BLOODY PEARL

1405 Words
“Pukay, paano kung mamatay ako, nagkasakit ako o baka nagkaroon ng komplikasyon ang mga ginagawa mo sa akin.” seryosong sabi ko kay Pukay. Totoong masakit ang suntok niya. Hindi ko akalain na malakas pala sumuntok si Pukay. Parang lalaki nga. “E kasi naman ikaw eh! Nakakapikon ka na.” ang tabil talaga ni Pukay kaya lalo akong naaakit na halikan siya lalo na kapag nagsusungit. Ang haba ng nguso, parang bibe. “Pukay, sigurado ka ba na babae ang gusto mo?” seryoso pa rin ako. Tumitig sa akin si Pukay saka nag taas baba ang ulo ng ilang beses. Napa buntong hininga lang ako. “Baka naman kasi dahil madalas kang manood ng ng mga pictures ng hubad na babae.” “Pakialam mo ba kasi? Hoy, Lowi Watson, wala akong natatandaan na pinakialaman kita sa mga babaeng iniuuwi mo rito. Mind your own business ika nga, gets mo?” taas pa ang isang kilay sabay irap ng mga mata. “Pero Pukay…ang ganda mo. Akin ka na lang, please.” malumbaba ako at nag blink blink ang aking mga mata. “Hmp! Ikaw talaga, sampalin kaya kita ulit at ng magising ka sa pantasya mo. Marami na akong naka-s*x na babae at masarap. Ayaw ko nga ng lawit ng lalaki, eww. Kadiri ‘yun,” kumislig pa ang katawan ni Pukay sabay ngiwi ng labi. Diring-diri talaga siya kapag na-i-imagine ang p*********i ko. Bigla na naman umiral ang kapilyuhan ko. ”Pukay, maging honest ka nga sa akin. Magkaibigan naman tayo. Walang biro at walang malisya, tanong lang ito. Nakakita ka na ba ng ari ng lalaki?” napanganga si Pukay at nabitawan ang bulak na hawak. “Hinayupak ka talaga! Dami-daming itatanong, etits pa talaga ang inaalam mo! Letse ka! Halika dito!” mabuti na lang nakawala ako, sinabunutan ako ni Pukay. Ang hapdi sa anit, may sumabit yata na ilang hibla. Nakakatakot si Pukay talaga. “Ano ka ba? Walang malisya ‘yun. Malay ko ba kung oo o hindi? Matanda na tayo, Pukay. Nasa tamang edad na tayo para pag usapan ang bagay na yan. Ano ang mali sa tanong ko? Saka nagtatanong ako ng maayos.” nainis na rin sa kanya. Masyadong bayolenge. Konting kibot ko galit. “Ang kulit mo kasi. Napaka mo!” gigil niyang duro sa akin. Pikon na pikon na talaga. Pero dahil likas na naman talaga sa akin ang makulit, sinulit ko na. Nasaktan na niya ako, kinagat, binugbog at sabunot, itotodo ko na ang pang aasar sa maganda kong Pukay. Kahit kasi galit na galit si Pukay ang ganda pa rin. Mas lalo akong naaakit galitin siya. Pero ngayong araw na ito, sobrang mainitin ang ulo. Teka…. ”Aha! May regla ka ngayon ano? Kaya siguro ang init ng pukz mo, este ulo mo. Hahaha!” lakas ng tawa ko dahil posibleng tama ang hula ko. “Hmp! Diyan ka na nga! Bwesit!” biglang nalungkot ang mukha ni Pukay, parang paiyak na at binato ang bulak na hawak sa sahig. Mabilis itong tumalikod at naglakad papunta sa kwarto niya. Halos malaglag an gibang frame na nakasabit sa dingding sa lakas ng pagkakabalibag niya sa pinto. Fully paid naman itong condo ko pero wala akong balak gibain. Si Pukay talaga, hindi marunong magpahalaga basta tungkol sa akin. Inayos ko ang mga ginamit namin sa paglilinis ng sugat ko. Pagkahugas ko ng kamay, agad kong nilabas ang hot water bag at nilagyan ko ito ng mainit na tubig. Binuksan ko ang drawer ng sweets, naglabas ako ng isang dairy milk chocolate at ilang Tootsie Roll bars. Paborito ni Pukay ang Tootsie Rolls, sabi niya ito ang napakasarap ngunit affordable sweets na kayang ibili sa kanya ng nanay niya noon. Kaya madalas akong may stocks ng mga paborito ni Pukay. Hindi nga lang ito napapansin ni Pukay. Hindi niya alam na pampered siya sa bahay na ito, katunayan, spoiled siya sa akin. Apple of my eye ko si Pukay noon pa. Hmmm. Palagay ko hindi nagagalit si Pukay dahil hinalikan ko siya. Siguro galit siya dahil sa takot na makapa ko ang bayag este pasador nya. Hahaha. Natatawa ako kay Pukay ko. So, dinudugo ang kabibe ni Pukay ngayon. Bago ako pumunta sa kwarto ni Pukay, siniguro ko muna kung tama nga ang ovulation calendar nya sa cellphone ko. Ewan ko ba, may mga panahon na naman na hindi ganito ang mood ni Pukay kahit meron siyang regla pero today, ang wild niya talaga. First time kong mayakap at kinarga si Pukay baka kaya ganun ang reaksyon niya. Ehem, mukhang may chance na yata ako sa Pukay ko. Pagtapat ko sa kwarto ni Pukay nilapat ko ang tenga ko. Nakarinig ako ng tila umuungol. “Pukay…Pukay….” tawag ko sa kanya habang kumakatok. Hindi sumagot si Pukay kaya sinubukan kong pihitin ang door knob. Madilim sa kwarto niya. Sinara pala niya ang wall curtain ng bintana. Konting liwanag lang ang lumulusot sa siwang. Binuksan ko ang ilaw dahil hindi sumasagot si Pukay. “Pukay?” malalaki ang hakbang kong lumapit sa kanyang kama. “Ang sakit ng puson ko…” nakangusong sabi niya. “Here, put this..” bigla akong napa english, e kasi naman, sobrang concern ko sa kanya. “Huwag mo nga akong ini-english, baka maisampal ko lang sa mukha mo ang hot water bag na yan.” mahinahon na nga magsalita pero masungit pa rin ang sinasabi. “Gusto mo ng sweets? Dairy milk or tootsie roll? O baka ako ang gusto mo?" nakangisi kong sabi. Bigla ba naman akong sinipa ni Pukay, kasasampa ko lang sa kama niya, nahulog tuloy ako at nakailang guling sa sahig. Mabuti na lang at fully carpeted ang buong condo ko, pati kwarto nitong balasubas kong alalay, carpeted din. “Aaawww, ouch! You, bastard! Papatayin mo ba talaga ako? Patikim mo muna sa akin ang kabibe mo kahit may dugo, payag na ako basta mamatay ako sa sarap. Grabe ka talaga sa akin Pukay!” galit kong sabi sa kanya habang tumatayo, hinimas himas ko ang balakang ko na medyo napuruhan. Uugod ugod akong naglakad pabalik sa kama. Hindi na ako nagpaawat, sumampa na ako sa kama at dinampot ang mga sweets kong dala. Binilang ko ang tootsie roll kulang ng isa. Nakita ko na lang tinatalupan na niya ang isa. Napangiti ako, parang walang nangyaring sipaan at gulong sa sahig na nangyari. Tinapik ni Pukay ang bakanteng parte ng higaan na ang ibig sabihin niya ay doon ako pumwesto. Baliktad na talaga ang panahon namin ni Pukay. Naturingan ko siyang alalay pero heto ako, sunud sunuran sa kung ano ang inutos at gagawin niya sa akin. “Himala, parang kanina namamaluktot ka sa sakit, ngayon kalmado ka na,” pang aasar ko pa rin sa kanya. Sabi ko lang iyon, pero alam ko naman na masakit pa rin. Syempre dahil kaharap na naman niya ako, paninindigan niya ang pagiging lalaki kuno. “Watson, manahimik ka na lang kaya, pakitapal ng hot water bag sa puson ko para may silbi ka.” inis nito sabi. Umayos ito ng higa saka nililis ang maluwag na t shirt hanggang tiyan niya. Wala itong pakialam kung ma-expose sa mga mata ko ang katawan niya as long hindi ito private part. O di kaya ay pini-flex lang siguro ang brief niyang itim na CK ang tatak sa malapad nitong waistband. Napaismid ako. Eto yung mga brief sa bangketa na mali mali ang spelling galing sa mga branded clothes. “Ano pa hinihintay mo? Ipatong mo na!” siga at nakadilat ang mga mata na utos nito sa akin. “Hay, Pukay ko. Bloody pearl ka ngayon, alalahanin mo. Patunay lamang ‘yan na babae ka. Akin ka na lang ha kapag ayaw mo na sa babae. Darating ang araw na iyon, Pukay at nandito lang ako, handang manyakin ka.” naiiling na sabi ko sa kanya. Nakita ng sulok ng mga mata ko na napangiti si Pukay, kunwari ay hindi ko nakita at busy ako sa pag-aayos ng unan saka ko siya tinabihan. Huminto sa pagnguya si Pukay at lumingon sa akin. “Ang dami daming babae na nagkakandarapa sayo, bakit ba laging ako ang pinupuntirya mo? Nagkakaubusan ng ba ng pearl sa dagat at pati itong bloody pearl ko gusto mong matikman?” hindi naman nakatawa si Pukay Seryoso ito habang panguya nguya. Aminin ko kaya sa kanya ang totoo? Na mahal ko siya noon pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD