tsk! Tsk! Tsk! Mga apo nga kayo ng makulit na Grandpa B. Mana-mana lamang iyan!
"Hep! Hep! You crazy Mondragon! Nandito kayo sa pamamahay ko kaya puwedi bang mag-behave naman kayo? I thought we are going to court Daddy and Mommy?" Nakatawa at nakapamaywang na pagitna ni JP sa mga pinsan na talagang nag-eenjoy na sa karambola. Well, she love it too by the way!
"Ikaw naman, insan. Maka-crazy Mondragon ka ay parang hindi mo kami kaano-ano o baka naman may dalaw ka kaya't tumubo na naman ang kasungitan mo." Nakangisi pang panunutil ni Braxton.
"Naku, Braxton, kampi tayo kay Ate JP. Baka naman ibala niya tayo sa M16 kaya't behave na tayo." Panggagatong pa ni CJ.
"What? Did you say Ate? Kambal naman kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo riyan. Kahit itanong pa natin kay Tita Marga. Siya raw ang nagpaanak kay Mommy. Mas nauna ka raw lumabas sa akin kaya ikaw ang Ate namin. Diba crazy Mondragon?" Binalingan naman ni JP ang mga pinsan.
Kaso umulan ng kasutilan nang ipinanganak sila ng kani-kanilang ina. Dahil walang may gustong magpaawat. Imbes na sang-ayunan nila ang nagtatanong nilang pinsan ay nagsimula pa sila ng panibagong usok.
"Insan as in my cousin dear. Bakit ka naghahanap ng kakampi mo? Aba'y hindi naman kami papayag at mas hindi kami aalis dito hanggang hindi mo kami pinapakain," nakangising ani Clarence.
Ano pa nga ba ang nagawa ng mag-asawa kundi ang panoorin ang mga ito na nagkukulitan. Para ba silang mga batang nagtutulakan, nagbabatukan, nagkukurutan, at ang pinakamalala ay ang paghahabulan ng mga ito at magpillow fight nang nagsipasok sila sa wakas. Iyon nga lang ay pillow fight naman ang napagtuunan nila ng pansin.
Ang resulta? Ang plano ng magpipinsan na panghaharana sa mag-asawang Grace at MJ ay nauwi sa harutan na once in a blue lang nangyayari. Dahil minsanan lamang umuuwi ang mga ito like that time ay bigla na lamang silang sumulpot sa bansa nila. Ang kambal ng mga Mondragon ay hindi nalalayo sa edad ng kambal ng Mckevin na sina JP at CJ. Ganoon din ang mga Kuya's nila na pareho ring mga negosyante.
Hindi nga nagtagal ay nagpatuloy sila sa kanilang masayang paghaharutan. Kahit ang mag-asawang AG at MJ ay hindi nakaligtas sa kalokohan ng lima. Ang Mondragon twins ay hindi nalalayo ang edad sa Mckevin twins kaya't walang Ate at Kuya. They just enjoyed themselves in doing naughtiness that they can just do once in a blue moon. Para silang mga nakawalang ibon sa hawla. Walang kapaguran sa kalokohan. Idagdag pa ang Kuya nilang lahat na si Adrian Joseph. Kawawa nga lamang ito dahil halatang nagulat sa pagpasok dahil sa maingay na paligid. Huli na nang mapagtanto nito ang nangyayari sa kabahayan. The Naughty and Crazy Mondragon's and the Mckevin's are having fun.
Kinabukasan sa CAMP VILLAMOR
"I'll forgive you for this, Major Espinoza, for going away without any notice or permission from your head. This will be your first and last warning," ani General De Luna kay Zack kinabukasan.
"Copy, Sir general. Once again, I'm really sorry for that." Nakasaludo niyang paghingi ng paumanhin.
