MAG-ASAWANG SAMPAL

1208 Words
“Aaaahhh! Araaaay ko! Pukay! Pukay!” napasigaw ako sa sakit. Dumugo ang nguso ko nung bitawan ito ni Pukay. Gagawin yatang mince meat ang bibig ko gamit ang mala-gilingan niyang ngipin. Fuck! Ang sakit. Tumulo na nga ang dugo at ang iba ay napunta sa puting suot niyang damit at damit ko. Yakap at karga ko pa rin si Pukay at titig na titig siya sa labi ko na kinagat niya. “Pukay naman, ilang halik lang ‘yun. Saka nabigla lang ako. Bakit mo naman ako kinagat?” nagtatampong tanong ko kay Pukay saka ko dahan dahang binaba ang katawan niya. Wala pa rin itong imik, nung mailapat ang mga paa niya sa sahig, bigla itong kumaripas ng kwarto niya at nag lock. Anong nangyari dun? Siya na nga itong nangagat siya pa may gana magtampo, ganun? Sinalo ko ang tumutulong dugo, ang sakit talaga, tiyak mamamaga ito. Mabuti na lang at nakuha ko na ang deal. Paano pa kaya kapag nalaman ni Pukay na ipapain ko siya sa mga kliyente ko e d mas lalong nagalit sa akin ang Pukay ko. Tama, baka nga na-realize niya na kaya ko siya pinagbihis ng damit babae para sa business deal. O baka naman dahil hinalikan ko siya. Umupo ako sa sofa habang pilit kong tinutuyo ang ayaw maampat na paglabas ng dugo sa nguso ko. Grabe si Pukay, parang bampira na kinagat ang labi ko saka sinipsip ang dugo ko. Ang bilis ng pangyayari. Pero sana sinampal na lang niya ako. Kainis talaga itong si Pukay ko. Pumunta ako sa pantry room, nandoon ang first aid kit. Bumalik ako sa living room upang linisin ang sugat. Buti hindi napunit ang nguso ko. Siguro first time ni Pukay halikan kaya ganun ang reaksyon. Tama! Yes! Ako yata ang first kiss ni Pukay! Oh my god! Huwag niyang sabihin na hindi pa rin siya nakakahalik ng babae kung babae nga ang gusto niya? Hindi ko ramdam ang hapdi at sakit ng sugat ko sa labi kapag naiisip ko na ako ang unang halik ni Pukay. Shit, ‘pag nagkataon, ako yata talaga ang first time ni Pukay, yes! Naghahanda pa lamang ako ng betadine sa bulak nang biglang magbukas ang pinto ng kwarto ni Pukay. Lumuwa ang sigang babae na umuusok pa rin ang ilong na parang toro sa galit at nanlilisik ang mga mata na lumapit sa akin. Tumayo siya sa harap ko at hindi kumukurap habang nakatitig sa labi ko. PAK! PAK! Ouch! f**k! Hindi ko inaasahan ‘yun. Malakas at mag-asawang sampal ang ginawad sa akin ni Pukay. “Aray…Pukay…ano na naman ang nagawa kong kasalanan?” Taas baba ang mga mata ko sa loose T shirt niya at maong na six pocket shorts. “Kulang pa yan, Watson! Akala mo makakaisa ka sa akin ha. Akin na ‘yang bulak!” galit na sabi ni Pukay sabay agaw sa akin ng bote ng betadine saka sumalampak sa couch. Awang ang bibig ko habang nakatingin lang sa magandang mukha ni Pukay. Ang nunal niya sa ibabaw ng labi ay mas lalong nakakaakit kapag malapitan, ang mapupula at manipis na labi. Magandang mata at tamang kulay ng balat. Walang tapon, walang tulak kabigin ang isang tulad ni Pukay. Paanong hindi ako tinitigasan sa kanya e kapag ganito ba naman kaganda ang nurse ko e kahit araw araw na lang niya akong kagatin sa labi. “Hoy! Sa susunod ‘yang bungo mo ang babasagin ko. May iniisip ka naman?” singhal nito sa akin, pinitik pa ang noo ko. “Sorry na kasi, nabigla lang talaga ako. Hindi ko iyon sinasadya. Promise, I swear to God and hope to die.” sabi ko, totoo naman. Hindi ko lang alam kung paano iha-handle kanina ang labis na tuwa. Kung jowa ko nga lang siya kanina ko pa siya biniyak at nakailang round na kami bilang selebrasyon. Aba, big time iyon at isang achievement ang magkaroon ng investor sa business ah. Alam ko naman na hindi nauunawaan ni Pukay iyon pero ipapaunawa ko rin sa kanya ang tungkol sa klase ng business ko. Sa ngayon, ayaw ko siyang ma-pressure sa trabaho. Gusto kong i-enjoy niya lang ang buhay habang nagtatrabaho sa akin bilang alalay. Tamang taga laba ng damit ko at taga-linis ng kaunti. Libre naman siya sa bahay ko. Pag-aari namin ang ospital na pinag-admit-an ni Lola Embang niya. Kaya lang ayaw kong sabihin sa kanya ang totoo. Alam kong mas lalong nakakaramdam ng pagkaasiwa si Pukay. Totoong nabasag niya ang base na antik at hindi niya iyon kayang bayaran. Pero okay lang naman kung hindi niya babayaran. Ginawa ko na lang rason ang lahat para mas lalo akong mapalapit kay Pukay. Kilala si Pukay ng mga magulang ko, maging sina Lolo at Lola pero hindi nila alam na ginawa ko itong alalay. Nakakalungkot lang din na hindi pala nakapagtapos ng pag-aaral si Pukay ko pero di bale na tuturuan ko siya ng tamang etiquette para kung sakaling haharap kami sa parents ko, kahit paano, elegante si Pukay panigurado kapag nabihisan at naayusan ng maayos. “Nagsasabi ka ba talaga ng totoo ha? Nakaw ka kasi ng nakaw ng halik, may pakarga karga ka pang nalalaman, nahihilo ako, tanga ka ba? Bakit mo ginawa ‘yun, jowa mo ba ako? Hinahayaan na nga lang kita sa kamanyakan mo pero ung halik ko, nirereserba ko yung sa babaeng mamahalin ako ng tapat.” may himig ng tampo ang boses ni Pukay. Na guilty at naawa naman ako kay Pukay at the same time nalungkot para sa sarili ko. Hindi pala talaga nakalaan para sa akin ang halik niya. Ang swerte naman ng babaeng mamahalin at magmamahal kay Pukay. Sana babae na lang ako. What the f**k? No! Dapat si Pukay ang magtino at maging tunay na babae. Jesus! Siya dapat ang lumugar sa tama. Manyak ako, oo pero totoong lalaki na ako. Siya, pakiramdam niya lang ‘yun na lalaki siya at trip niya ang babae pero I am sure, may hint at chance na matatama ko pa si Pukay. Hay, ano kaya ang dapat kong gawin. Biglang naging maaliwalas ang mukha ko. Tama, sasanayin ko si Pukay magsuot ng pambabaeng damit. Baka kulang lang sa makeover si Pukay. “Alam mo, Pukay? Ang ganda mo kaya kaso hindi ko alam bakit maganda rin ang gusto mo. Kahit ganito ako sayo, ako na ang nagsasabi sayo, deserve mo ang gwapong lalaki na tulad ko. Inuulit ko, gwapo, gwapo. Hindi sayo bagay ang maganda kasi napakaganda mo na Pukay.” “Tigilan mo nga ako, Watson. Umay na ako sa kagwapuhan mo. Saka isa pa, pakialam mo ba? Trip ko ang babae, wala ka ng magagawa. Taas mo baba mo bago pa kita.masapak ng isa ulit.” seryoso si Pukay sa pagkakataong ito. “Sorry na ha, bati na tayo.” ulit ko sa kanya. Dahil seryoso si Pukay lalo siyang gumaganda sa paningin ko. “Ako na lang jowain mo, pwede?” bigla kong sambit. “Ugh! Aray! Ano na naman ba?” Isang malakas na suntok sa tiyan ang naramdaman ko. Bwesit talaga itong si Pukay. Mapanakit! “Hindi ko talaga gusto ang tabas ng bibig mo kaya kung ayaw mong mamaga buong katawan mo, manahimik ka!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD