KABANATA SIYETE

2183 Words
One day on his way to their apartment. "Wow! Amazing voice," hindi maiwasang sambit ni Zack nang narinig ang isang tinig sa daan kung saan nanggagaling sa isang umpukan ng mga bata. "Manahimik naman kayo eh. Ang ganda nang pag-awit ni Ate JP eh," dinig niyang sabi ng isang bata na sa tantiya niya ay nasa anim na taong gulang. "Oh huwag na kayong mag-away diba kabilin-bilinan ko iyan sa inyo na huwag kayong mag aaway?" pananaway nang nakatalikod na babae. Her voice! It's so familiar to him! "Sorry na po, Ate. Sige na po ituloy mo na po," ani ng isang bata. Ngumiti naman ang dalaga sa pagkanta. Dahil wala naman siyang kamalay-malay na may ibang tao sa paligid ay bigay na bigay din siya hanggang sa natapos niya. Hindi lang siya alagad ng batas kundi music lover din siya. Kaya't kapag may oras siya ay dinadaanan niya ang mga batang kagaya niyang mahilig sa musika. Ngunit hindi pinagpala sa buhay. "Yeeheeyyy! Ang galing-galing mo talaga, Ate JP. Idol ka po namin---" "Ate, may tao," wika ng isa sa mga ito nang aksidenting nagawi ang tingin sa kinatatayuan ng binata. Para namang kinurot ang puso ng binata dahil sa reaksiyon ng mga ito nang napansin siyang nakatingin sa kanila. Halatang may pinagdaanan dahil bigla na lamang silang natakot samantalang nakatingin lang naman siya sa gawi nila. Sa tinuran ng mga batang tinuturuan niya ay bigla siyang napalingon sa gawi kung saan sila nakatingin. "You!" "It's you again!" They said it in unison as they got closer to each other. Pero agad ding nakahuma si Zack kaya't inunahan na niya itong nagsalita. Ayaw din naman niyang magmukhang kontrabida sa imahe nito. "Hello, huwag kayong matakot sa akin. Nagandahan kasi ako sa boses ng Ate ninyo kaya't napatigil din ako sa tabi n'yo," aniya sa mga bata bago bumaling sa dalagang salubong ang kilay. "It's you again, Miss Mckevin. What a small world for us. How are you?" tanong niya. Kaso sa uri pa lamang nang pagtingin nito sa kaniya ay halatang nais siya nitong umbagin. Mukhang minasama ang sinabi niyang maliit ang mundo nilang dalawa. Ngunit totoo naman kasing nanadya ang panahon na pinaglalapit sila. Pero maayos na rin iyon para sa kaniya upang makahingi ng paumanhin sa nauna nilang pagkikita. "Ate JP, kinakausap ka ni Kuya pogi." Kinalabit ng isang bata ang dalaga. Marahil ay hindi mahintay na sasagot. Kaso bago pa nito maibuka ang labi upang masagot ang binata ay naunahan na rin nito. "Ako pala si Zack Espinoza pero Kuya Zack na lang ang itawag ninyo sa akin." Pagpapakilala niya sa mga bata in his very friendly voice. "Hello po, Kuya Zack. Kumusta ka po?" sabayan nilang sagot at tanong. "Okay pa sa alright kids pero mas okay pa sana kung magsalita ang Ate ninyo." Ngumiti siya ng kasing lawak ng kailangitin sa pagharap sa mga bata. Hindi niya inalintana ang nakakamatay niton tingin. Ang cute naman kasi nito. "Major Zack Espinoza, hindi ko alam na may pagkabolero ka pala at pati mga bata ay hindi nakakalusot dito." Nakairap siyang humarap sa binatang hindi niya alam kung sadya ba itong sumunod o pinagluluko lamang sila. Kaso ang mga batang matabil! "Major? Wow, Kuya Zack, bigatin ka pala. Bagay po kayo ni Ate JP. Kasi siya rin po may-ari ng AGDA. Magaling pong alagad ng batas ang Ate JP namin, Kuya Zack. Kaya huwag ka pong bad guy ha baka po baliin ni Ate ang bones mo," pahayag ng isang bata. Dahil dito ay napangiti ang binata. Aliw na aliw siya sa mga ito kahit pa sabihing sa oras na iyon lamang niya sila nakita. Subalit kabaliktaran naman ang dalaga. Kulang na lamang ay tiris-tirisin niya ito na parang kuto. Kung kailan may mas marami siyang oras sa mga bata ay saka " Disturbo!" inis na bulong ng dalaga pero hindi ito nakaligtas sa binata. "Miss JP, baka naman puwedi ko kayong imbitahin para mag-early dinner kasama ng mga bata. And I want to know more about you if you don't mind," senserong wika ng binata. It's a blessing in disguise that she's with those unknown children but he is happy to have time with her. He really want to know more about her. They started in a wrong way few months ago and he want to make up everything. And besides, the lady in front of her hooked him but he did everything too not to show to anyone. Kahit kumukulo ang dugo ni JP ng oras na iyon ay nagawa pa rin niyang naging mahinahon lalo at nasa harapan sila ng mga bata. Ayaw niyang maging bastos lalo na sa kanila. Kahit sa kaloob-looban niya ay ay talagang gusto niya itong paliparin na Walang pakpak. "Kids, payag ba kayo sa paanyaya ng Kuya Zack ninyo?" tanong niya. "Opo, Ate JP. Gusto po namin sa McDonald." Sabayang tumango ang mga bata dulot na rin ng kainosentihan ay wala silang sinayang na panahon. Lumapad naman ang ngiti ni Zack dahil sa sagot ng mga ito. Alam niyang mapapaamo din niya nag mala-tigreng dalaga. Maamo ang mukha pero daig pa ang inang si Kaskasera kapag nakasimangot. Sa isipan niya ay hindi siya susuko lalo at nasimulan na niya. "Your wish is my command kids. Be ready and let's go," masaya niyang Sabi. "Saan po kami sasakay, Kuya Zack? At isa pa po hindi pa umuo si ate JP. Kahit naman po gusto namin kung ayaw sumama ni Ate hindi rin po kami pupunta," wika ng pinakamantanda sa grupo. Para namang binuhusan ng malamig na tubig ang pakiramdam ni JP ng oras na iyon. Kaya siya naging malapit sa mga ito dahil mababait sila sa kaniya. Kaya nga siya laging naglalaan ng oras para sa kanila. "No problem kids we will go with him in McDonald's. Don't worry kids kilala ko ang Kuya Zack ninyo kaya't mag-ayos-ayos na kayo para makapunta na tayo sa McDonald." Ngumiti siya upang ipakita sa mga ito na sang-ayon siya. Kumukulo ang dugo niya sa binata subalit naaawa rin siya sa mga bata. Kahit pa sabihing araw-araw siyang nagdadala ng pagkain sa kanila ayayaw din niyang ipagkait sa mga ito ang kasiyahang dulot ng pag-ungot nila sa McDonald. Dahil sa nagtalunan ang mga bata ay sinamantala naman niya ang pasimpleng bumulong dito. "Di pa tayo tapos, Espinoza. Magtutuos tayo!" bulong niya rito. "You're so beautiful, Miss JP. I'm already in love with you," ganting-bulong ng binata na mas ikinangitngit ng dalaga. Pero dahil ayaw niyang humaba pa ang usapan nila ay nakakamatay na irap na lamang ang isinagot niya. Sa ibang araw nalamang niya ito gagantihan. Ayaw niyang masira ang magandang mood ng mga bata. Mananahimik siya pero hindi ibig sabihin ay hahayaan na lamang niya ito sa oras na iyon alang-ala sa mga bata. Humanda na lamang ito sa kaniy dahil hindi makakalusot. Samantala... "Mukhang maganda ang hapon mo ngayon, CJ." Nakangiting salubong ni Adrian Joseph sa kapatid. "Lahi namang maganda ang araw at hapon ko, Kuya. Mas maganda kasi para may pampa-good vibes. Kaya ikaw, Kuya, dapat may partner in life ka na. You're out of the calendar na," tugon ng dalaga. "Susme kapatid. Aba'y anong kinalaman nang pangungumusta ko sa iyo sa partner in life ko? Kung may balak kang mag-asawa walang problema na mauna ka kaysa sa akin. By the way, hindi mo ba bisitahin si Lola sa Ilocos Sur?" tanong ni Adrian Joseph sa kapatid. Ang ganda nang pangungumusta niya kaso iba naman ang isinagot. "Haist, ito naman kasing siLola ay ayaw pumarito sa Baguio. Lagi na lang tayong nag-aalala sa kaniya. Dapat nga sa ay dito na siya manirahan dahil wala na rin si Lolo," ani CJ. Kaya naman ay nakangiting inakbayan ni AJ ang kapatid. Sa katunayan ay hindi naman nila kadugo ang mag-asawang pinag-uusapan nila. Dahil sila ang nag-alaga sa kanila ng Mommy nila noong siya ay bata pa. Kaya't kahit ilang dekada na ang nakaraan ay nanatili silang malapit sa matanda. "Unawin mo na lamang si Lola, Sis. Wala na sa mundo si Tatay Narding pero hindi ibig sabihin na iiwan na ni Lola ang lugar kung saan nila binuo ang pamilya. Magpasalamat na lamang tayo dahil may mga tulad nila na nag-alaga sa amin ni Mommy noon. Kaya't nasa mundo kayo ni JP." Tumigil siya sa paglakad at hinarap ang kapatid. Kaso napasimangot naman itong tumingin sa kaniya. "Ay, ewan ko sa iyo, Kuya. Napakarami mo pang sinasabi. Natural alam ko iyon, kung bakit naging Lola natin si Lola Belen even not in blood. Sila ang saviour ninyo ni Mommy as well as Tito Rey," anito. Sa pagkabanggit nito sa dating tauhan ng ama na ngayon ay kasalukuyang ama ng Camp Villamor ay naalala niya ang tungkol sa ipinapasabi nito. Taunan naman kasing may medical mission ang kampo sa Ilocos Sur. "There's a medical mission in Ilocos Sur that Papa Rey is preparing. Not just him but the whole Camp Villamor. Kung ako sa iyo ay umuo ka na dahil ipinakiusap din niya sa akin na sabihin ko sa iyo. I just almost forgot to tell you." Nagpatuloy siya sa paglakad kaso humabol ang kapatid. "Saglit lang, Kuya! Ano ba?! Aba'y matapos mo akong balitaan ng good news ay hindi mo man lang maayos-ayos ang pagbabalita mo eh." Inis na humabol ang dalaga sa kapatid. Subalit hindi na nito nasagot ang sinasabi niya dahil eksakto namang dumating ang mga magulang nila. At iyon na nga, naunahan na sila ng ama. "What's happening with you two? Ano ba ang pinag-uusapan ninyo at mukhang naghahabulan pa kayo?" tanong nito. "Ay si Daddy naman po ay nakakasakit ng damdamin. Mas inuna pang tinanong kung ano ang pinag-uusapan akin kaysa ang kumustahin kami ni Kuya." Pag-iinarte ng dalaga kaso laking pagkakamali niya dahil sinamantala iyon ni AJ. "Tsk! Tsk! Hindi mo bagay, Sis. Kaya't huwag ka nang pababy diyan. Dahil hindi ka na magiging baby. Baka bukas o sa makalawa ay ikaw na ang may baby." Nakangisi nitong panunukso. Tuloy! Ang kaninang nagpapababy ay naging sambakol ang mukha. Kahit siguro sino sa pinakamagaling na pintor ay hindi maipinta ang mukha. Kaya naman ay napatawa ang kanilang mga magulang. Kasabay nang panunukso ng Ginang. "You're not getting any younger anymore, Crystalline Jamellah. Kaya umayos ka riyan tama naman ang Kuya mo. Who knows may makasalubong ka bukas pagpasok mo sa trabaho ay makakasalubong mo na sa bakuran ang destiny mo." Nakangising panunukso ni Kaskasera sa dalaga na halos magpapadyak na sa pangangantiyaw nila. Well, that how they take care of their family. Life will go as we always wishes. There are so many hindrances that we need to pass through. At isa na ang openness nila sa bawat sa pagpapatibay ng pamilya. "Ehh naman ehh." Nakangisi na nga ay hindi pa maipinta ang mukha. Kaya naman ay agad pumagitna ang padre de-pamilya. "Okay, okay. Let's stop that joking. Mamaya ay babaha rito na walang ulan," pumagitna nga upang manaway ngunit ito naman ang nanukso. After sometimes... "Susupurtahan ka namin anak. Hayaan mo bukas na bukas kami ng Mama ninyo ang uuwing Ilocos Sur para makipag-coordinate sa pamunuan ng Sta Catalina. I'm so sure marami ang mga mahihirap na matutulungan ng medical mission na ito. Alam naman nating lahat na everyone is not blessed to have a material wealth," ani MJ ilang sandali ang nakalipas. "Kaya nga po, Daddy. Instead of wasting money, mas maganda na iyong nakakatulong sa kapwa. Pero si insan Whitney, nasa Ilocos Sur po ba? Ang babaeng iyon hindi na nahahagilap dito sa Baguio," wika pa ni CJ. "Siya ang nakatira sa mansion nila sa San Vicente anak. Like your Ninong Rey his last child I mean si Clyde ito ang bunso pero ito pa ang nasa malayo sa Ninong Rey at Ninang Dennise ninyo. And you can communicate with them too. Maraming connection ang insan ninyo sa San Vicente alam n'yo naman ang batang iyon mas iniisip ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili," saad naman ni Allien Grace na agad sinundan ng asawa. "Iyan ang tinatawag nating pag-ibig na walang hanggang. Kagaya natin noon, mas gugustuhin ko pa na masaktan kaysa ikaw. Whitney is the youngest daughter of Florida Bryana and we all know about their sacrifices way back on their younger years of living with Terrence. Kaya't hindi na nakapagtataka kung nasa dugo ni Whitney ang mapagkawang-gawa." Sa pagkakaaala sa pinagdaanan ng kapatid noon ay napaupo siya ng matuwid. Kaso sa habang nagpapahayag siya ay nakaisip na naman ang anak niya ng masasabi. "Weh si daddy nag-eemote. Siyempre naman po basta mayroon po tayong maitutulong sa kapwa go ahead. Pero kayo ni Mommy ang idol ko." Without a warning, naglambitin ang dalaga sa ama. Kaya't muling binuska ng kapatid. "Ang sabi ni Mama you're not getting any younger anymore. Subalit ayan ka na naman sa paglalambitin kmkay Papa." Nakangisi nitong panunukso. Tuloy ay muling humaba ang nguso nito na maaring sabitan ng kaldero. But!!! Bago pa sila muling magkarambola ay bumukas ang maid door nila. Hindi lamang iyon. Ang hot na hot na si Janellah Pearl ay pabalibag pa nitong isinara. Hindi pa maipinta ang mukha. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD