Pero bago pa humaba ang buskahan ng magkapatid ay biglang sumimplang ang kanilang main door. Iniluwa ang hot na hot at hindi maipinta ang mukha. Hindi lamang iyon, may kasama pa na careless whispers. Kaso halos masamid silang lahat sa tinuran nito.
"Fuckinn s**t ang gagong iyon! Ang sarap ibala sa kanyon!" bulong ng tagapagmana ni Kaskasera sa pagkamainitin ng ulo at Kaskasera.
"Hey, JP, what's going on with you?" takang tanong kanilang ina ngunit dahil sa nagngingitngit nito ay hindi na yata sila napansin. Nagpatuloy ito sa pagngingitngit at pagbulong.
"Small world daw. Ang hayop eh! Sigurado namang sinusundan niya ako. Kuwagong impakto na iyon! tuloy inulan ako ng tukso ng mga bata! What a hell!" Dahil sa inis ay napasalampak ito sa sofa ngunit patuloy sa pagngingitngit. Hindi na talaga napansin ang mga nakapaligid.
Dahil sa pagngingitngit at galit niya ay wala siyang pakialam sa paligid. Ang isipan ay kung paano makaresbak sa lalaking sumira sa hapon niya. At sa kaseryosohan niya ay hindi na rin niya napansin ang ang pag-upo ng ina sa kaniyang tani. Sa pag-aakalang nasa battlefield siyaay agad niyang pinakawalad ang kamao nang may tumapik sa kaniya. Ngunit agad itong nasalo ng ina. Dahil dito ay natauhan din siya.
"What's going on with you, Janellah Pearl? Kanina pa kami nakikipag-usap sa iyo pero mukhang wala ka sa sariling huwesyo. Ngayon naman ay mukhang pati ako ay gusto mong mapagpraktisan. Aba'y hindi kita uurungan diyan, Iha. May edad na ako subalit hindi mo pa rin ako matatalo sa ganyang bagay," anito kasabay nang pagbaba sa kamao niyang maagap nitong sinalo.
"I'm sorry, Mommy. Naiinis lang ako sa kuwagong iyon kaysarap tiris-tirisin ng pinong-pino." Senserong paghingi ng paumanhin ni Janellah sa ina.
"Who is he or she or whatever? Abah kambal, baka hunk iyan ha huwag mo na pakawalan. Para lalambot ang hot na hot mong heart." Nakangising pang-aasar ni CJ. Kaso agad ding napangiwi dahil para bang may alam siya sa love life samantalang NBSB. No Boyfriend Since Birth.
"Wala akong panahon diyan kambal! Kung hindi lang sana siya humarang-harang sa dinaraanan ko ay hindi sana uusok ang ilong ko ngayon!" Ayon umusok na naman ang ilong.
"Sino nga anak? Sino ba ang poncio pilatong tinutukoy mo? Aba'y kung gusto mong matulungan ka namin sa problema mo ay sabihin mo kung sino siya upang alam namin ang susunod na gagawin." Kunot-noong pangungulit ni Grasya.
Samantalang nakailing na umalis ang mag amang MJ at Adrian. Girls talk na naman daw ang mga ito! May boy's talk naman daw silang mag-ama.
Hindi nga sila nagkamali dahil hindi tinantanan ng mag-inang CJ at Grace ang NBI nilang kausap este si Janellah. Hindi sila tumigil hanggat hindi ipinagtapat ni JP ang dahilan kung bakit nagngingitngit at umuusok ang ilong. Ipinagtapat nga nito ang dahilan kaso napahalakhak ang kanilang ina dahil sa narinig. Paano hindi mapapahalakhak ay manliligaw naman ang dahilan kung bakit galit na galit ito.
"Buti pa si kambal may manliligaw na samantalang ako wala na yatang magkakagusto," hindi maiwasang sambit ni CJ sa kaniyang sarili. Subalit agad niya itong iwinaglit dahil ayaw niyang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaang magkambal though wala naman talaga.
Sa kabilang banda nagkatinginan ang mga kasamahan ni Zack sa apartment nila dahil sa unang pagkakataon ay late itong umuwi at paawit-awit pa.
"Ahem Boss, magandang gabi sa iyo. Mukhang pumapag-ibig ka ah." Tumikhim kasabay nang pangangantiyaw ng isa.
"Abah, hindi naman siguro masama, Pare. Binata naman ang Boss natin." Nakangiti ring panggagatong ng isa.
Dinig na dinig iyon ni Zack subalit hindi niya binigyan ng pansin. Kung pag-ibig na nga ba ang tawag sa naramdaman niya sa pagkakataong iyon ay aminado siyang nagmamahal na siya. Ang babaeng mala-tigre sa tapang. Animo'y ibon sa bilis nang pagmamameho. Sa pag-iisip niya sa babaeng bumihag sa puso niya ay napangiti lamang siyang dumaan sa harapan ng mga tauhan niya. Dumiretso siya sa kaniyang higaan ngunit patuloy sa pagkanta.
Kaya naman ay nagkatinginang muli ang mga tauhan. Tinginang may nais ipakahulugan.
And they have only one thing on their minds.
Major Zack Espinoza is in love!
But!
Kanino daw?
Huwag n'yo na daw alamin dahil siya raw nagsasabi sa inyo.
Again they agreed make a joke to their Boss lalo at nakabukas ang room nito. Kaso hindi pa sila nakapasok ay napahinto sila dahil pati ang pagmo-monologue ay pinasok na rin yata.
"She's so beautiful lady. I know I'm in love with her." Nakatutok ang paningin ni Zack sa cellphone niyang ginamit sa pagkuha ng larawan nito. Iyon nga lang ay stolen shots. Pero walang problema ang mahalaga sa kaniya ay may nakuha siyang larawan at matingnan niya araw-araw.
"Mas maganda pa sana siya kung hindi laging galit sa akin. Pero hindi bale liligawan ko siya. I'll make her fall for me as I love her," bulong niya.
Subalit dahil nakatutok ang atensiyon niya sa cellphone ay hindi niya napansin at mas hindi naramdaman ang paglapit ng mga tauhan niya. But there's something crawling on his neck.
"Holy Christ! What's happening on earth!" hiyaw ng binata nang maramdaman ang parang uod sa kanyang leeg. Only to found out that it's just a lace of his shoes.
Pero bago man niya malaman kung sino-sino ang may kagagawan sa paghiyaw niya ay nagsipanakbuhan na sila palabas. Tawa pa nang tawa ang mga kulokoy niyang tauhan. Siya na naman ang pinagtripan nila. Ganoon pa man ay wala na rin siyang nagawa kundi ang napailing. Binalingan niya ang cellphone niyang lumipad at naglanding din sa kaniyang higaan.
"Crazy men humanda kayo sa akin. Maybe not now pero tingnan natin kung makagawa pa kayo ng kalokohan sa akin. Subalit sa ngayon ay pagbibigyan ko muna kayo because I'm in love." Nakailing niyang iniayos ang ilang gamit niya bago tuluyang naligo at nag-dive sa higaan niya at ilang sandali pa ay hinila na rin ng karimlan.
As the days goes on!
Simula nang makausap ni Zack ang dalagang si JP ay naging regular na ang pagdalaw niya sa tahanan ng mga Mckevin. Gusto niyang iparamdam sa dalaga na seryoso siya sa panliligaw. Alam niyang hindi magtatagal ay mapapalambot din niya ang puso nito.
"Ahem, Bossing, mukhang iba na talaga iyan ah," pamumuna nga sa kaniya ng isa sa mga tauhan niya.
"Ikaw talaga oo ako na naman nakita mo. Of course mahal ko nga ang tao and hopefully she will say yes na sa panliligaw ko." Itinigil niya ang pag-aayos sa gamit niya saka ito hinarap. And as he answered him he continued what he is doing as he gave the mirror.
"In love ka nga, Boss. Kanina ka pa kaya sa harap ng salamin. Isang oras ka na yata riyan subalit hindi ka pa rin natatapos." Nakangising pangangantiyaw naman ng isa.
"Huuh! Grabe ka naman. Ganoon na ba ako katagal sa harap ng salamin? Matulog na lang kaya kayo kaysa ako ang pinagdidiskitahan ninyo." Nakailing niyang binalingan ang mga ito. Aalis na nga lang siya para sa regular niyang pagdalaw sa dalagang iniibig ay pinaulanan pa siya ng sangkatutak na pangangantiyaw.
"Alangan namang si General ang pagdiskitahan namin samantalang ikaw ang aming kaharap," wika pa ng isa.
"Pinagkakaisahan n'yo ako eh. Makaalis na nga ako." Napailing na lamang siya. Siya rin naman ang may kasalanan dahil palabiro siya sa mga ito. Walang amo o tauhan kapag nasa apartment sila. Ngunit out of respect daw ay Boss pa rin ang tawag sa kaniya.
Samantalang hinintay ng mga tauhan niya na nakaalis siya bago sila nagpatuloy.
"In love nga si Boss," saad ng isa habang nakatanaw sa papaalis nilang amo.
"Hayaan mo na, Bro. Mabuti nga iyon upang magka-love life na rin siya," wika pa ng isa.
"Kung hindi ako nagkakamali ay ang babaeng halos masagasaan tayo noong unang araw natin sa kampo. Well, bagay naman sila lalo at parehas na alagad ng batas." Hindi rin nagpatalo ang isa.
Tuloy!
Ang usapan nila ay humaba pa bago sila nagsibalik sa kanilang higaan.
Dumaan muna sa isang sikat na flower shop si Zack at bumili ng isang dosenang white roses at pinalagyan ng I Love You, Janellah Pearl.
"Heto na, Boss. Siguradong sasagutin ka na nang pag-aalayan mo sa bulaklak na iyan, Boss." Iniabot ng flower vendor sa kaniya ang bulaklak na binili niya para sa babaeng pumukaw sa damdamin niya.
"Sana nga po, Kuya. Kasi mahal ko po siya," magalang niyang sagot.
"Sigurado iyan, Boss. Sa guwapo mong iyan ay siguradong sasagutin ka na niya at idagdag pa ang dala-dala mong bulaklak. May magic ang mga rosas, Boss. Kaya't alam kong sasagutin ka niya," saad ng tindero.
"Maraming salamat po ulit, Kuya. Sige po mauna na po ako." Nakangiti niyang tinanggap ang biniling bulaklak saka muling tinungo ang sasakyan niya.
Matapos niyang mailapag ng maayos na parang babasaging crystal ang fresh white roses ay pumaikot siya nagtungo sa harap ng manibela at saka ito binuhay.
"Sana may magandang resulta ang gabing ito, Janellah. Ilang buwan na rin ang nakalipas at siguro naman ay nakapagdesisyon ka na kung ano ang sagot mo sa pag-ibig na inaalalay ko sa iyo," bulong niya habang ang mga mata ay nakatutok sa daan.
Kaso ang sutil nilang inner ego ay nagsimula na namang manutil.
"Paano kung wala pala siyang nararamdaman para sa iyo?" nakikinita niya ang kaniyang sarili na nakapamaywang sa kaniya kasabay nang pagtatanong.
"Well, hindi naman niya kasalanan kung hindi niya ako mahal. Ang importante ay magpakatotoo siya kung ano ang nararamdaman niya dapat iyon ang sabihin niya." Nababaliw na yata siya! Kausap niya ang sarili.
Pero ang isipan niya ay talagang handang-handa siyang sutilin.
"Hindi ka ba iiyak, aber? Baka mamaya babaha ang apartment ninyo kapag ikaw ang mabasted ni Madam Janellah. You know it's hurt to be rejected by a person you love the most," muli ay pangaral ng isip niya.
"Keep quiet hindi ka nakakatulong eh. You're just making me nervous." Nababaliw na talaga siya dahil pinapangaralan ang sarili at pinapagalitan!
Para tuloy niyang nakikita ang sarili na naka-wiggle-wiggle este giggling. He is giggling upon thinking on what's he's doing. He is just same as the other man who is feeling blue because of love. For the first time in his life, he felt something inside of him. He love the woman who never leave his mind.
Samantala, yamot na yamot ang dalagang si JP dahil imbes na matulog na siya ay lalabas pa para sa date raw nila ng sira-ulo niyang manliligaw. Disturbo sa pagtulog at pamamahinga. Himutok tuloy siya nang himutok. Hindi pa naman siya sanay na lumalabas sa gabi kung hindi dahil sa trabaho. Subalit sa gabing iyon ay lalabas siya dahil sa date!
"Ang baliw kasi na iyon eh!" gigil niyang patungkol sa binata. Lintik kasi ang kuwago eh. May pa-date date pa na nalalaman.
Tuloy!
"Oh kambal, para ka nang hindi makapanganak na inahing baka dahil sa kakalakad mo. Nervous or excited?" patanong na pangangantiyaw ni CJ sa kambal niya. In her mind, how lucky she is to have a suitor. Unlike her, no one sees her as a woman to be love. She's just a simple surgeon who saves lives.
"Huwag ka nang mangantiyaw kambal. Ang hudas na iyon eh, may pa-date date pa kasing nalalaman. Kay sarap itali sa swing at paglambitinan ni miming." Napasimangot itong nangalumbaba sa harapan ng salamin kaysa magbihis.
"Kambal, it's better for you wear dress na baka nasa baba na ang boyfriend mo," ani CJ. But she feel pain upon saying those words to her twin.
"Hindi ko pa siya boyfriend, kambal. Ngunit balak ko na siyang sagutin tonight upang matigil na siya," hindi pa rin makapakaling tugon ni JP.
"Buti pa nga kambal kaysa naman paasahin mo ang tao." CJ shows her best smile. She want to congratulate and support her twin sister. She felt pain but she can hide because it's for her twin. And besides, she doesn't have any right to have that jealousy.
"Hindi ko naman siya pinapaasa, kambal. Dahil sa katunayan ay binigyan ko na siya ng pag-asa," anitong muli.
"Good for you, kambal Kaya't magbihis ka na rin kaysa naman paghi---"
"Saglit kambal may kumakatok." Napatigil ni CJ sa pananalita nang may kumatok sa pintuan ng room ni JP.
"Sige kambal at ayusin ko lang itong suot ko. Tama na ito date lang naman eh," tugon nito.
Agad namang tinungo ni CJ ang pintuan saka binuksan ito.
"Ako ito manang si JP." Nakangiting biro ni CJ sa katulong na hakata sinisino siya.
"Ah, akala ko po, Ma'am, nagkamali na naman ako ng kinatok na room. Ito ang mahirap sa may iisang mukha." Napakamot sa ulo ang may edad na rin nilang kasambahay.
Gusto namang mapahalakhak ni CJ dahil sa reaksiyon ng katulong. Pero nang naalala na hindi pa nito nasabi kung ano ang dahilan nang pangangatok nito ay bigla siyang napaseryoso. Subalit ang tawa ay muling nagpakita sa buong mukha niya dahil sa hitsura ng kasambahay.
"Manang, halos kayo na ni Mommy ang nagpalaki sa amin ni JP pero hanggang ngayon hindi mo pa rin mapagsino ang bawat isa sa amin ni kambal. Ako po ito si CJ, nandito lang ako sa room ni kambal. Ano nga po pala ang sasabihin mo at nangangatok ka po kayo?" nakatawa niyang tanong.
"Sabi ko na nga ba naku, CJ. Hindi ako nagkamali pero bago ko makalimutan ang lahat pakisabi kay Janellah na nandiyan na ang sundo niya," nakangiwi nitong tugon.
"Sige po, Manang. Pakisabi sa bisita ni kambal saglit lang. Ako na po magsasabi sa kay kambal," sagot niya.
"Salamat, CJ. Ako'y nahihilo pa rin sa inyong dalawa paminsan-minsa hanggang sa kasalukuyan." Tumalikod na ito at pumanaog sa unang palapag ng kabahayan.
Nang naisara ni CJ ang pintuan ay agad siyang bumaling sa kambal. Nakasuot nga ito ng disenting damit pero astig naman ang dating. Slacks na itim at may ternong puting blouse pero may gold style na design sa gitna pero hindi naman ito zipper.
"Tapos ka na ba, kambal? Nasa baba na raw ang magiging bf mo," aniya rito.
"Okay na itong suot ko kambal. Bahala siya at sana ay madismaya sa suot ko at huwag na ako ang kulitin." Muling pinasadahan JP ang sarili sa salamin ngunit may kasama namang careless whispers. Hindi matukoy kung may kausap ba o talagang nababaliw dahil sa pag-ibig.
"Kahit ano pa man ang susuitin mo bagay pa rin sa iyo, my dear twin sister. Good luck sa inyong dalawa, kambal. Sige at babalik na ako sa room ko para makapagretouch ka bago ka bumaba at harapin si Mr right mo." Hindi niya talaga maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib sa tuwing binabanggit ang nobyo o kasintahan.
"Tapos na ako kambal kaya't baba na rin ako. Salamat pala kambal." Tumayo na nga ito saka nagsimulang lumakad palapit sa pintuan.
"Walang anuman kambal sige na baka mainip siya ikaw din sige ka," pabiro niyang wika.
"Tara, kambal," nakangiti rin nitong sagot.
Sabay silang lumabas sa kuwarto ni JP. Subalit si CJ bumalik sa sariling silid samantalang si JP ay pumanaog sa kanilang sala. Kung pumanaog si JP si CJ ay nagmadaling bumalik sa kaniyang kuwarto at bahagyang binuksan ang kurtinang tumatabing sa glass window saka pasimpleng sumilip. Pinanood niya ang pagbaba ng kambal niya at pagsalubong ng manliligaw nito.
"I'm wishing you all the best," bulong niya bago ibinaba ang kurtina saka tinungo ang sariling higaan saka nahilata kahit hindi inaantok.
ITUTULOY