"Okay let's proceed to the main reason why I called you here. Hindi na siguro lingid sa kaalaman mo ang mga katiwalian sa ating bansa at isa na dito ang pinanggalingan ninyo ng mga tauhan mo. Ayon sa report ng tauhan ko sa loob ng Camp Oasis ay patuloy pa rin ang gawaing illegal ng kernel at ang capitan ng Campo. And you're aware of that too na ito ay lingid sa kaalaman ng general. At dahil kayo ang nakakaalam sa pasikot-sikot sa buong kampo as well as the whereabouts ng kernel ay sa iyo ko ipapahawak ang kasong ito. It's a big break for you, Major Espinoza," pahayag ni General De Luna.
Major Espinoza is about to answer his superior when a very familiar voice came out.
"Yes go and grab the opportunity major. Alam kong kayang-kaya mo itong lutasin," anito.
"General Santiago, you are here?" tanong niya.
"Ikaw naman, Major Espinoza, wala bang hand salute?" pabiro nitong tanong.
Agad namang umayos ng tayo ang binata at sumaludo sa panauhin ng Campo. Ngunit talagang palaisipan kung bakit nasa Camp Villamor ito instead of Camp Oasis.
"Hand salute!" He saluted with full of authority and respect.
"Carry on, Major Espinoza and thank you." Tumango-tango ito tanda bilang pagtugon sa saludo niya.
Sinamantala naman ni General De Luna ang oras para paupuin ang dalawa. Pinapakiramdaman niya ang dalawa. Dahil sa katunayan ay malaki ang similarities nila. Ayaw lamang niyang maging personal dahil bukod sa nasa kampo sila for business purposes ay hindi naman maganda kung pati ang pagkakahawig ng mga panauhin niya ay pakialaman pa niya. At isa pa ay Santiago ang kapwa niya General at Espinoza ang Major.
"Take a sit, Major Espinoza and General Santiago." Itinuro niya ang mga upuang maari nilang maupuan. He set aside the thought of their similarities. It's out of his way by the way.
"Thank you, Sir."
"Thank you, General De Luna."
Sabayang tugon ng dalawa. Again, the thought that he set aside come along. Even their voices are the same.
"Your welcome, Major Espinoza and General Santiago," tugon ni General De Luna sabay muwestra sa upuan. Nakakahiya namang pinapaupo nga niya sila ay hindi man lang maialok ang upuan.
Agad namang umupo ang dalawa at hindi naglipat segundo ay hinarap ni Zack ang dating superior.
"Kailan ka pa nandito, Sir? May problema po ba sa kampo?" tanong niya.
Huminga naman ng malalim ang general na para bang dito ito kumukuha ng lakas ng loob upang magsalita.
"Go ahead, General Santiago. We're here to listen about what you want to say." Pambalubag-loob naman ni General De Luna.
"I came here, Major Espinoza, without the knowledge of everyone in Camp Oasis. Subalit sinadya ko ang desisyon kong ito dahil sa ayaw kong malaman nila na nagtungo ako rito. I know that sometimes we are not in good terms but let me tell you something. I salute you, Major Espinoza. Dahil alam mo kung kailan ka aangal at kung kailan ka papayag. And this time I know that you will not decline me on my favor. Para ito sa kabutihan ng nakakarami lalo na ang lugar natin." Huminga siya ng malalim bago muling nagpatuloy.
"Last month personal kong nalaman na ang isa sa opisyal ng Camp Oasis ay isa rin pala itong ahas. Si kernel ang tinutukoy ko, Major. Dahil sa kagustuhan kong makausap siya ng masinsinan ay pinili kong puntahan na lamang siya sa kaniyang opisina. Subalit hindi sila naging maingat dahil nakaawang ang pintuan ng opisina nito at dinig na dinig ko ang usapan nila ni Captain Andrara. Sa linggo sa may lumang bodega sa Paoay. Doon gaganapin ang kanilang operation. Heto kunin mo itong envelope at video record. Malaki ang maitutulong niyan sa iyo para matukoy ang mga kasapi sa operation na iyan. I trust you, Major at tiwala akong magtatagumpay ka sa laban na ito." Mui siyang napatigil sa pananalita dahil pakiramdam niya ay kinakapos siya ng hininga. Subalit nagpatuloy siya. Kailangan niyang matapos ang paliwanag niya para misyon ng binatang Major.
