"Good evening, Janellah." Salubong ni Zack sa dalagang iniibig.
"Magandang gabi din, Zack, maupo ka," tugon ng dalaga saka itinuro ang upuan..
"Salamat. Para pala sa iyo at sana magustuhan mo." Kabado man subalit nagawa niyang iniabot ang bulaklak na binili para sa dalaga.
"Nag-abala ka pa Zack. Pero salamat and yes I love them." Magalang namang tinanggap ng dalaga ang isang dosenang white roses. Well she's not flower lover but she love the roses specially that it came from him. The man who makes her heart beat so fast.
"Anything for you, Janellah. Anyway handa ka na ba?" sagot at tanong ng binata.
"Yes I am," tugon nito.
"Let's go?" Iminuwestra niya ang kaniyang palad upang alalayan ito sa pagtayo.
Ngumiti naman ang dalaga saka inabot ang palad ng binatang nakalahad. Magkahawak-kamay silang na lumabas sa tahanan ng mga Mckevin. Without knowing that there's a heart that's aching, there's a pair of eyes watching them with a crying heart. Her heart is crying silently upon watching her twin sister and the man whom she love secretly.
"Sana ako din balang-araw ang may mamahalin at magmamahal. Ang suwerte mo kambal," bulong niya habang pinapanood ang mga ito palabas sa kanilang compound.
But in the middle of her dilemmas, tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa side table. Isinara niya ang kurtinang bahagyang binuksan at tinungo ang lamesa ng kinapatungan ng mobile.
"Hmmp! Ang kulit naman nito," bulong niya ng muling tumunog.
Only to found out who's the caller.
Ang kapwa doctor niya na nakilala niya sa medical mission na kanilang isinagawa sa Ilocos Sur kamakailan lang.
"Hello good evening," she answered in very formal voice.
"Oh, God, gracious. Thank you for that you finally answered my call. Sorry I disturbed you. Good evening too, Miss Crystalline. How are you?" masayang tugon at tanong ni Johnson. Ang nasa kabilang linya.
Dahil dito ay hindi napigilang ngumiti ng dalaga. Sa boses pa lang ay nakakahawa na ang masayahing binatang doctor.
"I'm fine, Johnson, how about you? Napatawag ka pala?" tanong niya dito.
"Aren't you happy that I called you? Namiss lang kita, Miss Crystalline and besides I'm here in Baguio too," saad ng nasa kabilang linya.
Ayaw naman ng dalaga na maoffend niya ang binata kaya't pilit niyang pinasaya ang boses niya. Dahil ang puso niya ay nabihag na ng iba. Ang pag-ibig ng kambal niya.
"Really, Johnson? Since when that you're around? " muli niyang tanong.
"Nandito ako sa Camp John Hay. Dito ako nagpa-book ng two weeks . I've a meeting to our co-doctors in BGH. Can I visit you there?" tugon naman ng binata.
Naging questions and answers portion na yata sila sa pagkakataong iyon!
"Oh, I almost forgot about that meeting. Pero alam mo namang sa private ang hospital na pinagtratrabahuan ko. Kaya wala akong masyadong alam diyan. Sa huli mong tanong oo naman sure why not pero gabi na ah," tugon ng dalaga.
"No problem, Miss Crystalline. May bukas pa naman diba? Atleast ngayon ay nasabi ko na at anytime naman siguro makakadalaw ako riyan," sagot ni Johnson.
"Sabagay tama ka riyan, Johnson. Kumusta pala ang mga kapwa natin sa Sta Catalina I mean lalo na ang mga batang natulungan natin kahit papaano noong nagmedical mission tayo." Wala man sa harapan niya ang kausap ay napapatango siya. Nakikinita na niya ang mukha nito.
"Okay naman sila, Crystalline. Ah can I ask you something?" lakas-loob namang tanong ng binata.
"Go ahead, Johnson, ano iyon?" muli niyang tanong.
"Puwedi ba kitang maimbita sa labas one of this days para lumabas? I want to be with you too," tanong ng binata.
"Iyon lang naman pala of course naman puweding puwedi." Mabuti na lamang at nasa date ang kambal niya dahil baka tuksuhin na naman siya nito na parang ang alagana niyang pusa na hindi mapakali.
Marami pa silang napagkuwentuhan sa cellphone. Kung hindi pa uminit ang kani-kanilang gadget ay hindi pa yata nila maisipang magpaalam sa isa't isa. At ang kaninang umiiyak na puso ay pansamantalang nakalimot.
"Thank you so much, CJ. But I think I need to say good bye for now. It's getting late already." Pamamaalam ni Johnson kausap.
"Good night, Johnson," tugon nito.
"Sleep well and have a sweet dreams. See you some other day." Nakangiti at tuluyang pinatay ng binata ang linya.
"I know that this is love what I'm feeling right now and I'll make sure that you will love me too." Nang pinatay na niya ang tawag ay tuluyan na siyang nakahilata na sa malambot na higaan.
Yakap-yakap ang kaniyang cellphone. Ang instrumentong ginamit sa pakikipag-usap sa dalagang iniibig. It's still early to say that he is in love but it's real that he was mesmerized and hooked by her beauty since he saw her in a medical mission dew months ago. And he will make sure that they will have a relationship in the future.
Samantala, saka pa lamang pinakawalan ni Jamellah ang malalim na paghinga nang nawala na sa kabilang linya ang kausap. It's not right to use him but she'd rather to hide her feelings than to have rival with her twin sister. They were train by their parents to prioritize their family and that's what she will do.
"Hindi ko alam kung tama ang desisyon kung ito. Subalit sigurado ako na niloloko ko lang ang sarili ko. But I'll do it para maiwasan ang pagsasakitan namin ng kambal ko." Inilapag ng dalagang si Crystalline ang cellphone niya sa bumalik sa tabi ng bintana at tumingin sa kawalan.
Sometimes there are lots of things to give up and sacrifice just to prevent misunderstanding specially when your family is involved. Family first before others. That's how their parents trained them.
Nagdaan pa ang mga araw sa buhay nilang lahat. The two pairs never meet each other together lalo na ang dalawang binata. Pero habang tumatagal ay mas napapatunayan ni CJ sa kaniyang sarili na ang mahal ng kambal niya ang mahal niya. Kaya't halos madurog ng pinong-pino na parang dinikdik na paminta at nailagay sa sugat ng puso niya sa tuwing nakikita niya ang sweetness ng dalawa. Despite the fact that her twin sister's boyfriend never sees her before.
"Diyos ko, ano ba itong nangyayari sa akin. Imbes na matuwa ako para sa aking kambal ngunit hindi ko ito maramdaman. Bagkos halos madurog ngayon ang pagkatao ko sa nakikita kong pagmamahalan nila. Ang lupit ng pag kakataon, kambal. Dahil ang PAG-IBIG MO AY SIYANG PAG-IBIG KO," she said silently as a tearsdrops rolled down on her cheeks.
As the days goes on. Ginawa lahat ni CJ para makaiwas o hindi magpanagpo ang landas nila ng nobyo ng kambal niya. Sa tuwing dumadalaw ito sa kanila ay itinataon din niya ang kanilang paglabas ni Johnson. Ang kasintahan niyang walang kaalam-alam na ginagamit lamang niya upang maitago ang tunay na nararamdaman.
Isang araw habang sila ay nasa pamamasyal ni Johnson.
"Babe, huwag ka sanang magalit dahil may sasabihin ako sa iyo. Can I invite you to come with me in Ilocos Sur?" ani Johnson.
"Anong gagawin natin doon, babe? Akala ko naman kung nakakagalit ang sasabihin mo," nakangiting sagot ni CJ.
"It's our town fieasta in Sta Catalina. And if it's okay with you, gusto sana kitang yayain para mamasyal doon at maipakilala kita sa Nanay ko." Humarap ang binata sa kasintahan.
Noon pa man ay gusto niya itong yayain sa lugar nila. Nais niya itong ipakilala sa Nanay niya. Dahil kahit siya ay nakilala na rin ang magulang nito. Mahal na mahal niya ito at nais niya itong makasama araw-raw. Iyon ang napatunayan niya sa ilang buwan nilang pagiging magkasintahan.
"Hindi ba nakakahiya iyon, babe? Kababae kong tao eh nakikiuwi ako sa bahay ng nobyo ko?" tanong ni CJ.
