Sa kabilang banda sa isang liblib na lugar sa Ilocos Norte. Ang grupo ng kernel at ng tauhan nitong captain na siya ring kasabwat sa lahat ng lakad nila. Kumbaga pagkalabas nila sa Camp Oasis ay sa lugar na iyon sila muling magkikita kita.
"Captain Alvarez, ano ang balita sa Narcotic Department?" tanong ng kernel.
"Si Boss naman interogation agad wala ba man lang tagay diyan?" birong totoo ng capitan.
"Tado ang sabihin mo babae! Inaatake ka na naman ng libog sa katawan!" Nakangising singhal ng kernel.
"Kasama na rin iyon, Boss, ikaw naman. Alam mo namang under observations yata tayo ng kuwagong iyon eh." Napakamot tuloy sa ulo ang Captain.
"Who?" tanong ng kernel halatang may kuryusidad.
"Sino pa ba kundi ang Boss nating walang utak." Napaismid tuloy ito.
"Umayos ka, Captain Alvarez! Anong malay ng General Santiago na iyon eh halos lahat na yata tayo sa Camp Oasis ay nasa panig ko na!" pasinghal ding tugon ng kernel.
"Boss, mas mainam na rin ang nag-iingat tayong lahat. Alam mo namang kahit parang aso't pusa sila ng Espinoza na iyon eh pagdating sa ganitong bagay ay magkakampi sila. At hindi natin alam kung kaisipan lang din ng general na iyon na malipat sa Camp Villamor ang gagong iyon. Malay natin paraan lamang nila iyon upang makapagmanman sila ng maayos," pahayag nito.
"Hmmm you gave me a matter of fact to think. But what made you think of that Captain?" Napahawak sa sentido ang kernel dahil sa narinig.
"Si Boss naman nailiko na ang usapan eh pero ganito iyan, Boss. Minsan wala si General Santiago, minsan laging nandiyan at ang pag-away bati nila ni Espinoza ay alam kung front cover lang nila iyon para hindi tayo magtaka o maghinala. At kung tungkol sa Narcotic Department, ayon sa tao nating nakatalaga doon ay napeke na nila ang resulta ng lab test ni Tenyente Roxas. Pero humihingi sila ng karagdagang pundo para sa patuloy nilang suporta sa departamento natin," pahayag ni Captain Alvarez.
"Na naman? Palagi naman tayong nagbibigay sa kanila ah! Ano pa ba ang gusto ng mga iyan!" may kalakasang ani ng kernel.
Dahil dito ay napasugod ilang tauhan nila. Dahil sa pag -aakalang may masamang nangyari.
"Boss, may problema po ba?" tanong ng mga ito.
"Wala, Waldo. Nagkakasiyahan lang kami ni kernel. Puwedi na kayong bumalik sa mga puwesto ninyo," tugon ni Captain Alvarez.
"Tama si Captain Alvarez, Waldo. Puwedi na kayong bumalik ng mga kasamahan mo sa inyong puwesto. Ngunit maging mapagmasid kayo dahil hindi natin alam kung nasa paligid lang natin ang mga kalaban alam n'yo na," segunda ng kernel.
Kahit kumukulo ang dugo sa ibinalita ng tauhan ay pinigilan pa rin niya ito. Dahil ayaw niyang mabulilyaso ang mga plano nila lalo at nabibilang na ang kasabwat nila sa Narcotic Department. Ang mga tauhan nila sa Narcotics na tumatakip sa mga drug addict na katulad nila kapag dumadaan sila sa lab test.
"Ah sige, Boss. Enjoy your night po nasa labas lang po kami kapag may kailangan kayo." Lumakad na si Waldo palabas sa hide out nila.
"Ano ngayon ang plano mo, Boss? Isa pa pala ay may shipment sa Nueva Ecija. Itinaon nila sa linggo at ang sabi nila ay darating daw ang ilan sa mga back up natin at investors natin mula sa China. Alam mo namang ang mga insektong iyon ang malalakas nating investors. Kaya kailangan natin ang makipag-coordinate sa iba nating kasapi para sa proteksiyon natin. During the whole operation and you know what I mean, Boss," muli ay pahayag ni Captain Alvarez.
"Wow! You have a very good report today, Captain Alvarez. It seems that you really wants to go somewhere." Nakangising panunukso ng kernel.
"Si boss naman, alam mo namang iyan lang ang kaligayahan ko. Ay mali dahil mas tamang sabihin na iyan ang pumupukaw sa pagod ko sa trabaho natin lalo na kapag sinusumpong ang kuwagong iyun at maraming ipinapagawa." Napakamot sa ulo na nakatawa ang iskalawag na opisyal.
"Tado! Mag-ingat din kayo riyan. Abah, baka mamaya niyan dahil sa kalibugan ninyo ng mga kasamahan mo ay nagkaroon na pala kayo ng sakit na AIDS at SARS diyan," bagamat nakatawa ang opisyal sa pagsasalita ay halata pa rin ang pag-iingat.
"Don't worry, Boss. Everything is under the blue moon in moonlight night." Nakangisi na ring hinarap ni Captain Alvarez ang superior. Alam niyang kaunting push pa ay papayag na rin ito.
"Ogag! Lumayas ka nga sa harapan ko, Alvarez. Isama mo na rin ang mga tauhan mo but make it sure na walang ebidensiya sa kalat ninyo at ikaw be sure to be at the Camp on time." Nakatawang nakalahad ang palad ng opisyal tanda lamang ang pagpapalayas kapwa opisyal na itim ang budhi. Sila na rin ang sumisira sa imahe nilang mga alagad ng batas.
"Kung kanina pa sana, Boss. Eh 'di nakarami na sana ako pero thanks na rin," sagot niya saka iniwan ang boss nila. Dinaanan ang mga ilan sa tauhan niya at tuluyang iniwan ang hide out.
Sa kabilang banda dumiretso nang uwi sa kanilang apartment si Zack pagkahatid sa nobya. Subalit imbes na dumiretso siya sa kaniyang kuwarto ay naisipan niyang magpaantok muna. Kaya't sa kusina siya nagtungo at kumuha ng beer in can at dinala sa kuwarto saka pumunta sa balkonahe ng room niya.
"Bakit ganoon? Alam ko namang mahal ko siya at mahal niya ako, pero bakit ganoon? Bakit parang may pakiramdam akong hindi sumasang-ayon sa relasyon namin?" bulong niya sa kawalan sabay lagok sa beer na hawak niya.
"Are you sure of that, major Espinoza? O baka naman dinadaya ka lang ng sarili mo? Baka naman nagkakamali ka lang na mahal mo siya at mahal ka niya? At ilang buwan na kayong magkasintahan pero hindi pa yata sumagi sa isip mo ang salitang kasal." Ang sutil niyang isip ay kinakastigo siya.
"Huuh? Kasal?" parang baliw na usal at sagot niya sa sarili.
"Kita mo, Major Espinoza, nagulat ka sa salitang kasal ah. Every women wants to be married to the right men whom they love. Subalit ikaw, Major, parang wala pa yata sa utak mo ang salitang kasal ah," sagot ng kaniyang inner ego.
Hindi nakaimik ang binata sa pangangastigo ng sarili niya sa kanya. Dahil totoo naman kasing simula noong naging magkasintahan sila ng nobya niya hanggang sa kasalukuyan ay hindi iyon sumagi sa isipan niya. Halos araw-araw silang magkasama sa pamamasyal sa hapon lalo na kapag wala silang duty sa gabi. Ngunit inaamin niyang kailanman ay hindi niya naisip ang ayain ito na magpakasal sila. Sa kaisipang iyon ay muli siyang bumulong.
"Pero mahal ko siya. Mahal ko si Janellah Pearl at sigurado akong mahal niya ako---"
Hindi na natapos ng binata ang pananalita niyang mag-isa dahil tumunog ang cellphone niya. Kaya't dali-dali niya itong kinuha sa bulsa saka ito sinagot.
"Hello, ha? Kailan pa iyan? Oh, sige-sige basta mag-ingat kayo riyan. Darating kami. Sige, bye na basta mag-ingat kayo diyan at iwasang makagawa ng hakbang na ikakabulabog nila." Pinatay na niya ang cellphone at muling ibinulsa saka lumabas sa kuwarto niya. Mabilisan niyang binulabog ang mga tauhan niya upang makapaghanda rin.
"Tumawag ka ng back up, Sarhento. Mas mainam na ang sigurado," ani Lt. Andaya kasamahan sa raid na kanilang isinagawa.
"Ang sabi ni Boss ay may entrapment din ang grupo ni Villagracia at ayon din dito ay ang pangkat ng taga-NBI ang sasalakay doon. Dahil mas mahigpit ang mga kalaban nila. Mckevin naman ang sabi ni Boss na naka-assigned doon," tugon ng sarhento.
"Si Boss Zack ang tawagan mo. I'm sure darating iyon kahit anong oras," muli ay wika ni Lt. Andaya.
Hindi na sumagot ang sarhento bagkos ay tinawagan niya ang kanilang, si Major Espinoza. Not totally nay Boss nila ito kundi nakakataas lang ito sa kanila at dahil nasa ibang departments ito. Ngunit bilang mga alagad ng batas ay nilalapitan nila ito. Malapit nilang kaibigan ang young major kaya kahit hindi ito sa department nila nakaassign ay nakakahingi sila ng tulong.
"Sagutin mo, Boss," bulong ng sarhento.
"Anong sabi niya, Sargent?" tanong na naman ng Tenyente.
Hindi sumagot ang sarhento pero itinaas ng bahagya ang isang kamay para patahimikin ang kausap.
"Good evening, Major. We need back up here. Yes, Sir, dito sa may malapit sa boundary between Baguio at La Union. Yes, Sir, napapalibutan na ang buong building pero kailangan namin ang back para makasigurado sa tagumpay. Salamat, Sir, kayo rin po ng mga tauhan mo, mag-ingat sa pagpunta rito." Nakataas ang palad ng sarhento dahil sa wakas ay nakausap ang taong nais hingan ng tulong.
"Okay na, Tenyente. Darating ang grupo ni Major Espinoza para may makasama tayo. Sa kabilang grupo, ano kayang balita doon?" muli ay tanong sarhento sa kasama.
"Mabuti naman kung ganoon, Sarhento. Ikaw muna ang mag-watch out at tatawag ako kay Ma'am JP." Nagkapalit nga sila ng puwesto.
Nagpalit ng puwesto ang dalawa si Tenyente ang tumawag sa kay JP at si Sarhento ang naging watch out. Para-paraan upang makasigurado sa kaligtasan ng lahat. Para sa tagumpay ng kanilang lakad ay kailangan nila ang double pag-iingat.
Samantala matapos pinatay na ni Zack ang tawagan ay agad niyang ihinanda ang sarili with full loaded attire. His two 45 caliber was placed to his back, his belt in his work was full of magazines too. At sa bulsa ng jacket niya ay may ilang piraso ng granada. Two knives was placed both on his combat shoes. Then he put up his cap.
The .45 ACP (11.43×23mm) (Automatic Colt Pistol), also known as the .45 Auto by C.I.P. or 45 Auto by SAAMI, is a cartridge designed by John Browning in 1904, for use in his prototype Colt semi-automatic .45 pistol and eventually the M1911 pistol adopted by the United States Army in 1911.
"Diyos ko, ikaw na po ang bahala sa akin, sa amin ng mga kasamahan ko," taimtim niyang dasal bago lumabas at binulabog ang mga kasamahan niya o mga tauhan niya.
"Men get ready we need to go out and Lt. Andaya and Sergeant Rosales needs a back up. Move!" he ordered them with full of authority.
Call of duty, and they're in the middle of dream but as they promised that they'll serve and protect their country men. They all got up and prepared themselves as fast as they could. In a few minutes all of them too were in their fully loaded attire as their Boss.
"Kagaya ng lagi kung ibinibilin sa ating lahat sa tuwing may lakad tayo guys take care." Binalingan at binilinan ng binata ang mga tauhan. Kahit hindi sila magkakadugo subalit magkakatrabaho sila. Iisa ang layunin nila kaya't may halaga silang lahat sa kaniya.
"As you are, Major. Take care too, we all know that bullets are traitors," tugon nila.
"Let's go men," sagot ng binata at nauna nang lumakad palabas ng tahanan nila.
They made their way to the place where the opponents dwells as they pursuing their business or prohibited drugs businesses, they'll have exchanges of the equipment . Money and prohibited drugs exchange in short.
Sa kabilang banda, hindi mapakali si CJ dahil sa hindi niya maunawaan ang sariling nararamdaman. Alam niyang niloloko lamang niya ang kaniyang nobyo at patuloy niya itong niloloko hangga't sila ay may relasyon.
"Diyos ko, hindi ko po alam ang gagawin ko, Ama. Tulungan mo po akong magdesisyon. Pilit ko naman po itong itinatago at nilalabanan ang tunay kong damdamin. Subalit bakit po ganito, Ama? The more I'm avoiding him, mas napapatunayan ko sa aking sarili na mahal ko siya pero ayoko pong kalabanin ang kambal ko, Ama. Ano po ang aking gagawin, Ama?" Nakatingin siya sa kawalan at animo'y binibilang ang mga nakikitang ilaw na nagmumula sa mga bahay-bahay sa paligid nila.
"Ituon mo na lang ang iyong atensiyon sa nobyo mo. Sumama ka sa kaniya sa Ilocos upang kahit papaano ay maiwasan mong makasalamuha ang kasintahan ng kambal mo kahit pa hindi kayo nagkikita," pangaral sa kaniya inner ego.
"Kung sa pag-iwas ay matagal ko ng ginagawa iyan. Kahit kailan ay hindi pa nga kami nagpang-abot ng husto. At mas hindi nga kami pormal na magkakilala dahil ayokong mapalapit sa kaniya. Dahil alam kong ipagkakanulo lamang ako ng aking sarili." Napatingala siya sa mga bituing nagniningning mula sa pagtitig sa kawalan habang kausap ang sarili.
"Alam mo, mas niloloko mo lang ang sarili mo at higit sa lahat niloloko mo ang nobyo mo. Kung hindi mo siya magawang mahalin hiwalayan mo na siya kaysa naman patuloy mo siyang pinapaasa. Ikaw na rin ang nagsabing tapat siyang nagmamahal sa iyo ngunit dahil ibang lalaki ang mahal mo ay iwasan mo na siya habang maaga pa!" Nakikinita tuloy niya ang sariling nakapamaywang sa kaniya habang pinapangaralan siya.
"Hiwalayan? Para saan pa? Para saktan siya? Ayokong masaktan siya o umiyak dahil sa akin mas nanaisin ko pang ako na ang magdusa kaysa isa sa kanila." Mula pagkatingala ay naupo naman siya sa sementadong upuan sa balkonahe ng silid niya.
"Ano sa tingin mo, CJ? Ang ginagawa mo sa kaniya, hindi ba panloloko ang patuloy mong pakikipagrelasyon sa kanya? Patuloy mo siyang sinasabihan ng I Love You too kahit iba ang tinitibok ng puso mo? Wake up, Crystalline Jamellah. It's better to be true to yourself than your hurting him as well as yourself." Nang dahil sa pag-ibig ay nababaliw na talaga siya.
She's in the middle of a deep that time when her mobile rang up. Upon knowing who's the caller her conscience strikes once again.
ITUTULOY