"Nakakahiya mang dito pa ako manghihingi ng tulong pero I'd rather to swallow my pride than to gamble the lives of those who still on my side. Yes, tama ang narinig mo Major na ang Camp Oasis ay mas marami na ang mga ahas kaysa sa mga matitinong tao. At tama na ang inutusan ko dati na sumunod o magmanman sa bawat galaw nina kernel at capitan na naisugal ang buhay. Oo, inaamin kong isa akong opisyal sa ating propesyon pero alam ko rin naman na hindi ako basta-basta makakapag-aresto o makakapagpapatumba ng mga kaaway ng kampo. Hindi ko sila magawa gawang ireport dahil as I've said most of the Camp Oasis men were at their side already and according to the protocol ay hindi tayo basta basta makakapaglabas ng order o kautusan para ipakulong or arestahin sila without any valid reason and evidence. At kaya ko ito ipinagkakatiwala sa iyo, Major, dahil alam ko ang kakayahan mo at alam kung ikaw lang ang may kakayahang salungatin ang nakakataas sa iyo. Kahit pa nanganganib ang buhay mo pero mas pinipili mo ang para sa nakakarami. Good luck, Major Espinoza," mahaba-habang paliwanag ng General.
Akala nila ay tapos na ito sa napakahabang sona ngunit bumaling at hinarap ang kapwa heneral. Kahit hindi pa nakakasagot ang unang kausap ay umarangkada na naman ang pagsasalita.
"And to you, General De Luna, maraming salamat sa pagpayag at pakikiisa mo sa akin upang mapunta kay Major Espinoza ang kasong ito. Samantalang puwedi naman sa ibang tao. Ngunit sa kaniya ako nagtitiwala sa mga ganitong bagay at advantage din sa kaniya ang tubong Ilocos Norte dahil alam niya ang pasikot sa buong lugar. I know it's awkward to beg on you but as I've said I'll swallow my pride for the sake of our remaining faithful and loyal men," anito sa kapwa opisyal.
Hindi kawalan ng respeto o karangalan sa isang tao ang maging mapagpakumbaba. Hindi masama ang maging tanga at maghingi ng tulong sa kapwa kaysa maging tahimik ka at solohin ito samantalang may solusyon naman para dito.
"It's our pleasure to extend our help to everyone who's in need of help. At nagkataon namang isa ka sa mga nangangailangan ng aming tulong. Isa lang naman po ang ating tungkulin at layunin, General Santiago. Ito ay ang makapagsilbi sa ating kapwa. Hangad namin ang katiwasayan ng buong team ninyo sa Camp Oasis at huwag kayong mag-alala dahil tutulungan namin kayo sa abot ng aming makakaya. And before I'll forget, your welcome and thank you also for choosing us to be your partner in this operation. God will be our guide in every steps that we're going to do." Napatangong pagsang-ayon ni General De Luna.
Deep inside of him, hindi niya maiwasang humanga sa kaniyang kasalukuyang Boss at dating Boss. Hinahangaan niya ito sa mga planning strategies, on how to deal with the opponents, on how to mingle with friends and men inside the Camp. And most of all he admired him dahil sa lahat ng puweding kalimutan ay hindi nito nagawang kalimutan ang Diyos na tanging masasandalan sa anumang oras at sitwasyon. He is really a general who love and care for his people..
The three of them ended up their session by shaking their hands to one another. And as they've planned, the group of Major Espinoza and the group of Captain Vince Ethan Aguillar one of the twins of Sir Ace Cyrus Aguillar and Madam Rowena "Weng" Castañeda Aguillar will be the one to handle the case about it.
ITUTULOY