Hindi naman sa ayaw niyang sasama dahil mayroon naman silang bahay doon na maari niyang tuluyan. Nandoon din ang Tito Ninong niya. Subalit may kung anong tumututol sa kaloob-looban niya sa nabanggit nitong ipakilala siya sa Nanay nito. Hindi rin niya maunawaan kung bakit ganoon samantalang naipakilala na niya ito sa Mommy at Daddy niya.
Hinarap naman ni Johnson ang nobya. Hinawakan ang magkabila nitong palad saka hinalik-halikan. Nauunawaan naman niya ang damdamin nito bilang babae. Ngunit para sa kaniya ay walang nakakahiya dahil sasama lang naman upang makapamasyal at maipakilala niya ito sa pinakamamahal na ina.
"No problem about that, babe. Wala namang masama ah. Nobya naman kita eh normal na sa amin ka tutuloy. Saka isa pa wala naman sigurong problema roon kasi fiesta naman at normal na may mga bisita." Hawak-hawak niya ang palad nito ngunit nakatitig siya rito.
"Kailan ba iyon, babe?" tanong ni CJ. Dahil ayaw din naman niya itong hindian. Ang binatang tunay na nagmamahal sa kanya ng lubos. Kahit pa aminado siyang pinapantakip-butas lamang niya ito.
"Sa twenty-five na iyon, babe. Biyente na ngayon. Ah kaso angng tanong pala ay papayagan ka kaya ng mga magulang mo? I mean, papayag kaya silang sasama ka sa akin sa Ilocos Sur?" Nais niyang batukan ang sarili dahil sa urong-sulong niyang desisyon. Kung kailan may pag-asa nang papayag ang kasintahan ay saka pa siya nakaisip ng kung ano-ano.
"Nasa tamang edad na ako, babe. Ang mahalaga sa akin ay magpaalam ako sa kanila. Upang malaman nila kung saan ako pupunta. So don't worry, babe." Nakipagtitigan pa nga ito sa kaniya na mas nagpalakas sa kabog ng dibdib niya.
"Thank you, babe. Tara na, ihahatid na kita sa inyo upang makausap ko ang mga magulang mo. Gusto ko sanang ipaalam ka ng maayos at personal sa kanila kung okay lang sa iyo," aniyang muli.
"Sure, babe, let's go." Tumayo na rin rito at humawak sa palad niya. Kaya naman ay magkahawak-kamay silang nagtungo sa kipaparadahan ng sasakyan niya.
Ngunit tahimik na ang buong kabahayan nang makarating ang magkasintahan sa tahanan ng mga Mckevin. Kaya naman ay si Johnson na lamang din ang nag-adjust. Hindi naman niya puweding ipilit ang gusto kung tulog na sila. May iba pa namang pagkakataon upang maipaalam niya ang babaeng sinisinta.
"Tulog na yata sila, babe," aniya.
"Don't worry, babe. Ako na lang magsasabi sa kanila bukas. Pasok ka," tugon ng dalaga ngunit malugod itong tinanggihan ng binata.
"Some other time, babe. It's getting late already. Kung ano man ang desisyon mo just make a call bukas para alam ko. Good night, babe. I love you." Magalang niya itong hinagkan sa labi bago siya bumalik sa sasakyan.
Hindi pa nasagot ng dalaga sa nobyo subalit nakabalik na ito sa sasakyan. Kaya naman ay kumaway na lamang siya at hinintay na nakaalis ito. Kaso bago siya pumasok sa gate ay para niyang nakikinita ang sarili na nakapamaywang sa kaniya at nangangaral.
"You're being unfair to him CJ," kastigo ng inner ego niya.
"Ang bilis naman kasi niyang nakaalis eh," out of the blue ay sagot niya. Kaso ang ina naman niya ang biglang sumulpot.
"Sino ang kausap mo anak? At bakit nandiyan ka pa?" tanong nito.
"Ikaw pala, Mommy. Si Johnson po kaalis niya at hinintay ko lang na nawala sa paningin ko ang sasakyan niya at papasok na rin po. Ikaw po, Mommy, bakit gising ka pa?" sagot at tanong ng dalaga sa ina.
"Narinig ko kasi ang sasakyan. Akala ko ay ang Daddy mo kaya ako bumaba," tugon ng ina sa kaniya.
"Wala pa si Daddy? Saan po siya nagpunta eh magkasama po kayo ah." Isinara ng dalaga ang maliit na gate. Pinasadya iyon ng mga magulang niya dahil minsan late na sila umuuwi. Kahit naman sinasahuran nila ang mga guard ay hindi sila abusado. Hindi sila nambubulabog kapag oras ng tulog.
"Umuwi kanina sa Lola Donna ninyo. Dahil itinakbo sa hospital ang Lolo ninyo. Kaya napasugod ng wala sa oras. Sasama nga sana ako pero wala namang maiiwan dito halos kadarating lang din naman ng kambal mo. Ayoko namang manggising sa mga kasambahay natin mga pagod sa trabaho kaya't nagpaiwan na lang ako," tugon nito.
Para namang may kung anong kumurot sa puso ng dalaga dahil sa narinig. Isa siyang doctor at maraming ginagamot sa araw-araw pero ang Grandpa B nila ay hindi man lang niya magawang dalawin. Nang dahil sa kakaiwas niyang magsangga ang landas nila ng nobyo ng kambal niya. Iyon ang napala niya wala siyang kaalam-alam na isinugod na pala sa pagamutan ang Lolo B nila.
"I know what you're thinking right now, Iha. But don't worry because your grandfather is safe now. Naagapan na ang pagtaas ng dugo niya and besides, out patient siya alam naman nating lahat na ayaw na ayaw ng Grandpa ninyo ang nakapunta sa hospital," pahayag ni Grace nang napansin ang pananahimik ng anak.
"Nakokonsensiya kasi ako Mommy wala man lang akong nagawa para kay Grandpa. Bukas na bukas din dadalawin ko siya," malungkot na sagot ng dalaga subalit natigilan nang maalala ang usapan nila ng kasintahan niya.
"Why, CJ? Is there's something wrong with you?" tanong ni Grace sa dalaga.
"Eh, Mommy, magpapaalam nga sana ako sasama sa Ilocos Sur kay Johnson para raw sa town fieasta. Kaso mukhang malabo na kasi may sakit si Grandpa eh." Napayuko siya sa pagkakaalala sa butihing abuelo.
"Anak, you can go para naman makapasyal ka. Since you graduated at pinamahalaan mo ang clinic mo ay madalang ka nang magbakasyon. Pati sa US, ang huling pasyal mo ay noong burol ng Lolo A mo. Marami naman kaming maiiwan dito para alagaan ang Lolo B ninyo. At isa pa I'm sure na matutuwa siya kapag malaman niyang pupunta ka sa Ilocos. Alam mo namang pangalawang tahanan ng mga Lolo ninyo ang Ilocos. Go ahead my dear no problem with us." Agad na lumapit ang Ginang sa anak dahil nakayuko ito at siguradong natatakot ito.
Agad namang yumakap sa ina si CJ dahil sa narinig.
"Oh, anong drama iyan?" tanong ni JP sa kanila na hindi nila namalayang nakalapit.
"You're on fully loaded attire? Where are you going, Janellah Pearl Mckevin?" balik-tanong ni Grace.
"Call of duty,Mommy, kaya't maiwan ko na po kayong dalawa diyan," sagot ni JP.
"At this time, Iha? It's almost midnight," muli ay saad ni Grace.
"Si Mommy naman eh dati mong trabaho ito kaya huwag ka nang magtaka," aniya saka binalingan ang kambal.
"Kambal, ikaw na muna ang bahala kay Mommy." Baling niya rito.
"Take care kambal."
"Mag-ingat kayo ng grupo mo anak."
Duet pa ng mag-inang CJ at Grace.
"Thanks, kambal, Mommy and I really need to go now. My group is waiting for me." Tuluyan na siyang lumabas ng bahay.
Samantalang hinintay naman ng mag-inang Grace at Crystalline Jamellah na nakaalis ng tuluyan ang kambal ng huli bago sila nagkaniya-kaniya ng landas. Tinungo nila ang kani-kanilang silid.
ITUTULOY