ANG kinis ng tiyan at puson ni Pukay, parang natutukso akong hawakan o haplusin man lang. “Bago ang brief mo?” kunwari ay usisa ko habang inaayos ang mga braso ko sa aking ulo. “Oo nga, napansin mo pala. Tatlo sandaan ‘to sa palengke. Ang mura lang, pero ang ganda ng quality, ‘di ba? Magpapabili ka ba?” pagmamayabang ni Pukay sa bago niyang brief. Inalok pa ako. Ang cute talaga ng Pukay ko. Nahinto sa pagnguya si Pukay at napangiwi bigla nang maramdaman na naman ang hilab sa kaniyang puson. Malakas siguro ang regla ngayon ni Pukay. “Watson . . . ang sakit . . .” Biglang binitiwan ni Pukay ang Tootsie Roll na hawak saka yumakap sa akin. Ito ang dahilan kung bakit lalong nahuhulog ang loob ko kay Pukay. Walang arte at napaka-honest. Natural ang kilos, ako na lang ang awkward ang feeling